webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
721 Chs

Chapter 674

Marami pang lugar na napuntahan si Wong Ming sa loob ng Hilagang parte ng Smew Valley. Masasabi niyang naging maganda naman ang nasabing paglalakbay niyang ito.

Maraming mga Cultivation resources silang nakuha ngunit ang Ice Demon Prince Xing ang pinakuha at pinatrabaho niya sa mga bagay-bagay na ito. Alangan naman siya.

Wala naman kasing mga cultivation resources na nakuha ng atensyon niya at tanging mga pambihirang herbs lamang ang pinakuha niya na makakatulong sa pang-araw-araw nilang pagcucultivate. Alam niyang dalawa silang Golden Realm Expert ang makikinabang nito.

Iniisip pa lamang ni Wong Ming kung gaano kadami ang cultivation herbs na kinakailangan nilang mga Golden Realm Expert ay siguradong manghihinayang ang mga mababang lebel na mga cultivators.

Iniisip niyang kailangan niyang mag-ingat ngayong tila nakaalpas na ang Ice Demon Prince sa nasabing himlayan nito.

Hindi niya alam ang nasabing bronze coffin na iyon ngunit nape-preserve nito ang buhay ng isang buhay na nilalang.

Alam niyang ang slave seals iyon na makapalibot sa bronze coffin ngunit mukhang hindi na niya ma-trace pa kung saan iyon nagmumula.

Ang lahat ng mga nadadaanang mga cultivation herbs na makakatulong pa rin sa kanila ay pinapakuha ni Wong Ming habang ang ibang mga bagay na makikita nila sa paligid ay pinakuha na rin ni Wong Ming.

Halatang mas kakaiba at pambihira ang interspatial ring ni Prince Xing na siyang hindi na rin ikinagulat ni Wong Ming.

Hindi niya titigilang utos-utusan ang nasabing kaedaran niya lamang sa pagkakataong ito lalo na at ayaw niyang siya pa ang mamroblema sa Cultivation resources ni Prince Xing.

Dapat ding matuto na ito sa buhay. Nasa Martial World siya kung kaya't ang buhay nito ay katulad rin niya, kailangang matuto at magtrabaho gamit ang sariling kakayahan na hindi umaasa sa iba.

Sa loob ng dalawang buwang ito ay kailangan niyang ilihim ang existence nito hangga't maaari. Hindi magiging mabuti ang resulta kapag nalaman ng lahat ang pagkupkop ni Wong Ming sa nilalang na ito na hindi nabibilang sa mundo nila kundi sa Demon World.

Isa pa ay isa itong Ice Demon kung kaya't natitiyak siyang magkakaroon ng malaking komosyon at suliranin sa kanilang Flaming Sun Guild kapag nakalabas ito.

Maya-maya pa ay nakita na lamang ni Wong Ming na natigilan si Prince Xing habang nakatingin sa isang mataas at malaking puno.

Doon nakita ni Wong Ming ang isang kakaibang cultivation fruit.

Silver Ice Fruit!

Hindi aakalain ni Wong Ming na makakakita na siya ng aktuwal na bunga ng isang Silver Ice Tree.

Medyo malamig na rin ang temperatura sa lugar na ito at madami na rin silang nadaraan na mga puno ng Silver Ice Tree ngunit wala man lang siya nakitang bunga nito.

Akala ni Wong Ming ay wala ng namumunga ito kung kaya't nawalan na siya ng pag-asa.

"Akin yang Silver Ice Fruit na iyan ha!" Pang-aangking saad ni Prince Xing habang nakatuon pa rin ang mga tingin nito sa nasabing bunga ng Silver Ice Tree.

"At talagang may pagpipilian pa ako, eh inangkin mo na eh!" Matalim na saad ni Wong Ming. Isa pa ay hindi naman ito ang hinahanap niyang prutas. Katulad lamang ito ng mga naunang cultivation fruits na nakuha nila na hindi naman masyadong magbibigay ng maraming essence energy sa katawan niya lalong-lalo na sa dantian niya. Napangiwi pa si Wong Ming sa kaloob-looban niya.

