Kabanata 4
Relasyon
"By the way, di ka ba nagseselos? Yung boyfriend mo mukhang nakikipaglandian sa iba?" tanong ni Taiga na siyang pumukaw ng atensyon ko.
"W-What?" tanong ko sa kanyang naguguluhan.
Ininguso niya kung sino ang tinutukoy niya. Nakita ko si Leo na kung makalingkis sa isang di makabasag pinggan na lalaki.
"H-He's not my boyfriend. Walang kami kahit noon pa man." tanggi ko. Tiningnan ko siya kung anong reaksyon niya sa aking sinabi ngunit nanatiling blangko ang kanyang mukha.
"So hindi pala kayo nagkatuluyan? Sayang naman... What happened?" tanong niyang nakapagpakunot sa noo ko. "Okay lang naman kung hindi mo ikukwento. I just want to catch up with my bestfriend's life. Ang dami ko yatang di nasundan." tumaas pa ang kanyang kilay.
"It's for me to know and for you to find out! Ikaw din naman wala na akong balita sa'yo mula nang nagpunta kang England. Di na gumagana number mo, nag-deactivate ka ng social media accounts, ultimo e-mail hindi ka sumasagot?" mahaba kong litanya.
"Nawala kasi cellphone ko at nagfocus talaga ako sa pag-aaral dun. Sobrang busy ng buhay sa England. Ibang-iba sa Pinas. Di mo namamalayan, five years na pala ang lumipas." paliwanag niya na di naman bumenta sa akin.
Oo! Limang taon. Limang taon na nga ang lumipas ngunit maliwanag pa sa isipan ko kung ano ang mga nangyari.
"Tan, Sir Theodore! Sino ito? Jusko, di bagay pagiging arkitekto mo sa pangalan mo. Pang-teacher ang pangalan mo... Sir Theodore." bugnot na sabi ng propesor namin sa History of Landscape Architecture and Cultural Landscapes.
Tumayo naman ako sa pagkakaupo ko at napatingin sa aking direksyon ang mga kaklase ko at ang propesor namin. Katabi ko si Taiga sa kanan.
"What is architecture?" tanong niya.
Sh*t! Unang araw pa lang ng klase tanungan na agad? Akala ko ba getting to know each other muna? Ganito ba sa kolehiyo? Ganito ba sa UP? Aral agad?
Huminga ako nang malalim matapos kong makapag-isip. "Architecture is the art and science of designing buildings and other physical structures." bookish kong sagot.
Tumango lang ang propesor namin sa sinagot ko. Tumawag pa siya ng iba pang sasagot sa mga tanong na kanyang naiisip sa pamamagitan ng pag-shuffle ng class card namin.
"Perez, Taiga Rosseau! Not a common name! Anyway, why planning is important in architecture?"
Tumayo si Taiga at walang alinlangang sumagot. "Planning in architecture is important especially when the project is enormous because if we fail to plan, we are planning to fail. Unplanned structure will cost life and significant amount of money."
Nagpatuloy pa ang klase hanggang sa nag-iwan ang aming propesor ng gagawin naming report sa klase. By partner ang pag-uulat sa klase.
"E-mail ko na lang sa'yo yung part mo sa report. Sa akin na yung medyo kumplikado." mayabang na sabi sakin ni Taiga.
"Yabang talaga! Anyway, masarap talagang magkaroon ng kaibigang matalino. Mapapadali buhay ko sa UP." sabi ko sabay suntok sa kanyang braso.
"Masarap talaga akong kaibigan..." lumapit siya sakin sabay bulong. "Lalo na sa kama. Ayyy! Kahit saan pala, game ako. Basta ba ikaw!"
Tumawa nang malakas si Taiga. Umiling na lang ako sa kanya at mas nilakasan pa ang panununtok sa kanyang braso.
Pumunta na kami sa sunod naming klase. Physical Education—Folk Dance.
