webnovel

Instagramable

Shanaia Aira's Point of View

YUNG masayang bakasyon sana namin ni Gelo kasama ang mga kaibigan namin ay naging nakakayamot na bakasyon.

Nakaka-isang lugar pa lang kami ng pinuntahan ay may unexpected na tao ang dumating at doon pa sa mismong hotel namin naka-check in kasama ang buong staff nung company na ine-endorse nya. Isa itong commercial ng sikat na fast food chain at dito pa sa Laoag, of all places ang napili nilang location.

Natuklasan namin yon dahil kay Venice. Pinauna na nya kami sa hotel at nauna na rin kaming nag dinner sa resto. Nanood pa sila nung shooting kaya nakakuha sya ng impormasyon.

" What do we do now?" tanong ko kay Gelo nung nasa room na kami.

" It's sad to say na dito lang tayo sa room natin hanggang sa matapos yung shooting nila." sagot nya.

" Di ba may fast food commercial ka rin? Hanggang mga ilang araw ang itinatagal ng shooting nun?" I asked again.

" Usually, 2 to 3 days but depende din sa sitwasyon. " sagot nya.

" Ay, paano yan hindi tayo makakalabas dito? " malungkot kong saad.

" Medyo pabor sa akin yun baby. " nakangisi nyang turan sabay kindat pa sa akin.

" Hay nako alam ko na yang tumatakbo sa perverted mong utak Gelo Montero! " kunwari ay naasar kong turan.

" Hahaha. Grabe ka talaga sa akin Aira Montero. Paano kung ang nasa isip ko ay mag Bible study tayong dalawa o kaya naman mag devotion?"

" Ewan sayo. Magkakasala ka lang kay Lord nyan kung hindi yang sinabi mo ang totoong nasa isip mo."

" Ikaw naman baby nagbibiro lang ako. Wala na, finish na, si Lord na ang nasa usapan natin kaya si angel Gelo na ulit ako. " nangingiting yumakap ako sa kanya at mabilis na hinalikan siya sa labi.

" Yes bhi paminsan-minsan naman bawasan mo ng konti yang pagiging naughty mo. Dati ikaw yung conservative sa ating dalawa at ako yung naughty pero ngayon nagka-baligtad na yata. "

" Ewan ko ba baby. Simula nung makuha mo ang virginity ko naging ganito na ako. Ganun pala ang epekto nun? " painosenteng tanong pa nya.

" Hala parang siya lang ang virgin nung araw na yun! " inis kong turan.

" Hahaha. pikon na naman si misis. " I pouted and change the topic.

" So paano na nga tayo nyan? Kapag lumabas tayo kahit naka-disguise ka, wala rin kasi kilala nya ako. Hindi malayong mabuko ka rin nya kaagad. Gusto ko pa namang pumunta ng Vigan bukas. "

" Madali lang naman ang solusyon dyan baby. Ikaw magsuot nung cap at shades ko bukas tapos paunahin mo sila Venice sa labas, kapag clear na saka tayo lalabas. Okay ba yun? "

" Good idea bhi pero sana lang nga makalusot. Alam mo naman yang si Gwyneth kahit yata anong disguise ang gawin mo, makikilala at makikilala ka pa rin nya. " sabi ko.

" Hindi yan. Kahit magtanong pa sya sa receptionist, walang Gelo at Aira na naka-check in dito." kampanteng sagot nya. Nag check in kasi kami dito as Mr. and Mrs. Robert and Sydney Hidalgo. Ewan ko sa kanya kung saan nya kinuha yung mga pangalang yon.

" Seriously bhi, saan mo kinuha yung mga pangalan natin na binigay mo sa receptionist? " curious kong tanong.

" Si Robert at Sydney, classmates ko sila nung kinder pa ako. Yung Hidalgo, maiden name nung best friend ni mommy. Si tita Ali." sagot naman nya.

" Wow ang galing! " sambit ko.

" Ako pa ba? Mas magaling ako mamaya bago tayo matulog. C'mon mag-shower na tayo. " hinila na nya ako papunta sa bathroom. Doon ay buong expert nya akong hinubaran saka binuhat papunta sa bathtub.

" I will show you here how expert I am. " pabulong nyang turan nung pareho na kaming nasa bathtub.

I just rolled my eyes at him before he attack me with passionate kisses.

At ang susunod na pangyayari ay alam nyo na. Wag ng idetalye, rated spg kami. hehe.

_______________

It's morning, Gelo is waking me up and shaking my shoulders hurriedly. Gusto ko tuloy syang hambalusin dahil sobrang inaantok pa ako at masakit ang katawan ko.

I opened my eyes para lang magulat dahil pumapasok na ang sinag ng araw sa bintana.

" Anong oras na bhi?"

