webnovel

The Baklush Has Fallen

Madaldal at palabirong babae si Maundy Marice. Matalino rin ito at mas lalong nakadagdag sa ganda niya ang kulay ube nitong buhok. Pangarap niyang maging isang Certified Public Accountant (CPA), but she doesn't have enough money for the review and board exam, so she finds a job for the meantime. Fortunately, she found out that the A Company is looking for a new secretary. Hindi niya trip ang trabaho, pero nag-apply pa rin siya at ibang klaseng swerte nga naman ang taglay niya dahil siya ang napili. Isang magandang dilag-este, nagfifeeling dilag. Malaki man ang braso ay 'di nahihiyang mag-bestida. Lalaking-lalaki man ang itsura ay natatabunan pa rin ng kolorete kaya mas maganda pa siya sa dalaga. Chal Raed Alonzo Jr. Ang acting-CEO ng A Company, ang pinagsisilbihan ni Maundy. Hindi niya naisip na muli silang magtatagpo. Nagbiro pa siya na kapag nagkita silang muli ng Dalaga ay baka mapakasalanan niya na ito. Sino ba naman kasing mag-aakala na si Maundy ay hindi lamang action star kun'di kriminal din. Sa unang pagkikita pa lang nila ay nanakaw niya na ang puso ni Chal Raed. Ika nga niya, 'I'm gay, but my heart beats only for you, Lady.' Ngunit, hindi niya inamin ang katotohanan kay Maundy nang magkita sila ulit. Instead, he asked for someone's favor to do something. Ang inaakala niya kasi ay hindi siya matatanggap ni Maundy dahil sa pusong babae nito. Pero, bakit ba sa tuwing itotodo na ang kasiyahan ay may panganib na hahadlang? Magkaaroon pa kaya ng unusual relationship sina Maundy at Chal Raed kung may taong dadating bitbit ang isang masamang balita na magsasanga-sanga sa pagbubunyag ng iba pang mga katotohanan? Will fairytale still exist after the revelations happened? How about a happy ending and Gay x Girl? May posibilidad pa kayang mangyari 'yon kung mawawalan na sila ng oras para sa isa't isa?

eommamia · Général
Pas assez d’évaluations
59 Chs

Chapter 16 : Sudden Unification

Iminulat ko 'yong mga mata ko at napangiti ako nang mukha niya agad ang bumungad sa'kin.

Ang gwapo niya talaga!

Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung anong meron sa'kin at sa dinami-dami ng babaeng nagpropose sa kanya ay ako 'yong sinagot niya. Charot! Syempre siya ang nag propose sa'kin, 'no.

"Maundy, say ahh," ngumanga naman ako agad at isinubo niya sa'kin ang—

"Huta!" napaubo ako at nailuwa ko 'yong isinubo niya sa'kin! Ang asim! Pwe! "Ba't 'di mo sinabing kamias pala 'yon? Alam mo bang cherry ang nasa isip ko na ipapakain mo sa'kin?" inis ko talagang tanong.

Grabe! Ang asim talaga! 'Yong laway ko sunod-sunod ang pagtulo!

"It's color green, Maund, you didn't see it?" aniya at pinakita pa sa'kin ang iba pang bitbit niyang kamias!

Mighad! Don't tell me kakainin namin 'yan?!

"Paano ko ba makikita, eh nakapikit ako no'ng isubo mo," sagot ko naman. Hanggang ngayon hindi pa rin nawawala 'yong asim. Mighad!!

"Well, it's not my fault, don't blame me," aniya at ngumiti sa'kin. Ayan na naman 'yang ngiti niyang 'yan na talagang nakakapagpawala ng galit at inis ko!

Ba't ba kasi ang ganda ng ngiti nitong asawa ko? Hay!

"Here, say ahh," muli niyang usal at itinaas ang hawak niyang kamias.

"Ayoko na. Iyo na 'yan, Lee Jong Suk!" sabi ko habang napapailing.

Oo, tama 'yong nabasa niyo, si Lee Jong Suk 'yong napangasawa ko, also known as Kang Chul, the higop king! Well, sa isang Maundy Marice lang naman pala mahuhulog ang isang Lee Jong Suk, eh. Napaka imposible, 'no, pero huwag ka ng pumalag nangyari na, asawa ko na siya, kasal na kami.

