webnovel

Chapter 7- Intramurals

Ilang araw matapos malinisan nila Emily ang lahat ng CR sa kanilang eskwelahan.

Sa wakas, dumating na rin ang araw na kanilang hinihintay, ang araw din ng Intramurals.

Ngunit bago pa man magsimula ang araw ni Emily, muli na naman siyang ginising ng ingay mula sa boses ng kasintahan ng kanyang Ate.

Ramon (cold tone): "Hoy Lucile, bumangon ka nga diyan! At maghahanda ka pa ng almusal natin! Tsaka maaga pa akong papasok sa trabaho!"

Lucile (apologizing): "Sorry honey. Nahihirapan akong bumangon ngayon eh."

Ramon: "At bakit naman?!"

Lucile: "Masama ang pakiramdam ko ngayon, kaya hindi ako makakapasok sa work ko. Pasensya ka na, Honey."

Ramon (harsh tone): "Wala akong pakialam kung masama ang pakiramdam mo o hindi! Ang mahalaga, bumangon ka na dyan at magtrabaho ka dito sa bahay ngayon!"

Lucile: "Pero-!"

Ramon (sarcastic tone): "Huwag ka na sumunbat pa, Lucile! Dahil ginusto mo iyan ang magkasakit ngayon! Kung ayaw mong makatikim sa akin ng mga masasakit na salita, sumunod ka na lang!"

Lucile (nod): "OKAY!"

Walang nagawa si Lucile sa sinabi ng kanyang boyfriend.

Kaya bumangon pa rin siya sa kama at bumaba sa hagdanan upang maghanda ng kanilang almusal nilang tatlo.

Habang naghahanda si Lucile ng almusal, lumapit si Emily sa kanyang ate na nagluluto sa kusina.

Emily: "Good morning, ate!"

Lucile: "Good morning din, bunso!"

Emily: "Ate? Bakit hindi po kayo pumasok sa trabaho niyo po ngayon?"

Lucile: "Ano kasi...masama ang pakiramdam ko ngayon, Emily. Tsaka, nakapagpaalam na rin ako sa boss ko kahapon."

Habang naguusap ang dalawang magkakapatid, biglang lumapit si Ramon sa kanilang dalawa.

Ramon: "Hoy Lucile, hindi ka pa dyan tapos maghanda ng almusal ha?!"

Lucile: "Malapit na rin ako matapos, Honey!"

Ramon: "Siguraduhin mo lang na masarap ang niluluto mo ngayon ha?!"

Lucile: "Oo na."

Nang matapos sa pagluluto ng almusal si Lucile, umupo sila sa mesa upang kumain, ngunit sa hindi inaasahang na pangyayari biglang sumigaw na naman si Ramon.

Ramon: "Ano ba etong itlog na niluto mo?! Napaka-alat!"

Lucile (apologizing): "Sorry honey, kasi hindi ko malasahan yung niluluto ko ngayon!"

Ramon: "Magluluto ka na nga lang ng ulam na itlog! Napakaalat pa! Marunong ka ba talagang magluto ha?!"

Lucile: "Pasensya ka na honey sa akin, hayaan mo papalitan ko na lang yan ulam mo."

Ramon (angry): "ALAM MO, NAKAKAWALANG GANANG KUMAIN NGAYON! WALA KA NANG GINAWANG MATINO! LUCILE! LAHAT NA LANG NG GINAGAWA MO, PURO PALPAK!"

Lucile (begging): "Sorry na honey, please huwag ka na magalit sa akin!"

Ramon (frustrated in anger): "NAPAKAINUTIL MO, LUCILE! SANA HINDI NA LANG KITA PINILI! NAGSISI TULOY AKO KUNG BAKIT KITA PINILING MAGING GIRLFRIEND KO!"

Matapos marinig ni Lucile ang mga masasakit na salitang kanyang narinig mula sa sarili niyang boyfriend, nanahimik at pilit na lang niyang isinawalang-bahala ang mga ito.

