webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
721 Chs

Chapter 545

"Ngunit alam niya ba ang tunay na katauhan mo? Ang kinabibilangan nating tribo at kung anong klaseng pamumuhay ang nilalakaran natin ha?! Gumising ka sa kahibangan mo Fù Xia!" Tila may inis na wika ni Fù Xueqin sa inaasal ng kapatid niyang tila nahibang at nahulog na ng tuluyan sa pesteng nilalang na miyembro ng Black Clover Tribe, ang isa sa mortal na kaaway ng Fire Demon Tribe na siyang kinabibilangan nila ni Fù Xia na siyang kambal niya.

"Hindi iyon mahalaga Fù Xueqin. Naniniwala akong mahal niya rin ako aking kakambal. Ramdam ko na hindi niya ako kamumuhian at iyon ang aking pinaniniwalaan!" Seryosong sambit ni Fù Xia habang makikitang tumulo ang luha sa mga mata nito habang nakangiti. Naniniwala siyang magiging maayos ang lahat sa kanila ng kasintahan niyang hindi niya man lang pwedeng ipagsigawan ang pangalan nito dahil bawal. Iyon ang napakasakit na katotohanang gusto niyang gawin ngunit hindi pwede.

"Gumising ka sa kahibangan mo Fù Xia. Alam ko at alam mong bawal ang gagawin mo. Hindi siya ang nararapat para sa'yo Fù Xia. Hindi iyon papayagan ng ama natin na mangyari!" Malakas na sambit ni Fù Xueqin habang gusto nitong ipaintindi ang nais niyang ipahiwatig sa kakambal nitong tila baliw na sa pag-ibig na nararamdaman nito.

"Hindi... Hindi!!! Mali ka ng iniisip Fù Xueqin. Alam kong mahal niya rin ako. Tanging ikaw lamang ang mag-iisip ng ganitong bagay lalo pa't ikasisiya ko ngunit ikakapagdurusa mo. Tama ako hindi ba?!" Emosyunal na wika ni Fù Xueqin na makikitang tila hindi ito naniniwala sa kakambal niya. Ramdam niyang hindi papayag ang kakambal niya sa maaaring gawin niya.

"Mali ka ng iniisip Fù Xia. Kakambal mo ko at gusto kong sumaya ka ngunit ang gagawin mo ang ikakapahamak nating pareho. Sisiguraduhin kong mawawala siya sa mundong ito upang mawala na ang kahibangang naiisip mo!" Puno ng galit na sambit ni Fù Xueqin habang naiisip na nitong mawala na ng tuluyan ang kasintahan ng kakambal niyang umibig sa isang miyembro ng Black Clover Tribe na siyang isa sa kumakaaway sa kanilang Fire Demon Tribe.

"Tama na Fù Xueqin, hindi ko hahayaang mangyari ang gusto mong mangyari. Hinding-hindi ko hahayaang saktan at paslangin mo siya!" Puno ng emosyong sagot ni Fù Xia habang mabilis na nabalutan ng itim na enerhiya ang buong katawan nito at mabilis na nagbago ang anyo nito bilang isang napakaitim na demonyong kilala sa katawagan bilang isang Fire Demon. Galit ang nararamdaman niya sa mga oras na ito at handa siyang labanan ang kakambal niya sa paraang naiisip niya.

GROOOOAAARRRR!

Malakas at nakakapanghilakbot na tunog ang pinakawalan nito na siyang umalingawngaw sa buong lugar na ito.

Imbes na matinag si Fù Xueqin ay makikita ang namumuong galit sa kaibuturan ng puso nito. Sa naging kilos pa lamang ng kakambal niyang isang babae ay masasabi niyang mas pinapahalagahan pa nito ang lihim nitong kasintahan kaysa sa kaniya na kakambal niyang handa siyang protektahan at pagtakpan kahit sa mabagsik nilang amang hindian lang sila nabigyan ng kahit mumunting atensyon nito.

"Hindi ka mananalo sakin Fù Xia. Alam mong alam mi ang kaya kong gawin lalo na sa mahina mong kasintahan hahahahaha!" Mala-demonyong sambit ni Fù Xueqin habang makikita na naging pula ang mga mata nitong kanina'y kulay itim lamang.

