webnovel

In Words and Actions

Shanaia Aira's Point of View

NAGISING ako na madilim na sa labas. Nananakit ang buo kong katawan dahil pinagbigyan ko ang request ni Gelo. Wala eh, marupok talaga ako pagdating sa kanya. Mahal ko kasi kaya hindi ko matiis.

Pinagmasdan ko ang katabi ko na payapa at mahimbing na natutulog. Kanina lang aktibong-aktibo pa sya. Masasabi ko na ito ang pinaka-intense sa lahat ng love makings namin. Pareho kasi naming na-miss ang isa't isa tapos galing pa kami dun sa sitwasyon na may konting di pagkakaunawaan. Pinagbuti rin ni Gelo kasi kinabukasan daw, umpisa na nung punishment ko sa kanya. Pinagbigyan ko lang talaga sya ngayon at mula bukas effective na yung punishment sa kanya. One week syang walang exercise.

Isiniksik ko ang sarili sa kanya. Gusto ko yung ganito na nakadikit ako sa kanya, ramdam ko yung init ng katawan nya. We are both naked under the blanket. Tinamad na pareho magdamit dahil sa sobrang pagod.

Naramdaman ko na kumilos sya. Niyakap nya ako kaya ipinatong ko ang ulo ko sa dibdib nya. Ang bango talaga ni Gelo, hindi ako magsasawang amoy-amuyin sya. Hinalikan nya ang ulo ko kaya napatingin ako sa kanya. Iyong isang mata nya lang ang nakadilat.

" Bhi akala ko ba uuwi rin tayo? madilim na sa labas." tanong ko.

" Tomorrow morning na lang. Are you not tired?" tanong nya in his husky voice.

" Tired of course. Pinag-acrobatic mo na naman kaya ako, sino ang hindi mapapagod dun?" I heard him chuckled and kiss again my temple.

" It's your fault for being too sexy and irresistible. I'm so addicted to you. " sabi nya. Nag-blush naman ako.

" Tss. You are really so good with words bhi. "

" Pero hindi kita binobola ha? Yun ang nararamdaman ko at sinasabi ko lang."

" Oo na. Mamaya nyan landiin mo na naman ako, hindi na kaya ng powers ko. " narinig ko syang tumawa ng malakas.

" Okay I'll let you rest, no more landian till next week." seryosong wika nya.

" Aw bhi, bakit parang masama ang loob mo? "

" What? No! May kasalanan ako kaya dapat lang yung parusa and I mean it. Kaya nga sinulit ko na kanina para sa one week na walang exercise. " nakangiti na sya ng sabihin yon.

" Uhmmm.. malay mo bhi, magbago isip ko." tudyo ko sa kanya.

" Talaga baby?" ang lapad ng ngiti ng loko.

" Yeah basta behave ka lang. "

" Sus, mabait kaya ako. Tara tulog na ulit tayo. " untag nya sabay yakap ulit sa akin. Pinikit ko na rin ang mga mata para humanda na sa pagtulog pero biglang may tumunog na cellphone. Nagkatinginan kami.

" Kanino yun? sayo o sa akin? " tanong nya.

" Ewan! gaya-gaya ka kasi ng ring tone at message tone. Magkamukha na nga cellphone natin pati ba naman tunog?"

" Syempre, we're couple kaya dapat couple din gamit natin." katwiran pa nya. Kinuha ko yung cellphone at tiningnan yung text.

Unknown number : Hi Gelo! This is Gwyneth. Bakit bigla kang nawala kagabi? May nagsabi na nakita ka raw with Shane Gallardo. Kaya umuwi na rin kami. Hope you don't mind me asking, what's going on between you and Shane? Hindi kasi ako mapakali because I like you Gelo since that day we had our first on screen kiss. I had sleepless nights thinking about you.

Gusto kong matawa na mainis sa text ni Gwyneth. Jusko! beauty queen nagko-confess kay Gelo? Kaya naman pala siya yung humalik kay Gelo sa video, at mukhang nagseselos pa kay ate Shane.

" Bhi nag text sayo yung beauty queen."

" Sa akin?" tila nagtataka pa sya pero kinuha din nya yung cellphone mula sa akin.

" Nag-confess na sayo. Hayan na nga ba sinasabi ko eh."

" Sus baby, parang hindi ka naman sanay. Isa lang sya sa mga nag-confessed sa akin. Hindi yan first time na naka-encounter ka ng ganito. Lagi ko namang sinasabi sayo di ba?" sabi nya habang inaabot muli sa akin yung cellphone.

" Kung hindi ko nabasa yan bhi, sasabihin mo rin ba? "

" Ang tanong sasabihin mo ba sa akin? " tanong nya pabalik na syang ipinagtaka ko.

" Ha? Bakit napunta sa akin yung tanong? "

" Eh cellphone mo yan baby!" napatingin akong bigla sa cellphone na hawak ko. Akin nga dahil sa wallpaper nito. Nagtataka akong tumingin sa kanya.

" Number mo yung binigay ko sa kanya nung kinukulit nya akong hingin yung number ko.That way malalaman mo kung sino ang nagte-text sa akin. Wala akong tinatago sayo baby, gusto ko lahat nalalaman mo." na touched naman ako sa sinabi nya. Itong lalaking ito talaga.

" Bhi bakit ganyan ka? Naiiyak naman ako, sobrang overwhelming yang ginagawa mo sa akin. Haba ng hair ko. "

" Tss. baby feeling ko nga ako yung hindi deserving sayo. Ang perfect mo kaya. "

" Enough na. Kinikilig na ako dito." tumawa sya ng malakas at hinalikan ako sa leeg kaya natawa na rin ako sa sobrang kiliti.

" So paano, sasagutin ko ba yang text nyang beauty queen. " tanong ko.

" Don't. Ayokong umasa sya sa akin. Hayaan mo na lang na isipin nya na may something kami ni Shane. I'll talk to your sister baka sa kanya naman biglang magtanong."

" Bhi paano kung ma-in love sya sayo? Ano gagawin mo? Beauty queen pa naman yon."?

" Kapag ba beauty queen hindi na pwedeng tanggihan? Baby sayo lang tumitibok ang puso ko at hindi ko ito pwedeng ibigay sa iba dahil hawak mo na ito simula pa nung mga bata pa tayo. Asawa na kita at walang makakapagbago nun. "

Malapad ang ngiti na yumakap ako sa kanya. Mahal talaga ako ni Gelo, not only in words but in action.

Haha. para tuloy gusto ko syang yayain uling mag-exercise ah. Pinakilig na naman nya kasi ako.