webnovel

Talk Back and You're Dead!

Simple lang naman ang gusto ni Samantha sa buhay, ang maka-graduate na may highest honors at talunin ang karibal niya sa academics na si Audrey. Pero nagulo ang buhay niya nang makilala niya si TOP, isang notorious na gang leader sa lugar nila. At dahil sa isang pagkakamali na dapat niyang pag-bayaran, masasangkot siya sa maraming gulo. Makabalik pa kaya sa dati niyang buhay si Samantha o habangbuhay na siyang masasama sa gulo na dala ni TOP?

AlesanaMarie · Urbain
Pas assez d’évaluations
126 Chs

Chapter Fifty-Five

"Papasok ka ba o tatayo nalang tayo dito habangbuhay?" tanong ko kay TOP na kanina pa nakatingin sa glass door ng isang salon.

"Should I cut my hair?"

"I don't...think so?" sagot ko na hindi sigurado.

"I should. I should dye my hair back in black."

Tinignan ko lang si TOP. Dark brown kasi ang buhok nya ngayon at medyo mahaba narin, natatakpan ang kaliwa nyang mata. Pero uso naman ang medyo mahabang buhok ngayon. Mga emo or korean hairstyle?

Pumasok sya sa salon, sumunod ako. Parang ayaw naman ni TOP paltan ang hairstyle nya, mukha syang uncomfortable.

"Hi! Sino sa inyo ang magpapagupit?" tanong ng hairstylist

"Boyfriend ko," tinuro ko si TOP na mukhang hindi komportable.

"Oohh..." tumingin sya kay TOP. "Ano'ng klase ng gupit hijo?"

"Clean cut and I want you to dye it back in black." TOP answered her in his zombie-like tone.

Somethings wrong with him. Ano kaya?

"Okay, just sit here and let me do my magic," pinaupo nya si TOP sa high chair sa tapat na salamin at nilagyan sya ng puting cover

Umupo nalang muna ako sa sofa at nagbasa ng magazine. Ilang oras kaya ang hihintayin ko bago matapos to?

*Ring!Ring!*

"Hello?"

[AAHCCK!! SAMMY!! OMG!!]

"Ouch! Michie? Bakit ka sumisigaw?"

[Nasa detention kami! Waaahh!]

"ANO?! Bakit? Ano'ng nangyari?!"

[Napa-away kami? -Michie! Si Sam ba yan?- Oo! -Hwag mong sabihin na nasa detention tayo! Sabihin mo nasa Karaoke Bar tayo!- HUH?! Ah okay Maggie! Hello Sammy, wala pala kami sa detention, nasa Karaoke Bar daw kami sabi ni Maggie. Uwi din kami maya. Bye-bye!] she hung up.

"Abnormal."

Makalipas ang ilang oras na hindi ko na alam dahil nakatulog ako sa kahihintay. May narinig akong boses ng lalaki.

"Hey, wake up." May yumugyog sa akin.

"Hmm..." inis kong sabi at umayos ng higa.

"Miracle, wake up."

"Five minutes."

"Wifey, wake up. C'mon, get up."

Unti-unti akong dumilat at nakita ang isang gwapong nilalang na sobrang lapit ng mukha sa mukha ko. KYAAAH!

"What's wrong with your face? Are you sick?" he touched my forehead.

"Woah!" I slapped his hand "Who are you?!" Nasan si TOP?!

"Are you... alright Wifey?"

"Wifey?" tinignan ko lang sya at don ko napansin na meron syang gray eyes katulad ng kay TOP. TOP?

"Let's go, maybe you're just hungry."

"TOP?"

"Yeah?" sagot nya habang nakatingin sa akin.

"Oh my..." tinitigan ko ang bagong gupit na si TOP.

Black na ngayon ang buhok nya at hindi na rin natatakpan ng bangs ang mata nya. Natulala ako sa kanya. Mas nakikita ko na din ng maayos ang details ng mukha nya. His nice cheekbone, his eyebrows, his long eyelashes, his hypnotic gray eyes and his flawless skin. Meron din syang stud sa tenga nya. He was more sexier than before... if that's even possible. At boyfriend ko pa sya! Samantha, you one lucky girl!

