"Yan ang hindi mo gagawin Little Devil dahil ako ang papaslang sa'yo!" Galit na saad ni Herano habang makikitang sumama ang timpla ng mukha nito.
"Hindi mo magagawa iyon Herano, sa kasalukuyan mong kalagayan ay masasabi kong humina ka pa lalo. After mong kontrolin ang sarili kong katawan, tiyak akong hindi ka pa magaling!" Mapang-uyam na sambit ni Wong Ming upang papanghinaan ng loob ang nasabing kalaban niya.
"Grrr... Mukhang nagkamali ako ng pagpili sa'yo binatang tao. Ang lakas ng loob mong kalabanin ako!" Naiinis na turan ni Herano sa kausap niyang binata.
"Buti nga at ako ang napili mo nang sa ganon ay hindi ka nakapambiktima ng nilalang na maaaring paikutin mo sa mga palad mo!" Matapang na sagot naman ni Wong Ming sa sinabing ito ng kalaban niya.
He was so weak back then at naghihingalo, ayaw niyang pasalamatan ang nilalang na ito na alam niyang hindi mabuti kundi masama.
Hindi siya pakokontrol rito, sigurado siyang malaki ang papel ng paghihina nito ang pagkontrol ng sapilitan sa katawan niya kaya ngayon ay hindi siya nangangamba na gamitin ang kaunting porsyento ng lakas ng isang Ice Demon sa Ice Demon Transformation niya.
Gagamitin niya ang kapangyarihang ito sa paraang alam niya at nakakabuti. Hindi niya gustong mahulog sa bitag na ito sa muling pagkakataon. Masyadong tuso si Herold at mas mabuting di na siya makipagtransaksyon rito.
Biglang nagbago ang kaanyuan ni Herano at naging isang Ice Demon.
"Matakot ka binata dahil ako ang nahanap mong tulong. Pasalamat ka at tinulungan pa kitang mabuhay!" Sambit ni Herano sa napakalalim na boses nito.
Akmang susugod na ito sa kaniya at tila lalapain siya.
Napakalaking nilalang na nito at nakakatakot ang kaanyuan nito.
Kahit si Wong Ming ay nakaramdam ng kilabot sa kabuuang kaanyuan ni Herano, parang katulad sa nakita niyang kaganapan kanina.
Ngunit hindi pinahalata ni Wong Ming, naalala niyang siya ang may kontrol ng katawan niya at isa na lamang Remnant Soul ang Ice Demon Deity na si Herano.
"Bakit naman ako matatakot sa isang gaya mo Herano, wala kang laban sa katulad ko. Napakahina mo!" Matapang na saad ni Wong Ming na tila hindi kakikitaan ng anumang takot.
"Matapang kang talaga binata. Ngunit hindi ako nagkakamali sa aking nararamdaman na darating din ang oras na kakailanganin mo ang lakas ng isang Deity Level na katulad ko. Tandaan mo binata, iba ako maningil grrrr!" Makahulugang wika ni Herano habang nakatingin ng masama kay Wong Ming. Umangil pa ito sa huli tandang nagbabala ito kay Wong Ming.
"Pinagbabantaan mo ba ko? Ang isang katulad mo ay malakas nga ngunit sa ating dalawa ay mas dapat kang matakot sakin Herano, hawak kita sa leeg lalo na ang nagmamagaling mong anak. Hindi ko nga alam kong buhay pa ba ito o hindi, opps!" Pagpaparinig ni Wong Ming habang nakangisi pa ito ng malademonyo.
Gumuhit ang kakaibang emosyon sa mukha ng nasabing malakas na uri ng Ice Demon na si Herano na siyang ikinasiya ng puso ni Wong Ming. Ganyan nga, matakot ka sa akin. Ito ang nais sabihin ni Wong Ming.
"Ano'ng ginawa mo Little Devil? Bakit, ano'ng nangyari?!" Bakas ang pag-aalala sa mukha nito lalo na sa paraan ng pagsasalita nito.
