webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
721 Chs

Chapter 487

"Mawalang-galang na po Ginang, ngunit maaari bang palampasin ang kaganapang ito kung inyo pong mamarapatin?" Wika ng batang si Li Xiaolong na makikitang nakikiusap ang mga mata nitong nakatingin sa gawi ng ginang.

Tumaas naman ang kilay ng ginang sa narinig nitong sinabi ng batang kalaban ni Moon Saber. Kung hindi siya nagkakamali ay ito ang napapabalitang nanguna sa Trial na isinagawa ng prestirhiyosong paaralan ng Cosmic Dragon Institute, si Little Devil.

"Palampasin? Mawalang-galang na rin Little Devil ngunit kailanman ay hindi tino-tolerate ng Xitang Village lalo na ng Battle Arena ang mga madadayang kalahok sa labanang ito na ginawa upang maging patas ang lahat. Masyado ka naman atang mabait para sa nilalang na gusto ka pang pinsalain!" Seryosong saad naman ng nasabing ginang habang nakataas pa rin ang kilay nitong nakatingjn sa kinaroroonan ni Li Xiaolong.

"Hindi ako mabait at hindi rin ako ganoon kabuti upang iligtas sa kapalaluan ang marungis sa paglaban rito ni Moon Saber ngunit alam mong may potensyal talaga ang kaedaran kong ito. Kung magagabayan niyo lamang ito ng mabuti ay siguradong uunlad ito sa hinaharap. Hindi rason ang pagpaslang rito dahil wala ka ring mapapala." Seryosong sambit ni Li Xiaolong habang sinasabi ang mga bagay na gusto niyang ipagtanto ng nasabing ginang.

"Little Devil, kilala mo ba ako? Ako si Lady Meifen, kailan lang ako tumanggap ng isang disipulong hindi man lang naging malinis ang labanang pinapakita nito?! Hmmp!" Turan ng magandang ginang habang makikitang napaismid pa ito sa huli. Halatang hindi ito kumbinsido sa sinasabi ni Li Xiaolong patungkol sa kalaban nitong si Moon Saber.

Tulala lamang na nakatingin si Moon Saber habang makikitang may iniinda itong sakit sa daliri nito. Hindi niya aakalaing pipigilan pa ng kinalaban niyang si Little Devil ang paspaslang sa kaniya.

"Ang labanang ito sa loob ng Arena ay sigurado naman akong hindi niyo dudungisan ang lugar na ito. Walang patayan na magaganap at walang buhay ang mawawala na siyang nakasaad sa batas niyo rito." Puno ng kumpiyansang wika ni Li Xiaolong habang hindi pa rin itong naniniwala na hindi niya makukumbinsi ang ginang.

"Matalino kang tunay Little Devil ngunit gaya ng sabi mo ay ako ang naglagay ng batas rito at kaya kong baliin iyon anumang oras. Kaya ang masasabi ko sa iyo ay hindi maaari ang iyong nais. Nagkasala siya kaya nararapat lamang ang parusang ipapataw sa kaniya." Matigas na sambit ni Lady Meifen habang nakatingin sa gawi ni Li Xiaolong.

"Talaga po ba? Do you really want to kill Moon Saber? Maaaring mapukaw niyo ang atensyon ng mga awtoridad sa Dou City. Alam nating lahat na ang battle arena na ito ay nasa kasunduan ng nakatataas." Seryosong saad ng batang si Li Xiaolong habang makikitang wala itong dahilan upang umatras pa upang makipagtalastasan.

Ang seryosong mukha ni Lady Meifen ay mabilis na napalitan ng malawak na ngiti. Nagulat naman si Li Xiaolong sa mabilis na pagbabago sa ekspresyon ng nasabing ginang na agad din itong nagsalita.

"Suko na ko sa'yo Little Devil. Tama nga ang Cosmic Dragon Institute sa pagpili sa iyo at nararapat lamang na ikaw ang manguna sa Trial. Tama ka, hindi ko maaaring paslangin ang sinuman at mas lalong di ko gugustuhing ma-offend ang mga awtoridad ng Dou City." Sumusukong sambit ni Lady Meifen habang makikitang itinaas pa nito ang dalawang kamay niya na animo'y hindi manlalaban.

Awkward namang napangiti si Li Xiaolong sa narinig niya. Halatang nagulat pa rin siya sa narinig niya mula sa bibig mismo ni Lady Meifen.