"Don't stare," tinakpan nya ang mukha nya gamit ang mga kamay.

"Nahihiya ka ba TOP?"

"Shut up!"

"Hahaha! Let's go" hinila ko ang kamay nya at lumabas na kami ng salon.

Slowly, he intertwined our fingers. Napangiti ako. Tinignan ko ulit ang mukha nya, kumikinang ang kanyang stud. Diamond ba 'yon? Nandito kami sa mall. At kanina ko pa napapansin ang mga mata ng mga kababaihan, nakasunod kay TOP. Napapa-nganga, napapa-gasp at napapa-kagat labi sila pagkakita nila kay TOP. Kulang nalang himatayin sila. Dukutin ko mga mata nyo eh! Bigla kaming tumigil sa paglalakad.

"Oh bakit?"

"Let's go in," sabi nya.

Napatingin ako sa shop. Pumasok na kami sa loob ng shop at hinayaan ko syang pumili ng mga damit. Pinanuod ko lang sya sa ginagawa nya, may napansin lang ako, bakit puro simple at neat looking ang style na pinipili nya?

"Teka nga, wait lang!" hinarangan ko si TOP papunta sa cashier. "Bakit parang kakaiba yata yang mga pinili mo? Hindi mo naman style yan ah! Masyadong plain!"

"You think these doesn't suit me?" kumunot yung noo nya at tinignan ang mga damit na nasa kamay nya.

"Huh? Uhh... Hindi?"

"Ah shit!" tinapon nya sa saleslady ang mga damit.

"S-Sir?" nagulat yung saleslady.

"Mas bagay sa'yo yung mga 'yun oh!" turo ko sa kabilang side kung saan nagkumpulan ang mga stylish looking na damit.

"Ayoko nang magsuot ng mga ganyan," seryosong sabi nya.

"Bakit ba? Ano ba talaga ang problema?"

"Kukunin ko na lahat yan," kinuha ni TOP ang wallet nya at ibinigay sa saleslady ang isang credit card.

"Okay Sir," kumikinang ang mga mata na umalis na yung babae.

"May pupuntahan ka ba TOP?"

"Wala," umiwas sya ng tingin.

"Tumingin ka nga sa'kin, may problema ba? Alam kong meron kaya—" ayaw nya parin tumingin kaya hinila ko yung braso nya. "Tumingin ka nga! Bakit ba ayaw mong tumingin sa'kin?" hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya kaya napatingin sya sakin.

"I just want to change," mahinang sabi nya.

"At bakit naman yata biglaan yan?"

Nag-shrug lang sya.

"May kinalaman ba yung mga sinabi ni Cheska kanina?"

Umiwas sya ng tingin. "Wala."

"Liar. Alam kong slow ako minsan TOP pero kahit papano nage-gets ko na rin naman kung pano umandar yang pag-iisip mo. Look hwag mo nalang pansinin 'yon, okay?"

"Miracle Samantha Perez, pumapasok sa private school para sa mga babae, student ranking number one," ngumisi sya. "Ikaw at ako, ang layo natin sa isa't-isa. Isa akong juvenile delinquent, leader ng isang gang. Mas madalas akong makipag-away kaysa mag-aral. Hindi ako ang klase ng boyfriend na pwede mong ipagmalaki sa lahat, Miracle. Pero gusto ko sanang baguhin 'yon."

Nagulat ako, willing syang magbago para sa'kin? Gusto ko ba syang magbago? Nagulat ako sa sagot ko. Ayoko syang magbago! Kung magbabago sya baka maging iba na sya. Ayoko syang magbago. Ayoko syang maging katulad lang ng ibang lalaki. Gusto ko syang maging sya lang at walang nang iba pa. Mas gusto ko na maging totoo sya.

"To me you are," ngumiti ako sa kanya. "Ikaw ang best boyfriend para sa'kin. At ang isa pa hindi ako perpekto katulad ng inaakala mo o ng iba."

"To me you are," he smiled.

I laughed. "Yeah, we're perfect for each other."