webnovel

Vacation

Shanaia Aira's Point of View

NANG imulat ko ang aking mga mata ay umaga na. I felt so tired and I'm very sore down there. Gelo was insatiable last night. Bumawi talaga nang husto dun sa mga araw na hinayaan lang nya ako na mag-review para sa finals. But I felt so contented though I'm a bit tired. And don't get me wrong, we didn't do it in our kitchen, he carried me in our bedroom where he did his naughty deeds.

" Good morning Mrs. Montero!" napangiti ako ng masilayan ko ang gwapong mukha ni Gelo. May dala syang tray na may lamang breakfast. Ang nakakatawa, naka-boxers lang sya na dark blue at naghuhumiyaw ang mga pandesal nya na lantad na lantad sa paningin ko.

Jusme. Ang aga pinapawisan yata ako.

" Morning bhi! Bakit hindi mo ako ginising? Bakit ikaw ang nagluto ng breakfast?" tanong ko.

" Kagigising ko lang din. Nakita ko lang ito sa dining table. It must be Mang Turing who brought this. And besides, I don't wanna wake you up, I know you're tired. " ngumisi pa sya ng pilyo.

" Sino ba ang may kasalanan kung bakit pagod ako, hmm?"

" Bakit nag-enjoy ka rin naman ah? " pang - aasar pa nya. Namula naman ako dahil bigla kong naalala yung mga pinaggagawa namin kagabi.

" Gelo nga! "

" Sus baby ako lang to." sabi nya. I made a face. Kahit naman asawa ko sya minsan nakakahiya pa rin.

Kumain kaming dalawa sa kwarto. Napasarap nga ang kain ko dahil sa gatas ng kalabaw, tocino at beef tapa na nakahain. Bihira kasi akong makakain ng ganon, sa tuwing nandito lang kami sa Tagaytay.

Sa buong maghapon ay nasa bahay lang kami. Siyempre kapag kasama ko si Gelo, ano pa nga ba ang sa palagay nyo ang gagawin namin? Maghaharutan lang dahil certified maharot sya at marupok naman ako.

Umuwi rin kami ni Gelo sa Metro kinagabihan.Sa restaurant na nadaanan namin na lang kami nag-dinner. Hindi na kasi ako makakapagluto pagdating namin ng condo.

Nakakapagod ang byahe namin mula Tagaytay, halos limang oras din kasama na ang traffic. Pagdating sa unit namin, naligo lang kami tapos natulog na dahil maaga kaming aattend ng worship service kinabukasan.

___________________

To you I can do anything

I can do all things

For its You who give me strength

Nothing is impossible. 🎶🎶

I sang with all my heart. This is not the first time being the song leader in our church. Noong hindi pa bumabalik si Gelo sa showbiz, tumutugtog din sya at kabilang kaming dalawa sa praise team ng church.

But today, napakiusapan siya ni Aeious na pumwesto sa drums dahil wala yung drummer namin which he gladly obliged naman because there is really joy in serving the Lord.

The next day, inayos na lahat namin nila Venice yung pagpapasa ng lahat ng kailangan para sa final grades namin. At nang matapos na namin ng mga sumunod pang araw, tumulak na kami papunta sa Ilocos kung saan kami magbabakasyon ng ilang araw.

Nakarating kami ng Laoag City matapos ang isang oras na biyahe by plane. We stay in a hotel near Laoag airport.

The hotel offers accommodation with a restaurant, a bar and a garden. All rooms are spacious with private bathrooms.

Inayos namin ni Gelo ang mga gamit at damit namin sa built in cabinet na naroroon. Kasama sa gamit nya ang mga pang disguise nya. He settles for a long hair wig with matching fake brows.

Dahil lunch time na, dun na kami kumain sa restaurant ng hotel. Nagulat pa nga yung apat nung lumabas kami ng room namin dahil sa itsura ni Gelo. Kanina kasi naka cap at dark shades sya para hindi sya makilala but now he looked totally different.