Ewan ko ba at bakit dito kami napunta. Naubusan kami ng slot at ito lang ang hindi komplikado sa sched namin sa ibang subject kaya di kami napunta sa basketball na gusto naming dalawa.
Umupo kami sa bleachers habang hinihintay ang aming propesor.
"Dito ko lang pala kayo makikita!" ngiting-ngiti na sabi ni Leonidas Miguel Ancheta o kilala sa tawag namin na Leo.
"Uyyy... Musta?" bati ko sa kanya. Umupo siya sa pagitan naming dalawa ni Taiga at umakbay sa amin.
"Ok lang naman! Ano P.E niyo dito?" tanong niya ngunit sa akin siya nakatingin.
Iritableng inalis ni Taiga ang braso ni Leo sa kanya at sinagot ito.
"Folk Dance. Ikaw?"
"Basketball! Mag-try out nga ako sa basketball team ng U.P. Though sure naman akong matatanggap ako." Sabi niya habang natatawa pa. "Joke lang. Baka sabihin niyo naman masyado akong mayabang. Sakto lang."
"Yabang talaga." Bulong ni Taiga.
Hindi na nagawa pang sumagot ni Leo dahil dumating na ang propesor namin. Pumunta na rin siya sa bleacher ng kanyang mga kaklase.
Nagbigay lang ng mga expectations sa amin ang propesor namin at naglista na rin siya ng mga kailangan naming materyales at damit para sa folk dance. Naunang natapos ang klase namin kaya naman umalis na rin kami ni Taiga.
Dumaan pa ang mga araw at nakapag-adjust na rin kaming dalawa ni Taiga sa pag-aaral sa U.P. Hindi mo naman pala kailangan na sobrang talino ka sa unibersidad na ito. Aanhin mo ang talino mo kung wala kang tapang, sipag, tiyaga, at tamang pagbalanse ng oras. At isa pa, kailangan mo talaga ng tulong ng iba lalo na mga kaklase mo sa pag-aaral. Buti na lang nandyan si Taiga.
Napagdesisyunan naming dalawa na mag-enroll sa isang gym ni Taiga na nasa loob lang ng area ng mall malapit sa bahay namin. Kailangan na rin daw naming magpaganda ng katawan para mas marami daw magkagusto sa amin. Hinayaan ko na lang siya sa iniisip niyang rason. Tutal, masarap namang magbabad sa gym. Nakakawala ng stress at healthy pa sa katawan.
"Magpustahan tayo? Paramihan tayo ng babaeng magpapakilala sa atin. Ang matatalo, manlilibre ng dinner!" masiglang hamon ni Taiga sa akin.
Kumunot ang noo ko sa hamon niya. "Masyado ka ng narcissist, Taiga! Malala ka na talaga." Sabi ko na pailing-iling pa. Nasa loob kami ng locker room ng gym.
"Ayaw mo lang dahil siguradong talo ka sa akin! Though hindi naman kita masisisi kung mawalan ka ng loob sa hamon ko. Afterall, no one can resist my charm."
"Puta! Napakayabang talaga! Ehdi deal. Kunwari ka pa. Wala ka lang pambiling dinner mo. Para-paraan ka pa. Siguraduhin mo lang na may panlibre ka sakaling matalo ka!" pambabara ko sa kanya.
Nagsimula na nga kami sa aming mga routines. Buti na lang at Martes ngayon kaya hindi masyadong siksikan ang gym.
Nag-stretching kami ni Taiga nang may lumapit sa kanyang babaeng maganda at sexy. Nakasuot pa ito ng gym bra at leggings kaya kita ang kurba ng kanyang katawan. Tingin ko kaedaran lang namin siya.
"Hi! Last week ko pa kayo nakikita. Wala kasi akong kakilala dito sa gym. Bago lang din ako..." sabi niya kay Taiga. "Hmmm... pwede bang makipagkilala at makipagkaibigan? I'm Trish by the way." Pakilala niya sabay lahad ng kamay.
