webnovel

Chapter 6. “Beat of a Frozen Heart

Chapter 6. "Beat of a Frozen Heart

Abrylle's POV

Nakahiga ako sa kama at nakatulala lang sa kisame pag-uwi ko galing eskwela. Inaalala muli ang mga panahon nabubuhay pa si Mommy. Pero sa likod ng masasayang alaala namin ng aking ina, ay sasagi sa muli sa isip ko ang isang mapait na katotohanan. Hindi ko siya mapapatawad. Hindi ko alam, pero biglang lumabas ang imahe ng bago kong kaklase sa aking isipan. Inaalala ko lamang ang mukha ng babaeng 'yon. Nang biglang may kumatok sa pinto.

*knock-knock*

Napabangon ako sa pagkakahiga at napatingin sa pinto ng may kumatok rito. Tumayo ako para pagbuksan ito.

"Young Master, ipinatatawag po kayo ng inyong Daddy sa kanyang study." Sabi ng isa naming kasambahay. Nanatili akong tahimik at sinara ko ang pinto ng wala man kahit akong kasagutan.

*knock-knock*

Muling may kumatok sa pinto hindi pa man ako nakakaalis dito. Binuksan ko ito at siya na naman ang nasa tapat ng pinto ko.

"Young Master, ipinatatawag po kayo ng inyong Daddy sa kanyang study." Ulit nito sa akin.

"Susunod ako." Maikli kong sagot dito at tsaka ko sinara ang pinto.

*knock-knock*

Isa na namang katok ang narinig ko sa pinto paalis pa lamang ako para magpalit ng damit. Sa inis ko, binuksan ko ito.

"Sabi ko susunod ako!" sigaw ko sa babaeng nakatayo sa tapat ng pinto.

"Young Master, sabi ng inyong Daddy, wag po akong aalis dito kung hindi ko kayo kasamang pupunta sa kanya." Pagpapaliwanag ng babae.

Nasapo ko na lamang ang aking noo at walang indang lumabas ng kwarto ng mabilisan.

Bwisit! Ang hilig niya talagang isali sa gulo ang mga walang malay na tao. Nasabi ko sa aking isip habang madiin na naglalakad at nakakuyom ang mga kamao.

Nakarating ako sa tapat ng pinto ng study niya. Kumatok ang kasambahay namin.

"Sino 'yan?" narinig kong sigaw nito mula sa loob ng kanyang study.

"Master, narito na po siya." Sagot ng kasambahay namin sa kanya. Kahit kailan, napaka-diktador talaga ng boses niya.

"Papasukin mo." Utos nito.

Binuksan ng kasambahay namin ang pinto ng kanyang study. Nakatayo ako at nakayuko habang nakakuyom pa rin ang mga kamao sa gilid ng aking katawan.

"Pumasok na po kayo Young Master." Sabi sa akin ng aming kasambahay.

Humakbang na ako papasok sa loob ng study niya. At sinara ng kasambahay namin ang pinto ng study. Narito na naman ako sa lugar niya. Ano naman ang sasabihin ng isang 'to? Ano na naman ang gusto niyang mangyari?

Nang makalapit ako sa kangyang mesa. Sinabi nitong umupo ako. Pero sinabi kong tatayo na lamang ako. Inutusan ako nitong tumingin sa kanya. Tumingala ako at nagtama an gaming mga mata.

"Hindi ka pa rin nagtatandang bata ka." Kalmado nitong pagkakasabi sa akin. "Hindi ka raw, gumagawa ng kahit anong gawain sa eskwelahan? Totoo ba ito?" tumango ako sa tanong nito bilang sagot. Blanko lamang ang aking mukha. Manhid na sa mga pinaggagagawa niya.

"Hay nako, narito na naman ba tayo Abrylle?" naging matalim ang tingin nito sa akin. Tumayo ito mula sa kanyang upuan at tumingin sa labas ng bintana sa likod ng niya. "Nagkakaganyan ka pa rin ba dahil doon?" Tahimik lamang ako at nakamasid sa kawalan. "Hindi mo pa rin ba matanggap ang katotohanan?" Humarap ito sa akin. "Pwes, 'yon ang totoo anak."

"Wag mo akong tawaging anak." Mariin kong sabi rito. Nakita kong nagulat ito sa sinabi ko.