Tahimik at masama naman ang loob ni Emily sa kanyang mga naririnig mula kay Ramon at patuloy na lang siya sa pagkain. Hanggang sa tuluyan nang nawalan ng gana sa pagkain si Ramon.

Ramon (annoyed): "PAMBIHIRA! MAKAALIS NA NGA! MAY APPOINTMENT PA AKONG DAPAT HABULIN! DIYAN NA NGA KAYONG DALAWA!"

Biglang umalis si Ramon sa harapan ng mesa at lumabas ng bahay. Pagka-alis ni Ramon napaiyak si Lucile sa hapag dahil sa mga masasakit na salitang binitawan ni Ramon. Kaya naman, lumapit si Emily upang damayan ang kanyang Ate.

Emily (Sad): "Tama na po yan, ate. Huwag na po kayong umiyak. Nakaalis na po si kuya Ramon."

Lucile (Cry): "Sorry, bunso. Hindi ko mapigilan ang umiyak eh."

Emily: "Please...tama na po yan, Ate."

Lucile (Cry): "Oo, Bunso. Sinusubukan ko nang tumigil sa pagiyak. Ang mabuti pa siguro, kumain na tayo at nang makapasok ka na sa school."

Emily: "Pero ate, mukhang hindi niyo pa po kaya magtrabaho dito sa bahay at mataas pa ang lagnat niyo."

Lucile: "Okay lang ako, Emily. Tsaka, kaya ko pa naman, di ba?"

Emily (stubborn): Pero Ate, lalo lang po magkakasakit kapag pinuwersa niyo pong magwork dito sa bahay!"

Lucile: "Huwag ka na makulit, Bunso. Ang mabuti pa, pumasok ka na sa school at huwag mo na lang ako intidihin. Okay lang si ate ha? Tsaka, magpapahinga din naman ako kapag natapos ko na lahat ng gawaing bahay. Kaya, huwag ka na mag-alala. OKAY?"

Wala ng nagawa si Emily sa mungkahi ng kanyang kapatid. Kaya, pinili na lang niyang sundin ang sinabi nito.

Emily (concerned): "Sige po, Ate. Basta't siguraduhin niyo pong magpapahinga rin po kayo, pagkatapos ng mga gawain bahay po, ha?!"

Lucile: "Oo, Emily. Magiging okay lang ako. Oh siya, ubusin mo na yung kinakain mo, at pumasok ka na sa eskwelahan."

Emily: "Opo, Ate."

Nagpatuloy sa pagkain ng agahan ang magkapatid, hanggang sa iniligpit na nila ang mga pinggan na kanilang ginamit. Pagkatapos magligpit, agad pumasok si Emily sa kanilang school.

Pagdating ni Emily sa school, agad siyang binati ng kanyang mga kaibigan sa labas ng gate. Kung saan nila napag-usapang maghintay.

Althea, Claire at Nina: "GOOD MORNING, EMILY!"

Emily: "......" (Sana okay lang si Ate sa bahay, nag-aalala ako sa kalagayan niya.)

Napansin ng mga kaibigan ni Emily ang biglang pananahimik nito. Kaya lumapit at kinausap ng tatlo si Emily.

Althea (worried): "May problema ka ba, Emily?"

Claire: "Oo nga, Emily. May pinoproblema ka ba?"

Emily: "Wala! Wala akong problema. Siguro nataon lang na wala ako sa mood. Kaya ako nagkakaganito."

Nina (concerned): "Impossible naman yan, Emily! Alam naming may pinoproblema ka!"

Claire at Althea: "Oo nga."

Emily: "Guyz! Okay lang ako! Tsaka huwag na kayo mag-alala sa akin."

Nina: "Okay! Sabi mo eh. Pero kapag may problema ka sabihin mo agad sa amin ha?"

