webnovel

Insanity

Ariel Angelo's Point of View

I HARDLY can't believe why she still want to ruin my life. After all these years I thought she's done. But I was wrong. Dahil siya pa rin ito, the same woman who did us wrong before is now in front of me.

Gwyneth Faelnar.

Iniharap siya sa akin ng mga pulis. Naka-posas siya. Ang nakakainis dun ay ngumiti pa siya sa akin na parang nakakaloko gayung kumukulo ang dugo ko pagkakita ko pa lang sa kanya.

" Nakakulong ka na nga, gumagawa ka pa rin ng kasamaan. What do you want from me? From us? Anong ginawa ni Aira sayo para iutos mo na gawan siya ng masama?"

" Bumalik pa kasi sya eh. Hindi ba sinabi ko na sa kanya na huwag na syang magpapakita? Bumalik pa sya na kasama ang mga anak ninyo. Ayoko yun Gelo. Ayokong mabuo kayo kasi dapat ako lang ang kasama mo. Pag nakalabas na ako dito, tayo ang magsasama kaya dapat mawala na si Aira sa landas natin. " parang umakyat ang dugo ko sa ulo ko sa sinabi niya. Hindi dapat dito ito nakakulong kundi sa isang asylum. Sinong tao ang nasa tamang pag-iisip ang mananakit ng kapwa niya?

" Alam mo Gwyneth, sa kabila ng nangyayari sa buhay mo ngayon, bakit puro kasamaan pa rin yang iniisip mo? Hindi pwedeng mawala sa buhay ko si Aira at ang mga anak namin. Asawa ko siya at pamilya kami. Bakit hindi ka na lang manahimik at pagbayaran ang lahat ng kasamaan mo? Pero dapat hindi ka dito, dun ka dapat sa asylum dahil hindi na matuwid yang pag-iisip mo. Sinong may matinong pag-iisip ba ang gagawa ng masama sa kapwa niya gayong nasa kulungan na? Hindi ka dapat dito Gwyneth at gagawin ko ang lahat para dun ka sa asylum mapunta, kasama ng mga taong hindi na alam ang kanilang ginagawa!"

" How dare you! Hindi ako baliw Gelo! " sigaw nya sa akin. Galit na galit sya.

" Hindi nga ba? At paano mong nalaman na may presscon ako nung araw na yon? "

" Kung baliw ako, bakit hindi mo nahalata na kasabwat ko ang ex mo na si Roxanne? Ang galing kong mag-plano di ba? " nagulat ako sa sinabi niya.

" Ano nagulat ka? Ang dali mo rin kasi na magtiwala. Yung pagkikilala ninyo ni Roxanne sa tulay, planado ang lahat ng yon. Matagal ka na niyang sinusundan, simula nung ipakulong ninyo kami ng daddy. Siya ang ginamit ko para makapag-higanti sayo at sa pamilya mo. She's my bestfriend. Magkasama kami noon pa sa agency at mga pageants. Dahil sa ginawa ninyo sa amin, sumumpa siya na paiibigin ka niya hanggang sa masaktan ka. " nanlilisik ang mga mata nya sa akin pero ngumiti ako ng malapad na lalo nyang ikinagalit.

" But so sad, she didn't succeed. Never akong na-inlove sa kanya dahil mula noon hanggang ngayon si Aira lang talaga. Alam mo ang masakit Gwyneth? Yung kahit na ano ang gawin mo, hindi ka nagtatagumpay na makuha ang puso ko. At itong ginawa mo ngayon kay Aira? Pagbabayaran mo ito, kayo ni Roxanne. Hindi ako titigil at hindi ako mananahimik na lang. Ikaw sa asylum at si Roxanne ang papalit sayo dito. "

" No Gelo! Bawiin mo yang sinabi mo. Ayoko doon! " naghihisterikal na sambit niya. Alam niya na sa lawak ng impluwensiya ng pamilya ko, hindi mahirap ang gusto kong gawin sa kanya.

" Sana naisip mo yan bago ka gumawa ng kung ano-anong kabaliwan. You put Aira's life in danger, so what do you expect me to do? Roxanne will rot in jail while you will be admitted to an asylum. At magagawa ko yon sa lalong madaling panahon. Kung sana huminto ka na lang sa panggugulo sa buhay ko Gwyneth pero hindi, sinagad mo ang pasensiya ko. Kahit malalim ang balon, napupuno din. " yun lang at tinalikuran ko na siya. Panay ang tawag niya sa pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon. Ang mga abogado ko na ang kikilos para isagawa ang nararapat sa kanila ni Roxanne.

Bumalik na ako sa ospital dahil tumawag si mommy para sabihin na malapit na raw mailipat si Aira sa suite room niya.

" Kumusta anak?" tanong agad ni mommy pagpasok ko ng kwarto.

" Inilagay ko na si Gwyneth at Roxanne sa dapat nilang kalagyan."