"Hahahaha. Iba ka rin talaga ano? Ikaw na ang pinalaki ko at pinatira, pinag-aral! Pinalamon! Ikaw pa ang may ganang maging matapang sa harap ko?" ngayon ay galit na ito. "Kung hindi dahil kay Celeste—"

"Wag mong idamay ang tahimik na pangalan ng aking ina." Pagputol ko sa sermon nito.

"Ano? Ina? Hahaha. Hangal ka!" lumapit ito sa akin at gamit ang likod ng palad nito, ay sinampal ako ng malakas. "Wala kang galang! Lumayas ka! Kung gusto mo sumunod ka na kay Celeste! Layas!" sigaw nito sa harap ko.

Lumabas na ako sa loob ng study niya. Nagpipigil ng galit at naiiyak sa pinagsasabi niya. Wala siyang puso. Hayop siya. Hindi siya tao. Isa siyang demonyo.

Hindi ko namalayan na, lumuluha na pala ako. Lumuluha ako hindi dahil sa pagkakasampal nito sa akin. Lumuluha ang aking mga mata dahil sa mapait na alalang sumasagi sa isipan ko. Kahit anong pilit kong kalimutan ang masakit na ginawa ng katotohanan sa akin. Hindi ko na lamang basta ito maiisang-bahala.

Tumakbo ako palabas ng bahay. Palabas ng gate. Hindi ko tinitignan kong saan ako pupunta. Habang tumatakbo ako, kusang inaalala ng utak ko ang mga nangyari noon. Kung paano ako na-kidnapped. Kung paano ako iniligtas ng Mommy ko. At kung paano siya nawala nang dahil sa akin. At kung paano na lamang kami isa walang bahala ng demonyong iyon dahil lamang doon.

Huminto ako sa pagtakbo at mabagal na naglakad nang makarating ako sa tulay. Nakatulala lang sa papalubog na araw habang patuloy na umaagos ang luha sa aking mata. Wala akong pakialam sa mga nakakakita sa aking umiiyak. Ang alam ko lang, labis akong nalulungkot sa kalagayan ko.

Huminto ako nang makarating ako sa gitna ng tulay. Natingin langa ko sa paglubog ng araw habang nakayuko at nakahawak sa railings ng tulay.

Tama na, gusto ko nang sumama sayo Mommy. Ayoko nang mabuhay.

Ang mga sunod ko na lamang na naalala. Ay tumalon ako sa tulay at bumulusok sa ilog.

Habang nasa ilalim na ako ng ilog. Parang may naririnig akong boses. At hindi ako maaaring magkamali. Boses iyon ng aking Mommy. Tinatawag nito ang pangalan ko. Pero tuluyan na akong nawalan ng malay.

"Gising Abrylle. Gising!"

Akala ko nasa langit na ako. Tinatawag na ako ng Mommy ko. Pero, nang imulat ko ang mga mata ko. Nadismaya ako sa nakita ko. Siya yung bago kong kaklase, pero anong ginagawa niya rito.

"Buhay ka na!" masayang sabi nito sa akin. Pero tinulak ko lang ito at sinigawan.

"Hey! Stay away! Why'd you save me?" tanong ko rito. Natahimik naman ito habang tinitignan ko ng masama. Napansin kong basang-basa siya. Pumasok sa isip ko ang ginawa nito. "Answer me!" pero tinanong ko ulit ito.

"Kahit naman sinong tao at makikita ang ginawa mo. Ililigtas ka." Marahang sagot nito sa akin. Napansin ko rin ang panginginig ng boses niya.

"Then I'm not asking for you help! Damn it!" napatingin ako saglit sa mukha nito, at agad na tumayo at naglakad paalis.

"Sandali!" narinig kong pagtawag nito sa akin. Pero hindi ko na ito pinansin.

Umuwi na lamang ako sa bahay. Pag-uwi ko, nakita ako agad ni Manang Amy sa gate.

"Nariyan na pala kayo Young Master, hay nako, jusmiyo, kanina pa ako nag-aalala sa inyo Young Master." Bungad nito sa akin pagpasok ko sa gate. Nabigla ito ng makita akong basang-basa. "Jusme! Anong nangyari sa inyo? Bakit basang-basa po kayo?" tanong nito sa akin. Pero hindi ko ito sinagot. "Hay naku, tara na at pumasok, baka magkasakit ka pa. Huwag ka ng mag-alala, dahil umalis na ang Daddy mo. May business trip pala sila sa Canada ngayong gabi. Hindi nagsabi sa akin kung kailan ang balik."

