webnovel

Trending

Shanaia Aira's Point of View

NAGISING ako sa maingay na tunog ng cellphone.Pupungas-pungas ako ng damputin ko ito mula sa bedside table. Si ate Shane ang tumatawag ngunit hindi para sa akin kundi para kay Gelo, cellphone nya pala ang nadampot ko. Gayunpaman sinagot ko na rin ito.

" Hello!" medyo husky pa ang boses ko dahil kagigising ko lang.

" Hello! hoy baby ikaw ba yan?" tanong nya sa kabilang linya.

" Yes teh.Tulog pa si Gelo. Bakit napatawag ka?"

" Gusto ko sanang makausap si Gelo. Naku! nanggigigil na naman ako sa ka-love team nya. Hindi mo pa ba napanood yung video mo sa You tube? Naku sis, trending ka at ang nakakainis pa, nakisawsaw yang ka-love team nyang fiance mo. Bida-bida na naman! " kunsumidong talak ni ate. Kung katabi ko lang sya pihadong nabugahan na ako ng apoy ng panggigigil nya.

" Ate easy! Kalma lang. Yang puso mo nakadikit lang ng kanin yan. " sinubukan kong magbiro.

" Aba naman Shanaia Aira, ikaw na yang headline sa balita eh nakuha mo pang magpatawa. Magseryoso ka nga!" inis na sambit nya sa akin. Nagbibiro lang naman ako. Ang aga kasi high blood na.

" Ano na naman ba kasi ang mga pinagsasabi nyang si Gwyneth?" tanong ko.

" May nag-upload ng video sa Youtube kaninang madaling araw. Itinawag sa akin ni Mimi, panoorin ko daw dahil kamukha mo raw yung babaeng nasa video. Hayun nagulat ako syempre dahil ikaw pala talaga. Kailan ka pa natutong makipag-away in public ha bunso? "

" Ate hindi ako nakipag-away. Nakita mo naman siguro na ako yung inaway. Kung ano-anong masasakit na salita ang ibinato sa akin. If you were in my place that time, what will you do? Mahinahon naman ako sya lang naman yung nanggagalaiti sa galit. "

" Bunso wala naman akong sinabi na mali yung ginawa mo. Nagtatanong ako di ba? Pero ano ang motibo para I-upload pa yun eh mas lalo ka ngang hahangaan dahil mahinahon ka sa pagtatanggol sa sarili mo? Wala kang foul words na sinabi. Siya pa nga yung nagsalita ng hindi maganda sayo. "

" Hindi ko alam te kung bakit in-upload pa kung siya naman yung mapapasama. Ano nga kaya ang motibo nya? "

" Para mapag-usapan siguro. At ang nakakainis pa, yung mga tweet ni Gwyneth. Mukhang ikaw ang pinasasaringan. Ikaw na ang tumingin para malaman mo lahat ng pinagsasabi ng babaeng yon. Sabihin mo kay Gelo pagsabihan nya yang ka love team nya kundi ako ang makakalaban nya. Gigil nya ko, ang aga-aga. " then she hang up. Ang init nga ng ulo.

Naligo na ako matapos naming mag-usap ni Ate Shane. Mamaya na ako magluluto ng breakfast pagkatapos ko maligo. Feeling ko nanlalagkit ako kasi naman si Gelo, nag-exercise na naman ng walang humpay. Binawian ako ng husto dahil last time puro hand exercise sila ng junjun nya.

Salbahe talaga.

Nakatapos na akong magluto ay tulog pa rin si Gelo. Ayaw ko namang gisingin dahil mukhang pagod na pagod sya. Hataw ba naman sa performance nya kagabi kaya hayan borlogs pa rin ang mokong.

Habang naghihintay ako na magising si Gelo, nag log in ako sa isa sa mga social media account ko. I searched for Gwyneth's account and there I saw all her posts this morning.

@faelnargwyneth : some people don't know their stand on someone else 's life. Why not back off, if they don't like to see you with that someone.

@faelnargwyneth : people don't hate you.. they just not necessarily excited about your existence.

@faelnargwyneth : people that don't accept the truth don't want their illusions destroyed.