Tanging tawa na lamang ang iginanti ni Prince Xing ngunit nagpupuyos na ng inis si Wong Ming. Ito pa lamang ang klase ng nilalang na ayaw na ayaw niya ngunit kailangan niyang pakinabangan ito. Wala rin siya sa posisyon upang husgahan ito kung mabuti ito o masama dahil wala pang isang araw niya itong nakilala.

Nagkatinginan naman si Wong Ming at si Prince Xing nang mapansin ang tila mayroong kakaiba sa paligid.

Ganon na lamang ang pag-atras nila upang dumistansya sa paligid ng makaramdam ng may papalapit na nilalang patungo sa kanila.

Isang Two Headed Silver Ice Serpents ito na isang Soldier Beast. Napakalaki nito at nagawa pa nitong pumulupot sa Silver Ice Tree na animo'y pinoprorektahan ito laban sa kanila.

Sa tingin ni Wong Ming ay mahina at ordinaryong Serpyente lakang ito ngunit nagkaroon ng pagbabago ng napadpad ito rito at naging tahanan na nito ang nasabing pambihirang puno na nagbubunga ng pambihirang cultivation fruits dahilan upang maging ganito kalakas ang estado nito sa kasalukuyan.

Hindi man nag-uusap sila ni Wong Ming at Prince Xing ay alam na nila ang gagawin nila.

Malakas ang nilalang na ito at sa tingin nila ay nasa Fifth Grade Magical Beast ang Two Headed Ice Serpents. Nagkaroon ito ng maraming mga mutations dahil na rin sa Silver Ice Fruit. Kitang-kita ni Wong Ming na ang isang bahagi ng Serpyente ay gawa sa tila Ice Scales habang ang ibang bahagi ng katawan nito ay gawa sa Silver Scales.

Sanay naman si Wong Ming sa ganitong klaseng kaganapan kung kaya't siya ang lalaban sa may pilak na serpyente habang si Prince Xing naman ang pupuntirya sa Ice Scale Serpent dahil higit na mataas ang kaalaman nito sa elemento ng yelo.

Hindi na nag-aksaya ng oras si Wong Ming at nilabas niya ang sampong Sword Needles.

Mahihirapan siyang labanan ang nilalang na ito ng mano-mano. Sobrang laki na kasi nito at kapag naging Sixth Grade Magical Beast na ito ay talagang hindi na nila ito kakayanin dahil sa pang-anim na grade nito ay kahit pagsamahin ang lebel nila ni Prince Xing ay hindi nila magagapi ito dahil magkakaroon na ito ng consciousness at magkakaroon na ng kontrol sa attributes na meron ang nasabing halimaw.

Hindi napigilan ni Wong Ming na atakehin ang nasabing halimaw. Gamit ang sampong Sword Needles ay pinaikot-ikot nito sa katawan ng halimaw at pinagsasaksak niya ito sa iba't-ibang parte ng katawan.

SHRRIIIIEEEKKKKK! SHRRIIIIEEEKKKKK!

Umatungal ng napakalakas ang dalawang naglalakihang mga serpyente. Konektado pa naman ang dalawang nilalang na ito sa iisang katawan kung kaya't natitiyak ni Wong Ming na maramdaman din ng isa ito.

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Prince Xing at mabilis ring sinugod ang kinaroroonan ng nasabing halimaw sa kabilang bahagi malayo kay Wong Ming.

Bigla itong nag-cast ng isang pambihirang skill.

Skill: Ice Shard Meteor!

Dito ay kitang-kita ni Wong Ming na bumulusok ang napakaraming mga tipak ng mga yelo. Hindi lamang ito malalaki kundi matatalas din ang mga dulo ito.

BANG! BANG! BANG!

Malalakas na mga pagsabog ang naganap kung saan ay pati ang puno ng Silver Ice Tree ay kamuntikan ng maapektuhan ngunit given na territorial ang nasabing halimaw ay pinulupot nito ang pangangatawan upang protektahan ang punong ito mula sa pagkakapinsala.

Napangiti na lamang si Wong Ming dahil dito lalo pa't ang ginawa nito ay mas lalo lang gusto niyang paslangin ito.