webnovel

First Kiss

Shanaia's Point of View

" Hi there! I'm Ariston Montero,Gelo's cousin.Are you his girlfriend? " isang gwapong guy ang lumapit sa akin at nagpakilala.Lumabas kasi si Gelo dahil tinawag ng mommy nya.Katatapos lang namin kumain at humiwalay kami sa mga bisitang artista ng ate nya.

" No,I'm his bestfriend.You just said you're his cousin,so bakit hindi mo yata alam na walang girlfriend si Gelo? " tanong ko, feeling ko chinichika lang ako neto.

" Honestly,hindi ko alam na walang girlfriend si Gelo,we're not that close.And besides kagagaling ko lang ng States kaya wala akong balita masyado dito."

" Oh I see." yun lang ang nasabi ko wala naman kasi akong alam sabihin,ngayon ko lang sya na~meet.

" You're Shanaia, right? Shane's sister." sambit nya bigla.

" Yeah,how did you know? " may pagtatakang tanong ko.

" Well, the truth is, Shane is my childhood friend and classmates kami nung grade school.When she entered showbiz,nagpunta naman ako sa States to pursue my studies there.Wala na akong masyadong balita until mom told me that she got married.And recently before ako bumalik dito nagkita kami dun,akalain mo schoolmate pala kami sa UCLA nung husband nya." kwento nya pa na akala mo matagal na kaming magkakilala.

So,echos nga yung kanina na hindi nya alam na bestfriend ako ni Gelo.

" Nakakatuwa naman,magkaibigan pala kayo ni ate,ngayon lang kasi kita nakilala."

" Bata ka pa kasi non, you're in pre~school I guess,nung pumupunta ako sa inyo kaya hindi mo na ako matandaan.Naging mag-bestfriends din sila ni Gelo nun, ngayon ikaw na ang bestfriend ni Gelo." nangingiti pa sya habang nagsasalita.

" Yeah,mas naging close kasi kami ni Gelo nung magka~boyfriend si ate at mag~asawa na.Syempre medyo naiba na ang priorities ni ate."

" Mas mukha ngang girlfriend ka nya.Sobrang inaasikaso ka kasi nya at ang sweet nyo.Hindi naman sila ganyan ni Shane nun."

" Oy hindi naman. Mas matanda kasi si ate Shane kay Gelo kaya parang mas baby brother ang turing ni ate sa kanya kaysa bestfriend. Siguro kaya mas close kami ni Gelo kasi halos magka~age lang kami .Tsaka pareho kaming may tililing nun kaya magkasundo kami." pabulong ko pang turan na ikinatawa nya.

" Hahaha.pareho pala kayo ng ate mo, pilya rin." malakas na tawa pa nya.Ang ligaya naman nya,kita na yung gums nya sa pagtawa.Pareho din sila ni Gelo na maganda ang ngipin, pang model ng toothpaste.

" Hey,mukhang nagkakasiyahan kayo dyan ha? So, finally you've met her." singit ni Gelo na kadarating lang mula sa labas.

" Yeah,she's so funny like her sister." sagot ni Ariston.

" Yeah right,she makes me laugh most of the time.She's my happy pill." malapad ang ngiti ni Gelo habang sinasabi yon.Pareho lang naman kami,siya rin naman ang happy pill ko bukod kay Charlotte at Venice.

" Are you done with tita Mindy's stuff? It's getting late na kasi." tanong ko kay Gelo na ang tinutukoy ko ay yung pinapagawa sa kanya ng mommy nya.Pinaayos kasi sa kanya yung computer ng mommy nya.

" Oo tapos na.Dito ka na lang matulog,I'll call tito Adrian,ipagpapaalam kita."

I just nodded.Kinuha ni Gelo yung phone nya at tinawagan si dad.

" Okay na baby,maaga ka na lang daw umuwi,aattend kayo ng mass." turan ni Gelo pagka~end nya ng call kay dad.

" Uy,mag bestfriends daw eh bakit may endearment ka yata sa kanya cuz." tukso ni Ariston kay Gelo.

