webnovel

Chapter 1

~•~

Isang buwan na rin ang nakalipas simula nung iniwan na ako ni Lola, Kahit mahirap at masakit patuloy ko parin na kinakaya. Wala naman akong magagawa eh, tama si Lola ang buhay natin ay hiram lamang. So live your life don't  just exist, you'll never know when will be it's expiration date. Sige ka, baka magsisi la sa huli.

    

Ano naman kaya ang gagawin ko ngayon?

Naging boring na kasi ang buhay ko ngayon 'di tulad ng dati. Na kahit tumigil ako sa pag-aaral ay worth it naman kasi nakasama ko si Lola, Eh ngayon? wala ako ibang magawa kun'di ang maglinis, magdilig at magbungkal sa mga pananim namin. Mag-igib ng tubig magluto ng pagkain at paliguan si Katu. Manood ng tv sa tanghali oh, di naman kaya ay mag facebook at magshare ng mga memes sa timeline ko.

"La, Lo, gimingaw nako ninyo,"

"La, lo miss ko na kayo,''

Habang naglilinis naman ako sa kwarto, ay may nakita akong isang libro at dalawang singsing. Ito 'yung ibinigay sa'kin ni Lola bago niya ako iniwan.

"Nganong naa man ni diri a? Ako naman ni gisulod sa box intawon uy."

"Bakit nandito to?

Isinilid ko na to sa box ah."

  Ano na nga ba 'yung sinabi ni Lola tungkol dito? Na bawal daw itong masuot ng taong hindi ko mahal? Ah basta! parang ganun 'yun. Si Lola talaga pinagloloko na naman ako nun.

Nung minsan nga sabi niya na hindi niya pa daw nalilinis yung inidoro namin. Kasi kada Wednesday and Sabado nililinis namin yung CR. 'Yun pala nalagyan na niya ng muriatic acid yung inidoro kaya ayun. Nung ginamit ko sigaw ako ng sigaw sa sakit ng pwet ko, Ikaw kaya maluto ang pwet? Bawi niya daw kasi sakin 'yun, Kasi napaso rin siya nung Sabado at hindi man lang daw ako nagsabi sa kanya.

"Lola Gimingaw nako nimo! Nag inusara nalaman ko diri."

"Lola Miss ko na kayo!

Mag-isa nalang ako dito?"

 Isinilid ko naman sa box ang mga naiwan ni Lola ng biglang may nahulog na dalawang sobre mula sa libro. Sulat? anong pakulo na naman 'to?

Dear Kasa,

                Mahal kung Apo, pag nabasa mo ito ay malamang wala na ako sa mundong ibabaw dahil nasa langit na si Lola. Apo iniwan ko sa'yo ito para mahanap at makasama mo na ang iyung tunay na pamilya. Alam ko Apo, na kahit hindi mo sabihin alam kong hinahanap mo rin ang kalinga ng isang Ina. Pero Apo patawarin mo sana kami, ayaw lang namin na mawalay ka sa amin dahil mahal na mahal ka namin Apo. Simula nung ika'y sanggol pa. Iniwan ka ng iyong Ina sa amin. Sa kadahilanang hindi ka niya kayang buhayin dahil dalaga pa siya 'nun. Alam kong napakababaw lang ng rason niyang 'yun pero 'wag ka sanang magalit sa iyung Ina apo. Nakasilid sa envelope ang litrato ni Catherine siya ang iyong Ina.

"Catherine?" 'yun ang pangalan ng aking Nanay? Pero bakit? bakit niya ako nagawang iwanan ng ganun nalang? Nineteen na ako ngayon pero hindi niya man lang nagawang bisitahin ako. Siguro nakalimutan niya na ako, Bakit niyo pa piniling ipanganak ang bata kung sa huli ay aabandunahin niyo lang pala? Why let the kid suffer?

Paano niya nagawang pabayaan nalang ako? Lola, hindi ko maipapangakong hahanapin ko siya. Bakit pa? hindi naman ako importante sa kanya sa simula pa lang. Mas okay narin sa aking mag-isa.

