webnovel

Chap 3 Gusto niyo pa ba? (Pa censored na ito)

Matapos ng paguusap namin ni Leo kahapon ngayon na lang ulit gabi siya nagchat tinatanong kung nasan ako at kung pwede raw ba kami magkita sabi ko dito lang satin. di na nareply tapos maya maya may kumatok sa bahay namin binuksan ni mama at si Leo nga yun nagulat ako ng sinabi ni mama na nasa baba raw yung si Leo hinahanap ako sabi ko

"bakit raw mama?" "magpapatulong raw sa isang project niya sa school?" sabi ni mama

"bumaba kana ah magdala ka rin ng gamit dahil ipinagpaalam ka sakin na kung pwede dun ka raw matulog sa kanila" nandilat mata ko dahil bakit ganun parang first time ata ito na walang saltik nanay ko at payag kaya nagtanong ako

"mama ayos lang sayo dun ako matulog?" "oo naman anak may tiwala naman ako sa mga ganyang mga tao na maayos nagpapaalam" kaya ayun nagayus ako ng gamit pantulog panligo at kung ano pa man. bumaba na ako at nakita ko si Leo sa sofa tamang upo lang siya eh kala mo talaga mabait eh. binasagan ko agad siya

"anong project ba yun? science related ba yan? di siya sumagot at pumunta sa kusina para magpaalam na kay mama

naglalakad na kami papunta sa kanila habang siya naka akbay sakin

"lakas mo kay mama ah?" sabi ko sa kanya

"siempre malakas talaga ako kay tita pogi ko kaya!" lakas ng hangin eh. Pagdating namin sa bahay nila sumalubong sa akin si baby Lian (anak ni Leo at Gian) yumakap sakin ang bata at nagpakarga nakakatuwa kasi kilala na ako ng bata kahit nung January pa kami huling nagkita. pinakuha naman agad ni Leo sa kasambahay nila si Lian para patulugin na sa kwarto, umakyat na kami ni Leo sa kwarto niya pagpasok ko hinanap ko agad yung gagawin na PROJECT RAW niya pero pagpasok dun nagbukas lang siya tv at sumalampak sa higaan.

"Leo san pala yung project mo? para masimulan na at matapos na agad" may kinuha sa ref at kumuha rin ng ewan pa, ako naman nakaupo lang sa higaan niya. paglingon ko pa

"ito yung project ko oh (hawak niya yung isang bote ng alak at mga junk foods) patakbo na sana ako ng pinto kaso wala eh sinara niya na pala kanina pa nilock na kami sa loob badtrip di ba?

"ano yan kasi bakit project sabi mo kay mama eh magiinom ka lang naman pala?"

"bakit sa tingin mo ba papayag si tita kapag sinabi ko na magiinom tayo?" katwiran ni Leo na badtrip, kinakabahan ako na ewan ngayon kasi naman eh naalala ko paguusap namin ni Anne tapos mga sinabi pa ni Kate na baka raw trip ako ni Leo. naiiyak na ako pero ayaw ko ipahalata. kaya sabi ko

"so pano magiinom lang pala tayo? alam mo naman allergic ako diba?"

"oh ano naman dito naman ako ah kakamot sa likod mo" sa sinabi niyang yon kinilabutan ako na ewan kung kilig ba yon pero uminit tenga ko grabe di ko na pinansin dumiretso na ako sa cr niya. ang tagal ko na sa cr kaya kinatok niya na ako

"Geo labas kana dyan simulan na natin yung project ko" di ako sumasagot pero tuloy siya sa pagkalampag sa pinto di ko na alam gagawin ko kasi nanginginig ako na ewan sa kaba di ko alam mangyayari ngayong gabi eh. lumabas ako ng cr at nakita ko siya nagtitimpla na ng juice (chaser ata tawag dun eh)

"Game na Geo" nakangiti niyang alok sakin nung hawak niya yung shot glass. kinuha ko naman alam ko wala na akong kawala eh bago ko inumin yung nasa baso

"siguraduhin mo lang Leo ah nakakamutin mo likod ko bukas ah" sabay inom sa napakapait na alak na yun kung ano man ang tawag dun. nahilo ako bigla eh badtrip naisip ko bakit kaya ako ang trip ni Leo ngayon...

Nangangalahati na yung bote ng alak pero ngayon pa lang hilong hilo na ako samantalang si Leo tawa lang ng tawa kapag iniinom niya yung part niya simula nung umabot sa kalahati napansin ko na dinadaya na ako ni Leo tumataas na yung bigay niya sakin kaya grabe na yung ikot ng paningin ko. medyo blurry na yung paligid.

"ano kaya mo pa ba Geo o tara na tulog na tayo?" yan tanong niya kaya nagtanong ako

"san pala ako matutulog? ayaw kita katabi Leo" yan sinabi ko lasing na ako pero grabe kung ano na nasa isip ko yun na nasasabi ko

"wala ka naman ibang hihigaan eh dito lang (sabay turo sa kama niya) tabi na tayo namiss ko na kasi magkaroon ng katabi" tumungo lang ako saglit habang nakaupo kami pareho sa carpet niya sa tapat ng kama tatayo sana ako ng bigla ako natumba sa kanya

"inaantok na talaga ako grabe bakit mo ba ako nilalasing Leo?" di siya sumagot at inalalayan na ako para makahiga sa kama buti na lang kanina nung nagiisip ako sa cr niya nagpantulog na ako para tuloy na tulog kaya suot ko na yung boxer ko at sando (payatot lang ako pero ganito ako manamit feeling macho)

"Geh pahinga ka muna Geo liligpitin ko lang yung kalat natin babalik ako agad" yan huli kong narinig sobrang sama na ng lagay ng ulo ko grabe sa sakit na gusto ko na matulog...