"Hey, where are you going?" tanong niya nang mag-umpisa akong maglakad papalayo.

Tumayo ka riyan at habulin mo 'ko! Huwag kang slow, Bibilabs!

"Maundy!" aniya at agad hinawakan ang braso ko nang maabutan niya ako. "Let's eat kamias together, please?" ang weird naman nitong taong 'to. Ba't ba gustong-gusto niyang kumain ng kamias?!

"Ayoko nga—waaaaaah!!"

Anong nangyayari?! Bakit hindi na si Lee Jong Suk 'yong nakikita ko?! O, siya pa rin 'to, pero naging...babae na?

Babae ba 'to o...bakla?!

"MIGHAAAAD!!" sigaw ko ulit todamax!

"Maundy!"

Naimulat ko 'yong mga mata ko nang may super harsh na yumugyog sa'kin habang tinatawag ang pangalan ko. "K-Kuya Mayvee?" siya pala 'yong wagas makayugyog, ha, pero teka, "s-saan ako? Asan si Lee Jong Suk na naging babae—ay este, naging bakla? Teka, asan na 'yon? Ba't ka andito? Asan 'yong kamias?" sunod-sunod ko pang tanong. Kasi naman, eh, biglang naglaho 'yong lahat! Nawala si Lee Jong Suk, at hindi ko alam kung asan ako!

"What the hell are you talking about?" takang tanong ni Kuya Messle.

"Eh, kasi nga, magkasama kami ni Lee Jong Suk at inaalok niya akong kainin namin 'yong kamias, tapos—" napahinto ako sa pagsasalita nang may bigla akong naalala.

Si Lee Jong Suk ba talaga 'yong nasa panaginip ko? Bakit kamukha niya 'yong Baklang Chal Raed na 'yon? Lalo na no'ng naging babae bigla 'yong anyo niya. Humaba ang buhok, naka dress at may make-up! Kamukhang-kamukha niya si Chal Raed!

"Ate Love, you're just dreaming," rinig kong usal ni Miracle. T-teka, panaginip 'yon? Ibig sabihin...mag-asawa kami ni Baklang Chal Raed sa panaginip ko?!

"MIGHAAAAD!!! WAAAAH!!" sigaw ko ulit. Nakakaloka 'yong panaginip ko!! Ano ba 'yon?! Pwe!! Pwe!!

"Damn this! Mayvee, call the doctor, I think our Maundy's getting insane!" sabi pa ni Kuya Mico kaya napatigil ako sa kakangawa.

"Kuya naman, hindi pa naman ako baliw, eh," pagrereklamo ko at muli na lang humiga. Ang weird no'ng panaginip ko! Medyo iw na ewan!

"Naisip ko lang naman. Ilang oras ka na kasing natutulog tapos nang magising ka kung anu-anong kabaliwan 'yong tinanong mo, dinamay mo pa si Kang Chul," aniya. Huwag mo nang ipaalala si Kang Chul, Kuya! Mukhang hindi siya 'yong kasama ko sa panaginip ko!

"Sandali, ilang oras ba 'yong tulog ko? 2 hours?" tanong ko. Hindi sila sumagot at nagtaka ako nang sabay-sabay silang apat na nagbilang.

"15 hours," / "14 hours," sabay na sagot nila. Si Kuya Messle lang 'yong nagsabi na 14 at ang tatlo ay 15 kaya medyo naguluhan ako.

"Ano ba talaga?" paninigurado ko pa.

"Hindi ba tinawagan tayo no'ng nurse bandang 7:25 P.M, tapos nagising si Maundy nang bandang 10:34, kaya, Messle, 15 hours and 9 minutes siyang tulog," pagpapaliwanag pa ni Kuya Mayvee, pero mas lalo lang naguluhan si Kuya Messle. Hayaan niyo na ganyan ang napapala kapag laging tulog tuwing math na 'yong subject.

"Pero teka, may tumawag na Nurse?" takang tanong ko.

"Yes, Ate Love. Halos nilipad nga namin 'tong ospital nang may tumawag sa'ming nurse at sinabing nasa ospital ka dahil nahimatay ka raw sa taxi," sabi pa ni Miracle na mas lalo kung ipinagtaka, kasi sa pagkakaalam ko, natulog lang ako.

