webnovel

Thana's blue canvas

GLOOMISERY SERIES #2 "Ngayong gabi ikaw ang canvas ko. Magpipinta ako sa iyong katawan gamit ang aking dila. Lulunurin kita ng mga kulay gamit ang aking bibig." ***** Hinawakan niya ang kanang kamay ko at sinimulan niyang magpinta. Sa gabing ito para kaming nagsasayaw sa malambing na musika gamit ang brush. Nasa likod ko lang siya at rinig ko ang pagtibok ng kanyang puso na parang payapang alon sa karagatan. Sa bawat paglikha ng bagong imahe sa canvas ay parang isang paglalakbay na sa huli ay babalik din kung saan nanggaling. __________________________________ Quotes are not mine. Credits to the rightful owner.

Aphole · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
35 Chs

KABANATA 13

Adohira's POV

Naghilamos ako ng mukha pagkatapos nagpunas ay humiga ako sa kama at ibinalot ko katawan ng kumot. Pumikit ako at hinaplos ang mukha ko, nagkakaroon na ako ng eye bags dahil hindi na ako nagkakaroon ng maayos na tulog kakaisip sa mga bagay bagay na posibleng mangyari sa hinaharap at mga bagay na hindi naman nangyayari, sinasaktan ko lang sarili ko sa ginagawa ko. Siguro naman ngayon ay makakatulog na ako ng mahimbing dahil simula bukas ay wala ng pasok. Ano kayang nangyari sa kanila pagka uwi ko?

Napadilat ako dahil may narinig akong ingay na nanggagaling sa bintana ko. Nakatingin lang ako habang nakahiga pa kasi bigla namang nawala pero ilang minuto ang lumipas ay nakita ko na may naghagis ng bato sa bintana ko. Agad naman akong napabangon at mabilis na kumilos papunta sa binatana. Kung magnanakaw man iyon ay bakit niya gigisingin ang taong nanakawan niya.

Hinawi ko ang kurtina at sa pagbukas ko pa lang ay may biglang tumalon pagpasok sa bintana. Hindi ako ang tipo ng tao na sumisigaw kapag nagugulat, naninigas ang katawan ko kapag nagugulat ako at mapapatigil ako sa paghinga.

"Nagulat ba Kita?" Tanong Niya sa akin at siya na ang nagsara ng bintana ko. Rinig ko ang mahinang tawa niya at pumitik siya kaya napabalik ako sa kasalukuyang nangyayari.

"Bakit ka naman sa bintana ko dumaan? May gate kami at pinto. Kung kumatok ka hindi yung nanggugulat ka. Para kang akyat bahay" tinawanan niya lang ang sinabi ko.

Lumapit siya sa akin kaya naamoy ko na naman siya. Amoy alak at sigarilyo, kaninang umaga pa siya amoy ganyan. Pansin kong iba na ang suot siya, black sweat pants at white shirt tapos naka sapatos din siya. Umupo siya sa kama ko at tiningnan ang kabuoan ng kwarto ko. Kinandado ko ang pinto baka sakaling may magbukas nito at makita na may lalaki sa kwarto ko, mapapagalitan na naman ako.

"Bakit ka nandito?" Umupo din ako sa kama ko pero malayo sa tabi niya.

"Wala lang" Sabi niya habang unti unting nahiga sa kama. Ang mga paa niya ay nasa sahig.

"Saan ka na naman galing?" Tanong ko.

"Diyan lang"

"Walang lugar na diyan lang, Mion." Hindi Niya ako sinagot at pumikit na lang.

" naligo ka ba?" Sa tanong ko na iyon ay agad siyang napadilat at biglang tumawa.

" huwag kang tumawa ng malakas baka marinig ka nila" suway ko sa kanya dahil maaring gising pa sa ganitong oras ang ibang katulong.

Bumangon siya kaya ang akala ko ay aalis na siya pero tinanggal niya ang sapatos tsaka umayos ng higa sa tabi ko. Bago ko pa siya napigilan ay nakahiga na siya. "Pagod ako" ramdam ko nga ang pagod sa kanyang boses.

"gusto ko lang magpahinga" Hindi ko na tuloy alam Kung magagalit pa ako sa kanya o maaawa.

"Mion?"

"Hmm?"

"Naka usap mo na ba sila Saki at Von?"

" Bukas na"

" Umiinom ka na ba ng alak? Amoy alak ka kasi at sigarilyo. Pati kaninang umaga noong pagsakay natin sa bus ganoon din ang amoy mo" hindi siya nagsalita.

