"That Romanov is stupid! Stupid!" sigaw ni Illyze habang nag-uusap sila sa terrace ng boutique nito at umiinom ng tsaa. Dito siya tumakbo matapos niyang umalis sa bahay ni Romanov. Iniwan nito ang mga customers nito para lang makinig sa mga sentimyento niya.
"Ouch! That was a bit too harsh," komento nito.
"Harsh? Ako pa ang harsh ngayon?" Naiiyak pa rin siya. Pero naiiyak na siya sa galit. "Sino ba ang hindi magiging harsh sa mga sinabi niya? Huwag na daw akong makialam sa buhay niya. Bakit? Sino lang ba ang tingin niya sa akin? Wala ba akong kwenta sa kanya at di ako pwedeng makialam?"
"Maybe he didn't mean it that way."
"Ano pa ba ang ibang ibig sabihin no'n?" She stood up and trashed her hand around. "I don't mean a thing to him. So I should stop minding his business. Kung ayaw niya sa akin, ayoko na rin sa kanya." Matapos masabi iyon ay umupo siya at napahagulgol. "Dapat pala hindi agad ako na-in love sa kanya."
"Hay! Masyado ka kasing mainit. Hindi ka muna nag-isip. Look, Romanov was hurt. Natural lang na mainit ang ulo niya. Sumabay ka rin ng init ng ulo. Sasabog talaga kayong dalawa."
"What he did isn't right. He has no right to hurt me!"
"Don't push him, Illyze. Mabigat ang pinagdaanan niya. Mga taong pinagka-tiwalaan niya ang nagtraidor sa kanya. And he had nothing to start with."
"He has me now."
Tumango ito. "And I am sure that he recognized that fact. Nakita mo kung paanong unti-unti siyang nagbago. Hindi na siya ang Romanov na unang dumating dito sa riding club. He has friends now and he has you. Pero may mga bagay na di mo pwedeng biglain. There are things that he has to face and accept in his own sweet time. Can you be a little bit patient? Breathe deeply."
Sinunod nga niya ito at huminga nang malalim. "Siguro nga naging harsh ako sa kanya," aniya nang maisip ang ginawa. "Galit na rin siya sa akin."
Nagkibit-balikat ito. "Well, only you can handle him when he is mad. Habang nanginginig ang iba sa takot sa kanya, nagagawa mong ngumiti. Sa tingin ko nga mahal ka niya. He won't change if he doesn't."
"Hindi naman importante sa akin kung mahal niya ako o hindi. Gusto ko lang naman na maging parte ako ng buhay niya." Tumayo siya. "Susubukan ko siyang kausapin. Kung kailangan kong mag-sorry, gagawin ko."
"You deserve to be happy, dear. You really do."
Excited siyang bumalik sa villa ni Romanov. Nag-doorbell siya subalit sa pagtataka niya ay walang nagbubukas. "Naku! Baka ayaw niya akong makausap." Tinawagan niya ang ito sa cellphone subalit naka-off. "Romanov, please. Sorry na. Kahit na naiinis pa rin ako sa iyo, di na kita aawayin."
"Hoy! Anong ginagawa mo diyan?" tanong sa kanya ng Kuya Rolf niya nang dumaan ang sasakyan nito. "Bumalik ka na sa bahay."
"Si Romanov kasi… kailangan ko pang kausapin, Kuya."
"Si Romanov? Umalis, ah! Nakita ko palabas siya ng riding club. Hindi mo ba alam na aalis siya ngayon?"
Umiling siya. "Bakit siya umalis? Dahil ba sa akin?"
"Hala! Kasalanan mo siguro!" pananakot ng kapatid niya.
Mangiyak-ngiyak niya itong tiningnan. "Kuya naman! This isn't the time to make jokes. May problema na nga itong tao."
"Okay. May LQ kayo. But he will be back. You will get the chance to talk.
See you on September 15, 2019 sa SMX Mall of Asia for my Manila International Book Fair Book Signing. Pwede kong i-sign ang Stallion books ninyo at iba pang books. May new book din ako na lalabas sa event.