"Hmmp! Ikaw na bubwit ka... Ayaw mo kasing maniwala sakin. Hay nako." Sambit ng magandang babae habang naka-cross arms pa ito. Makikitang nakabusangot pa itong nakatingin sa batang lalaking si Li Xiaolong.
"Aba aba so kasalanan ko ba kung napapadpad ako dito. Ginusto ko bang mapunta rito? Sino bang gustong maging multo ha?!" Seryosong sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikita sa tono ng boses nito na hindi nito nagustuhan ang takbo ng pangyayaring ito. Sino ba naman kasing nag-eexpect na gigising siya sa lugar at isa siyang multo. Ano to lokohan? Pwes, hindi siya natutuwa sa ganitong klaseng pangyayari.
Nang marinig ito ng magandang babaeng may napakagandang kasuotan ay mabilis itong napatawa ng malakas.
"Hahahahaha... Multo? At naniwala ka naman sa akin? Hindi ka multo batang bubwit. Mukha kang tanga sa pinagsasabi mo. Kung ganyan kahina ang kaluluwa mo dito ay malamang sa malamang ay mamamatay ka lang sa lugar na ito. Maraming Remnant Souls dito ng mga yumaong mga malalakas na Cultivators o Mga makapangyarihang mga Martial Artists mula sa iba't-ibang parte ng lugar na sakop ng teritoryo ng Tang Empire." Sambit ng magandang babaeng makikitang tila may halong pagmamalaki. Naningkit pa ang tingin nito sa batang lalaking si Li Xiaolong. Yung tipong mukha itong taga ibang mundo kung magsalita. Sa totoo niyan ay hindi pa ito kumbinsido sa sinabi ng batang lalaking hindi pa nagpapakilala.
"Huh? Remnant Souls? Ano yun. Akong si Li Xiaolong ay hindi maaaring magkamali sa aking intuition, isa akong kaluluwa lamang ngayon, bakit ba pinagpipilitan mong di ako multo eh multo nga ako. Kung sinabi mong patay na ko ay matatanggap ko pa eh. Kanina ka pa ng Tang Empire at kakatawag saking bubwit eh may pangalan ako. LIIIIIII XIIIIAAAAOOOOILOOOOONNNGGGGG" Malakas na sambit ng batang si Li Xiaolong habang tinatapatan nito ang tinging binbigay sa kaniya ng di pa kilalang magandang babaeng nilalang na nasa kaniyang harapan ilang dipa lamang ang layo nito sa kaniya.
Makikitang nabigla naman ang magandang babaeng matamang nakatingin sa batang lalaking nagpapakilala bilang Li Xiaolong daw.
"Li Xiaolong? Hmmm... Bakit wala man lang akong naririnig na mga malalakas na angkan o pamilya na kaapelyido mo sa Tang Empire. Nakakapagtaka naman." Sambit ng magandang babae habang kaharap ang batang lalaking si Li Xiaolong. Yung tipong nag-iisip siya kung paano niya malalaman kung nagsasabi ba ito ng totoo o hindi. Wala talaga siyang alam kung totoo ba ang sinasbai nito o hindi. Ang apelyido na Li ay wala siyang natatandaang ganitong klaseng apelyido sa Tang Empire.
"Ako naman ay si... Hmmm... Wala pala akong pangalan. Nagising lamang akong walang alam sa aking pangan at saka hindi ako tao haha..." Sambit ng magandang babae habang hindi alam kong ano ang sasabihin nito
Napaisip pa ito ng malalim ngunit naalala niyang wala pala talaga siyang pangalan. Ano pa nga ba ang aasahan niya kung kakagising niya lamang.
"Seriously, wala kang pangalan. Tsaka di ka tao? Hmmm... Eh pareho naman tayong multo hahaha!!!" Natatawang sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang makikitang halos mangiyak-ngiyak pa ito sa kakatawa.
