webnovel

Chapter 48- Another Ghost Story

Matapos mawala ang ilaw, sandaling itinigil nang magkakaibigan ang kanilang hapunan at agad inilabas ng bawat isa ang kanilang Android phone para buksan ang flashlight.

Nagsalita naman si Lola Delia matapos mawala nang ilaw.

Lola Delia: "Mga Iho't Iha! Huminahon lang kayo! Huwag kayong magkakagulo!"

Althea: "Lola, hindi po kami nagkakagulo. Naglabas lang po kami ng Cellphone para pang-ilaw lang po sa Mesa."

Lola Delia: "Ay...Ganun ba? Akala ko kasi nagkakagulo na kayo."

Nina: "Lola, sobra naman po kayo mag-isip kung magkakagulo po kami nang dahil lang sa pagkawala ng ilaw."

Ruby: "Kaya nga po. Over naman po kayo."

Lola Delia: "Eh pagpasensyahan niyo na mga bata kung ganun ako makareact. Akala ko kasi First time niyong makaranas ng mawalan ng kuryente. Hahaha!!"

Ruby: (Grabe naman si Lola. Gawain ba kaming ignorante sa Brown-out.)

Emily: "Siya nga po pala, Lola Delia. May rechargable na ilaw po ba kayong naitago dito sa Vacation House?"

Lola Delia: "Rechargable na ilaw? Ehh..... tinutukoy niyo ba yung malaking makinang maingay na kasing laki ng baul kapag pinaandar?"

Axel: "Malaking makina na maingay?"

Daniel: "Ano naman po iyon? May Rechargable bang ilaw na ganung kalaki dito sa Vacation house?"

Kit: "Lola, Generator po iyon. Hindi rechargable na baterya."

Isaac: "May Generator kayo dito?!"

Lola Delia: "Generator? Ah...Oo. Mayroon pala kaming Generator. Buti pina-aalala mo, Apo."

Daniel: "Kung may generator naman pala, eh di wala tayong magiging problema sa ilaw."

Kit: "Oo. Wala tayong magiging problema. Kung maaari, pakisamahan niyo ako sa likod ng bahay. Bubuksan ko ang..."

Claire: "Kit? Bubuksan ang alin?"

Biglang natigilan si Kit ng makita nito ang Kambal na abala sa pagkain ng kanilang hapunan habang sila'y nag-uusap.

Naalala ni Kit na kapag binanggit niya ang tungkol sa lumang Storage room sa likod ng Vacation House, siguradong gagamitin ng Kambal ang naturang kuwarto para manilip.

Lalo na't katapat lang nito ang kanilang CR, kaya naisip na lang ni Kit na magtawag ng dalawang kasama para maipakita ang Storage room.

Kit: "Emily at Claire. Samahan niyo ako."

Daniel: "Kit, sandali. Ba't di mo muna patapusin kung ano yung sinasabi mo kanina?"

Emily: "Oo nga, Kit. Sabihin mo muna kung ano yung bubuksan mo sa likod ng bahay."

Lola Delia: "Kung maalala ko nandun yung-"

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, biglang tumakbo si Kit sa upuan ng kanyang Lola at tinakpan ng kanyang kanang kamay ang bibig nito, tsaka may ibinulong rito.

Naguluhan naman ang kanyang mga kasama at ina-akala nilang may tinatagong sikreto si Kit sa likod ng bahay.

Kung saan nagkaroon sila ng interest sa kung ano ang kanyang tinatago.

Pero walang ideya ang kanyang mga kasama na iniiwas lang ni Kit na madiskubre ng kambal ang naturang kuwarto.

Lola Delia: "Ah...Okay. Emily at Claire. Puwedeng pakisamahan ang Apo ko."

Emily: "Ha? Kami po?"

Lola Delia: "Oo, mga Iha."

Claire: "Bakit kami po ang kailangang sumama kay Kit? Ba't di na lang po ang mga Boys ang sumama sa kanya?"

Lola Delia: "Eh... Ang Apo ko na lang magpapaliwanag sa inyo sa labas. Kaya pakisamahan niyo na lang siya, kung ayos lang sa inyo."

Nina: "Hindi ko maintindihan. Bakit sina Emily at Claire ang kailangang tumulong kay Kit sa pagpapaandar ng Generator?"

Isaac: "Oo nga po, Lola Delia. Tsaka ano po yung sinasabi niyo po kanina-"

Lola Delia: "Mga Iho't Iha, lalamig na ang pagkain. Mabuti pa kung kumain na lang muna tayo habang hinihintay na mapagana nang Apo ko yung generator. Buti pa itong kambal kumakain pa rin kahit na biglang nawala ang ilaw."

