webnovel

Chapter 12

MAINGAT na nilagyan niya ng bendahe ang kaliwang palad nitong may kaunting hiwa ngunit may dumadaloy pa na dugo. Naampatan na rin niya ito ng alcohol at betadine habang tahimik na namang nakikiramdam si Zack.

Ang mga bubog naman at mga piraso ng nabasag na vase ay nalinis na ni Aling Lukring kanina. Nanghihinayang siya sa nabasag na halos katumbas na ng perang nakuha niya mula sa binata. Hindi niya talaga maintindihan ang mga mayayaman. Sila nga kahit platong antique na tuwing fiesta lang inilalabas oras na mabasag ay abot hanggang langit ang galit ng kaniyang ina.

"Dahan-dahan," wika nito sa kaniya.

"Dahan-dahan? Halos patayin mo na nga ang sarili mo tapos sasabihin mong dahan-dahan!" inis niyang tugon dito.

"Wala ka ng pakialam doon. Magbabasag ako ng gusto ko!"

Nag-uumpisa na naman mamimilosopo ng binata sa kaniya habang malapit na niyang matapos ang pag-aayos ng bendahe nito. Sapian sana ako ng maraming pasensiya sa iyo.

"Hindi mo pa ako sinasagot kanina? Bakit ka natagalan?"

Noon lang siya nag-angat ng tingin sa binata. "Inaayos ko ang mga gamit ko dahil kinausap mo pala si Sir John tungkol sa trabaho ko sa iyo. Hindi ko akalain na kilala mo pala siya."

"I knew him as I told you last night."

Naalala na naman niya ang nangyari kagabi. "Nakita mo ba?"

"Hindi." Umiiwas ang paningin nito sa kung saan.

"Nakita mo ba?" Sabay bahagya niyang pinisil ang sugat nito.

"Ouch!!" mahinang hiyaw ng binata. "What are you doing?!" asik na naman nito.

"Gusto ko lang malaman!"

"Then that's the way how to ask me?!"

"I'm sorry⸻"

"And yes! I saw it. Damn! I saw you half-naked! It's that enough?"

Natigagal siya sa sinabi nito saka napalunok. Unti-unti rin nangilid ang mga luha niya sa mata sa nang aminin nitong nakitaan nga siya ng binata. Halo-halo ang emosyon niya sa sarili habang nanginginig sa sobrang pagkapahiya. Sa unang pagkakataon, may lalaking nakakita rin sa kaniyang kahubdan.

Mababa na ang tono ng boses nito. "H-Hindi ko sinasadya. I went to your room last night to tell you something and...I saw you were half-naked. Hindi na agad ako makabalik dahil mas lalo mo lang pag-iisipan ako nang masama. And then you saw me on the mirror reflection."

"Naiintindihan ko." Kahit nag-iinit na ang pisngi ko sa pagkapahiya. 

Marahan nitong pinahiran ang pisngi niyang namamalisbis na ang mga luha. "Damn... Don't cry, Zairah. Isa ito sa mga paraan ko kung bakit ako nagbabasag. Naiinis ako sa sarili ko dahil...hindi ko makalimutan ang nakita ko kagabi. I really won't forget that night when I saw a woman that's urge me to do something."

Gusto niyang maniwala sa mga sinasabi nito. Gusto niyang isipin na hindi pambabastos ang nakitaan siya nito, bagkus ay intindihin niya ang sitwasyon nitong isa itong lalaking kailangan ng babaeng tulad niya. Pero sa kabilang bahagi ng utak niya, babae pa rin siya at may iniingatang dangal.

"Zairah... Can I... Can I kiss you?"

Bahagya siyang nagulat sa sinabi nito. Naging maamo na naman ang mukha nito kasabay ng mga paglamlam ng mga mata nitong kanina lang ay nanlilisik sa galit.

