webnovel

Teach Me (Sexy Monster Series #2)

Kung marami ang kinain ng sistema ng K-pop, mayroon din tinatawag na kinain ng sistema ng “porn”. Ito ay si Apple Dimaculangan, bente-anyos na geeky pero nuknukan ng curious sa mga makamundong bagay. Certified Birheng Maria sa modernong taon. Kung nabubuhay siguro si Maria Clara at uso nang internet noong panahon ng mga Kastila, malamang bestfriend sila ni Apple. Sabi kasi nila, `yung mga tao na wala pang experience sila raw ang mas malaki ang kuryosidad. Kung may “Kupido” para sa soulmates, mayroon din tinatawag na “Sex Demon” upang buhayin ang makamundong pagnanasa sa kalooban ng mga tao. Isa na roon si Levi—ang Top one agent sa SEX Inc. Gwapo to the highest level, sobrang sexy to the highest level times one hundred, at mapanukso to the highest level times one thousand! When the virgin meets the Sex Demon, nabuo ang isang misyon: maging ganap na babae si Apple at maibuka ang kanyang bulaklak. Levi will guide Apple on her journey how to embrace her sexuality. Para sa birhen, dating birhen at feeling birhen! Tara na at samahan niyo si Apple sa masaya, malandi at puro kaberdehang kwento na magpapangiti at magpapa-WET sa inyong... ...mga mata sa kakatawa! Uy iba ang inisip mo, aminin! Genre: Romantic-comedy, Fantasy, Smut Disclaimer: This story contains explicit content not suitable for young readers [R-18] Philippine Copyrights 2019 Anj Gee "Anj Gee Novels" Grim Reaper Chronicles- Completed Adik Sa'yo - On Hold [Sexy Monster Series] Bite Me- Completed Teach Me- Completed Mate with Me- TBA ————— Join our FB group: Cupcake Family PH Like my page: facebook.com/AnjGeeWrites

AnjGee · Urbain
Pas assez d’évaluations
50 Chs

I’m here

LUMINGON ako sa likuran ng classroom at nakita ang pangalawang pintuan sa kabilang dulo. Nagmadali akong tumakbo patungo doon.

"Tatakas ka pa ha!"

Mabilis silang tumakbo para habulin ako. Sinipa ng isang lalaking naka t-shirt ang mga silya at tumama ito sa isang hilera. Dahil dun, na-block ang dadaanan ko.

Ang isa naman ay nakarating agad ng pintuan at humarang doon. Wala na akong kawala.

Sabay-sabay silang nagtawanan, "Pasaway ka ah, gusto ko yan," mala-demonyong ngumiti ang lalaking naka-polo at humakbang patungo sa'kin. Nahablot niya ako sa braso.

"Bitawan mo ako!" sinubukan kong kumawala pero hinawakan niya rin ang isa kong braso. Masyadong mahigpit ang kapit ng kamay niya at nasasaktan ako.

"Anu ba! Tulong! Tulong!" nagsisigaw ako pero tila walang nakakarinig sa akin. Sinubukan ko siyang tuhurin pero mabilis ang isang binti niya na hinarang ang tuhod ko.

"Palaban! Mas lalo kong gusto yan!"

"Huwag!"

Hinawakan ako ng isang kasama niya sa balikat. Hinataka nila ako patungo sa sulok ng classroom at sinimulan nilang hubarin ang pantalon ko. Sinira ng lalaking humahawak sa'kin sa likuran ang polo blouse ko at lumitaw ang suot kong bra.

"Please! Huwag! Tulong! Tu—" tinakpan niya ang bibig ko.

Nahubad na nila ang pantalon ko at binuka ang hita ko. Nagdidilim ang paningin ko habang binabalot ng panlalamig ang buo kong katawan. Kahit anong laban ko sa kanila, ako lang ang nasasaktan.

Wala akong ibang naririnig kundi ang mga tawanan nila na lalong nagbigay ng doble-dobleng takot sa dibdib ko. Wala akong magawa kundi umiyak. Sinimulan niya akong halikan sa leeg. Diring-diri ako sa pakiramdam ng labi niya sa balat ko.

No! Please! Somebody help me! Huwag! Hindi ganito! Ayokong mangyari sa akin ang bagay na ito! Pakiusap!

Napapikit ako nang mariin. Ilang sandali pa at nakarinig ako ng ingay at malakas na paghiyaw. Pagdilat ng mata ko, nawala na ang lalaki sa ibabaw ko. Nandun siya sa kabilang panig ng classroom at nadadaganan ng mga upuan.