Allan: "Tama po kayo diyan, Lola!"

Allen: "Oo nga!"

Bago pa man makapagsalita sina Claire at Emily, agad silang hinila ni Kit palabas ng bahay.

Pagdating sa labas, nakita nilang nababalot ng dilim ang buong paligid at hinala nila, nagkaroon ng malawakang Black-out sa buong bayan.

Tsaka nila kinausap si Kit kung bakit sila ang pinili nito para siya ay kanilang samahan.

Emily: "Kit, ano bang nangyayari? Ba't parang may nililihim kayo ni Lola Delia?"

Kit: "Wala talaga kaming intensyon ni Lola na ilihim ang tungkol sa Storage room kung saan nakalagay yung Generator."

Claire: "Ibig mong sabihin, yung Storage room ang tinutukoy mong iyong bubuksan para paganahin ang Generator?"

Kit: "Oo, Claire."

Emily: "Pero bakit kailangan niyo pang ilihim ni Lola Delia ang tungkol sa Storage room?"

Kit: "Dahil kasama natin yung Kambal."

Claire: "Bakit? Anong mayroon sa mga Kambal at dapat nating ilihim ang Storage Room sa kanila?"

Emily: "Oo nga! Bakit nga ba?!"

Kit: "Short explanation: Magkatapat ang Storage room at ang CR."

Emily: "Kit, anong ibig mong sabihin?!"

Kit: "Okay! Para maintindihan niyo, ipapakita ko sa inyo ang loob ng Storage room at kayo na lang humusga!"

Claire: "Kit, isang bagay pa."

Kit: "Ano ba yun?"

Claire: "Nakakatakot pala dito sa labas. Wala man lang ilaw."

Kit: "Oo. Kaya kumilos na tayo at paandarin na natin yung Generator."

Mabilis na naglakad si Kit papunta sa Storage room at sinundan naman siya nina Claire at Emily.

Pagdating sa Storage room, agad binuksan ni Kit ang nakakandadong pinto, tsaka sila pumasok sa loob at hinanap ang Generator kung saan natagpuan nila ang ito sa tabi ng sementong pader na nababalutan ng kupas at mabulaklaking wallpaper sa kanang bahagi ng kuwarto.

Kit: "Andito lang pala yung Generator. Hindi man lang ito inilipat ni Lolo sa may pinto para madali lang makita."

Claire: "Wow.. Andami namang mga lumang gamit dito sa loob."

Kit: "Oo. Mga lumang abubot yan ng Lolo ko."

Emily: "Tsaka may lumang motor din. Sa Lolo mo din ba ito?"

Kit: "Oo."

Claire: "Kit, nasaan na pala ang Lolo mo? Ba't hindi man lang namin siya nakita noong inimbitahan mo kami sa inyong bahay para mag-Outing?"

Kit: "Limang taon nang patay si Lolo. Kaya natural na hindi niyo siya nakita."

Claire: "Ay...Pasensya na.."

Kit: "Okay lang."

Emily: "Kit, maalala ko lang, bakit ayaw mong ipaalam dun sa Kambal ang tungkol dito sa Storage room."

Kit: "Halika kayo. Ipapakita ko."

Matapos sabihan ni Kit sina Emily at Claire, pinuntahan nila ang dulong-loob ng Storage room at ipinakita ni Kit ang dingding na nababalutan din ng kupas na wallpaper, tsaka niya ito kinatok.

Pagkatok ni Kit, sinunod naman niyang kinatok ang sementong pader at napansin nina Emily at Claire ang pagkakaiba ng tunog mula sa parehong dingding.

Kaya tinanong nila si Kit kung bakit iba ang tunog ang unang dingding na kanyang kinatok.

Emily: "Kit, ba't kakaiba ang tunog nung unang dingding na kinatok mo kanina?

Kit: "Dahil gawa sa Plywood itong dingding na namamagitan sa Storage room at sa CR."

Claire: "Teka? Sinasabi mo bang yung CR ang nasa kabila ng dingding na una mong kinatok?"

Kit: "Oo. At sa oras na malaman nung Kambal na gawa sa manipis na kahoy itong dingding. Sigurado-"

Emily: "Siguradong bubutasin nila ang dingding para manilip!"

Kit: "Tama."

Claire: "Kaya kailangan nating ilihim ang tungkol sa Storage Room para hindi sila makapamerwisyo sa aming mga babae."

Kit: "Buti naman at naintindihan niyo. Balikan ko lang yung Generator."

Emily: "Oo, Kit. Tsaka titingin lang muna kami ni Claire ng mga lumang gamit ng Lolo mo dito sa tabi-tabi. Nakakawili kasing pagmasdan."

