webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · Général
Pas assez d’évaluations
557 Chs

Chapter 16

"Lalaki ka naman talaga, ah!" Ano bang ibig sabihin nito?

He let out a frustrated breath. "Do you see me as a real man? Gusto kong malaman kung naa-appreciate mo ang ginagawa ko sa iyo di bilang isang mabait na tao kundi bilang isang lalaki. Iyong lalaki na gagawin ang lahat para sa babaeng importante sa kanya. Isang lalaki na pwede mong mahalin."

Nakikita ba niya ang lalaking iyon dito? Isang lalaki na nagbibigay ng importansiya sa kanya? Isang lalaki na maari niyang mahalin?

She stared at him for a long time. Nakita niya ang repleksiyon niya sa mga mata nito. Parang nag-flashback sa kanya ang lahat.

Mula sa unang beses nilang nagkita hanggang sa mga pagkakataon na nasa tabi niya ito habang nag-iisa siya. Pati ang pagbili nito ng kabayong si Serenity para lang madagdagan ang oras na magkikita sila at magkakasama. Maging ang mga panahon na ibinibigay nito sa kanya ang atensiyon kahit di niya kailangan.

Yes, she appreciated them all. And he made her feel special.

"Eiji, ang totoo hindi ito madali sa akin. Naninibago ako sa lahat ng atensiyong ipinapakita mo. Naa-appreciate ko naman sila. Di ko lang alam kung paano sasabihin sa iyo o ipaparamdam na espesyal ka nga sa akin. Hindi ko alam kung ano ang tamang ikilos ng isang babae o kung paano mag-value ng isang lalaki. Mas sanay kasi ako na patunayan sa mga lalaki na magaling din ako."

"Ano bang nararamdaman mo para sa akin?"

"Masaya ako kapag magkasama tayo. Ngayon lang ako may lalaki na babae ang trato sa akin at hindi mahinang babae. Kundi isang babae na maaring pahalagahan. Inaalagaan mo ako pero di mo naiparamdam sa akin na mahina ako."

Inilapit nito ang mukha sa kanya at direktang tiningnan ang mga mata niya. Parang may magneto ang mata nito at di na niya maalis pa ang tingin. "And…"

"I hate it when you stare at me like that."

Hinaplos nito ang pisngi niya. "Bakit naman?"

"Hindi ako makahinga. Saka nanginginig ako. Anong ginagawa mo sa akin?"

Idinikit nito ang pisngi sa kanya. She could feel the brush of his warm breath against her ear. Naramdaman niyang nagtatayuan ang balahibo niya. "I should be the one asking that. What are you doing to me, Keira?"

Once more, their eyes met. Sa isang kisap-mata ay nagsanib na rin ang labi nila. Napadilat siya at nakita ang milyon-milyong bituin sa harap niya. They were a beautiful sight but the sensation Eiji was giving her was more beautiful. Bago sa kanya ang paghalik pero parang natural nang nakalaan ang labi niya para kay Eiji. As if he was the only man destined to kiss her.

Ipinikit niya ang mga mata. She could see stars even with her eyes closed. Pero parang nasa sentro siya ng universe at umiikot sa kanya ang lahat. With that kiss, Eiji only made her feel special and loved.

Napadilat siya nang pumasok sa isip ang huling salita. Hinahagkan ba siya nito dahil mahal siya nito? Kung hindi, anong nararamdaman nito para sa kanya?

Naramdaman nito ang pagtigil niya at naghiwalay ang labi nila. "Sorry."

Iniwas niya ang tingin. Siguro nga ay hindi pagmamahal iyon. "Sorry rin. Siguro pareho lang tayong nadala. Kalimutan na lang natin."

She was a big liar when she said that. Di siya basta nadala lang. She wanted that kiss. Si Eiji lang ang papayagan niyang humalik sa kanya. At malabong mabura sa puso niya ang pagsasanib ng labi nila. At kailangan niyang tanggapin na balewala lang dito ang halik. Marami naman nang babae itong nahalikan,

Pinigilan nito ang balikat niya. "Tatakasan mo na lang ba ang nangyari? Why don't we face what we really feel, Keira?"

Taas-noo niyang sinalubong ang tingin nito. "Anong gusto mong marinig sa akin? Na mahal kita. At sasabihin mo rin na mahal mo ako?"

"Bakit hindi kung iyon naman talaga ang nararamdaman natin?"

Natulala siya. "M-Mahal mo ako?"

"Hindi ka ba maniniwala kapag sinabi ko sa iyo?"

Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam."

"Kung hindi pagmamahal ang nararamdaman ko, anong tawag doon? Dahil hanggang ngayon, paulit-ulit ko iyang tinatanong sa sarili ko. Bakit sunud ako nang sunod sa iyo? Bakit handa akong gawin ang lahat para lang mapasaya ka?"

"Ngayon lang naman din ito nangyari sa akin kaya paano ko malalaman? Di ba dapat ikaw ang sumasagot niyan dahil marami ka nang girlfriend?"

Niyakap siya nito. "This is crazy. Sa dinami-dami ng naging girlfriend ko, alam ko na agad kung in love ako o hindi. Laging hindi ang sagot ko. When I asked that same question about you, I can't bear myself to say no. I know I am in love with you. I won't force you to believe me. I just want you to listen."

Malakas na malakas ang tibok ng puso niya. Di niya alam kung ano ang isasagot dito. Natatakot siyang magbitaw ng salita dito. "Kailangan bang sabihin kong mahal din kita?"

"Don't say it if you are not sure about it. Di ko naman hinihingi ang sagot mo. Gusto ko lang malaman mo ang nararamdaman ko."