Emily: "Okay!"

Habang nag-uusap ang magkakaibigan, biglang lumapit ang dalawang kambal upang batiin ang apat na girls.

Allan: "Good morning! Girls!"

Allen: "Oo nga!"

Allan: "At Good Morning to us!"

Allen: "Oo nga!"

Althea (cold tone): "WALA KAMING PAKE!"

Nina: "Hindi ba kayo nagsasawa sa pang go-good morning niyo sa amin!"

Claire: "Oo nga!"

Emily: "Tsaka, plano niyo lang naman kaming silipan! Lalo na kay Claire! Kaya kayo ganyan!"

Allan: "Alam niyo, Girls! Hindi kami magsasawang batiin kayo sa umaga, kung palagi namin kayong nakikitang nakangiti, hindi ba?"

Allen: "Oo nga! Tama si utol! Kaya araw-araw namin kayong susundan kahit saan kayo magpunta! Especially, sa loob ng inyong CR!"

Althea: "Asa pa kayo! Mga Bastos! Huwag na kayong umasa na magkakagusto kami sa inyo!"

Claire: "At sisilipan ang ilalim ng mga palda namin!"

Allan (feeling hurt): "Ouch naman Althea, nakakasakit ka naman ng damdamin!"

Allen: "Oo nga!"

Althea (sarcastic tone): "Wow! Grabe naman yan! Nasaktan pa kayo sa mga sinasabi ko?! Samantalang, hindi man lang kayo nadadala sa pangboboso niyo sa mga babae!"

Nina: "Oo nga! Lalo na't araw-araw naman kayong nabubugbog ng ilan sa mga babae!"

Allen: "Ay....ganun ba?"

Althea, Nina & Claire: "OO! Ganun nga!"

Allan: "Kung ganun, aalis na muna kami ha?! May misyon pa kaming kailangang tuparin!"

Allen: "Oo nga! Kita na lang tayo mamaya! Girls!"

At umalis ang kambal upang simulan ang kanilang sinasabing misyon.

Althea: "Misyonin niyo! Mukha niyo! Alam naming maninilip na naman kayo!"

Nina: "Oy.....Alt, tama na yan. Nakalayo na sila. Hindi ka na nila maririnig."

Claire: "Tsaka, kahit kailan, hindi naman nakikinig ang kambal na iyan. Patuloy pa rin sila sa paninilip."

Emily: "Oo nga pala! Di ba laro ni Isaac sa basketball ngayon?"

Claire: "Oo nga noh. Ano Guys?! Papanoorin ba natin siyang maglaro ng basketball?"

Nina: "Sige ba, para makita ko rin siya kung paano siya magshoot ng bola?!"

Althea: "Sige! Puntahan natin! Bago pa ako mabuwisit sa kung ano ang pinaplano nung kambal?"

Emily & Nina: "Okay!"

Claire: "Ok-? Huh? A-Anong..."

Althea: "Claire? Bakit anong..."

Bago pa man maka-alis ang apat na magkakaibigan upang puntahan si Isaac sa laro nito ng basketball.

Napansin ni Claire ang muli na namang kakaibang bagay na ginagawa ni Kit sa gilid na poste ng kanilang School gate.

Kung saan, nakabalanseng nakatayo ng pabaliktad si Kit gamit ang kanang kamay nito at nakapatong sa tuktok ng poste.

Emily: "Uhhhhhh...kanina pa ba siya dyan?"

Althea: "Hindi ko alam. Pero, anong ginagawa niya?"

Claire: "Nagmemeditate ba siya?"

Nina: "Paano kaya siya nakarating dyan nang hindi napapansin?"

Emily: "Hindi ko din alam."

Nina: "Hindi kaya... Isa siyang buhay na proweba na kaya niyang maglakbay sa Time and Space?!"

Althea (puzzled): "Huh? Ano na naman sinasabi mo diyan Nina?!"

