webnovel

Encounter

Shanaia Aira's Point of View

LAHAT kami ay nabigla sa pangyayari. Walang nakakilos agad dahil napako ang tingin namin kay Gelo na napahandusay sa semento dahil siya ang tinamaan ng suntok na para sana kay kuya Andrew.

" How dare you Gerald! Ano ba ang problema mo at bigla ka na lang nanuntok? Ikaw pa talaga ha? Ang kapal ng mukha mo! Ikaw na nga ang may atraso sa amin tapos ikaw pa ngayon ang may ganang manuntok. Look at what you've done? pati si Gelo nadamay na!" galit na galit si ate Shane sa dating asawa. Inalalayan ko naman si Gelo para makatayo. Ang bilis mangitim nung pisngi nya na tinamaan ng suntok ni kuya Gerald.

" Inunahan ko lang si kuya Andrew! Nakaamba na kasi sya! Malay ko bang ihaharang ni Gelo yang mukha nya." katwiran pa ni kuya Gerald tapos sabay ngisi ng nakakaasar kaya lalong nagpupuyos sa galit si ate Shane. Hindi man lang nagawang mag sorry.

" Nangatwiran ka pa! Hanggang kailan mo ba kami sasaktan, ha Gerald? Hindi pa ba sapat yung sakit na ibinigay ninyo ni Margot sa amin? Hindi ka ba nahihiya dyan sa anak mo?" sabi ni ate Shane.

" Ow come on Shane, alam naman ni Dindin na hindi ko sinadya ang pagsuntok kay Gelo. Inunahan ko lang si kuya— "

" Enough Gerald! Umalis na lang kayo at dumarami na ang mga taong nag-uusyoso! " mahinahon ngunit halatang nagpipigil lang ng galit si daddy kay kuya Gerald.

" Dad?! " si kuya Gerald.

" I said, umalis. na. kayo. Huwag mo ng hintayin pa na uminit ng tuluyan ang ulo ko. " sabi ni daddy kaya napilitan silang humakbang palayo ni ate Margot. Atubili pa nga si ate Margot na umalis. Nakatingin lang siya kay kuya Andrew.

" Andrew can we talk? " bumalik si ate Margot at lumapit kay kuya Andrew.

" Margot! " tawag naman ni kuya Gerald pero tiningnan lang nya ito at hinarap si kuya.

" Andrew please?" maiyak-iyak pa si ate Margot na nakikiusap.

" Wala na tayong dapat na pag-usapan pa. Tapos na tayo Margot. Tinapos mo nung sumama ka dyan kay Gerald. " turan ni kuya. Umiyak na ng tuluyan si ate Margot pero hindi na sya pinansin ni kuya. Hinawakan nya ang kamay ni dra. Faith at hinila na palayo dun sa kinatatayuan nila kanina. Nakatingin lang si ate Margot sa dalawang papalayo.

Nakakailang hakbang pa lang sila ng lingunin ni kuya Andrew si ate Margot.

" By the way Margot, this is Faith my girlfriend." sabi ni kuya tapos dumiretso na sila ng lakad papunta dun sa parking lot. Sumunod na rin sila daddy at ate Shane sa kanila. Naiwan kami ni Gelo sa harap ni ate Margot.

" Ate Margot I'm sorry. Naka-moved on na si kuya Andrew. Sana hayaan mo na lang sya. Ngayon pa lang ulit nya nabuo ang sarili nya simula nung mawala ka. Mahal na mahal ka ni kuya at nakita ko kung paano nya sinira ang buhay nya nung iniwan mo sya."

" Gusto ko lang naman na mag-sorry sa kanya, Aira. Alam ko naman na wala na akong karapatan na humingi non sa kanya pero nakokonsensiya ako kung hindi ko gagawin. Pero ngayong ayaw naman nya akong kausapin, ikaw na lang ang magsabi sa kanya. Nagsisisi ako sa nagawa ko at mahal na mahal ko pa rin sya hanggang ngayon. " tumango lang ako kay ate Margot, nagpasalamat sya sa amin ni Gelo. Nag sorry din sya dahil sa pagkakasuntok ni kuya Gerald kay Gelo, tapos tumalikod na sya para puntahan na si kuya Gerald.

