webnovel

The Whole Truth

Shanaia Aira's Point of View

GULAT na gulat si Gelo sa narinig. Tumagal ang titig niya sa akin na parang naghahanap sa mukha ko ng kasagutan. Nandito na rin lang, siguro mas makabubuti na malaman na niya ang lahat.

Kung magkasakitan man kami atleast malaya na kami. Ang katotohanan ang magpapalaya sa aming dalawa. Ano man ang maging kahihinatnan nito, ipauubaya ko na lang sa Diyos ang lahat.

" Tama ang narinig mo Gelo. Walang Aira at Jaytee. Ours was marriage for convenience, he's just there when I needed a help. Sa papel lang. Si Jaytee ang nandoon nung panahong nag-iisa lang ako sa lugar na hindi pamilyar sa akin."

" Pero may mga anak kayo. At iyon ang masakit sa akin. " sabi niya. Kita ko yung sakit na biglang bumalatay sa mukha niya.

" Makinig ka. Minsan ko lang sasabihin ito at hindi ko na uulitin pa. Hindi ko sasabihin ito para patawarin mo ako at bumalik ka sa akin. Sasabihin ko ito upang malaman mo kung gaano ang sakit na ipinaranas mo sa akin. Kung paanong sa ating dalawa ikaw yung sumira sa sinumpaan natin. Nung umalis ako, hindi ko ginawa iyon para saktan ka, umalis ako para iligtas ko kayo sa mga plano ng mag-amang Faelnar. Pinalayo nila ako at natakot ako para sa inyo nila daddy. Nung makidnap ako, nakita ko kung paano ka nilang sinaktan. Natakot din ako para sa sarili ko. Salamat sa Diyos at may ipinadala siya na mag-aalis sa atin sa lugar na yon. Pero alam kong natakasan man natin sila, hindi sila titigil hanggat nakikita nila ako. Kaya masakit man, nagdesisyon ako na lumayo na lang. Kailangang protektahan ko rin ang sarili ko dahil ayoko na ulit mangyari yung nangyari nung nawalan tayo ng anak."

" Ang ibig mong sabihin— "

" Oo Gelo. Buntis ako sa kambal natin. Sayo sila hindi kay Jaytee. Si Jaytee lang yung nandoon nung mga panahong wala ka sa tabi ko. Si Jaytee ang nandoon nung halos mamatay ako sa panganganak. Si Jaytee at si Feliche ang nandoon nung pinapalaki ko sila. Nung pumunta ka doon, sana ako ang kinompronta mo, kami ni Jaytee ang kinausap mo. Pero hindi, nagtanong ka sa neighborhood, syempre ang alam nila kami ni Jaytee ang ikinasal pero nung mga panahong yon, divorced na kami at sila ni Feliche ang engaged. Sa iisang bubong kami nakatira kaya ganoon ang tingin ng mga kapit-bahay. Kung mahal mo talaga ako, gumawa ka sana ng paraan pero hindi eh, nakakita ka kaagad ng ipinalit sa akin. Kung mahal mo ako, hindi mo gagawin yan dahil kasal pa tayo. Oo nauna ako, pero may divorce doon at dito ay wala. Basically, pwede akong magdemanda sayo dahil legal wife mo ako pero hindi ko ginawa. Sa halip, ipinamukha mo pa sa akin kung gaano ako kataksil at kung gaano ka kasaya sa buhay mo ngayon. Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin nung magpasalamat ka pa dahil kung hindi ako umalis ay hindi ka magiging masaya sa piling niya? Sa maraming panahon na nagmahalan tayo Gelo, yun ang pinaka masakit na narinig ko mula sayo. The heck! Doktor ako, ang dami kong achievements sa buhay ko pero sa salita mong yon, nagmukha akong walang kwenta. Worthless. Sabihin mo nga sa akin ngayon, do I deserve that kind of treatment? Ang unfair mo Gelo. Ang sakit na makita ka ng harap-harapan na nakikipaglampungan sa kanya at kitang-kita pa ng publiko. Sa amin ba ni Jaytee nakita mo yung ganon? Never kaming nag-PDA kagaya ninyo. Ano kaya ang mararamdaman ng mga anak mo kung sakaling makita ka nila sa ganoong tagpo at alam nila na ikaw ang tatay nila? Ang sakit Gelo. Unti-unti mo akong pinapatay sa sakit. Minahal lang naman kita. " iyak ako ng iyak. Ang sikip ng dibdib ko kahit ngayong nasabi ko na sa kanya ang lahat ng sakit na kinikimkim ko. Napaupo na ako hanggang sa yung iyak ko ay naging hagulgol na. Mabuti na lang walang gumagawi sa sulok na ito at tago sa lahat.

" Aira, I'm sorry. " napaupo na rin siya at hinarap niya ako. Umiiyak na kaming pareho.