Tinanggap ni Taiga ang kamay ng babae at ngumisi siya sa akin. Para bang sinasabi niyang siya ang magwawagi sa aming dalawa.
"I'm Taiga! But you can call me mine if you want. If masyadong mabilis, pwede na rin Babe!" sabi niya na nakapagpailing na lang sa akin. Namula pa ang pisngi ng babae sa sinabi ni Taiga.
"Tsss... Playboy alert." Bulong ko ngunit narinig yata nilang dalawa.
Naglahad ako ng kamay sa babae para hindi na siya magtanong sa binulong ko kanina.
"I'm Theo. Nothing special." Sabi ko. Tinanggap ng babae ang kamay ko at ngumiti nang matamis.
Nag-usap pa sila ngunit iniwanan ko na silang dalawa roon. Tutal magkaiba naman kami ni Taiga ng program ngayong araw kaya di namin kailangang magsalitan sa mga machines at dumb bells. Chest day ako, shoulder naman ang kanya.
Bumaling ako sa kanilang dalawa matapos kong makadalawang set sa barbell bench press. Mukhang tinuturuan ni Taiga si Trish sa pagwowork-out. Dinala niya na nga sa tabi ni Trish ang dumb bell para sabay sila.
Pag babae nga naman, ang bilis ni Taiga. Akala mo hindi umuungol kapag pinapasok ko. Tsk tsk.
Napailing na lang ako at medyo natawa sa naiisip ko. Dinagdagan ko ng timbang ang bubuhatin ko. Tutal, last set naman na ito sa barbell bench press.
Binuhat ko na ito. Noong una ay kaya ko pa ang 15 kgs na bigat sa magkabilang bakal ngunit nang makawalo na ako, nanginginig na ang kamay ko sa bigat. May lalaking nag-spot sa akin para mabuhat ko ang barbell.
"Ilang reps, tol?" tanong niya sa akin.
Napaungol pa ako ng kanunti sa bigat ng buhat ko bago sumagot sa kanya. "Twe-Twelve lang pwede na."
Pagkatapos kong maibalik ang barbell sa kawitan nito, napahinga ako nang mabilis. Bumangon ako sa pagkakahiga at tumingin sa tumulong sa akin. Ngumiti ako sa kanya.
"Thank you by the way." Pagpapasalamat ko.
"Welcome. Bago ka rito no? Ngayon lang kita nakita. Wala kang kasama?"
"Oo. Three weeks na kami ng kaibigan ko rito." Sagot ko sa kanya.
"Sebastian nga pala, tol. Seb na lang for short." Paglalahad niya ng kamay.
"Theo." Maikling pagpapakilala ko sabay tanggap ng kanyang kamay. Tinapik pa niya ang likod ko habang pinisil ang kamay ko.
"Ano bang body goal mo, Theo?"
Napaisip ako sa tanong niya. "Magkakorte lang katawan ko puwede na."
"Dapat ngayon pa lang isipin mo na body goal mo para may plano ka na sa mga routines na gagawin mo. Mahirap kasi yung walang plano. Magsasayang ka lang ng oras at lakas sa gym. It took me 3 years bago narating ang ganitong katawan. Consistency and proper dieting are the keys to achieve your dream body. If you want help, I can help you... Ano? Game ka ba?" panghihikayat niya.
Napatingin ako sa katawan niya. Maganda nga ang katawan niya. Proportioned simula taas pababa. Hindi katulad ng iba na malaki ang upper body pero chicken feet naman sa lower body. Mukhang may six pack abs pa si Seb. Sana all.
"May bayad ba yan?" tanong ko sabay tawa. Napatawa na rin siya sa tanong ko.
"Actually I do not need money. May work naman ako to provide for myself. Let just say na nakikita ko ang sarili ko sa'yo noong nagsisimula pa lang ako." Aniya sabay ngiti sa akin.