"Kung ayaw niya sa'kin? eh ano ngayon? Hindi ko rin siya kailangan, Malaki na ako at hindi ko na kailangan ng Ina,"

  Sana ay hanap mo siya at nang magkita na kayo. Isa pa, Apo magbyahe ka papunta sa Manila at puntahan ang address na ito 'Rey Hacienda' Kasi Apo naibenta ko na kay Jose ang lupa natin.  Para naman may dalhin kang pera sa pagpunta mo sa Manila. Nand'yan sa brown envelope ang pera. Apo ko, mag-ingat ka lagi ha? mahal na mahal ka namin mamuhay kang masaya kahit wala na kami nandito lang kami palagi para gabayan ka.

Ps: Apo alagaan mo ng mabuti ang singsing at basahin mo ang buong libro. 'Yung buong libro Apo ah? 'wag kang tamad! At pangalawa 'wag mung susubukan na ibenta ang mga singsing kung hindi ay mumultuhin talaga kita. Galing pa iyan sa ating ka nuno nuno-an kaya pangalagaan mo 'yan.

Iyung Lola na mahal ka,

Saturnina Agoylo

 Maraming katanungan ang gusto kung masagutan ni Lola ngayon. Pero anong magagawa ko? Wala na siya.

 P-pero teka, sino ba talaga ang mga Rey na 'yan? Bakit parang pamilyar 'yung pangalan nila? At isa pa ano bang meron sa singsing at libro na 'yun? Jusko naman to si Lola! At ang mas malala pa bakit binenta niya ang lupa namin?

Paano na kami ni Katu? Saan ko iiwan si Katu pag nagpunta na ako ng Manila? Lola naman! bakit niyo ginawa 'yun?

"Lola! Ngano man?! Katu, wala na tay balay! gibaligya na ni Lola! Waah! Katu!" ngawa ko sa harap ng aso naming maliit. Hindi kasi tumatalon pag new year kaya ayan pandak. Mata niya lang yung lumaki.

"Lola! Bakit?! Katu, wala na tayong

tirahan binenta na ni Lola!"

"Hoy Katu! Ayaw ko tutuki ug ing-ana! Tangtangun tana imung mata na murag buwan!" singhal ko pa dito pero naglabas lang ito ng dila ng biglang may kumalat na tubig sa sahig ng kwarto ko.

"Wag mo akong titigan ng ganyan!

dudukutin ko yang mala buwan

mong mata!"

"Katu! Wa gajud kay buot iru a ka!" nanlalaki ang mga mata na sigaw ko sabay hinabol ito.

"Do ul diri! Ihawon taka!" sigaw ko pa sabay pumapadyak-padyak at ibinato dito ang mga

hawak kong kumot, at unan.

"Lumapit ka dito!

Iihawin kita!"

"Ayu, Inday naa ba ka dinha? Pwede ta magstorya?" rinig kong sambit ng tao si labas saka ito kumatok. Oh diba baliktad? Magsalita ka muna bago kumatok ganun dito sa amin.

"Oh, Nung Jose, unsa may atu a nung?" tanong ko ng makalabas na ako sa kubo. Kahit alam ko na naman talaga kung bakit.

Goodbye Philippines na talaga este bahay-kubo lang pala. Goodbye bahay-kubo!

"Oh, Mang Jose,

Ano pong atin?"

"Inday, dili nako magduha-duha pa--" saad pa nito pero agad naman ako sumagot.

"Ineng, hindi na ako

magpaligoy-ligoy pa--"

"Aw, Oo nung uy, goraa," natawa naman si manong Jose sabay kamot sa ulo niya.

"Ikaw gajud Inday jaga-jagaon ka. Kahibaw ko nga naglisud ka kay nag-inusara naka diri ug wala na imung Lola. Pero kinahanglan na namu kuhaon ning yuta para naa nay mapuy-an ang akong bag-ong kasal na anak Inday,"

"Ikaw talaga Ineng palabiro ka. Alam

ko na nahihirapan kang mag-isa dito

Dahil wala na ang iyung lola. Pero

kailangan na namin kunin itong lupa

para may matirahan na yung

bagong kasal kong anak Ineng,"

"P-pero nung, injo ni gub-on ang balay namu? P-palihug Nung pwede ayaw nalang gub-a? kay kung makakita na kug kwarta pambayad bayran ta mo. Importante kaayu para nako ni, diri nasad ko nagdako maong dili nako kaya makita na maguba ning balaya," mahinang paki-usap ko kay manong Jose. Ngumiti naman ito.