" Ngayon sorry? Are you even sorry nung pinagsasalitaan mo ako ng masasakit? I've done enough for you Gelo. I even broke my principles. I hate to be involved to someone from showbusiness but I swallowed it all because I love you. I'm so in love with you pero dito rin pala tayo mauuwi, sa broken marriage. "

" I'm sorry. Hindi ko kasi alam. Ang gago ko, wala akong alam. " hirap na hirap ang loob na turan niya.

" Yun ang mahirap, hindi mo inalam. Kinulang ka sa effort na alamin. Ang yaman mo, ang dami mong alam na paraan pero hindi mo ginawa. Ngayon tanggapin mo na lang ang katotohanan na may anak ka sa akin pero wala na tayo. Hindi ako maghahabol sa karapatan ko sayo dahil ayokong makasakit ng kapwa. Karapatan na lang ng mga bata ang ilalaban ko sayo. Yun lang sapat na. " tumayo na ako at mabilis na pinunasan ang mga luha. Iniwan ko siya at dumiretso na ng CR.

Nagulat pa nga si Jaytee at Feliche ng makita ako.

" Saan ka ba galing? " tanong ni Feli.

" Okay ka na ba? " sa halip ay tanong ko.

" Oo cuz. Umiiyak ka ba?" tanong niya. Hindi pa ako nakakasagot ng muli akong mapahagulgol.

" Hey! What happened?" nag-aalalang tanong ni Jaytee.

" Dada hinarang nya ako nung makita niya kayo dito ni Feli. Akala nya nagtataksil ka sa akin at kinompronta niya ako. Inamin ko na sa kanya ang lahat. Yung totoo tungkol sa ating dalawa at sa mga bata. "

" What? Sabi ko na nga ba. Iba yung tingin niya kanina nung dumaan siya pabalik sa loob. What's your plan now?" tanong ni Jaytee.

" Hayun sinabi ko na sa kanya na wala akong planong maghabol sa kanya, yung karapatan lang ng mga bata ang hangad ko. Ayokong masira ko yung relasyon nila, ayokong makasakit ng kapwa kahit na ako pa yung legal. "

" Pero Aira, ikaw naman ang patuloy na masasaktan kapag ganon ang nangyari. Kaya mo ba na makita siya sa iba gayong alam na niya ang totoo? Kailangang gumawa siya ng paraan para itama niya ang lahat sa pagitan ninyo. May masasaktan talaga pero hindi dapat ikaw yun dahil ikaw ang may higit na karapatan sa kanya. " napatingin ako kay Jaytee. Kahit kailan talaga may point siya.

" May point ka dun Dada pero sa tingin mo ba ganoon kadali yon? Hindi ko pwedeng basta na lang kunin si Gelo sa kanya kahit na ako ang legal na may karapatan. Paano kung mahal na mahal siya ni Gelo at ganoon din siya? Malamang wala rin siyang alam sa totoong estado ni Gelo. Magagawa ko lang yon kung ako pa rin yung mahal ni Gelo. Pero hindi eh. Hindi ba ipinamukha na niya sa akin kung gaano na siya kasaya sa piling ni Roxanne? Nag-sorry lang siya pero never niyang nabanggit na mahal pa rin niya ako, na ako pa rin hanggang ngayon. " malungkot kong turan.

" Haay Aira, bakit ba ang bait mo? Bakit kaya mong mag - sakripisyo para sa iba? " sabi naman ng pinsan ko.

" Malalim akong magmahal cuz, alam mo yan. Kapag minahal ko ang isang tao, totoo at lifetime na yun. "

" Sana lang ma-realize ni Gelo yan." buntong-hininga pa niya.

" Hindi na ako umaasa dyan Feli. Basta para sa mga anak ko na lang." turan ko.

Nung maayos na ang pakiramdam ni Feliche at hindi na gaanong mugto ang mga mata ko, bumalik na kami sa loob. Sumasayaw na yung mga newly weds tapos may nagsasabit ng pera sa mga damit pangkasal nila. May ilan ding mga kapareha ang nagsasayaw kasama nila. Kabilang na doon si Gelo at Roxanne.

Hindi ko na lang pinansin. Nilapitan ko na lang yung kambal na kasama naman nila mommy.

"Saan ba kayo galing ha?" tanong ni mommy.

" Sumakit ang tiyan ni Feli, sinamahhan lang po namin ni Jaytee." sagot ko.

" Oh maayos na ba sya?" may pag-aalala sa tinig ni mommy sabay lingon kung nasaan ang pinsan ko.

" Opo mom. Kumalma na siya nung maisuka na niya. May nakain po siguro na hindi gusto nung baby. " napangiti na si mommy, tila nakahinga ng maluwag.