"Nakakahiya naman. Iistorbohin pa kita." Alangan kong sabi sa kanya.
"Ganito na lang para di ka mahiya. Tulungan kita at turuan din ng mga tips kapag nagkasabay tayo sa gym. Kapag wala ako dito, ehdi di kita matuturuan. Pero kapag nandito ako, tulungan kita. No pressure, wala ring sabihan kung kailan at anong oras ka at ako maggym para di mo isiping naiistorbo mo ako. Okay na ba yun?" alok niya sa akin.
Napatango na lang ako sa sinabi niya. Ngumiti siya ulit sa akin.
Gaya nang sinabi niya, tinulungan nga ako ni Seb sa pagbubuhat. Nagsalitan na lang kami sa paggamit ng barbell at dumb bells. Nakakagulat nga dahil ang bibigat ng binubuhat niya. Dinadagdagan niya ng bigat ang mga bakal na binubuhat ko.
Tip pa niya sa akin na uminom daw ako ng whey saka creatine para lumakas at magka-muscle gain daw ako.
Sa kalagitnaan ng pag-chest press ko, nagkatawanan kaming dalawa ni Seb nang hindi ko napagtagumpayang matapos ang set. Hindi kinaya ng kaliwang kamay ko ang bigat kaya naman to the rescue siya sa pag-spot sa akin.
"Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap." Masungit na sabi ni Taiga.
"Oyyy, Taiga! Tapos ka na? Si Trish?" tanong ko sa kanya. Napabaling ang tingin niya kay Seb.
"This is Seb nga pala, bro! Bago kong kaibigan dito sa gym." Pakilala ko.
"I'm Seb." Sabay lahad ng kamay ni Seb kay Taiga.
Kumunot ang noo ni Taiga kay Seb. "I'm... not interested in getting to know you."
Nabigla ako sa sinabi ni Taiga at hindi agad nakapagsalita. Napailing na lang si Seb at natatawa pa ng kaunti sa ginawa sa kanya ni Taiga.
"Balik na ako sa pagwo-work out... Enjoy kayo dyan." Sagot niya sabay tungo doon sa Smith Machine.
"Pasensya ka na dun sa kaibigan kong iyon aa. Tinotopak yata." Pagpaaumanhin ko kay Seb.
"Nagseselos yata kaibigan mo. Baka akala niya inaagawan ko siya ng gym mates." Biro ni Seb habang tumatawa pa.
Natawa na rin ako sa sinabi niya at napamura pa. Nagtuloy-tuloy na lang kami sa pagbubuhat. Ang dami kong nalaman sa pagbubuhat dahil sa kanya. Tamang paghinga, pagbibilang, pagtataas at pagbababa ng binubuhat at pati ang tamang pagda-diet ay natutuhan ko dahil kay Seb.
Matapos ang isang oras at kalahating pagbubuhat, natapos na rin kami. Nagpaalam na si Seb na mauna na sa locker samantalang ako ay pumunta na kay Taiga na may kausap na namang ibang babae.
"Patapos ka na, bro?" tanong ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot. Patuloy pa rin siya sa pakikipag-usap doon sa bagong babae. Napagdesisyonan kong mag-treadmill muna habang inaantay siya. May toyo nga yata ngayon si Taiga.
Habang tumatakbo ako, nagulat ako nang may magsalita sa kanan ko.
"Wow, Theo! What a small world! Dito pala kayo nagwo-work out?" gulat na gulat na sabi ni Leo.
Nagulat din ako dahil hindi ko inasahan na magkikita kami ni Leo dito.
"Oo, three weeks pa lang kami ni Taiga rito. Ayun siya oh!" turo ko kay Leo.
Napatingin sa gawi namin si Taiga. Nagsasalita pa yung babaeng kausap ni Taiga kanina nang umalis siya roon at tumabi sa kaliwa kong treadmill.