" Mion" tawag ko sa kanya pero hindi na siya gumagalaw.

" hindi ka pweding matulog dito" rinig ko ang malalim niyang paghinga tanda na natutulog na siya.

Pinagmasdan ko ang natutulog niyang mukha, ngayon na natitigan ko siya ay napansin ko na may nagbago sa hitsura niya. Ang naiwan sa aking alaala ay ang batang si Mion na palaging akong inaasar ngunit ngayon ay isa na siyang binata. Kinumutan ko na lang siya at nahiga na din ako sa tabi niya, wala naman na akong magawa Kasi tulog na siya eh. Patagilid akong humiga at nakatalikod sa kanya dahil ayaw kong naamoy ang amoy niya ngayon.

Tumihaya ako ng higa at nagsimulang magbilang ng tupa pero hindi tumalab. Kanina pa ako hindi dinadalaw ng antok. Humarap ako sa kanya pero tila isang malaking pagkakamali iyon dahil nakaharap din siya sa akin at mulat ang mga mata. Nakatitig lang ako sa kanya at ganoon din siya sa akin.

"Hindi ka makatulog?" Tanong niya.

"Oo, ikaw din ba?"

" Naka idlip ako kanina pero nagising kasi ang galaw mo palang katabi" sinuntok ko siya ng mahina sa braso niya.

"Pwedi ba?" Basag Niya sa katahimikan ng gabi.

"Anong pwedi ba?" Hindi ko maintindihan.

"Pwedi ba akong maging parte ng mundo mo?" Ang kanyang titig ay tagos sa aking mga mata.

" pwedi ba akong magpahinga sa mundo mo?" Wala akong mahanap na sagot sa mga tanong niya.

Tumalikod ako sa kanya "Kailangan mong umuwi" Sabi ko.

"Matagal na akong walang magulang, akala ko sanay na ako at nagmagaling ako sa buhay. Ayaw kong madamay sila Saki at Von sa problema ko kaya umalis ako ng walang paalam. Hindi ko sila iniwan at ibinanduna, hindi ako ganoong klase ng kaibigan. Gusto kong magbago pero ang reyalidad ay itinutulak ako pailalim hanggang sa hindi na ako maka-akyat. Nakakapagod umahon sa araw araw, pagod na ako. Natatakot ako dahil unti unti ay nagugustuhan ko na ang kadiliman." Kung may sinasabi pa siya ay hindi ko na narinig dahil nilamon na ako ng antok.

Kinabukasan ay nagising akong Wala na siya sa tabi ko. Isang lang bang iyong panaginip o totoong nangyari na pumasok siya dito sa kwarto ko gamit ang bintana. Pumunta ako sa bintana at napansin ko ang naka ipit na papel dito. Kinuha ko at binuklat, may nakasulat dito.

Naguluhan ka ba sa tanong ko sayo kagabi?

Kalimutan mo ang kagabi, hayaan mong maging isang sikreto iyon ng mga butuin dahil simula nang magtagpo ang mga mata natin, naguluhan din ako.

Ang ganda ng sulat kamay niya, dinaig pa niya ang sulat ko. Hindi ko naintindihan kaya ako naguluhan. Binalik ko sa pagkakatupi ang papel at itinago sa loob ng cabinet ko. Napakadaming sekreto ang hindi maitago ng matagal. Gusto kong may maka usap pero, sino ? Kanino ako lalapit? Saan ako pupunta?

Ashia, kaibigan kita ngunit bakit hindi ako makalapit sayo? Kaibigan pa rin ba ang turing mo sa akin? Ang huli kong punta sa bahay ampunan ay iyong nagkaroon kami ng Hindi pagkakaintindihan at hindi na naulit pa akong pumunta doon. May umampon na din kaya sa kanya, kung meron man sana maganda din ang buhay mo. Sana balang araw magkita ulit tayo.

Sa paglabas ko ng kwarto ay napatingin ako sa pinto ng kwarto ni mommy. Hindi ito maganda ang aga aga ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ako nakatiis at pumasok ako dito. Sa pader nakasabit ang ipininta ko dati na hindi naman kagandahan pero sa paningin daw niya ay ito ang pinakamagandang painting na nakita niya. Gusto ko na ulit marinig ang boses ni mommy at gusto ko ulit na suklayan niya ang buhok ko bago ako matulog sa gabi.

Narinig ko na tumunog ang doorbell namin kaya pumunta ako sa salas para tingnan kong sino iyong pinagbuksan ni manang ng gate. Nang makita ko kung sino sila napatakbo ako palabas.

