Pagkarating ni Jace sa opisina ni Clary, natagpuan niya itong nakasubsob sa kanyang mesa.
"Clary..." ani ni Jace
Bumangon sa pagkakasubsob si Clary at tatakbong umakap kay Jace.
"Jace!" Tugon ni Clary
Inakap ni Jace si Clary. Umakap naman sa kanya ng mahigpit si Clary. Naramdaman ni Jace ang bigat at takot na dala-dala ni Clary.
"Sssshhh... andito na ako Clary..." ani ni Jace
Laking pasasalamat naman ni Lea sa pagdating ni Jace, kahit papaano ay may aalalay na sa kanyang boss. Nagpasya na si Lea na lumabas ng opisana upang mabigyan ng pagkakataon na makapag-usap ang dalawa.
Iniupo ni Jace si Clary at kumuha siya ng tubig. Pagkatapos painumin ng tubig si Clary ay unti-unti na siyang nagtanong.
"Ano ba ang nangyari? Gusto mo bang pag-usapan natin?" Ani ni Jace
"Ang sakit sakit! Dito sa puso ko! Lahat bumalik ng makita ko siya! Ang sakit..." tugon ni Clary
Mariing itinuro ni Clary ang kanyang puso.
"Tama na yan.... pinapahirapan mo lang ang sarili mo. Matatag ka Clary at alam kong malalampasan mo yan." Ani ni Jace
Hinawakan ni Jace ang mga kamay ni Clary at inakbayan ito. Nakahilig naman ang ulo ni Clary sa balikat ni Jace.
"Hindi ko alam yung gagawin ko... akala ko kaya ko na.. akala ko malakas na ako.. hindi pa pala.." tugon ni Jace
Sa puntong iyon, nagkaroon ng pagkakataon si Clary na idetalye kay Jace ang kanyang nakaraan. Matapos malaman ito ni Jace, napatayo ito at napamura.
"Fuck! Ginawa niya yun!" Ani ni Jace
Tumango si Clary.
"Huwag ko lang siyang makikita! Makakahanap siya ng katapat!" Dagdag pa ni Jace.
Tumayo si Clary at lumapit kay Jace.
"Ok na ako.... salamat Jace."ani ni Clary
"Sigurado ka? Hindi ako aalis hanggang hindi ka ok." Tugon ni Jace
"Oo ok na ako... pwede ka ng umalis baka naabala na kita." Ani ni Clary
Batid sa mukha ni Clary ang lungkot. Kaya naman hindi magawang iwan ni Jace si Clary.
"No! Dito lang ako... wala naman akong gagawin pa." Ani ni Jace
Nagtungo si Clary sa kanyang computer at nagsimulang magtrabaho. Hindi siya makapag concentrate sa kanyang ginagawa, kaya niyaya niya si Jace lumabas.
"Jace... may alam ka ba na pwedeng puntahan?" Ani ni Clary
"Ha? Tulad ng ano?"tugon ni Jace
"Gusto ko lang maging masaya... maging masayang muli kasama ka." Ani ni Clary
Napaisip bigla si Jace sa nais na ito ni Clary, nagtataka siya kung bakit ganito na lamang ang pagkakasabi nito.
"Gusto mo ba magpunta na lang tayo sa bar?" Ani ni Jace
Nang akmang sasagot si Clary, bigla namang kumatok si Lea.
"Ms. Clary excuse me but you have a meeting in 15 mins." Ani ni Lea
"Ok Lea.. susunod na ako thank you." Tugon ni Clary
Hindi na natuloy ang lakad ng dalawa. Inuna na muna ni Clary ang kanyang kompanya bago pa ang kanyang kasiyahan.
"Sige na Jace umuwi ka na... salamat uli.." ani ni Clary
"Sigurado ka na kaya mo na?" Tugon ni Jace
"Oo kaya ko na diba nga sabi mo matatag ako. Kaya kakayanin ko to." Ani ni Clary
"Good! Sige na aalis na ako" tugon ni Jace
Yumakap ng mahigpit si Clary kay Jace bilang tanda ng kanyang pasasalamat. Nagtungo na si Clary sa conference room, samantala tinungo naman ni Jace si Alec upang linawin ang kanyang nakita.
