webnovel

Drowning in Your Love

Shanaia Aira's Point of View

" Wake up sleepyhead." marahang paghaplos sa pisngi ko ang nagpamulat sa akin mula sa mahimbing na pagtulog. Kinusot ko ang aking mata at maliwanag na tumambad sa paningin ko ang gwapo kong asawa. The gorgeous actor Gelo Montero.

I scanned him from head to foot. He is wearing a white muscle shirt and gray jogging pants na nagdedepina sa magandang hubog ng kanyang katawan. Kahit anong isuot nya, mapapansin talaga yung ganda ng pangangatawan nya. Kahit yata sako ang isuot nya, gwapo pa rin sya. Nasaan ang hustisya?

Cause every time I breathe I take you in

And my heart beats again

Baby I can't help it

You keep me drowning in your love

And every time I try to rise above

I'm swept away by love

Baby I can't help it

You keep me drowning in your love.. 🎶🎶

Napangiti ako ng marinig ko ang maganda nyang boses. Kinakantahan na naman ako. Ganyan talaga yan kapag ayaw ko pang bumangon.

" Oo na po babangon na. Saan ka ba galing at mukhang pagod ka?" tanong ko habang bumabangon.

" Nag-jogging sa may dagat. Ginigising kita kanina kaya lang para kang mantika, so hinayaan na lang kita, ako na lang mag-isa ang nag-jogging." sinipat ko sya. Jusme, kahit mukhang hulas na, ang gwapo pa rin.

" Ugh.. sorry bhi napagod kasi ako kagabi eh. "

" I know kaya nga hindi ko na pinilit gisingin ka." tumayo ako mula sa kama saka ako naglambitin sa leeg nya. Ikinawit ko yung mga binti ko sa bewang nya. Sinuportahan naman nya yung pang-upo ko para hindi kami tumumba.

" Mukhang naglalambing ka na naman yata baby. " saad nya tapos hinalikan ako sa pisngi.

" Wala lang bhi. Ang gwapo mo kasi, ang aga-aga. Wala bang nagpapansin sayo dun sa labas kanina?" tanong ko.

" Hahaha. Hayun lumabas din ang totoo. Selos na naman ang misis ko. " tudyo nya. I pouted my lips. Isiniksik ko yung mukha ko sa leeg nya. Pinawisan ba to? Bakit ang bango pa din?

" Baby wag mo akong singhutin, pawis na pawis ako kanina. " parang nahihiya pang turan nya.

" Ang bango mo pa rin kaya. Yan ba ang pinawisan?"

" Oo nga, nag jogging kaya ako. Baba ka na para makaligo na ako, baka hindi ako makapagpigil i-exercise kita dyan. " natatawang turan nya.

" Tamo to uunahan pa ako sa bathroom." sabi ko.

" Pwede namang sabay tayo di ba? C'mon para makapag-breakfast na rin tayo sa Beach club." marahan nya akong ibinaba at mabilis na pumasok sa bathroom para lagyan ng tubig yung bathtub.

Sumunod ako sa kanya at sabay nga kaming naligo.

After a while palabas na kami ng casitas para mag breakfast sa Beach club. Habang naglalakad kami ay marami ang tumitingin kay Gelo. Hindi kasi siya naka-disguise ngayon. Pribado naman kasi ang resort na ito at iginagalang ang privacy ng bawat guests.

" Hindi ba si Gelo Montero yon kasama yung bestfriend nya na kapatid ni Shane Gallardo?" dinig kong tanong nung girl sa kasama nya na nakasalubong namin.

" Oo nga, ang gwapo! Bakit kaya hindi si Gwyneth ang kasama nya? Yun ang girlfriend di ba? " tanong naman nung isa.

Hindi ko na narinig yung sagot nung girl dahil nakalayo na sila.I just shake it off. After all, I shouldn't have much care coz I perfectly know the truth.

Gaya kagabi nung nag-dinner kami, magiliw at maayos ang serbisyo sa amin ng mga staff.They are the most attentive, well trained, friendly and caring staff of any resort we've ever been to.

After our sumptuous breakfast, we walk along the beach and enjoyed the white cold sand. The clear water is very inviting so we decided to go back to our casitas to change into a swimming wear.

The water is such a beautiful crystal blue colour that you start to believe you're in paradise. Iba talaga ang feels sa lugar na ito. Sobra akong naa-amaze sa creation ni God at napaka-palad nating mga nilalang na magkaroon ng ganito kagandang likha Niya.

