webnovel

Chapter 20

NAKATANGGAP ng magandang balita si Zairah kinagabihan nang tumawag ang kaniyang ina na nasa maayos na ang kalagayan ng kaniyang ama at nagpapagaling na lang sa ospital. Nabunutan siya nang tinik sa problemang iyon at malaki ang pasasalamat ng impluwensiya ng binata. Kung wala siya, baka hindi ko na maabutang—ayokong magsalita. Kaya...kailangan kong ihanda ang sarili ko sa mangyayari sa amin ngayong gabi. God! Napasinghap siya. Nakamasid siya sa kaniyang kabuuan sa harap ng salamin sa banyo. Kitang-kita niya ang kahubdan sa repleksiyon ng salamin saka siya napapikit. Kung ilang beses niyang naalala ang kabaliwan niya sa binata, hindi niya mabilang. I have no choice, I have to pay him back by the means of this. She slowly opens her eyes and deeply breathe. Kaya ko ito. Tumalikod na siya saka niya tinungo ang shower area. Kailangan niyang maghanda sa gabing iyon.

Ilang oras ang lumipas, nakabihis na siya. Isang manipis na puting t-shirt ang suot niya na tenernuhan niya ng maiksing cotton short. Ayaw din niyang magsuot ng nighties at magmukhang daring sa paningin ng binata. Kung anong kaya niyang ibigay dito, iyon lamang ang ipapakita niya. Ayaw naman niyang isipin na gustong-gusto niya ang magaganap ngayong gabi.

Matapos niyang pasadahan ang sarili sa salamin, humugot muna siya nang malalim na hininga saka siya nagtungo sa kabilang kwarto. Nasa tapat na siya ng connecting door at hinawakan ang doorknob. I can do this. Isipin ko na lang na itinadhana talaga ako para sa isang taong kailangan ako. Marahan niyang pinihit ang doorknob saka niya niluwangan ang pagkakabukas nito.

Pagpasok niya sa loob, napansin niya ang tanging ilaw lang ang nagmumula sa lampshade. Napuna niya agad ang binatang nakasandal sa headboard ng kama at may hawak ng cell phone. Marahan niya itong nilapitan hanggang sa naroon na siya sa gilid ng kama nito.

"Akala ko at tulog ka na," wika niya.

"I checked my emails." Inilapag nito ang cell phone sa side table. "Come closer."

Nagsimula na siyang kabahan at pasimpleng napalunok. Marahan din siyang umupo sa gilid ng kama nito habang nanatili lang siyang nakatitig sa mga mata nitong tila nangungusap. Hindi niya alam kung para saan ang emosyon ng mga mata nito ngunit nakikinita niyang tila may pananabik ito.

"I said come closer. Gusto mo bang mahulog tayo diyan sa gilid ng kama?"

"Ha? Uhm, teka..." Lumihis siya at nagtungo sa tabi nito. Malay ko bang dito pala ang gusto mo.

Inilayo ng binata ang likod nito sa pagkakasandal sa headboard ng kama na tila nakaupo na lang tulad niya. "Are you ready?"

"Zack... Uhm, kasi...f-first time ko. K-Kinabahan ako," nauutal niyang sabi. Nagrambulan na rin ang kaba sa dibdib niya.

"Don't be afraid. I'll make this one easy and passionate." He said in his low tone of voice.

"H-Huwag mo na lang akong biglain." Nanlamig na rin ang mga palad niya at kulang na lang himatayin siya sa sobrang kaba at takot.

"Zairah..." Ginagap nito ang palad niya. "Please makes me a perfect man tonight. Just this night."

Nag-init na ang pisngi niya sa mga sinasabi ng binata. "Zack..."   

"Take it off," he said.

Her hands were trembling as she touched his white t-shirt as they both sat on the soft bed. Halos nabibingi na rin siya sa kabang nararamdaman dahil iyon na rin ang oras ng paniningil nito sa lahat ng mga hiningi niyang pabor at siyempre kasama na iyon sa pinirmahan niyang kontrata.

She slowly lifted his clothes while did not take his eyes off to her, and it was a profound glimpse of desire. Pakiwari niya ay isa siyang yelong nais nitong tunawin o kaya naman ay apoy na nais siyang tupukin. Muli, nasulyapan na naman niya ang matipuno nitong katawan.

"Then, take it off," muli niyang utos na ang tinutukoy nito ay ang pang-ibabang suot.

Gusto na niyang umiyak ngunit pinipigilan na lamang niya ang sarili. Pikit-matang hinubad niya ang suot nitong boxer short at naiwan ang panloob nito. Hindi na siya dapat mahiya pa dahil ilang beses na niyang makitang suot nito ang underwear dahil hindi nito kayang bihisan ang sarili. Yes. Hindi nito kayang gawin ang bagay na iyon dahil may kapansanan ang binata.

"Now, I'm the one who will take off your clothes now. Are you ready, Zairah?" in his cold voice.

Marahang humugot ng buntong-hininga si Zairah saka hinayaang gawin iyon ng binata. Mainit ang kamay nitong dumampi sa kaniyang bewang habang inuumpisahan nitong tanggalin ang manipis niyang suot na t-shirt. Ngunit ang sumunod na nangyari ay doon na nag-umpisang yumanig ang kaniyang mundo.

Marahang tinawid ni Zack ang pagitan nilang dalawa at sinakop ang kaniyang mga labi. Halos lunurin siya sa sensasyong kaniyang naramdaman kahit ilang beses na nitong natikman ang mapanghanap nitong halik. And yes! They already had shared those passionate kiss since the day she had started to be his part-timer. Simula nang araw na iyon, nabago na ang kalahating mundo niya dahil tanging ang binatang bilyonaryo niyang boss lang ang nakakagawa niyon sa kaniya.

Natanggal na nito ang suot niya pati na rin ang kaniyang panloob hanggang sa tumambad na rito ang malulusog niyang dibdib. Mas lalong naging mapanghanap ang binata nang ihiga na siya nito sa malambot na kama habang ang malilikot nitong kamay ay naglakbay na sa kung saang parte ng katawan niya. Ang bawat haplos ng maiinit nitong mga palad, ang bawat sensasyong nararamdaman niya, ang bawat halinghing niyang simbolo na siya ay tuluyan ng angkinin nito.

She gasped. "Huh?! Zack..."

Naglakbay na ang mga labi ng binata mula sa leeg niya pababa sa kaniyang dibdib. Napaliyad pa siya nang ang binata ay malayang ginagawa ang bagay na iyon habang ang isa nitong kamay ay nakahawak sa isa pa niyang dibdib. Hindi na niya maintindihan ang sarili niya nang dahil sa kapusukan ng binata. Lahat ng ito ay bago sa kaniyang karanasan bilang isang babaeng pumayag lamang nang dahil sa kasunduan.

Kagat-labi niyang tinanggap ang lahat ng iyon habang tinutupok ng mga haplos at halik nito. Muling naglakbay ang isang kamay nito hanggang sa ibabang bahagi niya. Unti-unti nitong tinanggal ang suot niyang manipis na short at undies. Habang ang labi naman ng binata ay lumipat sa isa pang malulusog niyang dibdib.

"Zack..." anas niya.

Subalit ang pag-iinit nilang dalawa ay nag-uumpisa pa lang. It was an unforgettable night of her life as she surrendered everything to a man who wasn't perfect. It was perfect then since she felt strange feelings towards her cold and aloof man. She will cherish their memories until she realizes it was lust, not love or affection.