webnovel

CHAPTER 3

Habang bumabyahe papuntang Venice ay nag usap-usap na ang magkakaibigan na tawagan na ni Jacob si Mitch para malaman na nila ang coordinates nila Gail para mapadali ang paghahanap nila.

'On call'

"Hello? Mitch?" Medyo kalmadong sabi ni Jacob.

'Oh bakit payat?' sagot naman ni mitch sa kabilang linya.

"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa iyo to" kinakabahang sabi ni Jacob.

'Na ano? na mahal na mahal mo si paolyn? Alam ko na yun' natatawang sabi ni mitch.

"Oo alam mo na yun pero hindi yun eh" sagot naman ni jacob.

'Oh edi ano? Panget, I only have 30 minutes because I have work so spill it out' sagot ni mitch.

"N-nawawala s-si gail, paolyn at geinny" kabadong saad ni Jacob.

'Nawawala lang pal-- WHAT?!! ANONG NAWAWALA!?' Pasigaw na sabi ni mitch.

"We're not sure if gail's abducted or just loss can you find her for us? But we're sure na na-abduct sila Paolyn at Geinny, please find them and don't tell it to others even Yasmin please, promise me" nagmamakaawang sabi ni jacob.

'I will not promise anything but I'll do my best to find them ASAP.' sabi ni mitch sabay baba ng tawag.

Lahat ng nakakarinig ay napa buntong hininga sa sasakyan nang dahil sa mga narinig nila.

"Paano na to?" Kabadong sabi ni Ken.

"We're here." sabi ng kanina pang tahimik na si Nathan.

Napatingin ang lahat sa labas, nakita ang sign na nasa Venice na ang magbabarkada.

Kung normal lang siguro ang nangyari sa kanila kanina ay baka nagsasaya lang sila ngayon kaya di nila maiwasang isipin ang nakakalungkot na nangyari sa kanilang mga kaibigan

Mina-obra ni Nathan ang sasakyan papunta sa hotel na kanilang tutuluyan. Nagtataka ang magbabarkada kung bakit wala masyadong katao-tao lalo na't dis oras pa lamang ng hapon

"Parang Ghost Town" natatakot na sabi ni Cindy habang nakakapit sa braso ni Lei.

"Anong nangyari dito?" Natatakot na sabi ni Erika habang tinitingnan ang tinatahak na daan ng kanilang sasakyan.

Huminto ang kanilang sasakyan para si Ken naman ang mag da-drive ng sasakyan para makapagpahinga si Nathan. Nang makalipat ay nagsimula na ulit maglakbay ang mag kakaibigan.

Malapit na sila sa hotel ng mamataan ni Ken ang isang lalaki na naglalakad sa kalsada kaya't binusinahan niya ito kaya nagising ang lahat sa pagpapahinga.

"Ano yun Ken?" Nagtatakang sabi ni John at tinatangkang sumilip sa harapan.

"Tumingin kayo sa harap natin may lalaki oh" turo ni Ken sa lalaking nasa gitna ng daan na nagsisilbing harang mula sa kanila at sa malapit ng hotel na kanilang tutulugan nagsitinginan naman ang lahat at nagulat sila dahil totoo nga.

"Businahan mo Ken, I'm fuckin' tired physically and mentally at sumasakit na din ang ulo ko." napipikon na sabi ni Jonathan habang pinipikit ang mata ngunit napadilat siya ng sabihin ni Ken na ayaw nitong umalis.

Si Jaymar naman na nasa likuran ni Nathan ay lumapit pa upang makita ang lalaking nakaharang sa kalsada.

"Ayaw niyang umalis pre" nagtatakang sabi ni Ken habang binubusinahan ang lalaki

"He is Geinny's ex-boyfriend right? What was his name? Sabi ni Jaymar

"Si Max" maikling sabi ni Ken

"Wait duguan ba siya?" Sabi ni Lei

Nakita nila kung paano kumalat ang dugo sa damit ni Max ng bigla itong maglakad paabante sa kanilang sasakyan, napatili si cindy at erika ng makita ang dugo na umaagos sa leeg ni Max.

"Pre bilis bilis!! Iatras mo bilis!" Natatarantang sabi ni John ng makitang tumatakbo na patungo sa kanila si Max.

Dali daling minaobra paatras ni Ken ang sasakyan at pinaatras ito ng sobrang bilis,wala na silang pakialam kung may mabangga na sila, habang paatras ang kanilang sasakyan ay napatingin si Nathan at Erika sa harap at napasigaw sa takot ng biglang dumami ang sumusunod sa likod ni Max na kanina lang ay nag iisa lang.

"Bilisan mo pa! pre! jusmiyo marimar di pa kami kinakasal ni paolyn at di pa natin sila nahahanap! gusto ko pang mabuhay!!" Sigaw ni Jacob habang nakakapit ng mahigpit sa bag niya.

"ULOL!!!" sabay sabay na sigaw nilang lahat kahit si cindy at erika ay napatingin ng masama kay jacob.

