webnovel

The Interview part 2

Shanaia Aira's Point of View

Tito Roy : Oh my God! Gelo Montero is here! Good evening Shane. Good evening Gelo.

Shane : Good evening po sa inyong lahat. Nagulat din po ako at bigla na lang nasa likod ko ang lalakeng ito.

Gelo : Good evening tito Roy. Good evening everyone.

Nagkakagulo ang mga fans sa studio, naghihiyawan sila lalo na nung kumaway si Gelo. Umupo siya sa sofa na katabi ni tito Roy. Si ate naman ay sa tabi ni Roxanne dahil nasa single sofa ako.

Tito Roy : Goodness hindi ko ine-expect na nandito ka rin Gelo.

Gelo : I'm here tito Roy to support my wife.

Lalong nagkaingay ang mga fans sa sinabi niya lalo na nung tumingin siya sa akin. Si Roxanne naman ay ngitngit na ngitngit na sana lang ay hindi na ipakita pa sa tv bukas.

Tito Roy : I didn't expect na magiging ganito ang kalalabasan ng interview ko ngayong gabi. Biglang nagkaroon ng malalaking artista na guests. Hindi ko mapaniwalaan ito, isang malaking scoop ito na tiyak na pag-uusapan kinabukasan.

Shane : Nandito ako tito Roy para suportahan ang kapatid ko. Napagpasyahan niyang lumantad na dahil masyado na siyang nasasaktan sa lumalabas na mga balita. Simula noong unang araw na maging sila hanggang sa ngayon ay puro masasakit ang pinagdaanan niya sa mga babaeng pilit na nagsusumiksik kay Gelo. Isang beses na siyang nawalan ng anak hanggang sa umalis siya na labag sa kalooban niya para hindi mapahamak si Gelo at ang nasa sinapupunan niya. Ngayon kung nais pa ng publiko at ninyong lahat na naririto ngayon ng mga patunay..... narito po ang lahat ng kailangan ninyo sa envelope na ito.

Inabot ni ate Shane ang envelope kay tito Roy na naglalaman ng marriage contract namin ni Gelo, kasama ang mga pictures namin sa seremonya ni Mayor Tim, titulo ng bahay at lupa namin sa Tagaytay pati picture nung bahay at yung condo namin sa Ortigas. Yung titulo ng kotse ko at yung sa amin ni Gelo. Ang mga ID at bank cards ko pati certificate ko nung nagtapos ako sa medical school sa Canada, lahat ng iyon ay Montero na ang nakakabit sa pangalan ko.

Ipinakita ni tito Roy ang lahat ng ito sa harap ng camera na nakikita naman ng mga manonood sa studio sa malaking tv screen. Ang lahat ay namamangha at hindi makapaniwala sa katotohanan na nakikita nila.

Tito Roy : Matapos maipakita ang mga proofs, lahat ng mga nakasaksi ay lubhang namamangha sa nalaman nilang katotohanan. Ngayon, yaman din lamang na naririto ka Gelo, maaari mo bang isalaysay sa amin kung paano nagsimula ang lahat sa inyo nitong si Aira. Kailan mo naramdaman na siya ang gusto mo?

Gelo : Tito Roy, eight years old si Aira nung makita ko siya sa party ni Shane, I was eleven that time. Nagandahan ako sa kanya kaya nilapitan ko siya at binigyan ng lollipop. That's the start of our friendship. Pero kami ang mag- bestfriends ni Shane noon, madalas kasi na nagkakasama kami sa mga movies at pareho kami ng school na pinapasukan.Sa tuwing tatanungin ako ni Shane kung sino ang crush ko, sinasabi ko na crush ko yung kapatid niya pero secret lang namin yon. Yung crush na yon ay tumagal hanggang sa mag-thirteen si Aira, dun nag-start ang pagiging mag-bestfriend namin kasi that time, iniwan na ako ni Shane dahil may boyfriend na siya. Naging close kami ni Aira. Inalagaan ko siya, iningatan to the extent na pati yung mga manliligaw niya ay hinaharang ko.

Nagsigawan ang mga tao sa studio sa sobrang kilig sa kwento ni Gelo.

Tito Roy : Bakit mo hinaharang? Kasi nga crush mo siya, ganon?

Gelo : Oo tito Roy crush ko siya pero iba yung pakiramdam ko pag mayroong manliligaw sa kanya. Nandoon yung takot, selos, halo-halo na.

Tito Roy : Kailan mo nasabi sa kanya na gusto mo siya?

Gelo : Actually tito Roy, ilang beses ko ng nasabi sa kanya yun at pinaparamdam pero hindi niya pansin. Kapag may okasyon, nireregaluhan ko siya, binibigyan ng flowers, kumbaga nililigawan ko siya pero hindi niya alam, feeling niya ginagawa ko yun dahil bestfriend ko siya. That's how naive she is. Hanggang sa dumating yung prom night nila, hinatid ko siya sa school at naghintay ako sa kanya sa parking lot. Yun yung araw na sumabog ako tito Roy, dahil kasayaw niya si Jaytee Arellano, yung masugid na manliligaw niya na naging crush niya.

Tito Roy : Wow! Jaytee Arellano of JTA pharmaceuticals?

Gelo : Yes tito. Doon ako natakot ng husto because that man is really something. Hindi takot sa mga pagbabanta ko na layuan si Aira.

Maririnig ang tawanan ng mga studio audience sa sinabi ni Gelo. Si Roxanne ay nakasimangot the whole time. Ako naman ay namumula sa pinagsasabi ni Gelo.