" Almost 9am na. Sorry kung ginising kita. Umalis na kasi yung group nila Gwyneth papunta sa location ng shooting nila, chance na nating lumabas. Nasa resto na sila Kevin at ikaw na lang ang hinihintay."

" I'm sorry bhi, napasarap ang tulog ko. Sige maliligo na ako." mabilis akong kumilos papunta sa bathroom para maligo.

Lumabas ako ng bathroom matapos ang sampung minuto. Ito na yata ang pinakamabilis na pagligo ko simula ng maging tao ako. Naratnan ko si Gelo na nakaupo sa kama. Nang makita nya ako ay inabot nya kaagad ang bihisan ko na siya mismo ang namili sa closet. Isang short-sleeved v-neck romper short na kulay maroon na may white stripes ang napili nyang isuot ko. Terno ito sa kulay maroon na t-shirt na suot nya na may print na swoosh ng Nike in white. Pareho rin kami ng suot na sneakers, Nike na kulay white.

Naka-disguise na kami nung lumabas kami ng room. Bumaba kami sa resto at namataan ko naman kaagad yung apat na tila inip na inip na sa paghihintay.

" Sorry guys napasarap tulog ko." hinging paumanhin ko ng makalapit kami sa kanila.

" Wow! nice get up. Kayo na ang couple." puna ni Venice sa suot namin ni Gelo.

" Parang sila hindi ah. Anyway, clear na ba ang dadaanan natin?"

" Clear na po ma'am. May nakapagsabi na nasa plaza ulit sila ngayon kaya paglabas natin nitong hotel may Grab na naghihintay sa atin dyan sa harap." imporma ni Charlotte.

" Thank you Lot. So, shall we? " untag ko sa kanila.

Makakasunod kaming lumabas ng hotel. Gaya nga ng sabi ni Charlotte, nandoon na yung Grab na tinawagan nila kanina.

Isa't kalahating oras ang itinagal ng biyahe namin from Laoag Ilocos Norte to Vigan Ilocos sur. Pagdating namin dun ay naghanap agad kami ng makakainan dahil halos lunchtime na rin.

We found a small cozy restaurant cafe that offers variety of Filipino-Ilocano cuisine. It is located in the heart of the famous street in Vigan, the Calle Crisologo.

After we ate our lunch, naglakad-lakad kami sa kahabaan ng Calle Crisologo. Panay ang selfie namin kasi talaga namang instagramable ang lugar.

Next naming pinuntahan ay ang Vigan Cathedral at Vigan Heritage Village. Hindi kami masyadong nagtagal dito dahil nagyaya agad si Venice sa Baluarte Zoo.

Lakad lang kami ng lakad pero kakatwang hindi kami naiinip dahil sobrang ganda ng mga lugar na pinupuntahan namin.

Hapon na nung makarating kami sa Plaza Burgos. Kilala ang lugar na ito sa mga street food stalls. Dito kami kumain ng meryenda. Sinubukan naming kainin ang halos lahat ng pagkaing naroon tulad ng empanada na talaga namang masarap.

Papadilim na nung puntahan namin ang pinaka-huli sa itinerary namin. Plaza Salcedo. The place was known for its dancing fountain.

Medyo naghintay pa kami ng kaunti because the dancing fountain starts at 7pm.

Sobrang enjoy ang pamamasyal namin sa Vigan. Proud ako na ganito kaganda ang bansa natin. Parang gusto kong magsisi na mas inuna ko pang pasyalan ang mga lugar sa ibat-ibang bansa na napuntahan ko gayong dito pala sa sarili kong bayan ay may magagandang lugar na hindi ko pa nakikita.

Mas lalo ko pang na-appreciate ang paligid dahil ang mga kaibigan ko ang kasama ko at si Gelo.

Sila lang masaya na ako.

Nang makabalik kami sa hotel namin sa Laoag ay halos alas diyes na ng gabi. Pare-pareho na kaming inaantok ng sumakay kami ng elevator. Pagdating ng floor namin, nag-uunahan pa sa paglabas ng lift si Venice at Charlotte kaya pinauna ko na sila kaya nasa likod kami ni Gelo kasunod ni Kevin at Clyde.

Nung palabas na kami ni Gelo, may papasok naman sa elevator. Dahil antok na kami pareho hindi namin napansin yung nakasalubong namin kaya nagkabanggaan kami. Tinamaan ng ulo nya yung shades na suot ko kaya nahulog ito sa sahig.

" I'm sorry miss." hinging paumanhin nya tapos sabay pa naming pinulot yung shades sa sahig.

Nung iabot nya sa akin ay pareho pa kaming natigilan.

" Aira?" gulat na bigkas nya sa pangalan ko.

Halos matuod naman ako sa kinatatayuan ko. Nang tumingin ako sa harapan ay wala na si Gelo, nakita ko na lang na nagmamadali na itong pumasok sa room namin at iniwan ako.

Hay nako, mabuti na rin siguro yung ganon.