"Hello, Hira" bati sa akin ni Saki. Ngumiti lang ako.

Nakasunod sa kanya ang personal niyang linta na walang iba kundi si Von. Nagulat ako at sa kabilang banda ay nasayahan sa pagsulpot ni Mion, magkakasama na sila ulit.

"Kilala mo ba sila, Hira?" Tanong ni manang.

"Opo, mga kaibigan ko po sila"

"Ganoon ba? Sige, tuloy kayo"

Nauna akong naglakad sa kanila papasok. May mga dala pa silang mga bag pack at parang papasok sa school, buti nga at hindi sila naka uniform. Ganoon pa din ang suot ni Mion pero sina Von at Saki ay parehong kulay abo ang damit na suot, mukha ngang couple shirt eh. Pagpasok namin ay pinaupo ko sila sa sala at nagpakuha ako ng meryenda Kay manang.

"Bakit kayo pumunta dito?" Tanong ko sa kanila.

"Sabi kasi ni Mion na pumunta daw kami dito" sagot ni Saki.

" Bwakangina ang tarantado! Ngayon lang nagpakita tapos ang kapal pang mag utos!" Sabi ni Von habang naka akbay kay Saki.

" Hindi pa siya nagkwento kung bakit bigla na lang siya nawala"

" Oo nga, biglang nawala tapos putcha bigla ding susulpot ang gago"

" Amoy alak pa siya-"

" Ang baho kamo, dugyot ng taena"

Sa pagkakataong ito ay tumingin si Saki ng masama kay Von para patahimikin ito. Hindi rin Kasi nagsasalita si Mion, nakayuko lang at parang may sariling iniisip. Nakakaawa ang hitsura niya ngayon, kung may magagawa lang ako para mawala ang bigat na pasan pasan niya.

"Magmeryenda muna kayo" inilapag ni manang sa coffee table ang mga pagkain at umalis din.

Si Saki ang nanguna sa pagkuha ng pagkain "dahan dahan" inabutan siya ng inumin ni Von.

"Sorry Hira, kanina pa kasi ako walang kain"

" Bakit hindi ka kumain sa inyo?" Biglang lumungkot ang mukha niya, kung pwedi lang bawiin ang sinabi ko.

"Pinalayas ako sa amin"

"Bakit? Paano yan, saan ka na natutulog?" Sa tanong ko napatigil siya sa pag nguya.

" Sa akin" Sabi ni Von.

"may condo ako kaya walang problema kahit sa akin pa siya tumira habang buhay. May condo na may pera pa ako kaya siguradong mabubuhay ko na si Saki." Si Von na ang nagsalita para kay Saki.

"Anong dahilan para palayasin ka sa inyo, Saki?" Sa gilid ng aking mata ay nakita ko na pinaglalaruan ni Mion ang hawak na dalawang dice.

"Na bankrupt ang negosyo ni papa kaya nabaon kami sa utang. Wala kaming pambayad dahil naubos din ang pera namin sa bangko, pinangbayad ni papa sa interest. Walang gustong tumulong sa amin para kahit papano ay makaahon kami. Pero ayos lang Kasi namasukan si papa bilang driver kaya paunti unti ay nakaka ipon kami."

" Anong pangalan ng papa mo?" Nang sabihin Niya kasi na driver ang papa niya ay si manong ang pumasok sa isip ko.

"Haku" napasandal ako. Paano nangyari yun? Kasi ang layo ng ugali nila. Si Saki parang desenteng tao samantalang si manong loko loko. Baka naman nagmana si Saki sa nanay niya. Ayaw ko ng magtanong pa ng tungkol sa personal niyang buhay.

"Mion, tahimik ka ata" hindi siya sinagot ni Mion.

" salita ka naman" ewan ko ba kung nang aasar si Von o ano.

"Huwag mo ng piliting lumaban, alam mo naman na umpisa pa lang talo ka na." Seryosong sabi ni Von.

Nag angat ng tingin sa kanya si Mion "Kamatayan lang ang naghihintay sa mga talunan" sabi nito at pinagulong ang dalawang dice at huminto sa 3 at 5.

"Ano yan? Bagong laruan mo?" Tanong ni Von.

"Hindi ito laruan dahil hawak nito ang buhay ko" nakuha nito ang atensyon ko. Paano niya nasabing hawak ng dice ang buhay niya?

________________________________

It's only after you've stepped outside your comfort zone that you begin to change, grow, and transform.