Maybe I'm a drifter

Maybe not

'Cause I have known the safety

Of floating freely

In your arms

I don't need another lifeline

It's not for me

'Cause only you can save me

Oh can't you see

I can't imagine life

Without your love

And even forever don't seem

Like long enough.... 🎶🎶🎶

Napatigil ako sa pagmamasid sa dagat ng marinig ko na naman ang boses ni Gelo. Parang siyang si Regine Velasquez na nagpa-practice kumanta ng nakalubog sa dagat.

" Bhi napansin ko lang, mula kaninang paggising ko, kinakanta mo na yan. What's with the song? Mukhang tamang 90's ka yata ngayon." natatawa kong tanong sa kanya.

" Wala lang baby, parang akma lang yung song dito sa dagat at sa feelings ko sayo." nangunot ang noo kong tumingin sa kanya.

" Huh? "

" Ikaw naman, ang talino mo parang hindi mo na gets. " pagsusungit naman nya.

" Aba syempre malay ko ba kung ano ang nasa loob mo kung hindi mo sasabihin sa akin ng diretso. Ano, assuming lang ang peg ko, ganon?" pagsusungit ko rin.

" Hahaha. bakit kapag nagsungit ako ng slight tatapatan mo rin ng pagsusungit? Compatible talaga tayo baby, pareho tayong may tililing. " napangiti ako ng malapad sa sinabi nya. Yes, we're compatible in many ways.

" So, what's with the song nga?" pangungulit ko pa.

" Okay. Like what I've said, yung lalim at lawak nitong dagat ay katulad ng feelings ko sayo. Maaaring malunod ako nitong lalim ng dagat at ganun ka din baby, you keep me drowning in your love." maikling paliwanag nya sabay nag wink pa sa akin ang damuho.

Ay grabe ang cheesy nya, pero putek, kinilig ako.

______________________

Everyday ay sinusubukan naming lahat ni Gelo ang mga water and on shore activities na meron ang resort. We filled our days with aquatic adventures such as snorkeling, kayaking, kite surfing and scuba diving. Sa mga on shore activities naman, we tried cycling, bird watching, jungle obstacle course and tennis kung saan maraming nanonood sa amin dahil kay Gelo. Malamang fans nya yung iba dahil puro kababaihan lang naman. Hmp.

Gelo and I never thought that we would be able to experience this beautiful island. It was truly an unforgettable vacation. Such a wonderful experience to visit a paradise without leaving our country. Dito, pansamantala kaming nakapag-pahinga sa ingay ng mundo ng showbiz. Walang pretentions, walang stress. At dito, mas lalo kaming naging close . Lahat ng kabaliwan namin ay nailabas namin na nasaksihan ng apat na sulok ng aming casitas. At mas naging intimate din kami sa aming exercise sessions dahil sa nakaka-inlove na atmosphere. Sinulit talaga namin ang aming second honeymoon. Kaya kung mayroon ulit kaming pagkakataon ni Gelo, I'm sure babalik at babalik kami dito.

Matapos ang halos isang linggong stay namin sa paraisong ito, nakakalungkot man pero kailangan na naming bumalik ng Metro. Mag-eenroll pa kasi ako sa pangalawang taon ko sa med school at siya naman ay sa paghahanda sa susunod nyang movie with Gwyneth.

Pagdating namin ng condo, pabagsak kaming naupo sa couch dahil sa sobrang pagod. Nakayakap si Gelo sa akin na akala mo sawang nakapulupot. Mas sumobra pa yata ang pagiging clingy nya ngayon. But I don't mind, ganun talaga sya and I find it extremely sweet.

Sabay naming binuksan ang cellphone namin na naka-off ng ilang araw. Sunod-sunod ang pumasok na text sa akin pagkabukas ko. Karamihan ay galing kila mommy na nangungumusta lang naman.Nagpaalam naman kasi kami sa kanila nung umalis kami. Yung iba galing kay Venice, nagtatanong kung kailan ako mag-eenroll. Sinagot ko naman isa-isa yung text sa akin.

Nung tingnan ko ang katabi ko ay malawak na ang pagkakakunot ng noo. He was bombarded with text from mama D, from Mr. Chan and his talent agency. He heaved a very deep sigh that caught me off guard.

" What's with the deep sigh bhi? Is there a problem?" kinakabahan kong tanong.

" Mama D texted me, galit na galit sya dahil sa dami ng issues na lumabas habang wala ako.Ganun din si Mr. Chan at ang agency ko. Ayusin ko daw para hindi na lumala pa. "

" Anong issue daw ba yun? "

" Naglabas ng statement si Gwyneth sa media. That I was cheating behind her back with my own best friend Aira Gallardo!"

" What? " my blood started to boil upon hearing his words.

This Gwyneth is really such a scheming and manipulative bitch. This time she really went overboard. And I'm afraid how much trouble this issue might get.