Lumakad na kami ni Gelo papunta sa parking lot. Naaawa ko syang tiningnan dahil nagka-pasa na yung pisngi nya.

"Bhi?"

" Hmm?"

" Masakit ba? gamutin ko yan mamaya."

" Medyo na lang. Pero i-kiss mo na lang para mawala na yung sakit."

" Sus, para-paraan ka talaga."

" Oo nga baby. Dali na! Ang sakit oh." sabi nya habang hinihimas yung pisngi nya.

" Tss. Para ka talagang bata. " sabi ko pero hinalikan ko naman yung pisngi nya. Uto-uto rin ako eh.

" Yan! dito pa sa kabila baby. " utos nya tapos nakaturo pa dun sa kabilang pisngi nya.

" Wala namang pasa yan eh!" reklamo ko.

" Para pantay. Sige na! " hinalikan ko na lang din yung kabila para hindi na mangulit.

" Last na. Dito naman." sabi nya sabay turo sa labi nya.

" Hoy Mr. Montero! Huwag mong sabihin na may pasa ka rin dyan? Tigilan mo ako, baka asbaran na kita dyan."

" Ito naman. Kung makakalusot lang naman."

" Huh! palusot dot com.Hayun na si daddy nakatingin na sa atin kaya umayos ka dyan."

" Sabi ko nga." wika nya na kakamot-kamot pa sa ulo nya.

Pagdating namin sa bahay ay si mommy at tita Mindy na lang ang nagluto ng lunch namin. Si yaya Didang ang nag-aassist sa kanila. Hindi na kami tumulong ni ate Shane kasi bad trip pa rin si ate dahil dun sa encounter nila ni kuya Gerald. Ako naman ay ginamot ko yung pisngi ni Gelo. Tumulong din si Dindin sa amin.

" Ang bad ni papa ko mommy Baby, ni punch nya si daddy bhi ko. Hindi ko sya bati." nayayamot na turan ni Dindin.

" Dindin, huwag kang magsalita ng ganon against your papa. He's still your father." sabi ko.

" Eh mommy baby, tingnan mo nga ginawa nya sa face ni daddy bhi, nangitim na. " katwiran pa nung bata.

" Gagaling din yan sweetie. Basta huwag kang magalit sa papa mo. Hayaan mo na lang yang mama mo. " sabi naman ni Gelo.

" Okay! "

_________

Gabi na nung bumiyahe kami pabalik ng Metro. Kinuha lang ni dra. Faith at tita Mindy yung mga sasakyan nila sa bahay tapos umalis din agad sila. Sumunod din si kuya Andrew kay dra. Faith. Ihahatid daw nya ito sa bahay nila.

Umalis din kami ni Gelo makaraan ang isang oras.Kailangan na naming umuwi para makapag-pahinga. May shooting ulit siya bukas sa may malapit sa condo namin ang location. 8am ang call time nya kaya hindi na nya ako maihahatid sa school dahil 10am pa ang pasok ko.

Pagdating namin ng condo, naligo lang kami tapos naghanda na sa pagtulog. Pahiga na ako ng may narinig kaming tumunog na cellphone.

Nagkatinginan kami ni Gelo.

" Yours or mine?" tanong nya. Nagkibit balikat lang ako saka ko dinampot. Nang makita ko yung wallpaper....

" it's mine."

Nang buksan ko yung message....

Gwyneth Faelnar :

see you tomorrow Gelo. I miss you so much.

" Hayan nag text ang beauty queen mo! " nayayamot kong inabot kay Gelo yung cellphone ko.

" Oh nandito lang ako nagte-text ka pa?" asar nya sa akin.

" Kailan pa ako naging beauty queen aber?"

" Baby ikaw lang ang beauty queen ko. Ikaw ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko. Para sa akin, you're perfect. Mabait, matalino, malambing at masarap— magluto. Bonus na yung maganda at sexy pa." sabi nya sabay nag wink pa sa akin.

" Bhi kailan mali-lift yung pag banned ko sayo sa exercise? " tanong ko.

" Bukas? " patanong din na sagot nya.

" Mukhang ngayon pa lang ili-lift ko na. Pinakilig mo naman akong damuho ka! "

" Hahaha. Yes! Ayos!" bulalas nya na parang nanalo ng best actor awards.