Gago talaga itong si Taiga. Hindi yata nagpaalam sa kausap dahil nakatingin pa sa amin yung babae habang parang nagmamaktol ang mukha. Uhaw sa atensyon ng mga babae pero kapag nakuha na, nilalayasan lang.
Bumati si Leo kay Taiga at tango lang ang natanggap ni Leo sa kanya. Binagalan ko ang takbo ng treadmill.
"By the way, Theo. May gagawin ka bang importante after mo mag-work out? May hihingin sana akong tulong sa'yo. Pag-usapan natin mamaya. Medyo mahaba-haba kasi itong idi-discuss ko sayo. Don't worry, ililibre na lang kita ng food sa kahit saang restaurant. Nakakahiya naman kasi, tutal ako naman ang may kailangan."
"Nahihiya ka pala eh bakit ka pa humingi ng pabor." Bulong ni Taiga. Tinapik ko siya sa kamay at sinamaan ng tingin. May topak nga ngayong araw si Taiga.
"Tungkol saan ba? Baka hindi ko kayanin yang hinihingi mong tulong aa."
"Discuss na lang natin later para mas mapag-usapan natin nang maigi." Sagot ni Leo.
"Patapos ka na rin ba? Parang di naman kita nakitang nagbuhat kanina." Kuryoso kong sabi.
"Nandoon ako sa loob ng dance studio. Nagsayaw na lang ako today. Tutal ilang araw na akong dire-diretsong nagbuhat. So ano, G ka ba mamaya?" tanong niya sa akin.
"Sige." Pagpayag ko.
Napailing si Taiga sa tabi ko at mabilis na inihinto ang treadmill. Umalis siya at patungo na yata sa locker room. Tinapos ko na rin ang pagtakbo at nagpaalam na kay Leo. Antayin ko na lang siya sa lobby ng gym.
Nakasalubong ko pa pagpunta ko sa locker ang papaalis na si Seb. Nakipag-apir lang ako sa kanya at nagpasalamat bago pumunta sa harap ng locker ko. Kinuha ko ang kailangan kong gamit bago tumabi kay Taiga na nakaupo sa bench sa loob ng locker room.
"Hayyy, kapagod! Oh, kumusta ka naman dyan? Simang na ba pangalan mo? Kanina ka pa nakasimangot dyan. Mahipan ka ng hangin dyan at ganyan na ang maging itsura mo. Wala ng mga babaeng magpapapansin sa'yo." Sabi ko nang natatawa pa sa kanya.
"Nakakatawa!" sarkastiko niyang banat. "Bakit pumayag ka dun kay Leo? May dinner na tayo 'di ba? Natalo ka sa pustahan. Dalawang babae ang nagpakilala sa akin, sa'yo wala."
"Nagkakilala naman kami ni Seb kanina tapos nagkita kami ni Leo dito nang hindi inaasahan, hindi ba counted yun? Tabla lang tayo!"
"Tsss.." simangot si Taiga at matalim na tumingin sa akin. "Ano ba pustahan natin? Paramihan ng babaeng magpapakilala 'di ba? Mukha bang mga babae yung dalawang yun? Talo ka kaya ako ang sasamahan mo mamaya sa dinner. Tapos ang usapan."
"Kay Leo na lang ako sasamang magdinner. Tutal siya ililibre ako, sa'yo ako pa ang manlilibre. Isa pa, parusa mo na rin yan para sa ginawa mo kanina. Yung pagiging moody mo hindi nakakatuwa. Binastos mo kanina si Seb saka yung babaeng kausap mo kanina. Hindi ka nagpaalam nang matino." Litanya ko sa kanya.
"Ang sabihin mo, gusto mo lang sumama kay Leo. Wala, ipinagpalit mo na pagkakaibigan natin sa kanya. Seven years yun, Theo. Salamat na lang sa lahat." Pagtatampo ni Taiga sa akin.