" Hindi cuz,I call her baby kasi yun ang tawag sa kanya sa kanila.She's the youngest in their family.Kaya yun na rin ang tawag ko sa kanya." paliwanag ni Gelo sa pinsan.

" Okay na rin para pag naging kayo hindi na kailangan mag~isip pa ng itatawag sa kanya." pang~aasar pa  uli ni Ariston. Namula naman ako sa sinabi nya.

" That's a good idea cuz." ganting biro naman nya sa pinsan na nakangiti pa ng malapad na syang ikinagulat ko naman.

" Gelo! " saway ko.

" Hahaha.joke lang po.Tara na nga tulog na tayo.Dyan ka na kuya Aris,papatulugin ko na ang baby ko." nakangisi pa nyang turan.

" Gelo,nakakainis ka na ha! " maktol ko.

" O ganyan nagkatuluyan yung mga kakilala ko." pahabol na biro ni kuya Aris nung paakyat na kami sa hagdan.

" Hehe.nice meeting you kuya Aris.Goodnight." nakangiti na ako.

" Goodnight too.It's nice to finally meet you."

__________________

" Gelo,malapit ng mag 6am,hatid mo na ako baka ma~late ako sa mass. " panay ang yugyog ko sa nakadapa na natutulog na si Gelo.Nakaligo na ako at nakapagpalit ng damit,tulog pa rin sya.

Gaya nya, may mga damit din ako dito sa closet nya.Madalas din kasi akong mag~sleep over dito. Minsan dun ako sa room ng ate Arienne nya natutulog dahil mahilig kami pareho manood ng English movie. Tumatabi rin naman si Gelo sa amin minsan.Kung close sya sa parents ko,ako rin ganon sa kanila lalo na sa mommy nya. Pareho kasi naming passion ang cooking.Marami na rin naiturong recipe sa akin si tita Mindy.

" Hmm.wait baby, five minutes, promise." in his husky voice.

Tsk.five minutes tapos magpapatakbo ng car ng mabilis dahil male~late na.Kaasar!

Ang ginawa ko dinaganan ko sya dahil nakadapa naman sya para magising na.Gawain ko na to noon  kapag mahirap sya gisingin.

Ang nangyari,nagulat sya sa ginawa ko at bigla nya akong nilingon,saktong nakadukwang ako sa kanya kaya medyo lumapat ang labi nya sa labi ko.

Pareho kaming nagulat sa nangyari.Hindi agad nakahuma kaya medyo tumagal yung pagkakalapat nung mga labi namin.Tila naman may kuryenteng dumaloy sa akin ng maramdaman ko ang mainit at malambot nyang labi sa akin.Parang pamilyar ang hulma nito sa labi ko tila kilala na sya nito.

Bakit ganon?

Kaya para mawala ang awkwardness,hinila ko na sya patayo.Kahit ang totoo medyo nanginginig pa rin ako dahil sa hindi sinasadyang kiss.

" Gelo naman,maiiwan ako nila dad pag hindi tayo nakaabot sa oras." maktol ko sa nakangiting si Gelo na parang timang.

" Alright,wait a minute,makakahabol tayo sasama na ako mag~church. " dali~dali na syang pumunta ng bathroom para maligo.

Pumunta naman ako sa closet nya para pumili ng isusuot nya.At ng matapos ako ay inilagay ko na sa ibabaw ng kama nya.Lumabas na ako ng room nya at dun na lang sa living room ko sya hihintayin.

Habang hinihintay ko si Gelo,muli na namang sumagi sa isip ko yung nangyari kanina.Gosh! first kiss ko yun kahit na sabihin pa na dumampi lang yung labi nya sa akin.Medyo matagal rin yun ah kasi nagulat kami pareho at hindi agad nakakilos.Kung first kiss ko sya ibig sabihin sya na yung makakatuluyan ko? Paano yun? Hindi naman ako ang first kiss nya at may rule din sya na katulad ng sa akin.