"Inday dili namo ni gub-on ang inyung balay. Amo rang padak-an sigurado nga amo kaning ampingan. Ayaw na problemaha Inday Kasa kahibaw me ug unsa ka importante para nimu ning lugara," sagot naman nito sakin kaya medyo gumaan naman ang pakiramdam ko. Buti naman babalikan ko ang lugar na'to.

Tumango naman ako dahil wala na naman akong magagawa talaga. Okay na sa'kin na hindi nila to sisirain. Mahal ko si Lola at ayaw kong mawala ang isang bagay na nagkokonekta sa amin.

KINABUKASAN

Yun nga ang napag-usapan namin ni Mang Jose. Kaya heto ako ngayun nakasakay na sa barko papuntang Manila. Dala ang pera na nasa envelope at isang backpack na sinidlan ko ng mga damit at importanteng gamit ko ang sketchpad at charcoal pencils ko.

 

 Hindi ako mabubuhay ng wala ang mga babies ko. Matagal-tagal din ang byahe dahil  barko lang ang sinakyan ko. Kaya ang ginawa ko ay nag sketch muna ng mukha ni Lola. Iniwan ko naman sa pangangalaga ni Diane si Katu ang apo ni Mang Jose, dahil hindi naman pwedeng dalhin ko ang kwago na aso na 'yun.

Nakakainis nga eh, umiiyak na ako kanina dahil ma-iiwan ko siya pero ang asong 'yun dedma lang. Hmp!

Ng matapos ako sa pagsketch ay naiyak naman ako bigla. Kuhang-kuha ko kasi ang mukha ni Lola. Kaya sa pagkamiss ko dito ay napayakap ako sa sketchpad ko.

"A-Ah M-Miss, are you okay?" tanong pa nito pero hindi ko muna pinansin. Hindi kasi ako mahilig makipag-usap sa taong hindi ko naman kilala. Kaya nga wala akong kaibigan kahit isa.

"Ah, I'm sorry to interrupt you, but I saw your drawing and it's very beautiful," Ang daldal naman ni manoy ano bayan! Nagdadrama pa 'yung tao uy! Hinarap ko naman ito habang nakakunot ang noo sabay pahid ng kamay ko sa mukha. At hindi ko alam kung bakit parang nagpipigil siya ng tawa habang nakatingin sa'kin.

Mukha ba akong katawa-tawa? sapakin ko kaya 'to? nagpapacute sa'kin eh, buti nalang cute talaga siya. Eh?

"B-bakit po manoy? May p-problema ba tayo?" utal na tanong ko, Promise hindi ako attracted sa cute niyang mukha. Bakit ba kinakagat niya 'yung labi niya?

"Ah haha... ehem Miss, kasi may dumi ka sa mukha, I think it's  because of the charcoal pencil you used," sagot nito kaya napatingin naman ako sa cherry mobile na phone ko. At anak ka ng katu! meron nga! nakakahiya nagmukha akong taong grasa.

Napasampal naman ako sa sariling mukha. shunga lang te?

"Here, Let me help you," saad niya sabay pahid sa mukha ko gamit ang baby wipes niya at ang bango nito amoy baby, baby wipes nga diba? nu bayan!

"Ay nako, ako na po bahala Manoy!" gulat na saad ko sabay kuha sa kanya nung wipes at sinimulan ng linisin ang sariling mukha. Nakakahiya!

"Okay," sagot naman nito.

"Thank you!" Pasalamat ko sa kanya sabay sauli sa kanya nung salamin at itinago ang nagamit ko na wipes. Alangan naman isauli ko pa 'to sa kanya? parang napakawalangya naman.

"Anyway, I just want to ask you again if you don't mind."

"Ano po 'yun manoy?" magalang na tanong ko tumawa naman siya ng mahina. In fairness kay Kuya ang pogi niya talaga.

"Ah, May I see your work? I mean your sketchpad can I see it?" tanong niya na nagpakunot sa noo ko.

"Ito? gusto mung makita?" tanong ko at tumango lang siya sabay ngiti.

"Okay?" sabay bigay ko sakanya ng sketchpad ko. Ngumiti naman ito lalo habang nakatitig dun sa drawing ko ey?

"Ang ganda," komento pa nito habang binubuklat ang sketchpad ko. "You know? kunti lang ang kilala kung mahilig mag sketch. Kaya I am so amazed na kaya mung tapusin ang isang Obra sa loob lamang ng isang Oras. I mean that's a real talent," sambit niya na ikinangiti ko. Matagal na nga 'yung isang oras eh' pero masaya ako at may naka appreciate sa kakayahan ko.