" Roxanne?" halos magkapanabay pa sila ni mommy Elize ng sinambit. Gulat ang nakarehistro sa mga mukha nila.

" Yes, hindi pa pala sapat yung nalaman natin tungkol sa kanya. Yung panloloko niya na pera lang ang habol niya sa akin. Ang pagkikilala namin ay sinadya. Sa utos lahat ni Gwyneth. Matagal na silang magkaibigan at siya ang ginamit ni Gwyneth para guluhin ang buhay ko. "

" Jusko, ano ba ang mapapala niya kung gawan ka niya ng masama? Nakakulong na siya, nag-iisip pa siya ng ikapapahamak ng kapwa niya. Ang mga ganong tao na katulad ni Gwyneth ay may diprensya na sa utak. Kung matino ba ang pag-iisip niya, hindi ganyan ang gagawin nya. At ito namang si Roxanne, alam ng masama ang pinagagawa sa kanya, inayunan pa. Sinasayang nila ang magandang opportunities na binigay sa kanila ng Diyos. " turan ng mommy ko.

" That's right mom. Kaya si Roxanne ay makukulong dahil sa pakikipag-isa niya kay Gwyneth at si Gwyneth naman ay hiniling ko na maipasok sa isang mental institution. Kailangan niyang magbago at para mangyari yon, kailangan munang baguhin ang isip niya. Kung hindi ko gagawin yon mom, paulit-ulit lang niya kaming guguluhin at sasaktan. "

" Anak hindi basta-basta makapag-request na magpapasok sa isang mental institution. Kailangan ng thoroughly observation sa pasyente. " turan ni mommy Elize.

" Opo mommy, may doktor po na madalas mag-check doon at napansin din po nila ang kakaibang behaviour ni Gwyneth. Bago ako humarap sa kanya kanina, nagtanong-tanong po muna ako ng mga bagay tungkol sa kanya mula ng makulong siya. Lahat sila parehas ang sinasabi tungkol sa kanya. May mental illness nga po sya. "

" My goodness! Kahit naman masama ang ginawa niya sa atin,nakakaawa rin naman. Ang pinaka-masaklap na maaaring mangyari sa isang tao ay yung magkaroon ng mental illness. Kawawa ang mga taong hindi na alam ang kanilang ginagawa. " turan muli ni mommy.

" Kaya nga po para magbago na siya, kailangang mabago muna ang isip niya. Para hindi na siya makapanakit pa ng iba. " sagot ko.

" Sana anak magkaroon na nga ng katarungan ang mga nangyari sa inyo ni Aira noon dahil sa kagagawan ni Gwyneth. Ilang taon ang nasayang sa inyong mag-anak, ngayong mag-uumpisa pa lang kayo panibagong pagsubok na naman ang hinaharap ninyo. "

" Matapos lang ang lahat ng ito at yung mga recent projects ko, aalis muna kaming mag-anak dito sa bansa. " nagulat si mommy at mommy Elize sa sinabi ko.

" Ha? May balak kayong umalis? " tanong ni mommy Elize.

" Yes mommy, maybe a year or two po. Gusto lang po namin ng konting katahimikan ni Aira. Balak pa lang naman po kaya hindi namin sinasabi pa sa inyo pero dahil sa nangyaring ito kay Aira, itutuloy na po namin. "

" Paano ang career mo at ang residency ni Aira? " tanong muli ni mommy Elize.

" Pahinga po muna ako sa showbiz tapos si Aira po sa ibang bansa na lang magpapatuloy. Pwede naman po tayong magkasama kahit malayo po kami, katulad na lang pag nasa US po tayo. "

" Mami-miss namin kayo lalo na ang kambal pero kung sa ikatatahimik ng buhay ninyo, sige humayo kayo dala ang basbas namin. " sabi ni mommy.

Matapos ang pag-uusap namin ay dumating si daddy na humahangos. Kinabahan ako lalo na nung makita ang pamumutla sa itsura niya.

" Dad ano po ang nangyari? Si daddy Adrian po? " kinakabahang tanong ko.

" Naiwan si pareng Adrian don sa OR, si Aira nak..."

" Anong nangyari Archie?" halos sabay pa si mommy at mommy Elize na nagtanong.

" Nag—nag-seizure sya tapos—" hindi maituloy ni daddy dahil bigla syang naiyak.

" Tapos ano?" kinakabahan na rin si mommy ng magtanong.

" Nag-flat line sya at ngayon kasalukuyang nire-revive ng mga doktor."

Parang gumuho ang mundo ko sa narinig at mabilis akong lumabas ng suite at mabilis na tumakbo papunta ng OR.

Oh God.. please no.

Pasensya na sa matagal na update,bantay ospital ako the past few days. Mag-uupdate na lang ulit ako mamaya.

Thank you for waiting.

AIGENMARIEcreators' thoughts