"S-Sige," tugon niya. Wala sa isip niya iyon ngunit baka magwala na naman ang binata kung hindi niya susundin ito. Isa pa, kasama iyon sa kanilang kontrata.

Kumilos ang binata palapit sa kaniya habang katabi niya ito sa couch. Hinaplos nito ang pisngi niya kasabay ng marahan nitong paglapat ng labi sa mga labi niya. Pikit-matang tinanggap niya ang lahat ng iyon sa unang pagkakataon.

His lips is so soft while trying to make a deep kiss to her. His warm hands touches her waist and until...it goes inside to her shirt. Every sensation are new to her as her whole being shivering. She doesn't know how to respond and but let him drive her in ecstacy. Naglakbay ang mga palad nito hanggang sa bahagyang nai-angat na nito ang laylayan ng suot niyang damit. Ang mga labi naman ng binata ay dumako sa leeg niya pababa sa kaniyang balikat at ang isang kamay nito ay naglakbay na rin sa ilalim ng suot niyang skirt.

Napasinghap siya!

Mahigpit siyang napahawak sa binata habang dinama ang lahat ng mga naranasan niya. Hindi niya alam kung nakahanda na nga ba siya pero heto siya ngayon at nagpapatangay. Zack!

Maya-maya pa ay naulinigan nila parehas ang pagkatok mula sa pinto ng malawak na kwarto ni Zack.

"Shit!" mahinang bulong ng binata.

Mabilis na ini0ayos nila pareho ang sarili pati na ang damit niyang nagusot nang dahil sa kabaliwan nilang dalawa. Umayos sila parehas sa couch at hinihintay ang pagpasok ng kung sino.

"Zack, nakahanda na ang hapunan," sambit ni Aling Lukring na siyang kumakatok sa pinto. "Maayos na ba ang sugat mo, hijo?" pag-aalala pa rin nito.

"I'm okay," seryoso nitong tugon.

"Bumaba na kayo at ng maghapunan."

Panay pa ang palipat-lipat ng tingin ni Aling Lukring sa kanila ngunit hindi naman sila nagpahalatang may naganap sa pagitan niya at ni Zack.

"Lalabas na ako." Tumalikod na ito at muling lumubas ng kwarto.

Siya naman ay hinarap muli ang binata. "M-Magbibihis lang ako."

"Okay. I'll wait you here."

Tumango lang siya saka siya tumayo at tumungo ng kaniyang kwarto.

MATAPOS niyang asikasuhin ang binata, muli na siyang pumasok sa kaniyang kwarto. Naiisip pa rin niya ang nangyari sa kanila kanina habang nasa harap siya ng salamin sa kaniyang banyo. Pinagmasdan niya ang hubad niyang katawan habang ninamnam ang matamis na halik ng binatang dumadampi sa leeg niya at kamuntik na nitong sakupin ang ipinagmamalaki niyang yaman. Sa puntong iyon, gusto niyang pagalitan ang sarili ngunit tila may kung anong nagtulak sa kaniyang pagbigyan ito. Na isuko sa binata ang matagal na niyang iniingat-ingatan. You're weak, Zairah! Akala ko ba ay matapang ka at kaya mong maging si Gabriela? God! Umalis na lamang siya sa harap ng salamin at nagtungo sa shower area.

Ilang oras matapos siyang makapagbihis, bumaba siya sa kusina upang magkape. Nasanay na siyang magkape. Pagbalik naman niya sa kaniyang kwarto ay muli na niyang hinarap ang kaniyang trabaho. May deadline siya sa knailang client at ayaw naman niyang ipagpabukas.

Habang nasa harapan siya ng monitor, hindi nawaglit sa isipan niya ang halik ni Zack at ang kahibangang nangyari kanina. Napayuko siya sabay napasuklay sa kaniyang buhok nang maalala na naman iyon. Tila mahika iyon na paulit-ulit na rumirehistro sa pagkatao niya. It was bit curse and full of sensational spell that she missed. Definitely, she was longing for it and wanted him again.