webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · Général
Pas assez d’évaluations
557 Chs

Gino Santayana Chapter 9

"ANO na bang nangyari sa kanya? Bakit hindi niya sinasagot ang cellphone niya?"

Pabalik-balik na sa paglalakad sa lobby ng Shangri La si Miles habang tinatawagan si Alain. Ring lang nang ring ang phone. Malapit na siyang maiyak. Pagod na siya. Masakit na ang paa niya sa stiletto na suot. Nilalamig na rin siya sa georgette dress. Nag-uwian na halos ang lahat ng bisita pero wala pa rin ito.

"I bought you some coffee," sabi ni Gino at inabot ang kape sa kanya.

"Thank you," aniya at sinimsim iyon. Tapos ay tumawag ulit siya.

"Tigilan mo na iyan. Ihahatid na kita," pormal nitong sabi. It was the first time he used a non-friendly tone on her.

"Hindi. Hihintayin ko si Alain. Sabi niya babalikan niya ako." Kailangan niyang bumawi dito. It was the first time she dated out. At di siya papayag na magiging disaster iyon hanggang sa huli.

"Sa tingin mo ba babalikan ka niya?"

Nilingon niya ito. "Yes, because he said so. Baka naman mas matindi pa ang sakit ni Darlen sa inaakala niya kaya di na siya nakabalik."

Tiningnan nito ang relo. "It's almost one in the morning. It is a waste of time, you know. Kung lumala ang sakit ni Darlen kaya di ka niya masusundo, sana tumawag man lang siya o kaya nag-text. Pero wala. Tapos umaasa ka pa rin na babalikan ka niya? Get real, Miles!"

"Baka kasi…"

"He is a dork, alright!" anitong di na mapigil ang iritasyon.

Nagulat siya. "Bakit? Di ba kaibigan mo siya?"

"I don't have a dork of a friend. Wala akong kaibigan na nang-iiwan sa ka-date. Kaya huwag ka nang umasa na susunduin ka niya." Hinawakan nito ang kamay niya. "Umuwi ka na, magpahinga at kalimutan mo siya."

"Pero kasi…"

"No more arguments, Miles. O bubuhatin kita papunta sa kotse ko!"

Parang masunurin siyang tupa na sumunod. She already had enough for that night. Wala na siyang oras para makipagtalo kay Gino.

Di mapigilang tumulo ang luha niya sa sama ng loob nang bumibiyahe na sila pauwi. "I thought it was a perfect date. Pinaghandaan ko lahat dahil first time kong makikipag-date. And the guy I like asked me out. Then everything went wrong."

The worst part was that she was the first one who screwed things up. Mas marami pa siyang atensiyon na ibinuhos kay Gino kaysa kay Alain. At sa huli, si Gino pa rin ang kasama niya. It was a total disaster!

"It could have been perfect if you went out with the right guy."

"Huh?" Nilingon niya ito. "Paano mo naman natitiyak na di ako ang mali? He may be the right guy but I am not the right girl."

"You are simply perfect, alright. The rest was Alain's fault. Hindi siya marunong mag-alaga ng ka-date niya. Hindi ka niya dapat iniwan. Di rin niya dapat hinayaan na makuha ng ibang babae ang atensiyon niya. Ikaw ang ka-date niya pero iba naman ang kasama niya pauwi. Ni hindi ka niya binalikan."

"Because there's an emergency."

"I offered to help them out, remember? Pero ayaw naman niya. Mas gusto pa niya na siya ang maghatid kay Darlen. Paano kung wala ako? Basta ka na lang niyang iiwan sa hotel samantalang alam naman niya na wala kang kakilala. Sana sinabi na lang niya na mag-taxi ka at iniwan ka ng pan-taxi. Mas mabuti pa siguro iyon kaysa iniwan ka na lang niyang mag-isa."

Itinaas niya ang mga kamay. "O, huwag kang masyadong high blood. Affected ka kasing masyado."

"Naiinis ako kapag basta-basta na lang binabalewala ang babae."

"Nagkataon lang siguro na hindi ako maganda."

Hinaplos nito ang pisngi niya. "Don't say that. You are beautiful."

She could feel prick of sensations in her skin. It was making her uncomfortable. Iniwas niya ang tingin dito. "Binobola mo lang ako. Siguro sinasabi mo iyan sa lahat ng babaeng nakilala mo. Saka iyong right guy na sinasabi mong dapat kong I-date, wala na akong makikitang ganoon."

Matapos siyang madisilusyon kay Alain, wala na siyang pag-asa na makakatagpo ng matinong lalaki na magugustuhan siya at di siya iiwan. Masyado ba siyang nangarap para mabigo nang todo?

"Of course, there is the right guy whom you can go out with."

"At sino naman iyon?"

"Ako. All you have to do is go out on a date with me," kampante nitong sabi.

"Ikaw?" Tumawa siya nang malakas. "Naku! Antok lang iyan! Pakitigil na lang sa tapat ng white na gate. Apartment na iyan ng friend ko."

Pinigilan nito ang kamay niya nang papasok na siya sa gate. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Will you go out with me?"

Tinapik niya ang pisngi nito. "Thanks for taking me home. Good night."

"Teka, di mo pa sinasagot ang tanong ko!"

"Good night, Mr. Santayana! Sweet dreams!"

Naiiling niya itong tinanaw hanggang makaalis ang sasakyan nito. Nakakakilig na niyaya siya nitong mag-date. Pero hanggang kilig na lang siya.

Alam ko naman na naaawa ka lang sa akin kaya mo ako niyaya. Sana kung iba ang sitwasyon, baka napapayag mo ako.