Pagdating ni Jace sa bahay ni Alec. Nandoon din si Magnus, pumasok na lamang sa isipan ni Jace na totoo nga na bisexual ang kanyang kaibigan.
"Jace! Ano ginagawa mo dito?" Ani ni Alec
"Binibisita ka.. masama ba?" Tugon ni Jace
"Bakit naman hindi ka nagpasabi para naman nakapaghanda ako." Ani ni Alec
"Sus wala iyon! Ikaw talaga ang sadya ko.. gusto ko lang ng kausap." Tugon ni Jace
Narinig ito ni Magnus kaya naman sumingit siya sa usapan ng dalawa.
"Sige na mag-usap na kayo. Sa kwarto na muna ako." Ani ni Magnus
"Sure ka ok lang sayo? Pwede ka namang sumama sa usapan namin." Tugon ni Jace
"Ok lang sa kanya. Maunawain naman si Magnus. Sige na upo ka na jan sa terasa at kukuha lang ako ng maiinom." Ani ni Alec
Nagtungo si Alec sa kusina upang kumuha ng beer. Pagbalik niya sa terasa ay kaagad siyang kinutusan ni Jace.
"Aray!!!" Ani ni Alec
"Ano yun? Sino siya?" Tugon ni Jace
"Boyfriend ko nga.. bakit ba hindi ka naniniwala." Ani ni Alec
"You mean?? Ano ka?? Yang ano???" Tugon ni Jace
Hindi maturan ni Jace ang nais niyang sabihin kaya naman si Alec na ang nagtuloy.
"Oo bakla ako. Sorry kung naglihim ako sayo. Sorry kung nagpakalalaki ako sa harap mo. Ang totoo niyan gusto kita. Kaso alam ko straight ka kaya hindi ko na ipinagpilitan pa ang sarili ko." Ani ni Alec
"Kailan pa? Kailan Ka pa ganyan?" Tugon ni Jace
"Simula ng makilala kita." Ani ni Alec
Nagulat si Jace sa inaming ito ni Alec. Subalit hindi naman siya nailang sa kung ano ang meron sa kanila ni Alec. Nanatili pa din sa kanya ang pagiging kaibigan ni Alec kahit pa anong kasarian nito.
"Sorry.. pero sana masaya ka.. basta tandaan mo kahit ano ka pa andito pa din ako para sayo. Walang magbabago." Ani ni Jace
"Salamat Jace.. tunay talaga kitang kaibigan. Pwede ba akong magtanong?" Tugon ni Alec
Dahil naguguluhan si Alec ng makita niya sina Cassandra at Jace sa restaurant kaya naman minabuti na niyang itanong ito kay Jace.
"Sure ano ba iyon?" Ani ni Jace
"Anong meron sa inyo ni Cassandra?" Tugon ni Alec
"Wala pa.. nagpaalam pa lamang ako na liligawan ko siya. So far pumayag naman si Cassandra." Ani ni Jace
Bigla namang pumasok sa kanyang isipan si Clary.
"Teka paano si Clary?" Ani ni Alec
Napahinto si Jace sa pag-inum ng beer. Hindi niya kaagad masagot ang katanungan ni Alec. Kaya naman muling inulit ni Alec ang tanong niya kay Jace.
"Jace paano si Clary?" Ani ni Alec
"Magkaibigan kami ni Clary. Magkaibigan kami kaso...." tugon ni Jace
"Kaso ano?? Jace! Don't tell me may nangyari sa inyong dalawa!" Ani ni Alec
Napatungo at saka tumango si Jace. Nagalit naman si Alec sa ginawang ito ni Jace
"What the heck Jace! Kaibigan tapos kinangkang mo!" Ani ni Alec
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Like it ? Add to library!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.