Matapos maipaintindi ni Kit sa dalawang babae kung bakit kailangang ilihim ang Storage Room, naisip nina Claire at Emily na itext sa kanilang ng mga kaibigan ang tungkol sa dingding ng Storage Room, at kanila ding sinabi sa text na huwag ipapaalam ang kanilang nalalaman sa dalawang Kambal.

Abala naman sa paghahanap ng Switch si Kit sa mismong Generator, nang makita nito ang dalawang kable na nakakonekta sa Fuse box at naisip niya na marahil ay ito ang Switch sa Generator.

Kaya ibinaba nito ang Fuse lever, nang biglang pumutok ang Fuse box.

Napaatras ng husto si Kit, tsaka ito natisod na nakatalikod habang mabilis na umaatras, dahilan na rin para siya ay matumba sa sahig.

Nagulat naman ang dalawang babae nang marinig ang malakas na pagputok at agad nilang hinanap si Kit para alamin ang kanyang kalagayan.

Emily (worried): "Kit! Anong nangyari?! Okay ka lang ba?!"

Claire: "Kit! Saan galing ang narinig naming putok?!"

Kit: "O-Okay lang ako. Nagulat lang ako sa pumutok na Fuse Box."

Emily: "Hay.... Buti naman at okay ka lang. Akala ko kung napa-ano ka na."

Claire: "Oo. Kit, buti hindi ka napahamak."

Agad tinulungang makatayo si Kit nina Emily at Claire, at nagpasalamat naman ito matapos makatayo.

Pagtayo ni Kit, agad niyang napansin na hindi umaandar ang Generator.

Kaya lumapit na naman siya para ilagay pabalik sa OFF ang lever ng Fuse Box.

Kit: "Emily, Claire. Lumayo nga muna kayo. Ibabalik ko lang sa OFF yung lever ng Fuse box."

Emily: "Kit, mabuti pa kung huwag mo na yan galawin. Baka pumutok pa yan ulit."

Claire: "Oo nga, Kit. O kaya, baka sumabog pa yan."

Kit: "Hindi naman siguro."

Bagamat, binalaan si Kit ng dalawang babae na kanyang kasama dahil sa sila ay nag-aalala sa kanyang kaligtasan, lumapit pa rin ito sa Fuse box at ipinihit pabalik ang lever sa OFF, tsaka na naman ibinaba ni Kit sa ON ang Lever.

Nang napansin nito na hindi pumutok sa pangalawang pagkakataon ang Fuse box.

Ngunit hindi pa rin umandar ang Generator kahit na ibinalik ni Kit sa ON ang Lever ng Fuse box.

Kaya ibinalik na naman niya sa pangalawang pagkakataon ang lever ng Fuse box sa OFF, tsaka binuksan ang Fuse box at kanyang nalaman ang dahilan kung bakit hindi umaandar ang Generator.

Kit: "Hindi na talaga aandar ang Generator."

Claire: "Oo. Hindi nga."

Emily: "Pero atleast, hindi ka napahamak sa pangalawang pagkakataon."

Kit: "Oo na. Pero hindi na natin magagamit ang Generator."

Claire: "Ha? Bakit naman?"

Kit: "Parehong sabog ang Fuse na nasa loob ng Fuse Box."

Emily: "Eh paano na natin mapapagana ang Generator kung sira na ang Fuse Box?"

Kit: "Hirap kasi sa lumang Generator ng Lolo ko, ang Fuse box ang nagsisilbing Switch para mapagana ang Generator. Pero dahil sa kalumaan, siguro kasamang kinalawang ang Fuse na nasa loob Fuse Box dahilan para pumutok kanina ang Fuse box at kapag sira na ang Fuse, hindi na magagamit ang Generator."

Emily: "Eh di paano yan? Gagamitin na lang natin ang ating mga Cellphone bilang Flashlight sa buong magdamag?"

Claire: "Kit, wala na bang paraan para maayos ang Fuse?"

Kit: "Huwag sana kayong madidismaya, pero Obsolete na ang Fuse box sa panahon ngayon at wala nang nagbebenta ng Fuse dahil Circuit Breaker na ang ginagamit sa mga bahay bilang Switch. Sa nakikita ko, wala ding iniwan si Lolo na riserbang Fuse para dito sa luma niyang Fuse Box."

Emily: "Kung ganon, walang paraan para magka-ilaw tayo sa loob ng bahay nang buong magdamag?

Kit: "Wala."

Claire: "Kit, wala bang iniwang lumang gamit ang Lolo mo dito sa Storage room bilang pamalit na pang ilaw sa mga Flashlight?"

Sandaling nanahimik at pinag-isipan ni Kit ang sinabing tanong ni Claire hanggang sa may maalala ito.

