IT WAS a great morning as she woke up with him and started the day full of love. She received a bouquet from Zack and took care of her. Nakita na rin siya nina Aling Lukring at na-sorpresa ang mga ito sa balitang magkakaanak na sila ni Zack. She already called her friend Jhen and to let her know that she's okay. Alam niyang nag-aalala ito dahil hindi siya nakauwi kagabi.
Nagtungo na rin sila sa ob-gyne at tuwang-tuwa ang pinsan ni Zack na si Doc Imari dahil successful ang artificial insemination nito. Ngunit may mga bagay din na pinapaalalahanan sila ng doktora dahil maliit pa lang ito sa sinapupunan niya. Kailangan din niyang mag-ingat at kumain ng masusustansiyang pagkain.
Inaayos na rin nila ni Zack ang magiging kasal nilang dalawa bago pa man lumaki ang sanggol sa tiyan niya at na-ipaalam na rin niya ang lahat sa kaniyang mga magulang. All is set well. Wala na siyang hahanapin at hihilingin pa dahil napalitan na rin ng tamis ang lahat ng mga paghihirap niya. Dream come true!
Nang gabing iyon, naghanda rin siya dahil inmbetahan ni Zack ang malapit sa kaniyang mga kanag-anak at ilang mga kaibigan sa negosyo para pormal na e-announce ang kanilang kasal sa makalawa. Inimbitahan din niya ang mga taong malapit sa kaniya at ang pamilya naman niya ay sa kasal na makakapunta.
She wears an elegant royal blue long dress satin style with a backless design and a pair of silver with royal blue stiletto. Halos hindi na rin niya makilala ang sarili nang pasadahin niya ito sa salamin. Nakalugay ang curly hair niya na inayusan pa siya dahil gusto ni Zack na tanging siya lang ang pinakamagandang babae sa gabing iyon.
"Are you ready?"
Nasa likuran na niya ito saka hinalikan ang kaniyang balikat. Marahan siyang hunarap sa magiging asawa niya habang suot nito ang formal suit. He was damn handsome as ever as he was.
"I'm always ready," she smiled.
He kissed her palm and felt the sparks as she ever does every time Zack gives his sweet caress.
"You're beautiful," he said while whispering in her ears.
Natawa siya. "Let's go downstairs, Mister Villa Acosta. Baka kung saan na naman iyan mapunta."
"Why? I'm just telling the truth. It's a great compliment, my soon-to-be Mrs. Villa Acosta!"
"Oo na."
Tatawa-tawa lang ito habang naglakad sila pababa at inalalayan siya.
GINANAP ang maliit na okasyon na iyon sa malawak na hardin nina Zack at naroon na rin ang kanilang mga bisita. Inimbitahan din niya si Jhen na sumalubong naman agad sa kaniya habang ang si Zack naman ay abala na rin sa mga malapit nitong kamag-anak at ilang mga investors na dumalo.
"Zairah!"
Masaya naman siyang makita ang kaibigan na si Jhen at agad yumakap sa kaniya. Napakalaki ng utang na loob niya rito dahil tinulungan siya noon.
"Grabe, ang ganda mo! Ikaw pa lang ata na buntis ang nakita kong blooming. Siguro babae iyang magiging anak niyo ni…" Lumingon pa ito sa kinaroroonan ng asawa niya saka bumaling sa kaniya. "Ni kuya mong pogi!"
"Sira ka talaga! Bakit hindi mo mabanggit-banggit ang pangalang ng magiging asawa ko?"
"E kasi…" Napakamot ito sa ulo. "Kapangalan ng ex-boyfriend ko."
"Why? Hindi ka pa naka-move on?"
"Moving on na, dai! Oh, siya at puntahan mo na ang mga bisita niyo at baka kailangan ka na ng asawa mo," pagtataboy nito.
"Enjoy the food, Jhen."
"Okay. Dito na ako!"
Habang tinungo na niya ang kinaroroonan ng asawa ay siya namang nakasalubong niya si Raven. Nakangiti agad ito sa kaniya habang papalapit ito. He's handsome than ever with his fitted men's blazer suit. And, of course, he's captivated charm every time she laid her eyes on him. Pero alam niyang mas nangingibabaw pa rin ang magiging asawa niya para sa kaniya. Kung ibang babae lang siguro siya at hindi niya kilala si Zack, for sure, ma-iinlove siya rito.
"Hi!" bati nito sa kaniya.
"Hi, Raven!" bati rin niya.
"Flowers?" Sabay inilabas nito sa likuran ang dala-dalang bulaklak. "Congratulations, Zairah!"
"Oh, my god! Nag-abala ka pa, Raven." Tuwang-tuwa naman siyang makita ang mga paborito niyang bulaklak.
"For sure, hindi ka na naman niya binigyan ng bulaklak. Sinabihan ko siyang lagi kang bigyan. Kuripot din iyang magiging asawa mo," biro nito.
Natawa siya. "Hindi naman. He gave me already a bouquet this morning. Sabi ko nga baka maubos na ang mga bulaklak sa Dangwa o kaya naman sa flower shop na pinagbilhan niya. Mapaglilihiian ko na talaga itong mga bulaklak."
"It doesn't matter as long as we will see you happier than ever."
Tumikhim muna si Zack na naroon na pala sa gawi nila saka lang niya ito napansin.
"Excuse me, may I have my soon-to-be wife?"
"Yeah, sure! She's yours."
Nagngitian ang dalawa at masaya siyang nakikita ang mabuting samahan ng mga ito. Naroon din si Ann malapit sa kaniya saka nito kinuha ang bulaklak upang magtungo sila sa gitnang bahagi.
Naglakad sila ni Zack habang hawak nito ang kamay niya. Kabado siya dahil makikilala na rin ng mga naroon kung sino ang babaeng bumihag sa puso ng dating cripple billionaire na pinagsilbihan niya.
"May I have your attention, everyone!" wika ni Zack sa lahat ng mga naroon habang hawak ang mikropono.
Everyone has seemed to listen to them when Zack asks them their attention. Their eyes focused on them in front and draw the happiness in their face. Kanina pa siya kinakabahan sa hindi malamang dahilan ngunit pinapanatili na lamang niya ang sarili niyang maging matatag lalo na at hawak naman ni Zack ang kamay niya. Kailangan na rin niyang masanay sa mga ganitong okasyon lalo na at kilala sa lipunan ang asawa niya.
"Good evening, everyone! I am glad you are here tonight to witness this particular part of our lives. For the past two years, I have drowned in the dark side of my life. It has caused me to stay long in my devil's chair. That was the name I was supposed to call. When my temper is uncontrolled, I have many frustrations, anxieties, hostility, and violent rage toward others. All that negativity I had in my entire life has a place to dump into the trash and be replaced with a new positivity. And that was with the help of my soon-to-be wife, Mrs. Zairah Villa Acosta. I treasure and cherish everything she does for the rest of my life. And now, she carried my successor. I will invite you all to our wedding that will happen after a few days from now. Enjoy the rest of the night!"