webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
721 Chs

Chapter 531

"Ano? Napaslang mo ang Illusion Weaving Arachnid?!" Halos lumuwa ang mga mata ni Head Chief Bengwin nang nakita nitong tumango si Wong Ming tandang sumang-ayon o umoo ito sa tanong nito.

Kasalukuyan silang naglalakbay patungo sa isang masukal na direksyon. Todo tanong kasi ang ama-amahan ni Wong Ming kaya umamin na ito upang tumigil na ito sa kakatanong.

"Natalo ko siya ama ngunit lubhang sinwerte lamang ako dahil sugatan ito sa hindi ko malamang dahilan. Kaya nga buhay pa ako ngayon." Sambit ni Wong Ming upang suportahan ang kaniyang pag-amin upang maging posible at kapani-paniwala naman ang pagkatalo sa kaniya ng malakas na magical beast katulad ng Illusion Weaving Arachnid.

Alam niya kasing hindi agad-agad na mapaniwala ang ama-amahan niya kaya kailangan niyang gumawa ng kwento upang mas kapani-paniwala ito.

Gustuhin man ni Wong Ming na ikwento ang tunay na pangyayari ngunit hindi maaari. Hindi rin niya nakikitang importante ito dahil baka ilang araw o buwan ngayon ay lilisanin niya din ang Golden Crane City at hahanapin niya ang nawaglit niyang alaalang sa labas ng lumgsod.

Hindi niya gugustuhing mapalapit pa lalo sa ama-amahan niyang hindi rin niya kadugo at ayaw niyang ipilit ang mga bagay na hindi naman sa kaniya. Hiram lamang ang lahat ng ito at masakit man sa loob niya ay kailangan niyang gawin ito para sa ikabubuti ng taong tumulong sa kaniya.

Wala man siyang alaala ng kahapon ay alam niya sa sarili niyang isa siyang mabuting nilalang. lahat ng meron siya ay utang niya ito sa butihin niyang ama-amahan na hindi siya pinabayaan.

Palihim namang hinahawak-hawakan ni Wong Ming ang bagong pag-aari niyang isang beast ring sa kanang daliri nito. Hindi niya aakalaing kaniya na ito. Talagang napakaswerte niya kung iisipin niyang maigi.

"Mabuti naman anak kung gayon. Hindi ko aakalaing umayon pa rin ang tadhana sa iyo at nanatili kang ligtas sa mga oras na iyon. Kung hindi sana ako naging pabayang magulang ay hindi ka sana makakaranas ng matinding kapahamakan sa kamay ng dambuhalang halimaw na Illusion Weaving Arachnid." May lungkot na pagkakasabi ni Head Chief Bengwin sa anak-anakan nitong si Wong Ming. Halatang na-guilty ito sa sinapit ni Wong Ming sa kamay ng dambuhalang halimaw na Illusion Weaving Arachnid.

"Wag mo ng alalahanin iyon ama dahil buhay na buhay ako at nakaligtas sa kamay ng dambuhala at mapaminsalang halimaw. Tapos na iyon at hindi na iyon maibabalik pa." Seryosong saad ni Wong Ming habang nakangiti pa ito para ipaalala sa ama nitong okay at maayos pa rin ang lagay niya.

"Ngunit hindi pa rin iyon dapat. Responsibildad ko ikaw Wong Ming kaya hindi ko hahayaang mangyari iyon sa pangalawang pagkakataon." Seryosong saad ni Head Chief Bengwin sa anak-anakan nito habang makikitang walang humpay pa rin ang kalungkutan at kasiyahan sa mujha nito. Masaya dahil umunlad ang anak nitong si Wong Ming at malungkot dahil parang nababalewala na siya dahil pakiramdam niya ay lumakas na lalo ang batang gusgusing kinupkop niya noon na nawalan ng malay sa isang masukal na kagubatan sa loob ng Golden Crane City.