Kit: "Naalala ko, may mga lamparang ginagamit si Lolo dito sa Vacation house kapag nangingisda siya sa dagat."

Claire: "Lamparang ginagamit sa pangingisda?"

Emily: "Teka?! Kung may lampara kayo noon, ibig sabihin, nandito pa sa loob ng Storage room yung mga lumang lampara na ginagamit niyo noon."

Claire: "Kung ganun, kailangan lang nating hanapin ang mga lampara sa buong paligid para gamiting pang-ilaw sa loob ng bahay."

Kit: "Hanapin na natin yan ang mga lampara na iyan nang maituloy na natin ang naudlot nating hapunan. Baka kinain na nung masisibang dalawang Kambal yung niluto nating Mechado kanina."

Emily: "Mabuti pa nga at nang magkaroon na rin tayo ng ilaw sa buong bahay."

Matapos mapagdesisyonan ng tatlo na hanapin ang lampara na ginagamit ng Lolo ni Kit sa pangingisda, nagkanya-kanyang hanap ang mga ito sa loob ng Storage room.

Kung saan naghanap si Emily sa kaliwang bahagi ng kuwarto, si Claire sa naman sa kanan at si Kit ay naghanap sa mga lumang Baul, malapit sa Plywood na dingding.

Emily: "Kit, panay naman mga lumang libro ang nakikita ko dito sa kabinet."

Kit: "Wala din akong mahanap sa mga Baul."

Emily: "Kit, ano pala ang nahanap mo sa mga Baul ng Lolo mo?"

Kit: "Mga luma at kinakalawang na mga piyesa sa kanyang motor."

Claire: "Guys! Tignan niyo kung ano ang nakita ko dito!"

Agad lumapit sina Kit at Emily sa lokasyon ni Claire at nang makalapit ang dalawa, nakita nila ang isang kabinet na punong-puno ng mga naggagandahang mga lampara na may iba't ibang mga hugis at disenyo.

Kit: "Ang daming lampara."

Emily: "Kit, huwag mo sanang masamain pero obsessed ba sa lampara ang Lolo mo?"

Kit: "Hindi ko alam."

Claire: "Ang gaganda ng mga design at hugis. Mamahalin siguro ang mga ito."

Kit: "Maganda man o hindi, kumuha na tayo ng mga lamparang may mga laman pang Gaas at umalis na tayo nang makakain na rin tayo."

Emily: "Oo."

Dahil sa gutom pa at gusto na nitong bumalik sa hapag, agad hinanap ni Kit ang mga lamparang may laman pang Gaas at inilabas ito sa kabinet.

Nadismaya naman ang dalawang babae nang makitang tatlo lang sa mga lamparang kinuha ni Kit ang mayroon pang laman at umaasa sana sila na magagamit ang karamihan ng nasa loob ng kabinet.

Pagkakuha sa tatlong lampara, isinara ni Kit ang kabinet at agad silang lumabas sa Storage room para ikandado ang pinto, tsaka sila bumalik sa loob ng bahay.

Pagbalik ng tatlo, abala na sa pagliligpit ng kanilang mga kinainang plato ang kanilang mga kaibigan at naiwan pa sa mesa ang kanilang hindi pa nauubos na pagkain.

Agad naman silang tinanong ni Lola Delia kung bakit hindi nila napagana ang Generator.

Lola Delia: "Apo, napagana niyo ba ang Generator? Ba't wala pa ring kuryente?"

Kit: "Pumutok po ang Fuse box."

Nina: "Fuse box? Ano yun?"

Kit: "Switch ng Generator."

Nina: "Ay..... Wala din palang silbi ang Generator para pailawan ang buong bahay.

Althea: "Tsaka mga lampara ba ang mga dala niyo? Ba't ang kikintab?"

Emily: "Eh... Hindi ko alam kung bakit ang kikintab ng mga ito. Pero atleast may pang-ilaw na tayo sa Sala."

Lola Delia: "Teka? Mga Glass lamp ang mga iyan. Madaling mabasag ang ganyang uri ng lampara kapag nilaglag niyo."

Bagamat sinabihan, nilaglag pa rin ni Kit ang kanyang hawak na lampara para makita kung ito ay agad na mababasag at gaya ng sinabi ng kanyang Lola, nabasag ang salamin ng lamparang kanyang hawak.

Napakamot naman ng ulo si Lola Delia matapos makita ang ginawa ng kanyang Apo.

Kit: "Nabasag nga."

Emily (unamused): "Kit, ano bang iniisip mo?! Ba't mo nilaglag yung lamparang hawak mo?!"

