webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · Général
Pas assez d’évaluations
557 Chs

Chapter 14

HUMIHINGAL na bumalikwas ng bangon si Jenevie. Nakakapangilabot ang dampi ng malamig na hangin sa balat niya. Nagising siya mula sa isang napakasamang panaginip. Nasa loob daw ulit siya ng kotse niya at pinauulanan ng bala ng mga naka-bonnet na lalaking gustong pumatay sa kanya. It was like facing death for the second time. Ang kaibihan lang ay si Rolf na ang nasa loob ng kotse nang bumulusok iyon sa bangin. Habang nakikita na lang niya ang buong pangyayari. At wala na siyang magawa kundi isigaw ang pangalan nito nang sumabog ang sasakyan.

Sinulyapan niya ang digital clock sa bedside table. It was past one in the morning. Hinablot niya ang robe at isinuot. Nakayapak siyang pumunta sa kuwarto ni Rolf na katabi lang ng kuwarto niya. Nang buksan niya ay bakante ang kama. Dali-dali siyang bumaba sa library. Tulad ng kuwarto ni Rolf ay bakante rin iyon. Ibig sabihin ay di pa rin ito dumadating mula sa Lakeside Music Lounge and Bistro.

Dinaluyong ng kaba ang dibdib niya. Mabilis niya itong tinawagan sa cellphone. Parang mamatay siya sa bawat ring niyon nang di sinasagot ni Rolf.

"Hello," sa wakas ay sabi nito. Mula sa background ay naririnig niya ang jazz music at ang halakhakan ng mga babae.

"R-Rolf," aniya sa nanginginig na boses.

"Yes, Evie?"

Napaiyak siya nang marinig ang boses nito. Mukhang okay lang ito. Wala siyang dapat na ipag-alala. "W-Wala. Sige, mag-enjoy ka lang diyan."

"W-Wait! Don't hang up. Anong problema? Bakit ka umiiyak?"

"Nothing. Don't worry about me." Pero lalo lang siyang napahagulgol. Sariwa pa rin sa isip niya ang panaginip niya. Nararamdaman pa rin niya ang matinding takot para kay Rolf. Kitang-kita pa rin niya ito sa loob ng sasakyan bago sumabog.

It was entirely different from cheating death first hand. Mabilis siyang naka-recover doon. Pero iba ang pakiramdam kapag ang mismong taong mahal niya ang makikita niyang namatay sa mismong harapan niya. Parang namatay na rin siya.

Nakaupo siya sa harap ng main door habang yakap ang sarili. Mabilis na bumaba si Rolf pagka-park ng sasakyan nito. "Evie, what happened?"

Niyakap niya ito. "Rolf!" She clung to him tightly. Gusto niyang mapatunayan kung buhay nga ito at di totoo ang panaginip niya.

"Hey, what's wrong?"

"Nothing." Napaiyak lalo siya. It felt so good to feel his warm skin against her. Hindi nga ito namatay nang katulad sa panaginip niya.

"Nothing? You are trembling, Evie. Anong nangyari?"

Umiling siya. "You are here now so I am okay."

Binuhat siya nito. "No, you are not okay. Nakayapak ka pa." Kinandong siya nito nang umupo sa wooden bench na nasa harap ng waterfalls. Bahagya siyang kumalma habang nakahilig sa dibdib nito at pinakikinggan ang lagaslas ng tubig. "Now tell me what happened," he said in a soothing voice.

"Napanaginipan ko ang nangyari sa aksidente ko. Parang replay. Pero nang mahulog ang kotse ko sa bangin, ikaw na ang nandoon. Tinatawag ko ang pangalan mo hanggang sumabog ang kotse. It looked so real."

Hinaplos nito ang buhok niya. "Siguro ngayon mo pa lang nararamdaman ang trauma. Don't cry. I am alive. I am safe. So are you."

Napahikbi siya. "Natakot lang naman kasi ako paggising ko wala ka."

"I am sorry." Hinigpitan pa nito ang pagyakap sa kanya. "Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi na lang sana ako umalis kahit pa magalit ka. Hindi ka masyadong matatakot kung nandito lang ako at di kita iniwan."

Mabilis niyang pinahid ang luha niya. "It is just a silly dream. Hindi ako dapat na nagkakaganito. Sana hindi na lang kita inabala. Nadala ako sa panaginip ko."

She tried to slid off his lap but his hands spanned her waist. Lalo pa siya nitong hinapit palapit. "No. I am glad that you called me up. I am glad that you looked for me and you needed me. I'm glad that you still care for me."

He caressed her nape as he tried to kiss her. She pulled back in the nick of time. Pinigilan niya ito sa dibdib. "Rolf, we shouldn't."

"I think we should," he uttered then bridged the gap between them.

He kissed her with infinite gentleness. It was the kind of kiss that made her want to cry. He wasn't only kissing her. He was caressing her soul, kissing away her fears. NI hindi na niya nagawa pang tumutol. How could something so wrong feel so right all along? Hindi niya naramdaman ang kakaibang sensasyon na iyon sa limang taong nagkalayo sila.