Si Lola at Lolo lang kasi ang laging lumalait sa mga gawa ko. At ang makarinig ng papuri mula sa ibang tao, ay sobrang nagbibigay saya sa'kin.

"T-Thank you," nakangiting sambit ko at ngumiti naman siya sa'kin.

"Gusto mo iguhit rin kita?" sambit ko naman.

"Really? I mean you can do that now?" masayang saad nito at ngumiti naman ako lalo.

"Of course, gusto mo nga ipenta ko pa mukha mo eh," sagot ko pa

"Wow! That's fantastic! I mean that would be great, but I think you can't paint me now, in here kasi nasa byahe pa tayo haha,"

"Naku naku! walang problema 'yun. magsketch na muna ako ng mukha mo tas sunod na 'yung portrait mo hehe wala pala kasi akong dalang mga paints," nahihiyang saad ko at tumawa naman siya.

Lakas ng loob ko magsabi na ipenta siya eh wala pa nga akong mga paints at mga brush. Charcoal pencil lang ang meron ako at mga sketchpad na binili ko sa amin nung fiesta dahil Three for One hundred pesos lang.

"Hahaha sure, but how can you be so sure na magkikita pa tayo next time?" tanong nito kaya napa-isip naman ako.

"Yun lang ba? haha syempre Manoy hihingin ko number mo. Common sense pre, oh paki-save number mo diyan ah? at saka Manoy pagnagawan ko na kayo ng portrait babayaran niyo dapat 'yun ah? kasi mahirap magpenta at mahal ang mga materials para sa portrait," sagot ko pa na ikinatawa niya ulit.

Hindi kaya sumakit panga nito? Naku wala akong kasalan pag hindi niya maigalaw 'yang panga niya.

"Hahaha here that's my number, Your quite amusing you know? I like you.m," saad nito kaya napataas kilay naman ako.

"Weh? Manoy like agad? tas magkakagusto ka sakin ganun? tas liligawan mo'ko? tapos sasagutin kita. And then magbi-break tayo at ako si tanga, masasaktan naman ng bonga! wag ganun uy, wag ako! advance ako mag-isip Manoy kaya chupi 'wag ka ng umasa pa," saad ko sabay flip pa ng hair.

Napakamot naman siya sa batok niya, siguro kinagat siya ng lamok dun buti nga. Akala niya siguro mahuhulog ako sa bitag niya.

Minsan na ako naligaw sa daan na 'yan, Akala ko permanente na, pero hindi lahat ng 'yun ay kasinungalingan lang pala. Kaya ngayon na safe akong nakalabas sa daan na 'yun. Hinding hindi na ako babalik pa. As in Neva! Mamatay na 'yung lalaking minsan ko na minahal.

Echosss!

"Wait, marami na tayong pinag-usapan but I don't even know your name. First let me introduce myself," swabeng saad nito sabay lahad ng kamay niya na agad kung tinanggap hanuba! Ang lambot ng kamay ni Manoy. Nakakahiya naman sa kamay kong sanay sa trabaho.

Teka behave nga kasi Kasa! kukurutin talaga ako nito ni Lola sa singit.

"I'm Nick Curtis," Pakilala nito sabay ngiti hanuba! 'Wag kang ngumiti Manoy kun'di susulatan ko ng charcoal pencil yang mapuputi mung ngipin para umitim 'yan, sige ka!

"Ikaw?"

"A-Ah? ay haha Ako nga pala si Kathina Cass Curt--este Agoylo," nahihiyang saad ko, parang tanga lang.

"Beautiful," sambit niya sabay ngiti.

"Ha?"

"I mean maganda, Ang ganda ng pangalan mo," sagot naman niya. sus! Hindi man lang sabihin na maganda ako. Teka nga bitter pa nga ako eh.

Nagkwentuhan kami ni Nick habang nagda-drawing ako. i-kinuwento niya rin na nagbakasyon lang pala siya sandali dito. I mean dun sa Leyte dahil taga doon ang Lola niya.

Napilitan lang din raw siyang sumakay sa barko dahil pinilit lang siya ng mga Lola niya, dahil sabi nito. Mas mabuti daw pag sa barko ka nakasakay dahil pag nagka-aberya alam mung sa tubig ang punta, eh pano daw kung sa airplane? eh habang buhay ka daw lulutang sa himpapawid?