Narinig ko ang sinabi ni Manang Amy, pero hindi ko na pinansin at pumasok na lamang sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto. Pagdating sa kwarto, nagbihis lang ako ng damit at nahiga na sa kama. Habang nakahiga ako, biglang sumagi sa isip ko ang nangyari kanina.

"Kahit naman sinong tao at makikita ang ginawa mo. Ililigtas ka."

Naalala ko ang sinabi ng babaeng 'yon kanina. Katulad ng sinabi ni Mommy noong iligtas niya ako.

*Flashback*

Dinala ako ng mga kidnapper sa isang lumang factory. At kailangan ng 2 million ransom para maligtas ako. Pero walang dumadating na tulong mula sa kanya noon. Nang mga panahong ring 'yon nabulgar ang totoo kong pagkatao. Iyak lang ako noon ng iyak. Nagdarasal sa isip ko na sana may magligtas sa akin.

"Bata, mukha yatang di na darating ang mga magulang mo! Anak k aba talaga nila?" sigaw sa akin ng isa sa mga kidnapper. Hindi na ako sumagot at iyak lang ako ng iyak noon.

Sumapit ang hating gabi. At wala pa ring tulong na dumarating sa akin. Maski pulis ko kahit na isa sa mga magulang ko. Pero laking gulat ko ng biglang dumating si Mommy.

"Ssshh…wag kang maingay." Nakikita ko ang tapang at pag-aalala ni Mommy sa akin ng mga oras na 'yon. Nabuhayan ako ng loob ng mga oras a iyon.

Pinakawalan ako ni Mommy at tahimik kaming tumakas. Pero nang makalabas kami sa lumang factory.

"NATAKAS ANG BATA!" sigaw ng isa sa mga kidnapper. Nataranta kami ni Mommy kaya tumakbo kami ng mabilis.

Pero sa kakatakbo namin. Natapilok si Mommy at hindi niya kinaya pang tumayo. Pinilit ko siyang tulungan, pinilit kong buhatin si Mommy pero ano ba ang magagawa ng isang limang taong paslit na tulad ko.

Iyak ako ng iyak habang si Mommy naman ay namimilipit sa sakit.

"Anak, sige na. Mauna ka na. Wag mo na hintayin si Mommy." Naiiyak na sabi sa akin ni Mommy. Habang nakahandusay sa lupa. Nakaluhod naman ako rito at hawak ng mahigpit ang kamay niya.

"Hindi! Hindi po kita iiwan Mommy." Pagpupumilit ko dito kasabay ng sunod-sunod na pagbagsak ng luha ko.

"Anak, sige na. Padating na sila."

"Bakit?! Bakit mo pa ako niligtas! Bakit?!"

"Anak, kahit naman sinong tao at makikita sa kalagayan mo. Ililigtas ka." Nanglaki ang mata ko sa sinabi ni Mommy. "Mahal na mahal kita anak."

"Hindi! Mommy!"

"Sige na! Umalis ka na!"

Narinig kong padating na ang masasamang taong kumuha sa akin. Sa takot, kaba at nginig ng katawan ko. Naglakad ako palayo kay Mommy na nakahandusay sa lupa. Habang palayo ako sa kinalalagyan niya. Nakita ko pa ang malungkot na ngiti mula sa labi nito.

Paglayo ko dito. Narinig ko na lamang ang isang putok ng baril na siyang tumapos sa buhay ng Mommy ko.

*End of the Flashback*

Sa pag-gunita ko sa nakaraang iyon. Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko. Muli na naman akong umiiyak. Habang buhay kong tatanawin na utang na loob sa Mommy ko ang pangalawang buhay na meron ako ngayon. At habang buhay ko ring isusumpa ang mga hayop na sumira sa buhay ko.

Kinabukasan. Pumasok ako ng maaga sa school. Hindi maganda ang pakiramdam ko kaya naman dumiretso ako sa clinic para doon magpahinga at humingi ng maiinom na gamot. Nahiga muna ako para umidlip.

Nang imulat ko ang mga mata ko. Nakita ko ang siyang nakatingin sa akin. Nagtama ang aming mga mata. Tila bumagal ang oras at umiikot lang ang mundo para sa aming dalawa. Bakit ba natutunaw ang nagyeyelo kong puso tuwing makikita ko ang mata niya?