"Isa kang hangal, kung inaakala mong ligtas ang anak mo dahil nasa panig niya ako ay nagkakamali ka. Nasa isang mapanganib na cultivation farm kami ngayon. Wala akong balita kung buhay pa ba ito o napaslang na. Kilala mo naman ako, di ako madalas na nagsisinungaling." Kalmadong turan ni Wong Ming ngunit ang mga binitawan nitong impormasyon ay talagang nakakabahala para kay Herano.
"Nagsasabi ka ba ng totoo Little Devil? Hindi ako naniniwala!" Malakas na wika ni Herano habang nakatingin ng masama kay Wong Ming dahil sa madilim na ekspresyon ng mukha nito.
"Malakas ka diba? Ano naman ang pakialam ko sa anak mo. Mabuti nga kapag ganon ay dito na siya mailibing ng buhay kasama ng mga mahihinang nilalang na sinasabi mo!" Nakangising demonyong saad ni Wong Ming. Hindi siya magpapatalo sa katulad ni Herano.
"Yun ang hindi mo dapat gawin Little Devil. Iba ako magalit!" Naiinis na turan ni Herano habang nakatingin pa rin kay Wong Ming.
"Hindi ako natatakot sa'yo. Sabagay, may mabuti pa rin akong puso kahit papaano." Sambit ni Wong Ming na parang wala lang.
Umaliwalas naman ang pagmumukha ni Herano na bumalik na ngayon sa pagiging anyong tao nito.
"Talaga ba?!" Tila may ngiting sagot ni Herano.
"Oo naman, sa katunayan ay pinupulot ko naman ang mga bangkay ng mga nilalang na napaslang, maaari ko namang bigyan ng maayos na libing ang anak mo!" Nakangising demonyong tugon naman ni Wong Ming sa nakangiting si Herano.
Nang marinig ito ni Herano ay tila nag-init ang ulo niya at nagtransform ito sa tunay nitong kaanyuan, isang Deity Level Ice Demon.
GRROOOOAAAARRRRR!!!
Nagpakawala ito ng malalakas na atungal dahilan upang mapangiti pa si Wong Ming ng malawak.
Kitang-kita niya kung paanong sinubukan siyang saktan ng Deity Level Ice Demon na ito lalo na kung paanong nag-extend ang kamay nito pahampas patungo sa kinaroroonan niya.
Nanatili lamang na nakatayo si Wong Ming na tila walang pakialam sa maaaring mangyari sa kaniya.
Bago pa matamaan si Wong Ming ng nasabing paunang atake ni Herano ay mayroong malaking pabilog na bagay ang bumalot sa kaniya.
"AHHHHHHH!!!"
Impit na napasigaw si Herano habang napakalalim ng boses nito.
"Nakakapaso ba Herano? Bakit mukhang hindi mo na natatagalan ang nakakapasong init ng mapaminsalang apoy na taglay ko?!" Mapang-uyam na sambit ni Wong Ming.
"Ano'ng klaseng apoy ito Little Devil? Isa din ito sa dahilan kung bakit hindi kita makontrol-kontrol. May araw ka din sakin. AHHHHHH!!!!" Tila nagwawalang wika ni Herano sa malalim nitong boses. Rinig niya pang dumaing itong muli dahil hindi nito nakaya ang nakakapasong init na dulot ng apoy ng Evil Fire Crow.
Tuwang-tuwa naman si Wong Ming. Ganito niya gustong makita ang pesting nilalang na ito. Sa lahat kasi ng bagay na meron si Wong Ming ay ang apoy ng Evil Fire Crow ang naging susi upang di siya masaktan nito. It can be deadly physically and spiritually. Kagaya ng Phoenix Fire ay ganoon din ang apoy ng Golden Fire Crow.
Tama lang ito sa mapang-abusong nilalang na ito. Nakita nito ang katapat nito sa apoy na pumoprotekta sa kaniya. Pakiramdam niya ay isang God Level Fire ang apoy na nasa katawan nito pero hindi niya pa kumpirmado kasi isang remnant soul lang rin naman kasi si Heranos kung kaya't hindi niya natitiyak ito. Remnant Soul are in weakest form. Hindi niya rin ginagamit ang apoy na ito dahil hindi kakayanin ng pangangatawan niya ang sobrang init na dulot nito.
...