Nanlamig sa kinauupuan ang isang babae at kinabahan. Kanina niya pa inaapakan ang preno ng kotse pero hindi pa rin humihinto ang sinasakyan niya. She was scared and nervous. Ayaw niya pang mamatay.
She closed her eyes. Taimtim siyang nagdasal na sana ay makaligtas siya sa naka-ambang panganib.
Madilim na ang daanan at malakas pa ang buhos ng ulan. Halos wala siyang makita sa daraanan niya dahil sa lakas ng buhos ng ulan.
Natatakot siya para sa buhay niya pero mas natatakot siya sa pamilyang maiiwan niya kung sakali mang may mangyaring masama sa kaniya.
Ilang segundo ang nakalilipas, bumangga siya sa isang puno sa tabi ng isang bangin. Naramdaman niyang may umagos na dugo mula sa ulo niya kaya mas lalo siyang binalot ng takot. Sa labis na takot at nerbyos na nadarama ay namanhid abg buong katawan niya at halos hindi niya iyon maigalaw.
Nanghihina na siya. Lumilipas na ang oras at marami nang dugo na umaagos mula sa sugat niya sa ulo.
Her eyesight went blurry. Bago siya tuluyang mawalan ng malay ay may nakita siyang isang bulto ng babae na nagbukas ng pinto ng driver's seat.
"T-Tulungan mo ako…" she whispered before everything went black.
A/N: Please vote or leave a comment if you liked this chapter. See you on the next page!
-Bella Vanilla