Napatawa nalang ako sa explanation ng Lola niya. Hahaha kasi naman Earth to, uso ang gravity dito sa earth kahit nga sa pag-ibig eh uso ang gravity.

Yung minahal mo na siya at tuluyan ng nahulog ang loob mo sa kanya. Tapos siya pala may mahal ng iba, at ginawa ka lang pampalipas oras kung hindi niya bati ang Gf niya.

Kaya ayun mag-isa kang bumagsak durog na durog pa puso mo, saklap diba? Buti sana kung mukha niya 'yung nabasag. Pero hindi eh yung puso mo ang nawasak.

Yeah! wasak na wasak ang puso ni mastimax.

Inaamin ko nuon na minahal nga kita pero ngayon? haha~ binabawi ko na~ stupid! Love,

"Are you okay?"

"Ah, Haha Oo naman, ako pa," sagot ko dito sabay takip ng sombrero sa mukha. Nakakahiya! pinagtitinginan na kasi ako ng mga tao dito. Napalakas yata 'yung pagkanta ng isip ko.

"Nakakatawa ka talaga," komento niya sabay humalakhak. Tinangal ko naman ang sombrero na tinakip ko sa mukha at tinitigan ang lalaking kanina pa tumatawa, Wow? sino ba 'to? close ba kami?

"Kathina, are you okay? Bakit parang na-iiyak ka?" tanong nito.

"Bakit sino kaba? kilala ba kita? sino ka na nga ulit?" pang-iinis ko dito pero mas lalo lang siyang tumawa. Seryoso ako uy! kainis to! Makatawa akala mo naman close na close kami? che! napahiya na nga 'yung tao eh.

"Ahm, I'm sorry What's wrong? may problema kaba? you can tell me." sambit pa nito, at talagang tinanong niya pa. Mabuti nalang talaga at gwapo to, kun'di kanina ko pa 'to binangasan.

"Wala to, namiss ko lang 'yung hometown ko. First time ko kasing umalis," sagot ko nalang dito. Nginitian niya naman ako ng parang sinasabi niya na It's okay.

"I understand, Pero minsan mas mabuti ring umalis tayo pansamantala sa safezone natin. Para may matutunan tayong bago," Saad niya pero hindi ako agree.

Wala lang talaga akong ibang choice kun'di ang lumuwas pa Maynila.

"I think so," sagot ko nalang.

This is it pinakbet!  Nakakatakot naman ang lugar na ito. Ba't ang daming mga sasakyan dito at naglalakihang building?

Nasa ibang mundo na ba ako? Sa amin kasi  'yung puno lang ng niyog ang matayog. At kung may mga building man, pinakamataas na 'yung may limang palapag na building. Hindi ko rin maiwasan ang hindi mapaliyad sa taas ng building. Charr lang! haha liyad talaga no?

Napansin ko naman na nakasunod parin sa'kin si Nick. Ano bang ginagawa niya?

"Kathina, sure kaba na alam mo na kung saan papuntang Rey Hacienda?" tanong niya kaya tumango naman ako. Pero 'yung totoo hindi ko talaga alam eh. Lola saang lupalop ba ng Maynila ang mga Rey na 'yan nakatira?

"A-ang totoo hindi ko alam," sagot ko nalang, ng hindi niya ako tantanan sa pagtitig.

Pag nakapunta na ako dun. Ano naman ang sasabihin ko sa may-ari? "Hi po, ako nga pala si Kathina Cass Agoylo, Apo nina Saturnina at Blas Agoylo nandito pala ako para kayu'y nakawan--este nandito ako dahil ipinadala ako ng aking Lola.'' ganun?

Si Lola naman kasi ng suggest nun eh! sinulat niya pa sa huling habilin niya ang galing talaga ni Lola.

''Let me help you, kilala ko ang mga Rey so you don't have to worry," sagot nito na nagbigay bigla ng pag-asa sa'kin.

"T-talaga?" masayang saad ko ngumiti naman siya.

"Get in," saad niya kaya agad na akong sumakay. Wala ng patumpik-tumpik pa let's gora na te.

This is only a try Out.

This story is already updated in Wattpad

up to 11 chapters. Thank you for reading

JiMaexiecreators' thoughts