"Wala ng pangalawang pagkakataon ama kung bibilisan natin. Tama pa ba ang direksyong tinatahak nstin o hindi?!" Seryosong turan ni Wong Ming habang nakatingin sa direksyon ni Head Chief Bengwin.

"Ata na ata ka ata anak ah. Wala ka bang tiwala sa ama mong ito?! I'm not a Head Chief of Wong Family for nothing hehe." Nakangising wika ni Head Chief Bengwin habang nakatingin ng nakakaloko sa anak-anakan nito.

"Yun oh. Ganyan ang ama ko palaban at walang inuurungan hehe." Ganting saad naman ni Wong Ming na gumanti rin ng pagngisi sa ama-amahan nito.

Mabilis na tumatalon si Head Chief Bengwin habang mabilis na sumunod na rin si Wong Ming sa likuran nito.

Masasabing hindi na namomroblema si Wong Ming sa kakaharapin nila sa patutunguhan nila dahil nandirito kasama niya ang amain niya.

Ang tanging ginawa ni Wong Ming ay sumunod sa direksyon na tinatahak ng ama-amahan niya at mag-obserba sa buong kapaligiran na nadaraanan nila.

Ilang minuto pa lamang ang nakalilipas ay namangha naman si Wong Ming sa pagbabago ng kapaligiran na siyang bago lamang niya napansin at nakita.

Sino ba naman kasi ang hindi mamamangha nang ang tinatahak nilang lugar ay naglalakihang mga puno na tinatawag na Blue Crystal Tree. Isang pambihirang puno na hindi pangkaraniwan ang laki at ang kulay ng mga dahon nito.

Sa una ay aakalain mong hindi ito puno dahil na rin sa dahon nitong kulay bughaw habang ang tekstura nito ay malakristal ngunit hindi ito babasagin bagkus ay isa itong uri ng poison tree.

Kung ang iba ay ayaw na ayaw ang punong ito ngunit para kay Wong Ming ay isa itong biyaya ng kalikasan at kung paano naging masuwerte ang lugar na ito para magkaroon ng ganitong klaseng puno.

Sa mga poison maker o mga ekspertong may kinalaman sa panlalason ay langit ang hatid ng punong ito dahil napakabagsik ng lason na taglay ng punong ito.

Magkagayon pa man ay may benepisyo din o magandang dulot ang punong ito dahil kayang ipanggamot ang lasong ito sa anumang uri ng kagat ng mga magical beast kagaya ng makamandag na uri ng halimaw na ahas o iba pa ngunit limitado lamang ito. Delikado pa ring gamitin ng walang alam sa medisina at panglalason ang paggamit ng sangkap na katulad ng Blue Crystal leaves.

Namamangha si Wong Ming sa mga puno ng Blue Crystal Tree lalo na at wala itong puno na ito sa Golden Crane City o sa mga kalapit na mga bayan. Isa pa ay gusto niya ring matutunan ang panggagamot at panglalason. Isa man itong propesyon ngunit hindi naman ito ang gusto niyang tahakin bagkus ay paghahandaan niya ang pag-alis niya sa Golden Crane City.

Hindi na dapat siya umasa sa ama-amahan niya dahil hindi niya mahahanap ang kasagutan sa buong pagkatao niya kung blangko ang nakaraan niya.

Ang panggagamot ang unang nasa isipan niya ang dapat matutunan niya. Sa paglalakbay pa lamang ay alam niyang hindi malabong mayroon siyang masagupang kakaiba at baka mapinsala siya sa lugar na tatahakin. Mabuti ng sigurado dahil mahalaga pa rin sa kaniya ang makaligtas sa mga panganib na dala ng mundong ito.

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Wong Ming at nanguha na siya ng maraming dahon ng Blue Crystal Tree upang pag-aralan ito maging ang bunga ng nasabing punong ito. Maaari niyang matutunan kung paano itanim ang mga butong laman ng nasabing bunga nito. This will save him some time para matutunan nito ang sikretong dala ng punong ito.