Prologue
Bata pa lang, namulat na ako sa katotohanang walang tunay na pag-ibig. Ang nararamdaman ng isang tao tungo sa kapareha ay isang malakas na atraksyon lamang.
Maaga akong nailantad sa isang uri ng nakakalasong pag-iibigan. Pag-iibigang nakikita ko kina Mama at Papa araw-araw. Ang sabi nila sa akin ay mahal nila ang isa't isa kaya sila nauwi sa kasalan.
I thought that it was so romantic. I thought that it was a good thing to fall in love. But how can they be so sure about their feelings towards each other? Is it that genuine?
I tried to ask them about it, they answered that the right time will come and that's when I'll know. Napaisip ako sa bagay na iyon. Paano ba dumarating ang tamang oras? Kailangan mo ba talagang maghintay pa? Sa paanong paraan mo masasabing iyon na ang tamang oras para sa inyong dalawa?
In the end, it didn't answer all of the questions roaming in my mind. It was still a big question to me. I am still a child that is foolish and clueless. Hindi ko pa rin maintindihan ang pag-ibig. Pero normal lamang daw iyon dahil bata pa ako. Kapag malaki na ako ay malalaman ko din daw 'yon.
Hindi man na ako nagtanong, palaisipan pa rin ang bagay na ito sa akin. Oo nga at bata pa ako ng mga oras na 'yon. Pero ang isip ko ay hindi mapakali at gustong malaman ang mga bagay-bagay na gumugulo dito. Sa huli, hindi ko na lang rin ito pinagtuunan ng pansin. Dahil sabi nga, mag-aral muna bago ang lahat.
Nagpatuloy ang buhay. Masaya, maginhawa at marangya. Ito ang pamilyang pinapangarap ng lahat ng bata sa mundo. Maligayang-maligaya ako ng mga oras na 'yon. Wala na akong mahihiling pa kung hindi ang maging ganito na lang sana kami.
Pero sandali lang pala ang lahat. Ninakaw ng isang pangyayari ang maliligayang araw ko kasama ang pamilya ko.
Para akong pinagkaitan ng langit. Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng tao sa mundo, ako pa? Wala naman akong ginawang masama. Naging mabait na anak naman ako.
Pero bakit?
Si Papa. May kabit.
May kabit si Papa.
Noong una, hindi ako naniniwala. Anong alam ko sa bagay na 'yon? Pati si Mama ay ayaw rin maniwala kaya binalewala na lang namin 'yon. Pero naulit na naman. Nababalitaang may kinikita si Papa na isang babaeng kaedad ni Mama. Maganda daw, sexy pero isang pokpok.
Pokpok? Hindi ko alam kung bakit iyon ang tawag sa kanya. Kaya tinanong ko si Mama kung ano ang ibig sabihin niyon.
Babaeng mababa ang lipad. Ginagamit ang katawan at ganda para kumita ng pera.
Slowly, anger creeped in my heart. I don't know for what reason. Or maybe I know, I am just being in denial. I know Papa loves us. He loves Mama more than anything. He showed it in his actions and I've seen it. He has so much affection towards my mother. I know he can't do it.
Naaawa ako kay Mama dahil pilit niyang binabalewala ang mga tsismis. Pilit niyang iniintindi si Papa. Ang sabi sakin ni Mama ay huwag na huwag paniniwalaan ang tsismis dahil kahit may posibilidad na totoo man iyon, malaki rin ang posibilidad na gawa-gawa lamang iyon upang makasira ng buhay ng isang tao.
Posibilidad.
Si Mama na rin ang nagsabi. May posibilidad na totoo nga. May mga mata at bibig ang mga tao. Maaaring sinasabi lang nila ang kanilang nakikita.
Pilit ko itong inalis sa isip ko. Ayaw kong pag-isipan ng masama si Papa. Mahal ko siya kaya dapat ko munang marinig ang panig niya. Sabihin niya lang na hindi totoo ang lahat ng masamang bagay patungkol sa kanya, paniniwalaan ko.
Kaya kinausap ko si Papa isang araw. Nakadama ako ng kaginhawaan nang itinanggi niya ang mga bagay na iyon. Sabi pa niya'y huwag daw akong maniniwala sa mga sabi-sabi. Sinisiraan lang daw nila si Papa.
Naging masaya ako dahil dun. Sinabi ko rin kay Mama kung anong napag-usapan namin ni Papa at nasilayan ko ulit ang napakagandang ngiti ni Mama na namana ko.