Sandali...hindi kaya no'ng may narinig akong kalabog tapos biglang nagdilim 'yon na 'yon? Hinimatay na ako? Mighad! Bakit?!

"Ano raw sabi ng Doctor, Kuya? Mamatay na ba ako? Mighad!"

"Huwag muna, hindi pa ako CPA, hindi ko pa naaabot 'yong pangarap ko."

"Tsaka paano na 'yong magiging asawa ko na itinakda ng Diyos para sa'kin? Magiging matandang single siya kasi wala na ako? Mighad! Hindi 'to pwede!"

"Magkano ba ang kailangan para mapahaba pa ang buhay ko? Million? Billion? Trillion?"

"Ano? Sabihin niyo, isusugal ko na agad 'yong kidney ko nang mabuhay pa ako!"

At natapos din sa wakas ang litanya ni Maundy. Pero, huhuhu, naiiyak na ako! Hindi pa ako pwedeng mamatay!

"You just passed out, Miss Maundy, it's not that serious, you're just tired and your body needs rest."

"Sino ka?! Ba't ka naka all white? Taga sundo ikaw na ba 'yan? Susunduin mo na ba ako? Why so aga?" sunod-sunod ko muling tanong nang bigla na lamang sumulpot itong matandang lalaking naka all white, pati balat sobrang puti. Ilang gluta kaya tinuturok nito? Nag gu-gluta rin pala 'yong Taga sundo, 'no?

"Calm down, Love, he's a doctor," pakiramdam ko bumagsak ako nang sabihin 'yon ni Kuya Messle. Doctor lang pala! Huhuhu, ano bang nangyayari sa pag-iisip ko ngayon?

"How's your feeling?" nakangiting tanong niya sa'kin.

"Feeling nahihiya," wala sa sariling sagot ko. Napatingin ako sa kanila at nakakunot talaga 'yong mga noo nila. "I mean, I'm feeling better," muling usal ko nang mapagtantong mali pala 'yong una kong sagot.

"That's good," sabi no'ng Doctor na mas maputi pa kay Snow White. "Anyway, I want to ask you some questions, Miss Maundy, will that be okay?" tanong niya.

Hmm, ilan kaya premyo kapag nakasagot ako. Charot!

"Sige po," sagot ko.

"Are you presently stressed?" tanong niya.

"I'm Maundy," sagot ko agad. "Hehe, joke! Hindi naman," grabe sila, 'di man lang natatawa, napaka seryoso talaga nila!

"Okay. What was the last thing you did before you passed out?" tanong na naman niya.

"Hmm, nasa taxi kasi ako, so nakaupo lang po, Doc," sagot ko naman. "Pero, sumakit na po 'yong ulo ko, Doc, kasi naulanan po ako," dagdag ko pa. Napatango naman siya agad. "Pero, may isa pa po," muli kong sabi nang maalala kong mas lalong sumakit 'yong ulo ko dahil sa nakita ko. "May aksidente po kasing nangyari no'ng pauwi na ako and every time po na nakakakita ako ng aksidente lalo na kapag may dugo po sumasakit 'yong ulo ko, pero kapag meron po ako hindi po ulo 'yong sumasakit, puson ko po, Doc," sabi ko.

Napailing sina Kuya kaya napataas tuloy 'yong kilay ko. May mali na naman ba sa sinabi ko?!

"You know, Miss Maundy, I had checked you already and there's nothing wrong about your health. So, if you're healthy and you're not stressed, then, the reason why you passed out is the sudden aching of your head. And there are two reason why your head aches, because you were soaked in the rain and because you were—"

"MONAAAAAY!!"

Mighad! Ang ingay ng tatlong 'to! Kakapasok pa nga lang nila sumigaw na! Hindi ko tuloy narinig 'yong mga sinabi no'ng Doctor, 'yong mga narinig ko lang, 'traumatized,' at 'yong pinaka dulo niyang sinabi na, '...and your head aches every time you remember it'. Huta! Hindi ko talaga naintindihan 'yong sinabi niya! Kainis kasi 'tong tatlong 'to, eh.