"Ito naman matampuhin. Bukas na lang kita ililibre. Lunch saka dinner. Ano, payag ka na? Kapal ng mukha mo kung di ka pa papayag. Nagtatampu-tampuhan ka lang yata para mas lumaki pa gastos ko. Para-paraan ka aa." Pang-aasar ko sa kanya.
"Tsss." Tanging nasabi lang ni Taiga.
"Saka mukhang importante naman yung sasabihin ni Leo sa akin. Kailangan daw ng tulong ko."
"So kailangan bang mangailangan muna ako bago mong piliin na samahan ako?" tanong niya sa akin. Matalim pa rin ang tingin niya sa akin. "Bahala ka. Magbibihis na ako."
Napabuntong hininga na lang ako sa inaakto ni Taiga. Nagbihis na lang din ako ng pamalit na damit at nag-ayos ng gamit. Umupo muna ako sa lobby ng gym habang inaatay si Taiga at Leo. Maya-maya pa ay nakita ko na si Taiga na palabas na ng gym.
"Uwi ka na ba agad?" tanong ko.
"Hindi. Kakain lang nang mag-isa." Pasuplado niyang sabi at nakakunot pa ang noo.
"Come on. Sorry na, bro. Bukas babawi ako sa'yo promise! Huwag ka nang magtampo. Mukhang importante naman yung sasabihin ni Leo sa akin."
"Una na ako. Ingat ka na lang pag-uwi."pagpapaalam niya sa akin.
Ilang minuto lang din ay nakita ko na rin agad si Leo na papalapit sa akin. Umalis na rin kami agad sa gym at napagpasyahang kumain ng pasta sa isang restaurant. Tulad ng sabi niya kanina, libre niya kaya naman hindi na ako nag-abalang maglabas ng pera. Tutal siya naman ang may kailangan sa akin.
Inantay lang naming i-serve ang mga pagkain bago kami nagsimulang mag-usap.
"By the way, our professor asked us to make a case study. He assigned us to different colleges in U.P. Luckily I got the College of Architecture. Kukunin ko sanang respondents mga kaklase mo saka ikaw." Paliwanag ni Leo sa akin.
"Oh I see... Dapat kay Taiga ka nagpatulong hindi sa akin. Mas marami siyang ka-close sa mga kaklase namin sa iba't ibang subject." Pagdadahilan ko.
"Come on. Mukhang malaki kasi ang problema sa akin ni Taiga. Lagi akong sinusungitan. Though I know the reason and I fully understand it."
"Bakit? May nagawa ka ba sa kanya dati?" tanong ko sa kanya.
"Wala naman. Let's just say he sees me as a rival." Natatawang paliwanag pa sa akin ni Leo.
Kinunutan ko lang siya sa sinabi niya dahil hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi ni Leo. Hanggang college ba naman rivalry pa rin ang iisipin ni Taiga?
Pinaliwanag sa akin ni Leo ang topic ng kanyang case study at kung ano ang gagawin ko para makatulong. Madali lang naman pala kaya tingin ko kayang-kaya kong gawin ito.
Tapos na kaming kumain kaya naman kinuha na ni Leo ang aming bill. Nag-ayos na ako nang gamit. Nagulat ako nang hinawakan ni Leo ang kamay ko na nasa itaas ng mesa. Pinisil niya pa ito bago nagsalita.
"Thanks for helping me, Theo. If you need anything you can count on me. Don't hesitate to ask for help." Pagpapasalamat niya sa akin.
Nginitian ko siya at tumayo na rin ako sa kinauupuan. Nagpaalam na kami sa isa't isa. Magkaiba ang parking building ng kotse namin kaya sa magkaibang direksyon kami nagtungo. Niregaluhan ako ni papa ng kotse pagkatapos kong magtapos sa Senior High School kaya naman hindi ako hirap sa pagbabiyahe. Traffic lang talaga ang kinaiinisan ko.