Isang araw, pagkatapos ng klase ay maaga akong umuwi.
Sinalubong ako ng amoy ng nasusunog na sinaing kaya napatakbo ako sa kusina para tignan iyon. Dali-dali kong pinatay ang stove at hinarap si Mama. Bigla akong nanlumo. Nakaupo si Mama sa dining table, tulala at mugto ang mga mata. Hilam sa mga luha ang magandang mukha ng aking ina.
Anong nangyari? Akala ko ayos na ang lahat. May masamang kutob ako pero pilit ko itong winawaksi.
Nang nakauwi si Papa kinagabihan, nag-away sila ni Mama. Nagsisigawan. Nagtatalo.
Pinatigil ko sila at umiyak lang si Mama. I thought it would be the end of their fight. Hanggang sa may kinuha si Mama sa kwarto nila at ikinalat niya ito sa sahig, sa harapan ko at ni Papa.
Nanlamig ako, hindi makagalaw at napapako ang paa sa kinatatayuan.
Mga larawan iyon. It was a pictures of Papa with a pretty woman- taken in different places.
Nagalit si Papa at tinanong kung pina-embistigahan ba siya.
It was unreasonable, I thought. Why would he be angry that Mama got him investigated?
Hindi ba dapat ay ipinaliwanag niya muna ang mga nakikita ko, namin ni mama? Ang mga larawang iyon? Hindi ba dapat ay tinatanggi niya iyon? Bakit hindi niya ginagawa? Naghintay ako sa pagtanggi ni Papa pero hindi iyon dumating.
Hindi ko nagawang magsalita dahil sa gulat. Nag-walk out si Papa habang si Mama ay napaupo habang humahagulgol sa harap ko.
I was very disappointed. I thought he was in love with my mother? How could he cheat? Bakit niya ginawa ito?
Hindi na umuwi si Papa mula ng mangyari iyon. At si Mama naman ay depressed na depressed habang ako ay pinipilit maging malakas para sa aming dalawa ni Mama. Nasasaktan din ako pero hindi ko ipinapakita kay Mama iyon. Kailangan niya ako. Kailangan niya ng makakapitan.
Nang sumunod na mga araw, may nagpadala ng mga sulat para kay Papa. Ipinakita ko iyon kay Mama dahil hindi ko naman maintindihan ang laman niyon. At wala rin naman si Papa.
Nabuwal si Mama sa pagkakatayo kaya dinaluhan ko siya. Nagulat na lang ako nang humagulgol siya nang napakalakas. Halos hindi siya makahinga ng mga oras na iyon. Gustong-gusto ko na ring maiyak dahil sa nararamdamang prustrasyon. Hindi ko alam kung bakit nagkaganoon si Mama.
Pinatahan ko siya at nung medyo kumalma na siya ay ipinaliwanag niya sakin ang lahat.
Iniwan kami ni Papa at iniwanan niya rin kami ng malaking pagkakautang. Sa kompanyang pag-aari nina Mama at Papa nakarehistro ang mga utang na iyon kaya hindi alam ni Mama ang gagawin. Lalo pa't hindi na namin makontak si Papa. At isa pa, bakit nagkautang kami? The last time I checked, we're stable.
Paanong nagkaganito? Pinaghirapan ni Mama ang kompanyang iyon, at mawawala na ito nang ganoon na lang?
Saan dinala ni Papa ang pera? Sa mga babae niya ba? Ibinabahay niya ba? Pinapakain? Binibilhan ng mga luho?
Unti-unting namuo ang galit na kailanman ay hindi ko naramdaman. Para iyon sa unang lalaking hinahangaan ko. Siya ang unang lalaki na inidolo ko sa pagiging mapagmahal na asawa at ama. Pero binigo niya lang ako.
Bakit mo nga ba sasabihin na mahal mo ang isang tao kung magloloko ka rin lang sa huli? Kung mang-iiwan ka rin naman? Why would you say 'I love you' if you're not sincere about it?
Sinira ni Papa ang paniniwala ko. Naniwala akong may tunay na pag-ibig. Naniwala akong panghabang-buhay iyon. Pinaniwalaan ko ang kasabihang masarap ang magmahal.
Pero ngayon, wala na. Hindi na ako naniniwala. Walang tunay na pag-ibig. Dahil kung may tunay man, bakit may nasasaktan pa rin ng dahil sa pagmamahal?
🦋