Pero mas nagulat ako nang makita kung sino ang lalaking lumapit sa kanya at humablot ng polo niya.

"Levi…"

Nanlilisik sa galit ang mga mata ni Levi, "I'm going to kill you."

Ngumisi ang lalaki na nang-iinis, "Sarap niya pare!"

Lalong nagdilim nang husto ang mata ni Levi at sinakal ang lalaki gamit ang isang kamay. Tinulak niya ito hanggang sa pader at binuhat, umangat ang mga paa nito mula sa sahig. Halos magkulay blue na ang mukha nito sa kawalan ng hangin habang buong gigil na dinidiin ni Levi ang mga kamay.

Kumilos ang pangalawang lalaki at dumampot ng upuan.

"Levi!" sigaw ko.

Hinampas nito ng bangkuan sa likuran si Levi, nawasak iyon na para bang tumama sa bato. Nagdilim lalo ang mukha ni Levi at dahan-dahang lumingon. Napaatras ang lalaki nang makita ang nakagigimbal na demonyo sa harapan nito.

Binitawan ni Levi ang lalaking sinasakal niya at naglakad palapit sa isa. Natatarantang bumuhat ulit ng silya ang lalaki at hinumpas kay Levi pero sinanga ito ni Levi gamit ang isang kamay at tinapon sa malayo. Halos mamutla ang mukha nito sa takot.

Hinablot ni Levi ang tshirt nito at malakas na sinuntok sa mukha. Nasubsob ang lalaki sa sahig. Hinumpas ni Levi ang isang daliri at sabay-sabay na lumutang ang mga silya sa paligid niya at tumama lahat sa lalaki dahilan para madaganan ito.

Sunud na lumingon si Levi sa gawi namin. Mabilis akong binitawan ng lalaki na may hawak sa'kin at nagmamadaling tumakbo palabas ng pinto pero sa isang iglap, tila hangin na lumitaw si Levi sa tapat nito.

Napaatras ang lalaki sa takot, "Maligno! Maligno!"

Umismid si Levi, "Mas matindi pa ako sa maligno."

Dinakma ng malaking kamay ni Levi ang buong mukha ng lalaki at tila isang bolang pinangigilan itong pisain. Nagsisigaw ito sa sakit habang lumalabas na ang mga ugat sa ulo.

Wala na sa sarili si Levi. Tuluyang nagpakita ang pagiging demonyo niya. Hindi ko siya pwedeng hayaang makapatay ng tao.

"Levi! Stop! Tama na!"

Tila doon lang natauhan si Levi at pinakawalan ang mukha ng lalaki. Hinimatay ito at bumagsak sa sahig.

Saka lang ako nakahinga nang maluwag. Namagitan ang mahabang katahimikan sa buong paligid.

"Apple…" lumapit sa akin si Levi, bigong-bigo ang mukha niya nang makita ang itsura ko.

Hindi ko na napigilan ang sarili at niyakap nang mahigpit si Levi saka nilabas ang lahat ng tubig sa mata ko.

"Levi… L-levi…. Haa.. haa.. haa…" nanginginig ang buo kong katawan.

Humigpit ang mga bisig sa'kin ni Levi at hinalikan ang tuktok ng ulo ko, "I'm here… I'm here Apple, I'll never let them hurt you again."

"Levi… I'm so s-scared…"

"Hush, hush, I'm here, I'm here…"

Nagpapasalamat ako na dumating si Levi. Ang pamilyar na init ng katawan niya, ang malumanay na boses, mga halik at haplos niya sa ulo ko ang nagbigay ng kapayapaan sa puso ko. Di nagtagal at binalot ng kadiliman ang buo kong paningin at nawalan ng malay.

+++

Dear Diary,

I never thought demon can be an angel.

Aww. Sorry, medyo intense!

Don’t worry next chapter kilig at may moment si Levi at Apple. Anu ba itatawag natin sa kanila? Haha!

Pa-vote po ng PS para sipagin mag-UD si Author!

Penge na rin po ng review para magkaroon ng rating ang DNBM! :) Salamuch! Bukas ulit!

PS:

Sa mga di pa nakakabasa ng My Boyfriend is a Grim Reaper! Complete na po yun! Hindi kayo mabibitin!

Also Strawberry Bite (story of Erin) Complete

Add to your library my upcoming novel: ADIK SA’YO (SHABU O AKO?) RomCom naman yun! :)

AnjGeecreators' thoughts