Tumitingin-tingin ako sa mga nadadaanan kong store nang makita ko si Taiga na may kung anong sinisilip sa madadaanan kong store.
"Bro, akala ko nakauwi ka na. May pupuntahan ka pa?" tanong ko sa kanya.
"Wala na. Kakatapos ko lang kumain, pauwi na rin ako." Sabi niya.
"Sabay ka na sa akin. Mahirap mag-commute ngayon. Rush hour kaya mahihirapan kang sumakay."
Tahimik kaming naglalakad papuntang parking. Nagpapakiramdaman sa isa't isa.
Pumasok kami ng tahimik sa kotse at binuksan ko ang makina ng sasakyan. Susuotin ko pa lang ang seatbelt nang magulat ako dahil hinawakan ni Taiga ang mukha ko at walang pag-aalinlangang inangkin ang labi ko.
Marahas ang halik na iginawad niya sa akin. It feels like he put all his frustrations the way he is kissing me. Kinagat niya ang itaas ng labi ko kaya naman napabuka ang bibig ko. Naging hudyat ito para mas lalo niyang mapasok ang bibig ko. Mapusok na ang aming mga halik na ibinibigay sa isa't isa. Buti na lang ay tinted ang kotse ko kaya 'di ako natatakot na may makakakita sa ginagawa namin.
Natigil lang ang halikan namin nang masilaw kami sa ilaw ng dumaang kotse. Hingal na hingal ako sa naging halikan namin. Ang bilis nang paghinga ko maging si Taiga.
"May kasalanan ka pa sa akin, Theo aa. Bumawi ka sa akin. Hindi ko makakalimutang mas pinili mong makasama sa dinner si Leo kaysa sa akin." Sabi ni Taiga.
Natawa ako sa sinabi niya ngunit itinigil ko rin nang samaan ako nang tingin ni Taiga.
"Paano ba ako makakabawi sa'yo? Hindi pa ba sapat ang sorry?" tanong ko sa kanya. Nag-pout pa ako sa kanya para magpaawa.
"Huwag kang magpa-cute sa akin. Hindi tatalab sa'kin ngayon iyan..." sabi niya sabay iling. "Let's go. Hatid mo na ako sa bahay. Tawagan kita mamaya. Sabihin ko kung paano ka makakabawi sa akin. Pag-iisipan ko nang maigi."
Tumango na lang ako sa kanya at tumawa. Umalis na kami ng parking at inihatid si Taiga sa kanilang bahay. Nagpaalam kami sa isa't isa matapos ko siyang ihatid sa kanila. Nagnakaw pa nga siya ng halik sa akin ngunit tinulak ko lang ang ulo niya nang ginawa niya iyon sa akin. Tinawanan niya lang ako sa reaksyon ko.
Umuwi na rin ako sa bahay at naligo. Nag-ayos ng gamit sa kwarto at gumawa ng assignments. Tumunog ang cellphone ko kaya naman sinagot ko ito habang nagbabasa ng libro sa kama. Videocall ito mula kay Taiga.
"Bakit, bro?" tanong ko kay Taiga at nakita ko siyang mukhang nakahiga na rin sa kama niya. Topless pa ang loko kaya kita ang pinaghihirapan niyang chest sa pagbubuhat sa gym.
"Gusto mo bang makabawi sa ginawa mo sa'kin kanina?" tanong niya sa akin.
"Ano ba iyan? Sabihin mo na para matapos na pagtatampo mo." Tanong ko sa kanya.
"Napipilitan ka lang yata, bro."
"Puta ka, Taiga. Ang arte mo. Pakyu ka. Anong pagdadrama yan?" sabi ko nang natatawa sa kanya.
"Hindi ka ba naiinitan? You can take your shirt off. Maalinsangan kaya ngayon, look at me. I'm naked." May kung ano sa sinabi ni Taiga na nagpakunot ng noo ko.
"Bro, baka nakakalimutan mong aircon ang kwarto ko kaya malamig." Sabi ko at tinawanan lang siya.