He pressed his lips against her forehead. "Come back to me, Evie."

Bahagya niyang inilayo ang katawan dito. Even that simple action took a lot of effort from her. Parang ayaw na kasi niyang malayo dito kahit na isang sandali lang. "I told you. I can't…"

Even refusing him was not easy. Hindi madali na pangatwiranan ng isip niya ang sinasabing tama ng puso niya. Her defenses were crumbling.

"Anong problema mo? Ang trabaho mo? I am willing to compromise."

"Hindi mo naman kailangang makipag-compromise."

Itinaas nito ang isang kamay. "I must admit that I was jealous of your work. Mas gusto mo pa kasing pagtuunan ng atensiyon ang profession mo kaysa sa akin. Mas gusto mo pang malagay sa panganib ang buhay mo kaysa makasama ako. Hindi kita naintindihan nito. I was a selfish brute. But not anymore."

"Hindi mo na pagseselosan ang trabaho ko?"

Tumango ito. "Kahit na ako na ang nasa least priority mo. Kahit na isang minuto mo lang akong kausapin sa isang araw tapos buong araw ka nang magtrabaho. Hindi ako magde-demand sa iyo. Just don't push me away. Let me love you and take care of you."

It must be every woman's dream to have a man like man beg for that. Tiyak babatuhin siya ng ibang mga babae nang buhay oras marinig ng mga ito si Rolf na nakikiusap sa kanya. "Rolf, you don't have to beg."

"But I want to. Gusto mo pa lumuhod ako sa harap mo."

Umiling siya at malungkot na ngumiti. "Unfair sa iyo. You are willing to settle for less while I can't give you anything in return."

"I am happy just to hold you like this. Kahit na sandali lang kitang makasama. Kahit na kahati ko pa ang trabaho mo. Just tell me that you will accept me in your life again!"

Mahabang sandali siyang di makapagsalita. Parang nahahati siya. It would take a lot of effort to say no to him now. Ibinaba niya ang mga mata. "I think you really deserve someone better."

Hinawakan nito ang baba niya at inangat ang tingin niya. "You never told me that you don't love me anymore, Evie."

Natigilan siya. "H-Hindi ko ba nasabi sa iyo?"

"Tell me you don't love me and I will let you go."

She was a very idealistic lawyer. She could twist a few words but she couldn't lie deliberately. Tumayo siya. "I am too tired. Magpahinga na tayo."

Pinigilan nito ang braso niya. "Bakit hindi mo masabi? Mahal mo pa ako."

Mariin siyang pumikit bago lakas-loob na sinalubong ang mata nito. "Oo. Mahal nga kita pero di ibig sabihin babalik ako sa iyo."

"Bakit? Dahil nakipag-date ako sa ibang babae? Yes, I was a coward. Pinairal ko ang pride ko na di ka suyuing bumalik sa akin. For five years, I tried to forget you by dating other girls. Pero sa loob-loob ko, gusto ko lang magselos ka. In the end, I only feel worse as I send those girls home. At the back of my mind, I blame them because they are not smart enough, pretty enough to make you jealous. Kung alam mo lang, nawawalan na ako ng pag-asa na babalik ka pa sa akin."

"Hindi ako nagseselos. Wala na akong karapatan. I already let you go. Gusto kong makita mo ang babaeng talagang magmamahal sa iyo."

He kneaded her face. "You are the only one my heart sees. I don't care about my pride. O sa kahit ano pang rason mo para di tayo magkasama. Life is short. Nasayang ko na ang limang taon nang hindi ka kasama. Now that you are in my arms again, I don't intend to let you go. Just give me a chance."

"Paano kung ayoko na?"

"Di ka makakalabas sa riding club hangga't di ka pumapayag."

Naningkit ang mata niya. "Is that a threat?"

"Yes, it is."

"At kung hindi ako matakot sa banta mo?"

Pilyong ngiti ang gumuhit sa labi nito. "I can always find some other enticing way to persuade you." Then his fingertip traced her collarbone. She flinched. Rolf knew her body so well. She could feel sensation traveling in her veins.

"Using that technique?"

"I know that it is effective," he whispered. "Want a dare, Attorney?"

Itinulak niya ito palayo. Talo agad siya kapag iyon ang pinag-usapan. Rolf's brand of seduction was her ultimate downfall. "Please give me time to think."

He shook his head. "Talo ako kapag nag-iisip ka pa."

"Kahit isang gabi lang."

Hinapit nito ang baywang niya palapit. "O sige. Mag-isip ka."

"I can't think if you are near me."

"Don't think at all. Just feel."

He claimed her lips in a hot, steamy kiss that was enough to stop the blood from flowing through her brain. Di na niya nagawang umangal.

Bukas. Titingnan niya kung mababago pa niya ang isip nito bukas. But now, she had no choice but to enjoy his kisses.

What do you think of this chapter?

Please don't forget to give review, spirit coins and gifts to show your appreciation.

Sofia_PHRcreators' thoughts