Claire: "Kit, dahil sa ginawa mo. Dalawang lampara na lang ang puwede nating pang-ilaw dito sa bahay!"

Althea: (Ngayon ko lang na-realize, may pagka-engot din pala itong si Kit.)

Lola Delia: "Hay...Naku, Apo. Sinabi ko na ngang madaling mabasag iyan, nilaglag mo pa rin. Walisin mo na ngayon yan nilaglag mong basag na lampara dahil mangangamoy Gaas na ang kusina."

Kit: "Opo."

Lola Delia: "Tsaka mga Iha, paki-ilawan na ang mga lampara nang hindi niyo na ginagamit ang ilaw sa inyong mga Android phone at kumain na rin kayo."

Emily: "Opo Lola."

Claire: "Opo."

Pagkatapos silang kausapin ni Lola Delia, naghanap ng Lighter sina Emily at Claire, tsaka nila inilawan ang dala nilang lampara at dinala ni Althea sa Sala ang isa, habang naiwan naman sa kusina ang isa pang pares.

Winalisan naman ni Kit ang nilaglag nitong basag na lampara at pinunasan ng tuyong pamunas ang Gaas na kumalat sa sahig. Tsaka sila nagpatuloy sa pagkain ng kanilang hapunan.

Pagkatapos kumain ng hapunan at mahugasan ang platong kanilang kinainan, pumunta sa Sala sila Kit, Emily at Claire para tignan kung ano ang pinagkaka-abalahan ng iba nilang mga kaibigan.

Pagdating sa Sala, nakita nilang magkakasamang nakahilata sa Sofa sila Ruby, Nina at Althea.

Nilalaro naman nang mga Kambal ang kanilang anino sa pader, nagbabato-bato pik naman sina Axel at Daniel, at pinagmamasdan naman ni Isaac ang mga disensyo ng lampara.

Emily: "Guys! Anong ginagawa niyo?"

Nina: "Nakahilata."

Allan: "Wala."

Allen: "Oo nga!"

Althea: "Yung dalawang lalaki nagbabato-bato pik."

Ruby: "Yung isa, nakontrol na ng lampara ang utak."

Kit: "Si Lola? Nasaan?"

Nina: "Maagang natulog. Inaantok na raw siya."

Emily: "Ang boring naman kung ganito lang. Wala ba tayong pwedeng pagka-abalahan na nakaka-enjoy?"

Allan: "Oo nga. Nakakabagot na yung ginagawa namin ni Utol."

Daniel: "Isaac, may naiisip ka ba? Lagi na lang kasi kaming tumatabla ni Axel sa paglalaro ng Jack en' Poy."

Ruby: "Paano kayong hindi tatabla! Eh kanina pa kayo tumitira ng Bato sa isa't isa!"

Isaac: "Kung ako tatanungin, Ghost stories na lang kaya?"

Claire: "Magkukwento na naman tayo ng Ghost stories?"

Emily: "Ghost Stories ulit? Pero noong nakaraan, nagkakagulo lang nang dahil sa kakaibang nangyayari ng kagagawan din ni Kit at nung mga Kambal."

Ruby: "But this time, they're with us, hindi ba? At since si Mr. Weird ang nagtawag sa atin sa Outing, ba't di siya ang pakwentuhin natin ng nakakatakot?"

Allen: "Oo nga!"

Allan: "Ruby! That's a Brightness idea!"

Nang marinig ni Kit ang naisip nila Ruby at nang mga Kambal, maingat itong naglakad paatras sa dilim at nagtago sa kung saan.

Nina: "Guys? Biglang nawala si Kit sa dilim.

Daniel: "Mukhang nagtago na ata. Ayaw siguro niyang magkwento."

Emily: "Hay... Ewan ko sayo, Kit. Nina, samahan mo ako. Dalhin mo yung ilaw."

Nina: "Bakit Emily? Saan tayo pupunta?"

Lumapit si Emily sa isang malapit na kabinet habang iniilawan ni Nina ng Flashlight nang kanyang Android Phone ang pinto ng malaking kabinet.

Tsaka biglang binuksan ni Emily ang kabinet at kinaladkad nito si Kit sa likod ng kanyang damit, pabalik sa Sala.

Nakasimangot naman si Kit habang hinihila siya ni Emily.

Emily: "Wala ka nang takas, Kit. Alam ko na kung saan ka nagtatago!"

Kit: "Meow."

Emily: "Huwag ka ngang umastang parang pusa!"

Althea: "Emily, alam na alam mo kung saan nagtatago si Kit ha?"

Claire: "Mukhang nasasanay na siyang maging kapit-bahay si Kit."