Natigil ang pagtawa ko nang mapang-akit siyang tumingin sa camera. Parang nahihirapan ang kanyang mukha sa kung anomang ginagawa niya. Hindi na niya napigilan at lumabas na rin ang ungol na kanyang pinipigilan.
"B-Bro... Are you jacking off?" nautal kong tanong sa kanya.
Hindi niya sinagot ang tanong ko. Nagulat ako sapagkat inilipat niya ang camera para makita ang ipinagmamalaki niyang alaga. Napalunok ako sa nakita ko sa kanya.
"Come on, Theo. Come with me.... Sabayan mo ko sa ginagawa ko. Gusto mong bumawi di ba?"
Naestatwa ako sa boses at mga ungol na lumalabas sa bibig ni Taiga habang nakikita ko ang pagtataas baba ng kanyang kamay sa malaki niyang alaga. Natuyo ang lalamunan ko sa nakikita at naririnig ko sa kanya.
"I just miss doing it with you... Masyado tayong busy these past few days..." pagdadahilan niya sabay ungol nang nang-aakit.
Tumayo si Taiga at inayos ang anggulo ng camera na kita ang kanyang buong katawan at mukha. Binukaka pa niya ang kanyang mga hita para mas lalo kong makita ang kanya. Napalunok ako nang maraming beses sa nakikita ko.
"Strip, please... Take your clothes off... If you were here, I'll kiss and suck your skin just to hear your moan... Moan for me, baby..."
Kung ano-ano pa ang kanyang mga sinabi para lang maakit ako. Hindi na rin ako nakatiis at naghubad na rin ng mga damit. Inayos ko rin ang anggulo ng camera para makita niya rin ang ginagawa ko. Kinonekta ko pa ang cellphone ko sa bluetooth headset para mas lalo kong marinig ang mga nang-aakit niyang mga ungol. Tila musika ito sa aking pandinig.
Nagpalitan kaming dalawa ni Taiga ng mga mahahalay na salita. Nakasampung minuto mahigit na kami sa aming ginagawa at pagpapalitan ng mga salita sa harap ng camera.
"L-Let's s-stroke i-it fa-faster, Theo! Aaagh!" ungol ni Taiga na sinunod ko naman.
"M-Malapit na a-ako!" sabi ko sa kanya.
"Sa-Sabay tayo, aaagh!" imbita niya sa akin.
Ilang sandali lang at hindi na namin napigilan lumabas ang dapat ilabas.
"A-Ayan na, aaagh!" hinihingal na sabi ni Taiga. Nauna lang siya ng ilang segundo bago lumabas ang sa akin. Hinihingal na umuungol din ako nang labasan.
"Ma-Mahal na yata kita, bro..." biglaang sabi ni Taiga.
Matagal bago rumihistro sa akin ang sinabi niya dahil pinipiga ko pa ang akin dahil may lumalabas pa. Nang mapagtanto ang kanyang sinabi, hindi ako nakagalaw na tila naestatwa. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Parehong kinakalma namin ang sarili.
My heart is beating fast. Siguro dahil sa kakatapos lang sa ginawa namin.
Naputol ang videocall nang mamatay ang cellphone ko. Low battery pala ako kanina pa. Nakakairita. Hindi ko tuloy alam kung seryoso ba si Taiga sa huli niyang sinabi. Pero mukhang hindi naman. Palabiro at maloko lang talaga si Taiga. Magkaibigan lang kami. Pareho lang kaming naglalabas ng init ng katawan.
Atleast we do not need other people to release our carnal desire. I am straight. And I firmly believe that Taiga is a straight man too. What we are doing now will soon to end especially if we will be having a serious relationship with a woman.
I cannot see myself having a relationship with a man... with Taiga. What we are doing with each other is a taboo. I do not want to add more taboo things with him. We are just... friends. Right! Nothing more.