"Hay naku, ang hirap mong kausapin at intindihin batang bubwit este batang Li Xiaolong. Hindi tayo multo, ikaw ay tao at ako ay isang nilalang na ginawa bilang tagapangalaga ng kakaibang Lugar na ito. Buhay ka pa bata, yun nga lang ay naactivate mo siguro ang susi ng lugar na ito. Limitado lamang ang maaaring pagpunta mo rito at espesyal ang lugar na ito na puno ng kakaibang mga bagay lalo na ang mga Remnant Souls na naririto sa lugar na ito ay tiyak na babago ng kapalaran mo.
Tila napanganga naman ang batang si Li Xiaolong sa sobrang mangha. Kung gayon ay espesyal na lugR pala ito at hindi talaga siya namatay. Natatandaan niya kasing nasa Cultivation Area lamang pala siya doon at di naman pala siya namatay. Iniisip niya kasi kanina kung ano yung sanhi ng pagkamatay njya kanina, tinamaan ba siya ng kidlat, aksidenteng nabagsakan bulalakaw, kinain ng mga magical Beasts at kung ano-ano pa.
Dahil sa kalikutan ng pag-iisip niya ay kung ano-ano ng naiisip niya. Mabuti na lamang at sinabihan siya ng magandang babaeng nasa kaniyang harapan an hindi pa siya patay, hindi siya multo at lalong hindi siya isang Remnant Souls na mga namayapa. Naparami ata ang inom niya ng tsaa o pagcucultivate kaya naalog na ang utak niya sa kapraningan.
"Salamat naman at hindi ako namatay. Yes, buhay ako. Kung sakaling namatay ako ay baka maging Remnant Souls ako dito huhu..." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang mababakas ang pag-aalo nito sa kaniyang sarili at yung tipong nagpapasalamat siyang hindi pa pala siya namatay.
Nang marinig naman ito ng magandang babaeng walang pangalan na nasa harapan ng batang lalaking si Li Xiaolong ay halos mamula ang mukha nito. Hindi sa labis na hiya o tuwa kundi sa labis na inis sa batang si Li Xiaolong.
"Ano'ng tingin ng batang bubwit na ito, isa itong lugar para sa koleksyon ng sinumang namayapang nilalang?" Sambit ng magandang babaeng sa kaniyang isipan lamang.
"Hmmp! Ignoranteng bata. Talagang iniisip mong magiging Remnant Souls ka dito kapag namatay ka? Baka yang mahina mong kaluluwa ay maging pagkain lamang ng mga Remnant Souls na naririto. Kahit ilagay mo lang siguro dito ang kaluluwa ng ordinaryong mga nilalang ay baka ilang segund lamang ay mabubura ang kanilang existence sa mundong ito at hindi na maaaring mag-undergo sa Cycle of Samsara."Seryosong sambit ng magandang babaeng walang pangalan. Walang bakas ng pagbibiro sa mukha nito.
Napasinghap naman ang batang lalaking si Li Xiaolong sa kaniyang narinig. Yung tipong hindi siya makapaniwala sa kaniyang sariling narinig na tila nabingi siya sa sinabi ng magandang babaeng walang pangalan sa kaniyang harapan mismo ilang dipa lamang ang layo sa kaniya.
"Kung ganon ay nakakatakot pala ang lugar na ito huhu... Gusto ko ng umuwi at bumalik sa reyalidad huhu..." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang nahintatakutan ito. Hindi niya ine-expect na ganito pala kadelikado ang lugar na ito. Yung tipong napakahirap pala ng daang tinahak niya. Maski ang lugar na ito ay nagbibigay sa kaniya ng kapayapaan ngunit mayroong ding parte ng lugar na ito na nagbibigay kilabot sa kaniya. Hindi niya alam ngunit parang mas gugustuhin niyang bumalik sa reyalidad o sa katawan niya mismo. He felt powerless in this place lalo na sa sinabi ng magandang babaeng hindi niya alam ang pangalan o pagkakakilanlan nito.