webnovel

Stranger Babe (COMPLETED)

He's different. That's why he's my stranger babe.

Chixemo · Célébrités
Pas assez d’évaluations
18 Chs

Chapter 15: Bully

Pagkababa ng eroplano at paglabas ng airport. Sumakay kami ng taxi papunta ng bahay ni kuya Cedric. Mabuti nalang at di na sya sumunod samin. Magwawala na talaga ako kung hanggang sa bahay pa ni kuya ay nakasunod pa rin ito.

"Kuya!.." salubong ko ng yakap sa panganay namin. Sinalubong rin ako ng dalawa nyang anak. Actually, kambal sila. Lalaki at babae. Chloe at Miller.

"Mj.." tapik nya sa likod ko. Humalakhak ako at niyakap din sya pabalik. "Kuya, namiss kita.." tinapik nya ang ulo ko ng mahina. "Namiss din kita Jane.." matapos nyang humiwalay. Kaya mama naman sya bumaling at yumakap.

"Mama." nagyakapan sila at magbulungan na animo'y di sila nag-uusap through phone or Skype.

Mahigit syam na taon na rin kasi sya dito. Simula noong nag-aply ng trabaho, nagkapagtrabaho at nagkaroon ng pamilya, di pa sya umuuwi. Pinapadalhan nya lang kami ng pera at ng bagahe na mostly mga damit at de lata.

"Pa.." bati naman nya kay papa na hinihintay lang nyang yakapin sya. Nagtawanan ang dalawa at naghiwalay din agad.

Saka naman sya lumapit sa aming bunso. "Sir?.. haha.." sumaludo pa sya dito. Sabay silang nagtawanan bago nagyakap din. "Kuya naman. Ikaw nga ang dapat tawagin ng ganun eh.. haha.." Si Carl dito.

Nang maghiwalay sila ng yakap. Pnapasok nya rin kami sa loob.

Medyo may kalakihan din ang bahay nila dito. Dalawang palapag. May sarili kasi silang coffee shop at flower shop na pinapatakbo nilang mag-asawa. Dito nya rin nakilala si Ninia, ang naging asawa nya. Pareho silang may alam sa bussiness kaya patuloy na lumalago ang kanilang negosyo.

"Where's ate Ninia?.." hinanap ko ang asawa nya ngunit ang sabi'y nasa shop daw. Hapon pa daw sya uuwi. Ang dalawa nyang na parehong limang taong gulang na ay nagmano samin at humalik.

"You're so beautiful Chloe.." pisil ko sa pisngi ng batang kandog ko. "What about me tita?.." kumandog din sakin si Milo na sobrang cute dahil sa katabaan. "Oh baby!. of course, you are handsome just like your papa.." nagulat ako sa ginawa nyang paghalik saking noo.

"Thanks tita. Let's play Chloe!.." Yaya nya sa kapatid saka na sila bumaba sakin at naglaro sa isang gilid kung saan may mga laruan nila.

Matapos ang isang araw na pahinga ay sinabi ni kuya na maghanda raw dahil may darating na mga bisita. Kaya hayun, abala ang lahat. Lalo na ako. Ang daming gustong gawin ni kuya. Naiinis pa ako dahil lagi nya akong tinatanong tungkol sa kung may boyfriend na daw ba ako.

"Mj, may boyfriend ka na?." prente sipang nakaupo ni Carl sa sofa. Naglalaro ng ps5.

"Wala kuya." Walang gana kong sagot. Abala sa pag-aayos ng sala na ginugulo naman ng dalawang bata.

Kulang nalang magpakalbo ako sa inis sa pagliligpit at pag-aayos tas guguluhin lang naman ulit.

"Di nga?." Halakhak pa nya. Sa inis ko! Hinayaan ko nalang na ganun ang gawin nila. Mga bata eh.

"Wala nga kuya.." salubong na ang kilay ko. Nabwibwiset sa pangungulit nya.

"Yung totoo?." ngumuso pa sya kay Carl. Kaya napatingin naman ako sa itinuro nya.

"Pwede ba kuya?. Wala nga. Wala akong boyfriend.." nakakainis. Paulit ulit nalang sya. Ang kulit lang. Mas lalo namang pinapalala ni Carl na di man lang natinag sa pandidilat ko ng mata.

"Meron yan kuya. Haha.." Damn! Isang mura iyon para sa pang-iinis nila.

"Carl.." tawag ko sa kanya. Sinamaan ng tingin.

"What?. Haha.. meron naman ah. Indenial kalang kasi. Hahaha.." pang aasar pa nito.

"Anong meron?. Baliw!. Sige nga?. Kung meron, sino?." Hamon ko pa dito. Taas kilay. Ngunit. Nagkibit balikat lang sya kay kuya. Nagtawanan pa silang dalawa.

"Si--.."

"Sino?." Atat naman na tanong ni kuya.

"Whatever Carl!.." pinag-ikutan ko ito ng mata.

Nagtawanan na naman sila. Ano bang nakakatawa?. Mga bwiset!.

Pinagpatuloy ko nalang ang pagtulong kay Mama at Ninia sa kusina. Iniwanan ko ang dalawa sa sala na hanggang ngayon ay nagtatawanan pa rin.