Ruby: "Anyway, dahil wala nang matatakbuhan si Pusakal, kwentuhan mo naman kami ng mga Ghost stories na alam mo, dito sa inyong Vacation house."

Allan: "Oo nga, Kit! Magkwento ka naman ng kababalaghan na nasaksihan mo dito!"

Kit: "Wala pa naman akong nasaksihan na kababalaghan dito."

Isaac: "Kahit ni Kwentong- Bayan na nakakatakot, wala kang alam?"

Axel: "Imposible na iyan kung wala kang naririnig na kwento dito noon."

Patuloy na pinilit si Kit ng kanyang mga kaibigan na magkwento ng nakakatakot nang sa ganun ay hindi sila mabagot.

Ngunit inaalala ni Kit na baka hindi na makatulog ang mga ito sa takot, sa oras na kanyang ikwento ang isang nakakakilabot na Urban Legend na ikinikwento ng mga nakatira sa bayan kung saan sila nag-Outing.

Hanggang sa napilitan si Kit na ikwento ang nakakatakot na kwento dahil sa sobrang pangungulit ng kanyang mga kasama.

Kit: "Okay! Kung mapilit kayo, sige. May alam akong nakakatakot na kwento dito sa bayan. Pero huwag sana kayong matatakot."

Daniel: "Kit, huwag kang mag-alala. Hindi kami matatakot sa kwento mo. Lalo na't nandito naman tayong lahat sa Sala."

Claire: "Tsaka natutulog naman si Lola Delia sa kuwarto ng mga babae. Kaya wala na sigurong ibang tao na mananakot sa atin."

Kit: "Yun na nga ang problema. Wala tayong ibang tao na kasama dito sa Vacation house at sakto namang Black-out."

Nagtaka ang mga magkakaibigan sa sinabi ni Kit nang sabihin nito na problema nila ang kawalan nila ng ibang kasama at kawalan din ng kuryente.

Kaya tinanong nila si Kit kung bakit niya nasabi ang ganoong bagay.

Axel: "Kit, ba't mo nasabi na problema natin ang walang ibang tao na kasama dito sa bahay at yung kawalan ng kuryente?"

Kit: "Hindi naman sa tinatakot ko kayo, pero isara muna natin ang lahat ng mga pintuan at bintana sa buong bahay. Tapos bumalik tayo dito sa Sala kapag nagawa niyo na ang pinapagawa ko sa inyo."

Ruby: "Wait... Are you telling na we should split muna sa pagsasara ng pinto at bintana bago mo ikwento yung sinasabi mong Urban Legend?"

Kit: "For the sake of everyone, Oo, Ruby. Ayoko din naman na kilabutan ako habang nagkukuwento. Baka lumabas nga sa mga bukas na bintana yung bagay na nakita ko noon."

Daniel: " Bagay na nakita mo noon? Ano bang nakita mo?"(Tsaka, akala ko ba wala siyang nasaksihang kababalaghan dito sa Vacation house?)

Imbes na sagutin ni Kit ang tanong ni Daniel, tumayo ito, at isinara ang pintuan, bintana at kurtina sa Sala, tsaka siya pumunta sa first floor para isara din ang mga bintana at kurtina sa bawat kuwarto.

Nang makita ito ng kanyang mga kasama, sumunod ang mga ito sa kanyang sinabi at isinara din ang lahat ng mga pinto, bintana at kurtina sa bawat kuwarto, tsaka sila bumalik sa Sala.

Pagbalik sa Sala, nagtipon-tipon ang lahat ng magkakaibigan at pinaikutan ang lamparang may ilaw."

Kit: "Okay na ba ang lahat?"

Nina: "Oo. Sarado na lahat ng pinto at bintana."

Emily: "Ngayon Kit, bakit mo kailangang isara lahat ng pinto at bintana sa buong bahay?"

Axel: "Tsaka ano yung sinasabi mo na iyong nakita noon?"

Kit: "Makinig kayo, alam niyo bang may isang Urban legend dito sa bayan ng Dagupdup kung saan may isang multong gumagala sa buong bayan kapag walang kuryente?"

Emily: "Ano? Kapag walang kuryente?!"

Kit: "Oo."

Allan: "Kit, sinasabi mo bang sa mga oras na ito? May gumagalang multo?!"

Kit: "Oo."

Agad kinilabutan ang mga kasama ni Kit matapos niyang sabihin na may gumagalang multo sa bayan, sa tuwing nawawalan ng kuryente.

Ngunit, nagtanong pang muli ang kanyang mga kasama kung bakit may gumagalang multo.

Daniel: "Kit, hindi ba yan biro? Baka gawa-gawa mo lang iyan?"

Nina: "Oo nga, Kit. Baka iniimbento mo lang ang kuwentong iyan para matakot kami sa iyong kwento."