Nakaidlip na siguro ako ng mga 5 minutes biglang bumalik na si Leo tumabi na sakin nagising ako sa pagalaw ng kama sinilip ko siya pero di ko hinarap ng todo (nakatalikod ako sa kanya eh)

"Geo tulog kana ba? di pa tapos project ko oh?" bigla ako natakot sa mga sinabi niya para bang bastos na yung kalalabasan ng mga susunod na mangyayari. unti unti kong nararamdaman na yumayakap na siya sa akin kaya para matigil yun hinarap ko na siya. naka ilaw na lang yung lamp sa magkabilang side namin kaya medyo madilim na. nakasimangot ako sa kanya medyo umaliwalas yung pakiramdam ko dahil sa idlip pero medyo hilo pa rin ako.

"ano bang problema Leo bakit ka nanlalasing?" nagsimula na siyang magkwento.

"nalulungkot na kasi talaga ako sa buhay ko Geo, dumadating na yung oras na minsan gusto ko na tapusin buhay ko pero bigla ko maiisip si Lian pano na siya kung mawawala ako ayaw kong mapunta siya sa nanay niya ayaw kong ibang tatay ang magpalaki sa kanya (dito na siya nagsimulang umiyak banda eh nababasag na kasi boses niya kaya nafifeel ko na) Geo tulungan mo naman ako" sa mga nagyayari nawawala yung amats ko ah bigla ako bumangon para umupo at hawakan yung likod niya para mas lalo niya malabas yung bigat.

"Leo pano naman kita matutulungan eh nilasing mo nga ako (sabay tawa ko) dapat kanina ka pa nagkwento nung medyo maayos pa lagay ko pero sige lang tuloy mo lang makikinig ako."

"Pwede ba Geo palakasin mo loob ko? pwede bang ikaw muna magpasaya sakin?" di ko alam ibig sabihin niya dito pero kinabahan ako ulit. di ako nakasalita. bumangon siya at bigla akong hinalikan sa labi. halik na malungkot pero sabik sa pagmamahal di ako nakagalaw pero ang naging reaksyon ko ay suntukin siya dahil sa sobrang gulat, dahilan para malaglag siya sa higaan kaya tumayo ako kahit nahihilo.

"Leo para san yun nasisiraan kana ba? bakit ganyan na kinikilos mo?" sinubukan ko ulit buksan yung pinto pero wala nakalock talaga gusto ko na umuwi kahit lasing ako. Bumangon na pala si Leo at niyakap ako mula sa likuran habang nakaharap ako sa pintuan. dahil nababadtrip pa rin ako tinanggal ko yung yakap niya naguguluhan na talaga ako sa kinikilos ni Leo.

"Leo tumigil kana please lang" naiiyak ko na sabi at ayun umiiyak na rin si Leo.

"Geo pasensya kana pero please lang wag mo akong iwan kahit ngayon gabi na lang" ayun di ko alam pero parang may kurot sa akin na wag siya iwan dahil nga malungkot siya

"bakit kasi eh? (nasa tapat pa siya ng pinto habang ako pabalik na sa higaan) di ko na alam siguro mas maganda bukas Leo ipaliwanag mo to lahat sa akin kapag wala na yang amats mo sa alak" humiga na ako at pilit kong di siya pansinin pa habang pabalik na rin sa kama.

"sige promise ko bukas Geo magpapaliwanag ako" yan sinabi niya pero di ko na pinansin pa. nakahiga na kami pareho pero di ako nakaharap sa kanya dahil ayaw ko talaga, pero rinig ko pa rin yung pag iyak niya eh gusto ko na ewan na harapin siya kaso naiisip ko ma baka halikan ako nito or malala kung ano pa man ba. di na ako humarap pero

"tumahan kana Leo please iyak ng iyak eh iinom inom di naman pala kaya!" natawa ako dito talaga nung sinabi ko na bilis eh tuloy tuloy bibig ko. medyo natigilan rin naman siya sa pagiyak kaya tumahimik na sa kwarto niya ang naririnig ko na lang ngayon ay yung buga ng aircon niya. di ako makatulog daming gumugulo sa isip ko ngayon gusto ko rin masagot mga tanong ko sa sarili ko kung bakit di ko magawang magalit kay Leo? bakit parang ayus lang sa akin yung mga ginagawa niyang ganito sa akin. kakaisip ko medyo magsisimula na kumati yung likod ko umeepekto ma yung alcohol sa balat ko. grabe ang kati kati na sobra kaya di ko alam ginising ko si Leo.

"Leo tulog kana ba? di ba nagpromise ka sa akin? kakamutin mo likod ko kapag kumakati na?" humarap na ako sa kanya para marinig niya nakadapa na ako dahil ang kati kapag nakalapat sa kama eh hinubad ko na rin yung sando ko kasi makati rin kapag nasasagi ng damit. tinitignan ko si Leo na nakapikit. pinipilit ko abutin yung likod ko pero nagulat ako ng kumakamot na rin yung kamay ni Leo sa likod ko grabe ang sarap sa feeling napatigil na ako sa pagkamot sa sarili kong likod dahil ginagalingan na ni Leo ang pagkamot sa likod ko. mas inaantok na ako ngayong ibang tao na ang kumakamot sa likod ko.

"Leo salamat" yan lang nasabi ko pero di pa rin ako makatulog tamang pikit pikit lang tayo dahil nasasarapan ako sa ginagawa niyang pagkamot.

di ko na alam iisipin ko kung iintindihin ko ba yung kalasingan ko o iisipin ko kung pano at anong paliwanag ni Leo bukas... tulugan na di ko na kaya hilo na ko eh.