webnovel

Chapter 14

HALOS mabaliw siya sa sensasyon muli na naman niyang naramdaman mula sa binata. He took her again into intimate lunacy that she never felt before. Ang isa nitong kamay ay hinahaplos ang hita niya saka nito marahan siyang pinaupo sa mismong hita ng binata habang ang mga kamay niya ay naka-angkla sa leeg nito at patuloy pa rin ang mapanghanap na halik na nalalasap niya mula rito.

Zack! Napasinghap siya! Huli na niya napagtantong naibaba na pala nito ang suot niyang damit. Nasakop na ng isang kamay nito ang isang dibdib niya na natanggal na pala sa hook ang suot niyang pang-itaas.

"Let's do this on the floor," in his low soft tone of voice.

"Dito mismo?"

"Can't wait this."

Bahagya siyang napayuko nang tukuyin nito ang nagngangalit nitong pagkalalaki sa loob ng suot nitong boxer. Halos pikit-mata rin siya upang hindi iyon makita dahil sa ito ang unang beses na makakita siya ng maselang bahagi ng isang lalaki. Pinamulahan tuloy siya ng pisngi saka muling nakatitig sa mga mata nito.

Bahagyang ngumiti si Zack. "Shall we?"

Marahan siyang tumango. Noon lamang niya nakita ang ganoong reaksiyon nito saka ang mga malalamlam nitong mga matang nakatitig sa kaniya. It was a glimpse of desire that he wanted to pursue. Inalalayan niya ang binatang humiga sila sa tiles kahit na basa na ang paligid. Kahit ang likuran niya ay basa na rin nang maihiga siya nito at ang binata ay nakadagan sa kaniya. Mas lalong nagreregodon ang kaniyang puso sa magaganap sa kanilang dalawa nang mga sandaling tila maisatuparan na ang nakasaad sa kanilang kontrata.

Nang maramdaman niya ang bigat ng binata, muli na naman siya nitong hinalikan at ang kamay nitong dinama na naman ang dibdib niya sa kapusukan. It's burning sensation again in the top of her chest. She curved while doing the sweet temptation over her, and she never thought it was a lust feeling. Animo'y sanggol itong nagpalipat-lipat sa dibdib niya habang ang kamay nito ay bumaba na patungo sa kaniyang manipis na suot na maiksing short. She was surprised when he touches her feminity and caresses it to his finger. Saglit lamang nitong ginawa iyon sa maselang bahagi niya saka dumako ito muling paghimas ng kaniyang dibdib. Subalit, natigilan sila parehas nang may kumatok sa pinto ng banyo saka niya malakas na naitulak ang binata.

"Ouch!" impit na wika ni Zack na tila nasaktan sa ginawa niya.

"Zack!" Nagitla rin siya sa ginawa niya at nagmamadaling bumangon siya upang tulungan itong namimilipit sa sakit sa tabi niya. "I-I'm sorry!"

"Anong nangyari?!"

Napalingon siya sa pintong binuksan na pala ni Aling Lukring na kasunod naman nito ay ang binatang si Raven.

"What the⸻shit!" mura ni Raven saka dinaluhan sila nito upang tulungang maitayo.

Halos nanginginig siya nang makitang hindi na maipinta ang mukha ng binatang boss niya. Kasalanan niya ang nangyari dahil naitulak niya ito at nakalimutang niyang may kapansanan pala ito.

"Diyos ko!" sambit ni Aling Lukring.

"Let me handle this!" Inalalayan nito ang binata. "Aling Lukring! Tawagan niyo si Dok Jayson!"

"O-Oo!" tarantang tugon ni Aling Lukring at agad din tumawag ng saklolo.

Mabilis din siyang tumayo nang buhatin ni Raven si Zack na hindi na umiimik. Siya naman ay tinakbo ang kama saka niya tinanggal ang mga nakapatong doon. Kinakabahan na siya sa posibleng mangyari sa binata at kung ano ang ipapaliwanag niya kung sakaling tatanungin siya. Lihim siyang napakagat-labi upang maibsan ang tensiyon sa sarili. Mabilis din niyang inayos ang sarili upang hindi mahalatang may ginagawa sila bago pa man dumating ang mga ito. 