Kit: "Eh di hindi niyo na lang sana ako pinagkuwento kung matatakot lang din pala kayo."

Emily: "So, imbento lang ba ang kwentong ikinikuwento mo ngayon?"

Kit: "Hindi."

Althea (shocked): "A-Ano?! Si-Sigurado ka ba?!"

Kit: "Bakit ko pa ipapasara ang pinto at bintana kung hindi totoo ang Urban legend ng Dagupdup. Naniniwala ako na totoo ang nakakatakot na kwento dahil nasaksihan ko mismo ang gumagalang multo noong bata pa ako."

Claire: "Kit, ano bang mayroon sa Urban Legend ng Dagupdup at sobra itong nakakatakot?

Biglang nanahimik si Kit matapos itanong ni Claire ang tungkol sa nakakatakot na Urban Legend.

Hanggang sa nagsimulang magkwento si Kit tungkol sa naturang Urban Legend.

Kit: "Ayon sa kwento ng mga matatanda dito noon, may isang napakagandang babae daw na nakitira dito sa bayan at madalas nililigawan ng karamihan sa mga lalaki dahil sa taglay niyang kagandahan. Sa sobrang ganda ng babae na ito, pati mga lalaking taga ibang bayan ay pumupunta daw dito para siya ay kanilang ligawan. Isang araw, may mga sundalong Kastila na biglang dumating dito sa bayan at nagkainterest sa babae. Matapos nilang mahanap kung saan nakatira ang babae, biglang nila itong inaresto at dinampot ng walang dahilan. Mula noon, hindi na daw nakita ang babae."

Ruby: "So, anong nangyari sa babae?"

Daniel: "Oo nga? Ano bang nangyari?"

Althea: "Kit, mukhang wala namang nakakatakot sa kwento mo."

Kit: "Oo, dahil introduction pa lang ang naikuwento ko. Pero ito na ang nakakatakot na parte."

Axel: "Nakakatakot na parte?

Kit: "Ayon sa kwento ng mga matatanda, magmula noong umalis sa bansa ang mga Kastila, sa tuwing sumasapit ang gabi at wala ang buwan sa kalangitan, bigla daw may sumusulpot na babaeng nakaputi na umiiyak habang naglalakad at nag-iikot sa buong bayan."

Emily: "Babaeng nakaputi?"

Claire: "At nag-iikot sa buong bayan?"

Nina: "Te-Teka? White lady ba yung tinutukoy mo?"

Kit: "Oo."

Daniel: "Anong mangyayari kapag nakita mo nang aktwal ang White lady na gumagala sa daan?"

Kit: "Hindi ka makakapagsalita, pagpapawisan ka, kakabahan ka, hindi ka makakahinga, manginginig ka sa takot at maiihi ka sa iyong salawal."

Isaac: "Teka? Yan ba ang natural mong reaksyon noong makita mo yung multo?"

Kit: "Hindi. Pero iyon yung sinasabi nung mga nakakakita sa multo."

Axel: "Kit, di ba sabi mo, nakita mo ng aktwal yung multo. Paano mo pala nakita yung gumagalang White lady?"

Emily: "At anong itsura ng multo sa malapitan?

Kit: "Nakita ko sa bintana sa itaas na kuwarto yung multo. Sakto namang wala ding kuryente noong mga panahong iyon at kasarapan din naman ng tulog nung mga kasama ko dito sa bahay nang makita ko ang multo na naglalakad o lumulutang at umiiyak sa kalye, labas ng gate."

Emily: "Kung ganon, hindi mo nakita ng malapitan ang multo?"

Kit: "Oo."

Ruby: "A-Ang creepy naman ng multo na iyan. Imagine kung dumaan o masalubong mo iyan sa harap mo."

Claire: "Oo. Kikilabutan ka kapag nakita mo ng malapitan na naglakad sa iyong harap."

Althea: "Buti noong nakita ni Kit ang multo, nasa loob siya ng bahay at nasa labas naman ang multo."

Nina: "Pero nakakatakot pa rin kung-"

Kit: "SHHHHHH! Tahimik muna."

Emily: "Bakit ano yu-"

Kit: "Shhhhhhhhh!"

Agad tumahimik ang mga magkakaibigan nang pinatigil sila ni Kit sa pagsasalita.

Habang nananahimik ang lahat, kinikilabutan naman ang mga magkakaibigan nang marinig ang malakas na iyak mula sa di kalayuan.

Ina-abisuhan naman ni Kit ang kanyang mga kasama na bumulong ang mga ito kapag nag-uusap.

Kit: ("Guys... Walang sisigaw. Huminahon lang kayo.")