Haissst.. Ewan ang gulo.Forget na lang yun,kunwari hindi sya counted.

Di nagtagal bumaba na rin si Gelo.Napatingin sya sa akin at ngumisi pa.

Damuhong to,kung makangisi wagas!

Hinila na nya ako at nagpaalam na kami kay tita Mindy.Pinakakain nya kami ng almusal pero tumanggi na kami dahil male~late na.

Hindi kami nagkikibuan sa byahe,buti naman sakto lang ang pagpapatakbo nya ng kotse kung hindi magbabangayan na naman kami.Binuksan ko ang car stereo nya.Dahil Sunday puro oldies ang tugtog pero magaganda naman.

Hindi naman ako mapakali ng pumailanlang ang sumunod na kanta.

You're my everything

The sun that shines above you

Makes the blue bird sing

The stars that twinkle way up in the sky

Tell me I'm inlove?

When I kiss your lips

I feel the rolling thunder to my finger tips.

And all the while my head is in the spin, deep within

Im in love.

Juice colored.Swak pa yata yung kanta sa akin.Yung damdaming hindi ko mapangalanan ngayon para kay Gelo,sinasabi na ng kanta.

Kaya mabilis kong pinatay ang stereo,ayokong marinig yung susunod pa. Baka tuluyan na akong makumbinse ng kanta sa nararamdaman ko. Hindi pwede to.

" Hey,bakit mo pinatay,maganda naman yung song kahit luma na? " reklamo nya.

" Wag ka nga! malapit na tayo oh." sabay turo ko sa village namin.

" Talaga lang ha! O baka affected ka rin nung song." turan nya.

Rin? meaning affected din sya? Pero baka naman hindi ganon ang ibig nyang sabihin,mali lang intindi ko,marami siguro ang nakikinig din sa station na yun at affected rin.Tama yun nga.

" Hindi ah! Palagay mo naman sa akin.Dalian mo na nga mag park para makapag CR nako." dahilan ko para hindi na sya sumagot.Pagkahinto nya ay dali~dali na akong bumaba na kunwari ay naiihi na.

Nakasama naman kami kila dad na magsimba.Pagkatapos ng mass ay tumuloy na kaming mamili para sa iluluto ni mom sa lunch.

Pansin ko naging tahimik si Gelo the whole day.Para syang may malalim na iniisip.Ayoko naman na magtanong baka hindi ako prepared sa magiging sagot nya.Feeling ko may kinalaman pa rin ito dun sa kiss kanina.

Baka nabitin?

Hala.. Ang harot naman ng naisip ko.

Ano nga kaya ang feeling na mahalikan ng isang Gelo Montero? Para naman akong kinilabutan sa naisip ko. Feeling ko incest yun dahil para na kaming magkapatid.

Seriously Aira, yun lang ang nararamdaman mo sa kanya?

Tss.parang hindi naman.

Tamo tong isip ko kumokontra na naman sa akin.

I heaved a deep sigh.Kausapin ko na nga, baka mahalata pa ako na affected dun sa kiss na yun kahit ang totoo sobrang affected talaga ako.Baka nga hindi pa ako makatulog pag naisip ko yun.

" Ang tahimik mo dyan,problema mo? " balewala kunwari na tanong ko.

" Wala lang,naisip lang kita."

Kumalampag naman bigla ang puso ko sa sinabi nya.Hala bakit kaya? Sabi ko na may kakaiba dito eh.

" Wow friend ibang klase ka talaga.Kasama mo na ako naiisip mo pa ako.Anyare? " kunway wala lang sa akin yung sinabi nya.

Tinitigan nya ako.At matagal bago sumagot ng halos pabulong lang.Na halos hindi ko nga yata marinig dahil sa lakas ng kalabog ng puso ko.

" Addict na yata ako sayo baby. Hindi ko alam kung bakit naramdaman ko na naman kanina yung naramdaman ko nung first time kitang mahalikan."

What? First time daw?

Kailan yun?