webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · Général
Pas assez d’évaluations
557 Chs

Chapter 5

"Ang kuko ko! Mamamatay na yata ang kuko ko!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Nicola habang mariing nakapikit. Inaayos ng tauhan ni Carlo ang kuko niya na nabali habang nakabantay naman ang kaibigan niya sa likuran niya.

"Hindi pa dead iyan. Naghihingalo pa lang. Bakit mo naman kasi sinipa ang paa ng lamesa ninyo? Narra iyon. Hindi ka sasantuhin no'n. Tingnan mo ang toenails mo. Farewell ka na sa French tip mo."

"Kasalanan iyon ng Crawford na iyon. Pagkaganda-ganda ng araw ko sukat sirain ba naman. Nakakaasar talaga!" gigil niyang sabi.

Twelve years na silang di nagkikita mula noong maka-graduate siya ng high school. Nag-aagahan siya ng paborito niyang tapsilog nang ang commercial ng TV program agad ni Crawford ang bumungad sa kanya. Isa na itong sikat na TV host. He was catering to controversial issues for a men's talk show.

Mataas ang ratings ng show nito. Sa palagay nga niya ay siya lang ang nag-iisang babae sa Pilipinas na may ayaw dito. Kaya naman sirang-sira ang araw niya kapag nakikita ito sa TV. Pakiramdam niya ay sasabog ang mundo niya. Hindi pa rin niya ito napapatawad sa panlalait nito sa kanya noon.

"Huwag ka nang ma-high blood, okay? Ilang sandali na lang at wala na sa critical condition ang kuko mo. Makakapamuhay ka ulit ng normal," anang si Carlo at tinapik ang braso niya. May-ari na ito ng isang malaking salon sa Manila bukod pa sa parlor nito sa bayan ng Geronimo. Asenso na rin ang kaibigan niya. "Sa uulitin kasi, huwag kang magpapadala sa bugso ng damdamin mo. Disgrasyada ka tuloy."

"Virgin pa si Ate Cola. Ni hindi pa nga iyan nakakatikim kahit na halik. Paano magiging disgrasyada iyan?" tanong ng pinsan niyang si Mhelai na busy naman sa pagpapa-hotoil ng buhok. Sabado noon at wala silang pasok na magpinsan. Dapat ay sa bahay lang siya at itutuloy ang mga inuwing trabaho. Graphics artist siya para sa isang advertising company. Subalit dahil nabali ang kuko niya, napilitan siyang dalawin si Carlo kahit kadadalaw pa lang niya dito noong isang araw.

"Isa ka pang gaga!" bulyaw ni Carlo dito. "Di ko naman sinabi na dalagang-ina. Ibig kong sabihin laging naaaksidente."

"Got it, Ate Carlo," sabi ni Mhelai.

"Talagang ginagalit ako ng bruhitang ito." Nakapamaywang na nilapitan ni Carlo si Mhelai. "Wala kang galang! Tinawag mo pa akong ate. Carlo din naman pala ang itatawag mo sa akin. My name is Carla!"

"Okay, Kuya Carla. Tatandaan ko iyan."

"Naku!" Kinuyom ni Carlo ang palad at akmang sasabunutan si Mhelai. Sa huli ay napigil din nito ang sarili at binalikan siya. "Pagsabihan mo ang pinsan mo na iyan. Baka di ako makapagtimpi at makalbo ko ang kilay niya. Antipatika!"

"Hilig mo naman kasing patulan, eh! Hey, your wrinkles!"

Mabilis itong kumalma at binanat ang balat gamit ang mga daliri. "Oh, yes! Hindi ko pwedeng sirain ang araw ko. Dadating pa mandin ang boylet ko mamaya."

"Bago na naman iyan, no?"

"Ganoon naman dapat, sister. Enjoy lang habang may guwapong boylet sa paligid. Kapag ayoko na sa kanila, hanap ulit ng bago." Walang tumatagal na lalaki dito. Parang pinagla-laruan lang nito ang mga nagiging boyfriend nito. Mautak nga itong bading. Di kasi ito pumapayag na magpauto sa mga lalaki.

"Naku! Mag-ingat ka pa rin. Maraming bayolenteng lalaki kapag hindi naibibigay ang gusto," paalala niya. Napapraning siya sa mga lalaki na handang manakit o pumatay makakuha lang ng pera kapag di kusang binibigyan.

"Huwag na nga nating pag-usapan ang mga cheverlu na iyan." Hinaplos nito ang buhok niya. "Sister, nagpapa-salon ka ba sa iba? Ganda pa rin ng buhok mo kahit na ilang buwan na nang huli nating I-hot oil."