"Mabuti naman kung gayon kagalang-galang na Lady Meifen. Sinisiguro kong tama ang desisyon niyo dahil alam kong biktima lamang si Moon Saber sa kung sinumang nilalang sa likod ng ginawa nitong pandaraya." Nakangiting wika ni Li Xiaolong habang bakas ang saya sa mukha nito.

"Naniniwala akong magbabago pa si Moon Saber. Hindi ko pa man alam ang totong nangyari ngunit mukhang may na-offend ka Little Devil hmm..." Seryosong saad ni Lady Meifen habang nakatingin sa gawi ni Li Xiaolong.

"Hindi na rin iyon kataka-taka Lady Meifen dahil simula pa lamang ay marami ng may ayaw sa akin at pilit akong kinakalaban at isa na roon ang Blood Skull Alliance." Seryosong sambit ni Li Xiaolong sa nasabing ginang. Alam niyang hindi na magiging tahimik pa ang buhay niya sa kasalukuyan.

"Narinig ko nga ang nangyari sa Kaharian ng Sky Flame Kingdom maging sa pagkabaha-bahagi ng lupain ng nasabing kaharian. Ikinalulungkot ko ang nangyari sa inyo." Malungkot na sambit ni Lady Meifen habang makikita sa boses nito na tunay na nakikisimpatiya ito.

"Wag po kayong mag-alala Lady Meifen dahil mas maayos na rin ang lagay ng aming angkan at mga nakapaligid sa aming mga mamamayan. Sa katunayan ay likas na mababait at tinatrato kami ng Green Lotus Pavilion ng Hollow Earth Kingdom ng maayos." Sagot naman ni Li Xiaolong na halatang magaan na ang loob nitong makipag-usap kay Lady Meifen.

"Mabuti naman kung gayon. Kaya pala bumalik ka na sa Cosmic Dragon Institute dahil maayos na rin pala ang lagay ng angkan niyo hehe." Natutuwang sambit naman ni Lady Meifen na animo'y alam na niyang hindi na tatanggi pa ang batang si Little Devil sa alok ng Cosmic Dragon Institute.

Mabilis namang nakita ni Li Xiaolong ang dalawang nilalang na nakasuot ng uniporme na may tatak ng Xitang Village ngunit di niya alam kung ano ang gagawin ng mga ito.

"Sino po sila Lady Meifen? Ano'ng gagawin nila kay Moon Saber?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang labis itong nagtataka.

Nawalan ng malay kasi si Moon Saber nang may ginawa rito ang dalawang nilalang. Gusto pa niya sanang lapitan ito upang usisain sa gagawin ng mga ito kay Moon Saber ngunit inunahan na siya ni Lady Meifen.

"Hahaha... Wag kang mag-alala Little Devil, mga manggagamot ang mga iyan na espesyal na nagtatrabaho sa Arenang ito. Wag kang mag-alala magagaling manggamot ang mga ito at madali lamang masolusyunan ang problema sa katawan ni Moon Saber." Pang-aassure naman ni Lady Meifen dahil bakas ang labis na kuryusidad sa mukha ni Li Xiaolong sa mga oras na ito.

"Mabuti naman kung gayon Lady Meifen ngunit kayo po, bakit hindi pa rin gumagaling ang dantian niyo?!" Seryosong wika naman ni Li Xiaolong habang napatanong ito sa huli.

Nanlaki naman ang mga mata ni Lady Meifen nang marinig niya ang sinabi ni Li Xiaolong (Little Devil) sa mga oras na ito.

Wala siyang maisip na idadahilan o irarason kay Little Devil. He left her speechless for a time being. Parang tinakasan siya ng ulirat sa sinabi nito.

Sa isang iglap lamang ay nakarating na si Lady Meifen sa harap ni Li Xiaolong ngunit makikitang biglang tumalim ang mga titig nito.

"Pa-paanong na-nalaman mo ang natamo kong internal injury?! Isa ka bang espiya ng kalaban?!" Seryosong saad ni Lady Meifen habang mabilis na naramdaman ni Li Xiaolong ang sampong saber na nakatutok sa iba't-ibang parte ng katawan niya lalo na sa ulo niya mismo at leeg.

Ramdam niya ang lamig at talim ng mga saber na ito. Sa isang maling galaw niya lamang ay maaari siyang mapaslang sa mga oras na ito.