Emily: "Oo nga, Nina. Ano na naman sinasabi mo dyan?"

Nina: "Teka! Para makasiguro ako, tatanungin ko siya!"

Dahil sa gustong malaman ni Nina ang mga sikreto ng ka-weirduhan ni Kit na related sa kanyang Science research. Lumapit si Nina at tinanong si Kit.

Nina (curious): "Uy...Kit! May itatanong ako, naglalakbay ka ba sa Time and Space?"

Hindi sumagot si Kit sa tanong ni Nina. Ngunit, may inilabas na maliit na bolang itim mula sa kaliwang bulsa ng pantalon ni Kit at ibinato niya ito sa lupa.

Pagbato niya, biglang sumabog at naglabas ng makapal na usok ang naturang bagay. Walang nagawa ang apat kundi ang mapaubo na lang sa kanilang kinatatayuan.

Althea: "Ehem! Ehem! Grabe... Bastos ka rin Kit ha..."

Emily: <cough > <cough > "Wala ka man lang bang abiso..?"

Nina: <cough > <cough > "Kit..! Puwede... mo naman... kaming sagutin ng..."Hindi"... Di mo naman kailangan pang magpausok..!!"

Claire: <cough > <cough > <cough > <cough >

Ilang segundo pa ang lumipas, unti-unting nawala ang usok sa kanilang paligid ngunit may kakaibang nangayari.

Nina: "Haaaaay... sa wakas, wala na din yung usok."

Emily: "Haaahhh... Oo nga."

Althea: "Grabe... Sira ulo talaga yung lalaking yun. Pasabugan ba naman niya tayo ng Smoke Bomb."

Claire: "Uhhhhh...Guys..?"

Nina: "Bakit Claire? Ano yun..."

Nang makita ni Nina ang tinuturo ni Claire, nakita niya sa poste ng kanilang School gate ang isang karton na may sabitang-tali at napansin din nilang nawalang parang bula si Kit.

Sa karton, may nakasulat na mga katagang "Isa Akong Ninja". Matapos makita, napangiwe na lang ang mga babae sa iniwang mensahe sa kanila ni Kit.

Althea: (unamused): "Isa kang ninja? Ang sabihin mo...ISA KANG BALIW!"

Nina: "Oo nga! Isa ka ring tukmol Kit!"

Emily (sweaty head): "Guys... Alam naman nating napakasobrang weird ni Kit. Kaya pagpasensyahan na lang natin siya. Baka may dahilan kung bakit niya ginawa yung pagpapasabog ng usok sa atin."

Claire: "Sa nakikita ko... Feeling siguro niya... Isa siyang tunay na Ninja."

Althea: "Ninja man ang tingin niya sa sarili niya o hindi, napaka-weird niya talaga!"

Nina: "So ibig sabihin...nakakapag-teleport ang mga Ninja?!"

Emily (sigh): "Haay... Guys mabuti pa, kalimutan na lang muna natin ang mga kakaibang nangyari dito sa gate at pumunta na tayo sa Basketball court. Tsaka, baka kanina pang nagsimulang maglaro si Isaac."

Nina: "Ahhh! Oo nga pala! Si Isaac! Buti pinaalala mo Emily!"

Althea: "Kung ganun, umalis na tayo!"

Emily, Nina & Claire: "Okay!"

Agad umalis ng School gate ang magkakaibigan at tumuloy sila sa Basketball court upang panoorin ang laro ni Isaac.

Pagdating nila, puro hiyawan at sigawan ng mga babae ang kanilang naririnig sa loob ng court.

Girl1 (blushing): "Grabe ang hot naman ni papa Isaac ko!"

Girl2 (flirting): "Kyaaaaahhhh! Mas lalo akong naiinlove sa kanya kapag tumatakbo siya!"

Girl3: "Go! Go! My dreamboy ko Isaac! Pakasalan mo na ako ngayon!"