"I'll do my round first, I'll see you later, Miss Maundy," nakangiting sabi no'ng Doctor at agad nang lumabas.

""Kainis kayo!" inis kong sabi sa tatlo na agad umaktong inosente.

"Hindi ko tuloy narinig 'yong sinabi no'ng Doctor!"dagdag ko pa.

"Don't mind it, Love, sabi no'ng Doctor wala naman daw kaming dapat ipag-alala dahil okay ka lang naman," sabi pa ni Kuya Mayvee na agad ko nalang tinanguan. Pero, curious pa rin talaga ako sa sinabi niya.

"Ano ba 'yong sinabi niyang traumatized chuchu?" tanong ko.

"Sinabi niya ba?" tanong naman ni Kuya Messle. Hay! Baka guni-guni ko lang 'yong, 'no? Hayaan ko na nga lang.

"Wala yata," sagot ko naman. Napatingin ako kay Kuya Mico na parang ang lalim ng iniisip. "Kuya, narinig mo ba 'yong huling sinabi no'ng Doctor?" tanong ko sa kanya na agad umiling.

"H-hindi ko narinig kasi biglang sumigaw 'yang mga kaibigan mo," aniya. So, wala talaga yatang nakarinig, kakalimutan ko na nga lang 'yon, mamaya ma stress lang ang lola niyo dahil sa pag-iisip do'n, eh.

"Hoy, kayo! Ba't bigla-bigla kayong sumigaw, ha?" tanong ko sa tatlo.

"Nag-alala kasi kami ng sobra, Monay, akala namin seryoso 'yong sakit mo dahil nahimatay ka, 'yon pala naulanan lang," sagot naman ni Clarice.

"Nanghihinayang ka?" tanong ko na agad niyang tinanguan. "Eh, kung gulpihin kita nang ikaw naman ang naka dextrose ngayon," sarkasrikong sabi ko.

"Joke lang. Monay, naman, eh."

"Nakakatawa 'yon, Clarice? Huwag mo 'kong ma joke-joke diyan at may atraso ka pa sa'kin, ikaw rin Joy," sabi ko sa dalawa na agad namang nagtinginan.

Kala niyo, ha, hindi porket nauntog ako sa sasakyan at nahimatay ay nag ka-amnesia na ako. Duh, never!

"Love, we'll go out first, bibili muna kaming pagkain ni Mayvee," pagpapaalam ni Kuya Mico.

"Ako naman, Ate Love, I need to go home kasi wala pa akong ligo, hehe," sabi naman ni Miracle, so iw. Charot! Ako nga rin pala ay wala pang ligo.

"I'll go with you, Miracle, hindi pa pala ako nakakaligo," singit naman ni Kuya Messle.

"Hala, lumarga na kayo at ang baho-baho niyo na," pagbibiro ko pa.

"Ikaw rin," bulong naman ni Rosas kaya agad ko siyang pinaningkitan ng mata. "Sabi ko ikaw rin maganda," pagpapalusot pa niya. Sarap kurutin nito, eh!

"Hoy! Kayong dalawa, walang planong mag kwento?" tanong ko sa kanila at muli na naman silang nagtinginan.

Mamaya magkatuluyan 'to, eh, hahahaha.

"Gosh, anong ganap? La is me alam, ha," sabi pa ni Rosas.

"Makinig ka lang, kapag tsismis madali ka lang naman nakaka cope up 'di ba?" tanong ko.

"Heh! Ginagaya mo pa 'ko sa'yo," aniya.

"Don't me, Rosas! Mana-mana lang 'to, minana ko 'to sa'yo," sagot ko naman. "Hoy, huwag kayong tatawa-tawa riyan, magkwento na kayo," muli kong sabi sa dalawa. Hihirit na sana si Joy nang bigla na lamang bumukas ang pinto at pumasok ang apat na—

Mighad!

Ang pormal ng dating ng mga nilalang na 'to! Naka-suit pa sila! Wow! Mukhang lalaki 'yong dalawa. Ang gwapo nila ngayon!

Sinong naiinggit diyan? Tara, punta kayo rito, Eommamia's General Hospital, second floor, private room, number 213. Kapag hindi niyo nahanap, diyan na lang kayo, mainggit na lang kayo sa'min. HAHAHAHAHA!