"The fuckkkk bilisan mo paaaaa!!" Sabi bigla ni jaymar ng mapansin niyang medyo lumalapit na si max at ang mga kasama nitong duguan at distorted ang mukha.

"Oo, eto na!!" Sigaw ni ken pinabilis ang pag maniobra ng sasakyan. Nang makakuha ng tiyempo ay pina U-turn ni Ken ang sasakyan at nagsi liko liko sa mga daan ng Venice.

Hindi napansin ng magbabarkada na wala na ang mga sumusunod sa kanila, habang mabilis na pinapaandar ni Ken ang sasakyan ay naghanap ng ibang ruta si jacob para makarating sa hotel, nang makahanap ay sinabi niya ito kay ken at doon nila napansin na wala na ang mga sumusunod sa kanila.

"Don't let your guards down, baka nandiyan padin ang mga weirdo na yun." kinakabahang sabi ni Lei.

"Oo nga baka mamaya inaabangan lang tayo" takot na sabi ni Cindy habang nakayakap sa sarili.

"Kumalma muna kayo at magdasal na lang tayo na sana ay di na natin sila makasalubong muli" seryosong sabi ni John.

Sabay-sabay na yinuko at ipinikit ng lahat ang kanilang ulo at mata maliban kay ken na nagmamaneho at nagdasal ng tahimik, nang matapos ay nakita nila ang mga bukas ng ilaw sa hotel na dapat ay tutuluyan nila kaya nagkaroon sila ng pag-asa na baka ay may tao sa loob.

Ang hotel na yon ang dapat na magsisilbi nilang tuluyan habang naka vacation leave sila dahil Filipino din ang may-ari ng hotel at mas komportable silang makakagalaw doon.

Ngunit hindi sila makakapasok agad kaya nagtago muna sila sa isang malaking puno at nag stay sa loob ng sasakyan hanggang sa gumabi, umaasang umalis ang mga weird species na nandoon sa hotel nakapalibot

KINAGABIHAN, pagka park ng sasakyan ay lahat sila ay tahimik lamang na pinakikinggan kung may weirdo na susugod sa sasakyan nila ng masiguro na tahimik ang paligid ay dali dali silang bumaba at tumakbo sa may fire exit sa likod ng hotel pero halos mawalan ng ulirat sila cindy ng malaman nilang lock ang pinto ng fire exit kaya kinalampag nila ito ng di gaanong kalakasan dahil baka marinig sila ng mga weird species na naingkwentro nila kanina.

"Tao po, may tao po ba diyan tao po kami" kumakatok na mahina ni Lei ngunit medyo malakas ang kanyang boses habang si cindy at erika ay nasa likod niya at sila jaymar ay nakapalibot sa kanilang tatlo medyo nilakasan ni Lei ang pagkatok ng biglang bumukas ang pinto

"Bilis! pasok, pasok!" sabi ng isang babae at hinatak papasok si cindy at erika habang mabilis naman na sumunod sila Lei at ang iba pa.

"Phew! Buti na lang wala pa yung mga 'holocaust' ng kumatok kayo" sabi ng babae habang sinasarado ng maigi ang pinto ng fire exit

"A-ano? H-holocaust t-tawag s-sa m-mga yon?" Nauutal na sabi ni Erika na napahawak sa braso ni John dahil sa sobrang kaba

"Oo, Holocaust ang tawag sa kanila dahil iyon ang virus na pumasok sa katawan nila ng kinagat sila" sabi ng babae habang inaayos ang kaniyang buhok

"Teka t-teka so you're saying na this is going to be an epedemic!?" Nagtataka na sabi ni Ken.

"well, it's just in Venice for now right?" Dugtong ni Nathan.

"Oo at hindi lang sa Venice patuloy pa itong kumakalat sa ibang parte ng italya at kumakalat na din sa ibang bansa" nalulungkot na sagot ng babae sa tanong ng dalawa.

"Thank you for saving us what's your name?" sabi ni Cindy habang hinahawakan ang kamay ng babae.

"I'm Selena, it's not nice to meet you here in the middle of an almost epedemic country" malungkot na sabi ng babae.

"Selena gaano na kayo katagal dito?" sabi ni jacob habang tinitingnan ang mg guest na natitira na lamang na ligtas.

"A month ago or so?" Sabi ni Selena.

"Paano ang pagkain niyo dito?" Nagtatakang sabi ni jaymar.

"Well we have stocks here at kapag nauubusan ay nakikipagsapalaran kami sa laba--- yung kasama niyo!" Sigaw bigla ni Selena sa kalagitnaan ng kanyang pag sasalita.

Nagsilingunan at nahintakutan ang magkakaibigan ng makita ang namumutla at nakahiga na sa sahig na si Nathan.

"Nath!"

"Pre!"

"Boi!"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

AN:

Ano kayang nangyari kay nathan?

Makakaalis pa kaya sila sa lugar na iyon?

Enjoy STAY TUNE :)