Ipinikit niya ang mga mata at humilig sa dibdib nito. Hindi muna niya sasabihing mahal niya ito. She was not ready to say it yet. May tamang panahon para sa salitang iyon. Subalit di niya palalagpasin ang pagkakataon na iparamdam dito na mahal niya ito.

"KEIRA, sama ka naman sa aming mag-videoke sa music lounge. Bukas pa naman babalik si Sir Eiji dito sa riding club, hindi ba?" anang si Macky nang inaayos niya ang mga damit niya sa locker at naghahanda nang umuwi.

Isang buwan ding wala si Eiji para sa tournament nito sa Thailand. Nanalo naman ito sa tournament. Now, he was Asia's first seeder.

"Next time na lang, Sir Macky," nakangiti niyang tanggi. "Magpapahinga po muna ako. Medyo sumakit ang katawan ko sa bagong kabayong tine-train ko. Gusto lang magpahabol nang magpahabol."

"Maghanda ka na. Baka pagbalik ni Sir Eiji dito sa riding club may kasama na siyang babaeng blondie. Balita ko maraming babaeng sumusunod-sunod kay Sir sa abroad. Kapag may laban siya, sinusundan siya ng mga fans niya," sabi naman ni Jay-R. "Ipinagpalit ka na noon sa iba. Lagot!"

Binatukan ito ni Macky. "Magtigil ka nga. Baka mamaya makarating kay Sir Eiji na iniinis mo si Keira, ikaw ang malalagot."

Natawa siya nang mapakamot ng ulo si Jay-R. "Wala iyon. Mag-enjoy na lang kayo sa videoke ninyo. Promise! Next time sasama na ako."

Kasundo na niya ang mga kasamahan dahil nakita ng mga ito ang magandang performance sa trabaho. She had proven her worth. Inire-recommend na siya para maging regular. Iyon ang sorpresa niya sa pagbabalik ni Eiji mula sa Thailand. Kaya pagbubutihan pa niya ang trabaho.

Dinaanan niya si Serenity sa main stable bago umuwi. Tapos na ang training nito sa kanya kaya naman mula sa stable ng training center ay inilipat na ito sa main stable para sa mga kabayo na maari nang sakyan.

"Serenity, date tayo," yaya niya sa kabayo at hinaplos ang leeg. "Wala pa kasi ang amo mo. Wala akong kasabay kumain. Malamang may kasama iyong sexy na babae sa dinner niya. Ano sa palagay mo?"

"Malamang nga may kasama akong magandang babae sa dinner. But it won't be any other girl. It must be you."

Nilingon niya ang nagsalita. It was Eiji. Naestatwa siya sa kinatatayuan. "Anong ginagawa mo dito? Di ba dapat nasa Manila ka pa dahil may press conference ka pa at victory party?"

Hinapit nito ang baywang niya. "Umalis agad ako. Nami-miss kasi kita. At ano ang narinig ko na pinaghihinalaan mong makikipag-date ako sa ibang babae?"

"Bakit ka nakikinig sa usapan namin ni Serenity? Tsismoso!" Hinampas niya ang dibdib nito. "May good news pala ako sa iyo. Tapos na ang training ni Serenity. Nai-recommend na rin ako ni Sir Macky para maging regular."

Niyakap siya nito. "I am glad to hear that. Dahil kung hindi ka mare-regular, pakakasalan na lang kita."

"Kadarating mo lang, kung anu-ano na ang sinasabi mo."

"Hindi mo na naman ako sineseryoso." Mariing nagdikit ang labi nito. "Mabuti pa tingnan mo na lang ang sorpresa ko sa iyo."

Idinala siya nito sa Rider's Verandah. Malaking tuwa ang naramdaman niya nang makita si Monica. Nagtitili ito nang makita siya. "Keira! Cousin, I miss you!"

Niyakap siya ng pinsan. Naninibago siya sa pagiging malambing nito. Parang miss na miss nga siya nito. Nang yakapin siya nito ay nabawasan ang lungkot niya.

"Anong nangyari sa iyo? Alalang-alala ako sa iyo. Saan ka nagpunta?"

"Ikaw nga ang inaalala ko. Kung hindi pa kami nagkita ni Eiji sa Manila Hotel, hindi ko pa malalaman na nandito ka sa riding club," may halong tampong sabi nito. "Ni hindi mo man lang ako kino-contact. Galit ka ba sa akin?"

Siya pa ngayon ang di kumo-contact dito. "Di da tawag nga ako nang tawag sa iyo? Naka-record sa answering machine mo lahat. Nagkita nga kayo ni Eiji sa Las Vegas, ni hindi mo sinabi sa akin na aalis ka ng Pilipinas."

Ito ang walang pakialam sa kanya. Ito ang hindi pumapansin sa mga tawag niya. Ito ang lumayo. Pero hindi siya galit dito. Malungkot na mawalan ng isang ama. Di niya ito masisisi kung gusto nitong lumayo.

Napapahiya itong lumingon kay Eiji at pilit na ngumiti. "G-Gusto ko lang mawala sa isip ang pagkawala ni Papa."

"Are you okay now?" she asked.

Huminga ito nang malalim. "I am trying to cope. How about you?"

"I am starting a new life here. Horse trainer na ako dito sa riding club."

"Itinuloy mo pa rin pala ang hilig mo."

"I am sure gusto ninyong magkwentuhan pa dahil miss na ninyo ang isa't isa," singit ni Eiji. "Ipina-book ko ng tatlong araw si Monica dito."

She smiled warmly at Eiji. Gusto niya itong yakapin pero nasa lugar silang matao at naroon si Monica. But she was happy. Nabawasan ang pangungulila niya.

"Thanks," she said in half whisper.

Pinisil nito ang kamay niya. "Anything for you."