Tito Roy : So, sumabog ka kamo. Meaning nung araw na yon doon ka nagtapat sa kanya?

Gelo : Yes tito at hindi rin ako pumayag na hindi maging kami nung araw na iyon. That's the start. She's sixteen that time and I'm nineteen. Na-engaged kami nung 20 siya, after she graduated from college and I secretly married her nung first year niya sa med school.

Tito Roy : Bakit sikreto? Hindi ba engaged na kayo?

Gelo : Because we promised her family na magpapakasal lang kami after ng med school niya kaya itinago muna namin kasi mapapagalitan kami. Naiinip na kasi ako tito Roy. May bahay na kami, may mga pundar na, may ipon kaya gusto ko ng mag settle down pero sinubok kami ng tadhana. Yes, it's true that because of Gwyneth's wicked ways, we lost our first child. Doon lang din nalaman ng family namin na kasal na kami. Gusto ko na talagang ipaalam noon sa publiko kaya magpapakasal kami sana ulit, isang wedding sa farm ng dad ko. Everything was settled then kaya lang maraming banta mula kay Gwyneth and I want Aira to be safe. She decided to leave at hindi namin alam kung nasaan siya. She got married to Jaytee in Canada at yon ang naging dahilan kaya ako ' nagwala' pansumandali. I even want to end my life. But I got it all wrong because her marriage to Jaytee is like a marriage for covenience. Just to protect herself and our children .

Tito Roy : So, Gelo ano ang masasabi mo sa mga fans mo na talagang nagulat sa nalaman nila. Alam nila na si Roxanne ang girlfriend mo. Ano ang sasabihin mo sa kanila at kay Roxanne na rin.

Gelo : To all my fans, I'm sorry kung nagulat ko kayo pero ito ang totoo sa buhay ng isang Gelo Montero. Isang babae lang ang talagang minahal ko at yung mga na-linked sa akin, walang anumang romantic feelings involved it's just for a show well except of course to Roxanne. What we had was true. She helped me during those times that I'm totally wrecked. And I thank her for that. But the label, gaya nga ng sabi ni Aira, hindi ako ang nagbigay ng label sa relasyon namin ni Roxanne, ang mga fans yon. Since Roxanne and I are matured enough, hindi ko na pinansin yon. And to you Roxanne, I'm sorry for breaking up with you.Noon ko pa gustong sabihin sayo ang totoo, nag-uumpisa pa lang tayo but you didn't let me. Ayaw mong makinig kasi sabi mo past na pero hindi mo kasi naisip na nandoon ang katotohanan na hindi talaga pwedeng maging tayo, that's why I didn't give label to what we have. Maraming beses kong sinubukan Roxanne pero ayaw mo akong pakinggan. Minahal naman kita, nirespeto. I didn't take advantage on you during those times. Hindi naman kita naagrabyado and I gave you what you deserved. I'm sorry pero sa kabila noon, nagsalita ka pa rin ng hindi maganda sa ina ng mga anak ko in public. Wala akong sinabi sayo na nagdududa ako sa pagkatao nila pero iba ang lumalabas na salita galing sayo. Parang pinalalabas mo na hindi ko pinaniniwalaan na anak ko sila. You even said na sumasakay lang ang ina ng kambal sa kasikatan ko. Wala ka namang alam sa nangyari sa buhay ko kasi tinanggihan mong alamin tapos magsasalita ka ng ganoon on national television. Akala ko pa naman Roxanne na sa kabila ng maganda mong mukha ay may maganda ka ring kalooban, mali pala ako. Salamat sa maganda nating pinagsamahan. Hindi ko ikinakaila na napasaya mo rin ako kahit paano.

Roxanne : Gelo I'm sorry. Nasabi ko lang yon dahil nasaktan ako sa biglaan mong pakikipag-break. Kung hindi mo ako girlfriend, bakit ka nakipag-break?

Gelo : Bakit Roxanne? Hindi ba kahit ang mga walang label nagbe-break din? Granted na nasaktan ka, pero dapat ba magsalita ka ng higit na nakasasakit sa kapwa mo gayong wala ka namang alam sa buong pangyayari? Si Aira, ilang beses siyang nasaktan pero palaging tikom ang bibig niya dahil ayaw niyang makasakit ng iba. I can forgive you Roxanne dahil may pinagsamahan naman tayo but I can't be with you anymore. I ended us last night in front of your family because I respect them and I respect you. Huwag ka na sanang gumawa ng mga bagay para mawala ang respetong yon.

Matapos yon ay pinutol na namin ang interview dahil sa pakiusap ni Gelo na pinahintulutan naman ni tito Roy. Marami ng naisiwalat na katotohanan kaya sapat na yon sa network.Sila na ang bahalang mag-edit kung ano lang ang dapat ipalabas sa tv at kung alin ang hindi. May MTRCB naman. Sapat na ang mga studio audience ang nakaalam sa buong pangyayari.

Sa magkabilang kamay ni Gelo, hinila kaming dalawa ni ate Shane paalis sa studio matapos magpasalamat kay tito Roy. Si Roxanne ay tulalang umiiyak na pilit pinatatahan ng kanyang manager.

May awang humaplos sa puso ko para sa kanya pero hindi na ako magiging malambot this time. Sapat na siguro ang lahat ng ipinagtiis ko.

Umaasa ako na sa gabing ito, tapos na ang lahat ng kaguluhan sa buhay namin ni Gelo.

Gaya niya gusto ko na rin na makapag-umpisa sa second chance naming dalawa. Kasama ng aming mga anak.

" Let's go home baby." bulong niya sa akin.

" Yeah. Let's go home. And it's about time to meet your kids."