" Sino yang kasama mo Aira, pakilala mo naman kami?" biro ni Charlotte.

" Uhm, ladies, gentlemen, meet my fiance Ariel." sakay ko sa biro nya.

" Naks! pati pangalan iba rin." si Venice.

" Dude bagay sayo, mukha kang rockstar. hehe." asar ni Clyde.

" Mga brod kung hindi ko gagawin to, hindi ko ma-eenjoy ang bakasyong ito kasama kayo. " saad nya sa mga kaibigan namin.

" Oo nga. Bagay naman sayo brod. " saad naman ni Kevin.

Magana kaming kumain ng mga Ilocano cuisines. Talagang umorder ako nung bagnet dahil hindi ko pa ito natitikman ever. Ang ending, hindi na halos kami makatayo dahil sa kabusugan. Mukhang kailangan kong mag-work out ulit sa gym pagkatapos ng bakasyong ito. Mayaya nga si Gelo.

After lunch ay nagpahinga muna kami sa mga rooms namin. Napag-usapan namin na kapag hindi na masyadong mainit ang araw ay pupunta kami sa Cathedral Church at La Paz Sand Dunes.

Sumaglit muna kami sa Cathedral bago kami pumunta sa Sand Dunes.

Napa-nga-nga ako ng makita ko ang 85 square kilometers na sand dunes na naghihintay sa amin. Nag rent kami ng 4x4 sand cruiser for a thrilling ride. From the top, makikita mo ang magagandang view sa tubig and look out onto the landscape with sand dunes bleeding like painting. May pagkakataon din na matuto ng sand boarding. Para lang itong surfing o snowboarding, nga lang sa buhangin. May mga nagtuturo naman na naka-station don para sa gustong matutong mag sand board.

Pagod na pagod kami ng pabalik na kami sa hotel. Pinasakay nga ako ni Gelo sa likuran nya dahil sobrang sakit na ng paa ko.

Habang naglalakad kami at nakasakay ako sa likod ni Gelo, napadaan kami sa may plaza na may maraming tao na tila may pinanonood.

" Guys tara tingnan natin kung anong meron dun." untag ni Venice na hila-hila na si Clyde papunta dun sa plaza. Napapakamot na sumunod naman si Lot at Kevin.

Nagkatinginan kami ni Gelo. Umiling ako.

" Sige kayo na lang hintayin na lang namin kayo dito. Pagod na si baby eh. " tanggi ni Gelo.

" Okay. Balikan na lang namin kayo dyan." sagot ni Charlotte.

Umupo kami ni Gelo dun sa concrete bench na nandun tapos pinatong nya yung binti ko sa binti nya saka minasahe ng bahagya.

" Oh that feels good bhi. " medyo napapaungol pa ako sa sarap ng pag massage nya.

" Huy makaungol ka dyan para kang nag-climax." bulong ni Gelo sa akin na ikinalaki naman ng mata ko.

" Bhi nga!" hinampas ko sya sa hita.

" Totoo naman. Bigla tuloy akong na-turned on. See? " sabi nya sabay nguso sa pagitan ng hita nya. Lalo akong namula ng mapansin ko na naka-umbok na nga. Salbahe talaga.

Magsasalita na sana ako ng biglang marinig ko ang humahangos na si Venice palapit sa amin.

" Naku besh hindi magandang balita ito. " bungad nya.

" Ha?" gulat na sambit ko.

" Bakit Ven anong meron?" tanong ni Gelo.

" Mayroong shooting!" hinihingal pa nyang tugon.

" Shooting?" bulalas ko.

" Shooting ng ano?" tanong ulit ni Gelo.

" Shooting ng commercial at si Gwyneth ang artista."

Nagkatinginan kami ni Gelo. At binigyan ko sya ng pati-ba-naman-dito look.

Ang malas nga naman talaga, kahit ayaw mo susundan at susundan ka pa rin.