Nakakatakot ang mga mata nitong tila hindi nabibilang sa isang tao kundi sa isang halimaw. Nakakapagtakang tila nakaramdam si Fù Xueqin ng ibayong lakas dulot ng paggamit niya ng kakaibang lakas na nananalaytay sa dugo nila.

Mabilis na sinugod ng napakalaking demonyong may naglalakihang pakpak na kakaiba ang hugis at itsura nito kumpara sa nakalaban ni Wong Ming ngunit higit na malakas ito kung susuriing mabuti. Kakaiba ngunit napakagandang anyo ng isang babaeng Fire Demon ito.

Sa isang iglap ay lumitaw na lamang ang pigura ni Fù Xueqin sa harap ng babaeng Fire Demon at hawak-hawak nito sa leeg ang nasabing demonyong halimaw.

"Mahina ka Fù Xia at kailangan mo ako. Tumigil ka sa kahibangan mo!" Puno ng galit na sambit ni Fù Xueqin habang may pagbabanta sa mga katagang binitawan nito.

Ayaw niya mang gawin ito ay hindi naman niya maaaring i-tolerate ang kahibangang naiisip ng kakambal niyang si Fù Xia. She cannot expose herself tp anyone at mas lalong ayaw niyang kontrolin mismo ng kakaibang lakas na meron sila na minana pa nila sa ninuno ng ama nila.

Nagpupumiglas at tila nahihirapang huminga ng Fire Demon na si Fù Xia habang sakal-sakal siya ng mahigpit sa leeg ng kakambal nito.

Walang ano-ano pa ay mabilis na nabalutan ng kulay pulang enerhiya ang buong pangangatawan ni Fù Xueqin at naging isang kulay pulang demonyong may apat na mahahabang mga pakpak.

Halos dalawang beses ang laki nito kumpara sa Demon Form ni Fù Xia. Kitang-kita na mas nakakapangilabot ang kaanyuan nito at pulang-pula ang bawat parte ng katawan nito. Kakaiba talaga ang anyo ng isang dugong bughaw na Fire Demon kumpara sa ordinaryong mga Fire Demon. Ang lakas nila ay higit na nakakaangat kumpara sa mga karaniwang Fire Demon.

Kung nakikita lamang ng sinumang nilalang ang kaanyuan ng mga ito ay papanawan sila ng ulirat dahil hindi ordinaryong nilalang ang mga ito at tanging sa mga kwento-kwento lamang maririnig ang patungkol sa kanila, mga Fire Demons.

Walang pag-aalinlangan nitong hinagis ang pangangatawan ng babaeng Fire Demon sa kalupaan habang marahas ang kamay nitong hinablot ng buong lakas ang nasabing nilalang na siyang kakambal niya.

BANG! BANG! BANG!

Malalakas na mga pagsabog ang umalingawngaw sa lugar na ito dahilan upang mangawasak ang mga naglalakihang mga puno't maging ang mga malalaking mga batuhan at nabalot ng makapal na usok sa lugar na ito.

Pagkawalang-pagkawala ng makapal na usok ay nakita ni Fù Xueqin ang walang malay na kakambal nitong nasa demon form pa rin nito.

Agad niyang binuhat ito sa kaliwang kamay nito at ang kaliwang kamay naman nito ay naglabas ng napakainit na apoy na tumupok sa lugar na pinangyarihan ng labanan nila ng kakambal niya at ng masawing dalawang miyembro ng Fire Demon Tribe na si Venissa (Fire) at Fernodo (Demon) na ampon ng magaling nilang amang si Tribal Chief Goren.

Agad na lumipad sa malayo ang pulang Fire Demon na si Fù Xueqin habang bitbit-bitbit nito ang itim naFire Demon na siyang kakambal niyang walang malay sa mga bisig nito.

Gulong-gulo pa rin ang isip ni Fù Xueqin habang makikitang hindi niya hahayaang may magawa ang kapatid nitong lubos nitong pagsisisihan sa huli.

End of Volume 8