"Bakit naman ako magpapa-salon sa iba? Sa iyo ko lang naman ipinapagalaw ang buhok ko. Stallion Shampoo lang iyan. Nahiyang ako."

"Ako rin, gumagamit ng Stallion Shampoo," anang si Mhelai at itinaas ang kamay. "Para kapag nagkita kami ng mahal kong si Crawford."

"Ingudngod pa kita sa Crawford mo kung gusto mo," usal niya.

Sa gulat niya ay nagtitili si Mhelai nang makita ang commercial ng Stallion Shampoo promo sa TV. "Crawford! I love you, Crawford!"

"Nakakahiya ka, Mhelai! Umayos ka nga!" utos niya dito. Nagtitinginan na kasi ang ibang customer dito. "Crawford Oreña lang naman ang nakita mo. Wala namang espesyal sa lalaking iyan."

Sinapo ni Mhelai ang dibdib. "Di ko mapigil ang nag-uumapaw na pag-ibig sa puso ko tuwing makikita ko siya. Oh, Crawford! Aking iniirog!"

Napangiwi siya dahil sa totoo lang ay naiirita siya sa pinagsasasabi ni Mhelai. "Nakakadiri! Pasensiya sa kabaduyan ng pinsan ko, ha?"

"May pagmamanahan naman kasi, no?" pagpaparinig ni Carlo sa kanya.

"Excuse me lang! Hindi ako baduy."

"Hindi naman kabaduyan ang sinasabi ko. Pareho kayo ng type na lalaki. Once in your life, gaga-gagahan ka rin kay Crawford, no?"

"Well, that's a part of the past. Tama ka, gaga-gagahan days ko pa iyon. But not anymore. I am older and wiser at di na ako maa-attract ng simpleng kaguwapuhan ng Crawford na iyon. I hate him!"

Ayaw na rin niyang makita ang mukha ni Crawford kung saka-sakali. Kaya nga kapag may gathering silang magkakakaklase, di siya pumupunta lalo na't naroon si Crawford. Baka kasi masuntok o masampal lang niya ito kapag nakita niya. Hanggang ngayon ay di pa rin humuhupa ang galit niya.

"Kung hindi ka nagalit sa kanya, baka patay na patay ka pa rin sa kanya hanggang ngayon. At malamang, wala kang ipinagkaiba kay Mhelai. O baka nga mas malala ka pa sa pinsan mong baduy."

"Thank God, hindi na ako ganoon. Mabuti na lang nakita ko kung ano ang tunay niyang kulay. He is just like my dad. Puro physical lang ang nakikita niya sa tao. Kapag di pumasa sa standard niya ng kagandahan, wala nang kwenta. Di nila alam kung ano ang mas importante sa isang tao."

"Dear, natural naman iyon sa mga guys. Kahit naman sa mga babae, basta guwapo gusto agad nila. Kaya nga dapat magpaganda ka."

Ngumiti siya. '"Hindi ko naman kailangang magpaganda para I-please lang ang mga lalaking iyan. I choose to be beautiful to please myself. Wala akong pakialam sa mga lalaking iyan pangit man ang tingin nila sa akin o hindi."

"Ay! Ang taray-taray ng lola koi!"

"Dapat lang naman akong magtaray, no?"

"Paano ka pa mag-aasawa kung di ka naman interesado sa mga lalaki? Paano ka magkakaroon ng magagandang mga anak at kakalat ang lahi mo?" tanong nito.

"Sa ngayon, wala pa akong plano. Walang-wala iyan sa bokabularyo ko."

Maganda ang takbo ng career niya at wala siyang balak na magpa-distract. Isa siya sa mga candidate para maging head ng graphics and art department. Ilang beses na siyang naging employee of the month dahil sa galing at sipag niya. Masaya na siya na mapuri sa mga trabaho niya. At least she could get satisfaction out of her job. Di tulad kapag hinayaan niyang I-intrude ng lalaki ang buhay niya. Daig pa siguro niya ang kumuha ng batong ipupukpok sa ulo niya.

"Ineng, malapit ka nang mag-twenty eight. Alalahanin mo ang mga sakit ng mga kababaihang virgin pa. Mahirap ka nang mapabilang sa kanila."

Gumuhit ang ngiti sa labi niya. "Tayo na lang ang magpakasal. Tutal wala ka rin namang planong magpakasal, hindi ba?"

"Yuck!" anito at nagtawanan na lang sila. She didn't want Crawford or any other man ruining her peaceful life. Masaya na siya kung ano mayroon siya. Di na niya kailangan ng pampagulo sa buhay niya o mananakit sa kanya.