" Umiyak ka ba anak? Medyo mugto yang mga mata mo eh. Tell me, makikinig ang mommy." sabi niya. Bakit parang may alam na siya na nag-usap kami ni Gelo?

" Bakit biglang ganyan po ang tanong mo mommy? " tanong ko.

" Napansin namin ng mommy Mindy mo si Gelo kanina, mugto ang mata. Nag-usap na ba kayo? Alam na niya? " tumango lang ako.

" My goodness! Anong plano ninyo ngayon? Ipapakilala mo na ba siya dito sa kambal? Iiwan na ba niya yung girlfriend niya?" sunod-sunod na tanong ni mommy.

" Mommy, wala pa po kaming plano. Opo, ipapakilala ko siya sa mga bata, karapatan niya yon pero po yung pag-iwan niya sa girlfriend niya, medyo malabo po yun. Hindi ko po alam mom, siya ang magdedesisyon nun, hindi ako. " sagot ko sa lahat ng tanong ni mommy.

" Aira, anak. " si mommy Mindy yung nalingunan ko. Simula nung bumalik ako galing Canada, ngayon lang kami nagkita. Niyakap ko siya ng mahigpit at ganon din ang itinugon niya.

" Kinausap ako ni Gelo ng palihim kanina. Medyo masama ang loob niya. Alam na daw pala namin ang tungkol sa mga anak ninyo, bakit hindi raw sinabi sa kanya. Ang sabi ko, hinihintay namin na ikaw ang magsabi sa kanya. At isa pa, wala naman siya dito sa bansa, nung dumating naman siya, nag shooting naman agad. "

" Huwag po kayong mag-alala, makikilala siya ng mga bata pero ayoko po na nakaharap yung girlfriend niya mommy. "

" Anak yung tungkol sa kanilang dalawa, hindi kami pabor dahil kasal kayo ni Gelo pero... "

" Mommy okay na po ako dun. Hindi po ako maghahabol. Hindi ko po ipipilit ang sarili ko kung wala na siyang pagmamahal sa akin. Para sa mga bata na lang po siguro. "

" Oh anak! " maluha-luhang turan ni mommy Mindy sabay yakap ulit sa akin.

" Huwag na po kayong mag-alala. Okay na po ako. Kahit masakit po na hanggang dito na lang kami ni Gelo, tanggap ko na po. "

" Oo. pero kahit ganoon, ikaw pa rin ang manugang namin at walang makapagbabago non."

Halos gabi na nung matapos ang kasal. Isa-isa ng nagpapaalam ang mga bisita hanggang sa kami na lang at ang mga Montero ang natira.

Namataan kong umalis si Gelo kasama nung girlfriend niya. Hindi man lamang siya nagtangkang lumapit sa mga anak niya kanina. Siguro mas interesado siyang makasama yung girlfriend niya. Halos hindi na nga sila natigil sa pagsasayaw dun sa dance floor kanina.

Bahala na nga siya sa mga priorities niya. Maghihintay na lang kami kung kailan niya kami tapunan ng tira-tirang oras niya.

Parang disappointed lang ako. Akala ko matapos niyang malaman ang totoo ay lalapitan agad niya yung kambal tapos yayakapin niya. Pero walang nangyaring ganon. Medyo nagalit pa nga raw siya kay mommy Mindy kanina. Ibang Gelo na nga yata siya. Hindi na siya yung dating Gelo na minahal ko at mahal ako.

Kaya nga ba ayokong umasa kahit na alam niya na yung totoo. Alam kong si Roxanne pa rin ang pipiliin niya dahil dito na umiikot ang mundo niya ngayon.

Pagdating namin sa bahay ay bagsak na ang kambal. Natulog na kahit hindi pa nabihisan. Pinagtulungan na lang namin ni yaya Isay na linisan at bihisan sila kahit nakahiga na sa kama.

Matapos nun ay ako naman ang naligo at nagbihis. Napagod ako hindi lang physically kundi emotionally rin. Kailangan kong magpahinga bukas para pagsabak ko ulit sa ospital sa susunod na araw ay fully recharge na ako.

Nakaalis na si kuya Aris at ate Shane kanina para sa honeymoon nila sa Maldives. Regalo ni lolo Franz sa kanila yon at dalawang linggo sila doon.

Nakahiga na ako ng may kumatok sa pinto ko.

Sa pag-aakalang kasambahay yon dahil sa iinumin kong gatas kaya sinabihan ko na tumuloy na lang.

Pero laking gulat ko ng iba ang pumasok.

" Aira can we talk? Pwede ko bang makita ang mga bata?" tulala akong nakatingin sa kanya. Nakatayo siya sa may pinto at dala yung isang baso ng gatas ko.

Jusko. Kung kailan gabi na at tulog na sila. Ibang klase rin talaga itong lalaking to.