@faelnargwyneth : people have a habit of inventing fictions they will believe wholeheartedly in order to ignore the truth they cannot accept.

Ilan lang yan sa nabasa ko sa posts nya at hindi ko na tiningnan pa yung iba. Mukhang puro patama nga pero hindi ako dapat magpaapekto. Una, hindi naman ako talaga yang tinutukoy nya kundi yan lang ang pagkakaalam nya tungkol sa akin. Pangalawa, mas angkop sa kanya yang mga post nya. Sa aming dalawa, siya talaga yung nag-iilusyon kay Gelo at ako naman ang katotohanan ni Gelo. Kaya kahit ano pa ang sabihin nya, wapakels ako dahil ako talaga ang nagmamay-ari kay Gelo, hindi siya. On screen lang sya at realidad naman ako.

Binasa ko yung mga nag-comment sa posts ni Gwyneth. Lahat halos nagsasabi na alam na nila kung sino ang tinutukoy nya. Isa daw ilusyonadang kaibigan ng aktor na pinagsisiksikan ang sarili dito. Kabilang daw sa angkan ng mga artista pero mas maraming tsismis at iskandalo daw dahil epal sa love life ng kaibigan.

Maliwanag na maliwanag na ako ng ang tinutukoy pero ipinagkibit-balikat ko lang lahat. Mas higit kong kilala si Gelo at alam ko ang katotohanan sa buhay nya, sa buhay naming dalawa. Kung papatulan ko ang mga taong ito para na rin akong katulad nila, nagagalit ng walang dahilan.

" Morning baby! Bakit ang aga mong gumising?" bungad ni Gelo na papasok na sa dining area. Bagong ligo na sya. Naka t-shirt lang ng white at gray shorts. Ang gwapo ah. Kung dati siguro napanga-nga na ako, pero ngayon slight na lang. Nasanay na ako na may gwapo sa tabi ko araw-araw.

" Tumawag kasi sayo si ate Shane kanina, ako na kumausap, tulog na tulog ka eh." sagot ko.

" Bakit daw, ano problema ni besty?" curious na tanong nya.

" May video daw ako sa You tube, itinawag daw ni Mimi sa kanya, yung PA nya. Kinukumpirma kung ako nga daw ba. Hayun nakita na nya yung nangyari kahapon. "

" Eh bakit ako ang tinawagan nya? " nagtatakang tanong nya.

" Pagsabihan mo daw kasi yung ka love team mo, nakikisawsaw daw sa issue. Ang daming posts sa social media na halatang ako ang pinasasaringan. "

" Really? Nabasa mo na? " tanong nya.

" Oo."

" Hayaan mo pagsasabihan ko. Sinabi ko naman sa kanya na wag ka ng pakialaman, naghahanap na naman ng gulo. "

" Okay lang naman ako bhi. Hindi naman ako affected. In reality naman hindi ako yung tinutukoy nya. Yun lang ang pagkakakilala nya sa akin. Mas bagay nga sa kanya yung post nya. Hindi na dapat pinapatulan ang mga ganun. Darating ang araw, magiging sampal sa kanila once na mabunyag yung katotohanan tungkol sa atin. "

" Hay baby.. ibang klase ka talaga. Kaya mahal na mahal kita eh, napaka peace loving mo. Wala pa akong taong nakilala na katulad mo na masyadong considerate sa damdamin ng iba. Halika nga dito. " hinila nya ako para yakapin. He kissed the side of my head. I felt contented ng maramdaman ko na naman ang yakap niya. This is home.

Kung ganito na lang sana kami ni Gelo araw-araw, wala na akong mahihiling pa. I want a normal life with him by my side.

Wala na akong pakialam kung mag trending man ako sa social media. Ang mahalaga, nandito si Gelo sa tabi ko. Hindi ilusyon, hindi produkto ng imahinasyon kundi katotohanan. We live under the same roof, we breath the same air, we share a lot of intimate moments, sleep on the same bed and most importantly I own his heart.

Kaya ano man ang ikalat nila sa akin sa social media, wala ng halaga sa akin yun. Ang mahalaga sa akin ay ako yung trending sa puso ni Gelo, wala ng iba.