Boy1 (annoyed): "HOY, ANG IINGAY NIYO! MANAHIMIK NGA KAYO!"

Girl1: "Anong sinabi mo?!"

Girls2: "GIRLS! BUGBUGIN YUNG PANGIT NA YAN!"

Boy1: "Ano?! Teka-! AAAAAHHHH!"

At binugbog ng mga babaeng patay na patay kay Isaac ang lalaking nanabat sa kinauupuan nito. Napangiwe naman ang grupo ni Emily sa kanilang nakita.

Halos mabingi ang lahat sa sobrang ingay ng mga babaeng estudyanteng nanunood. Lalo na sa tuwing nagshoshoot ng bola si Isaac at pumapasok ito sa basketball ring.

Claire: "Nakakainlove pala si Isaac at ang galing niyang magshoot ng bola!"

Nina: "Oo nga! Hindi ko akalain na ganun pala kagaling magshoot si Isaac!! Lalo na't perfect ang tragectory ng pagshoot niya sa bola!" (At ang hot niya kapag pinagpapawisan siya!)

Emily: (Sigurado mamaya, uumpisahan ko na ang panliligaw sa kanya!)

Althea: (Grabe.. Sobrang patay na patay ang karamihan sa mga babae dito. Mabuti pa, sa Soccer field na lang siguro ako unang pumunta.)

Nina: "Althea! Ang gwapo ni Isaac, Hindi ba?!"

Claire: "Oo nga! Gwapo nga siya! Wala ka bang gusto sa kanya?"

Althea: "Anong pinagsasabi niyong dalawa dyan?!"

Nina: "Hindi mo siya gusto?! Napaka-imposible naman ata niyan?!"

Claire: "Oo nga. Napaka-imposible naman na hindi ka nagwagwapuhan sa kanya!"

Nina (teasing): "EEEEEEYYY! Si Alt! Nagkakagusto na siyaaaaa?!"

Althea (irrirated): "Baka gusto niyong makatikim kayo ng kamao ko diyan ha?!"

Emily (sweaty head): "Ano ba naman kayo guys, huwag na kayo magaway! Nandito lang tayo para manood tayong diba?!"

Althea: "Oo nga naman! Nandito tayo para manood! Talaga itong dalawang to oh!"

Nina: "Oo na. May punto ka nga. Nandito lang tayo para manood. Di ba, Claire?

Claire: "Okay!"

Nagpatuloy pa rin sa pag-iingay ang lahat ng mga babaeng nanonood at lalo pang naghiyawan ang lahat, nang makashoot ng three points si Isaac.

Emily: "Grabe ang galing ni Isaac! Nakashoot na naman siya ng 3-points!"

Claire: "Sigurado ako, panalo na sila mamaya!"

Althea: "Sana nga manalo sila! Tsaka, huwag sana nilang hayaan na maungusan sila ng kalaban."

Hanggang sa nanalo ang grupo ni Isaac. Tuwang-tuwa ang lahat ng mga manonood sa kanilang grupo.

Kaya bumaba ang ilan sa mga babae, kasama na ang grupo ni Emily upang batiin si Isaac.

Nina: "Wow naman! Congrats pala sa inyong lahat!"

Claire: "Oo nga, Guys! Nanalo rin kayo at tinalo niyo ang mga taga Grade 10-B sa laro ninyo."

Isaac: "Hindi naman! Sadyang nakatsamba lang kami sa pagkapanalo ng team namin!"

Althea: "Ano ka ba, Isaac?! Huwag ka ngang magsalita ng ganyan! Buti nga, nanalo pa kayo di ba, Emily?"

Emily: "Oo nga eh. Tsaka, magagaling naman kayong lahat."

Isaac: "Ah sa-salamat sayo, Emily."

Emily: "Walang anuman."

Ngunit biglang sumagi sa isipan ni Emily na kailangan niyang kausapin si Isaac.