SAGLIT lamang at naroon na ang sinasabing doktor para sa binata. Ilang bahay lang ang pagitan nila rito kaya mabilis na nakarating ito sa loob ng kwarto. Nasa couch lang sila ni Aling Lukring at hinihintay ang resulta ng test ng doktor. Kabado siyang tatanungin siya ng matanda at hindi nga siya nagkamali.

"Ano bang nangyari, Zairah? Bakit nasa sahig na kayong dalawa? Natumba ba siya?" sunod-sunod nitong tanong.

Hindi siya makatingin ng diretso sa matanda. "Uhm... O-Oo," pagsisinungaling niya. "N-Nadulas siya. H-Hindi ko na siya nasalo." Sabay napalunok-siya. Lord, patawarin niyo ako kung bakit ako nagsinungaling. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila ang totoong nangyari!

"Diyos ko! Ilang beses na nga rin naming naabutan siya nang ganoon noong si Cheska pa ang assistant niya. Iyong huli niyang assistant. Mabuti na lang at naroon din si Raven."

"Ho? I-Ibig sabihin ay...nangyari na sa kaniya ang ganoon?" Napaisip siya sa narinig mula sa sinabi ni Aling Lukring.

"O-Oo. Mabuti na lang at hindi naman malalala ang tama ng mga tuhod niya."

Nahahabag siya sa natuklasan ngunit hindi niya maiwasang isipin na may nangyari din sa dati nitong assistant. Tila may bahagi ng puso niya ang nakadama ng kirot. Sana walang nangyaring masama sa tuhod niya kung 'di... kung 'di...

Lumabas na ang doktor mula sa kwarto ng binata at ngumiti naman ito sa kanila. Agad na napatayo sila nang sabay ni Aling Lukring mula sa pagkakaupo.

"Maayos na siya. Tumama lang ang tuhod niya sa tiles kaya ininda niya ang sakit. But, he's okay right now." Sumulyap ito sa kaniya. "Next time, ingatan mo na siya. At wag sa tiles. I mean⸻masakit sa tiles kapag tumama ang mga tuhod niya." Ngumiti ito nang may ibig sabihin sa kaniya. "I have to go."

"S-Sige at ihahatid na kita sa baba, Dok Jayson," presenta ni Aling Lukring.

Mabuti na lang at hindi na nagtanong si Aling Lukring at siya naman ay tila na-gets ang tinutukoy ng doktor. Muli siyang napaupo sa couch at napaisip. Hihintayin na lang niya si Raven na lumabas.

Sa kwarto naman ni Zack, naupo si Raven sa gilid ng kama habang kausap ang binata.

"Hindi ako naniniwala sa kwento mo kay Jayson na nadulas ka. Base sa nasaksihan ko, you're not slipped on the floor. May nadulas bang basa ang likuran ni Zairah at nakataas nang bahagya ang damit niya?"

"It's none of your business," seryosong wika ni Zack.

"None of my business?" Napakunot-noo si Raven. "Dude, you can do it here on your wide bed. What do you think of yourself? Gusto mo na yatang maputulan ng dalawang paa!" Mababakas sa mukha ang pagkayamot ng binata.

"Leave me alone," matamlay na wika ni Zack.

"Bahala ka. Ayaw mong mapagsabihan." Tumayo na ito.

"Just call her to get inside."

Hindi na sumagot si Raven at dire-diretso lang itong naglakad palabas ng kwarto ni Zack.

Habang paglabas naman ni Raven ay agad namang napatayo si Zairah mula sa kinauupuan niya. Kahit sinabi ng doktor na maayos na ang kalagayan ng binata, hindi pa rin siya mapalagay. Nais niyang siya mismo ang pumasok sa loob. Kitang-kita rin niya sa mukha ng binatang si Raven ang pagkaseryoso nito sa unang pagkakataon.