Ruby: "O. M.-"

Kit: ("Shhhh! Sabing huwag maingay.")

Ruby: ("So-Sorry.")

Nina: ("Grabe..! Totoo pala yung multo..!")

Axel: ("Oo.. Hindi ko din inexpect na masasaksihan natin yung naglalakad na multo.")

Claire: ("A-Axel...Natatakot ako..")

Axel: ("Claire, tumabi ka lang sa akin kung natatakot ka. Akong bahala sayo.")

Tumabi at yumakap sa bisig ni Axel si Claire, ganun din si Nina kay Isaac at si Daniel na nagtago naman sa likod ni Althea.

Althea: ("Kay lalaking mong tao, sa likod ka ng babae magtatago.!")

Daniel: ("Eh natatakot nga ako.!")

Allan: ("Ru-Ruby payakap kami sayo.!")

Allen: ("Oo nga.")

Ruby: ("Magyakapan na lang kayong dalawa..! Sa-Sa likod na lang ako ni Emily magtatago..!")

Lumapit si Ruby kay Emily at nagtago ito sa kanyang likod sabay naghawak ng kamay ang dalawa dahil sa takot.

Bagamat naririnig nilang lahat ang tunog nang pag-iyak ng isang babae mula sa di kalayuan, lumapit si Kit sa pinto ng Sala para silipin ang sinasabing multo.

Emily: ("Kit, anong ginagawa mo.! Baka makita ka ng multo.!")

Kit: ("Sisilipin ko lang kung nakadaan na yung umiiyak na multo.")

Axel: ("Kit, delikado yan.! Bumalik ka na lang dito.!")

Imbes na makinig sa kanyang mga kasama, naisip pa rin ni Kit na lumabas ng bahay para lapitan ang pinanggagalingan ng tunog.

Kit: (Parang may mali. Ba't wala akong nakikitang puting imahe sa labas?) ("Guys.. Dito lang kayo. Lalabas ako para tignan ang sitwasyon sa labas.")

Isaac: ("Kit, nagbibiro ka ba.?.! Pupuntahan mo yung multo.?.!")

Emily: ("Kit, huwag ka nang lumabas.! Delikado yan.!")

Sa kabila ng sinabi nang kanyang mga kaibigan, lumabas pa rin si Kit at marahan niyang isinara ang pinto.

Lalo pang nag-alala ang kanyang mga kaibigan matapos nitong lumabas ng bahay para tignan ang pinang-gagalingan na tunog ng umiiyak na babae.

Bagamat nag-aalala sa kaligtasan ni Kit, humanga naman si Emily sa ipinakita nitong katapangan.

Ruby: ("Seriously.?.! Lumabas talaga siya ng bahay para tignan kung nakalayo na ang multo.?.!")

Emily: ("Oo, Ruby.") (Pero sobrang tapang pala ni Kit. Sa lahat ng mga nakilala kong lalaki, sa kanya ko palang nakita yung ganung uri ng tapang sa sarili.)

Nina: ("Grabe..Nakakatakot pala ang lugar na ito. Kaya pala ginawa na lang nilang bahay bakasyunan ang bahay nila dito sa Dagupdup.")

Isaac: ("Pero hindi naman natin inakala na ma-eexperience natin yung kinikuwento ni Kit.")

Althea: ("Oo nga. Tuloy nasaksihan pa natin yung kwentong bayan nang lugar na ito.")

Claire: ("Sana man lang okay lang si Kit sa labas at hindi siya napahamak dun sa gumagalang multo.")

Maya't maya maingay na binuksan ni Kit ang pinto at nakasimangot na ibinalita ang kanyang nakita sa labas."

Kit: "Guys! Puwede na kayong mag-ingay. Wala naman palang multo."

Axel: "Ano? Walang multo?"

Kit: "Oo."

Allen: "Kung ganon, ano yung naririnig nating iyak ng babae kanina?!"

Allen: "Oo nga!"

Kit: "Gawa nung mga loko-lokong mga lalaki na taga rito sa bayan. May dala silang Bluetooth speaker at pinapatugtog yung iyak ng isang babae mula sa isang Horror movie habang naglalakad." (For short, it's a Prank.)

Daniel (annoyed): "Kit, sabihin mo nga kung nasaan na ang mga lalaking iyan at pag-uuntugin ko ang kanilang mga ulo!"

Althea: "Wow! Daniel. Biglang lumabas ang tapang mo matapos mong malaman na wala palang multo!"

Nina: "Samantalang kanina, parang isang iyaking bata si Daniel."

Emily: "Teka?! Kit! Kung wala naman palang multo magmula kanina, bakit ipinasara mo pa sa amin ang mga pinto at bintana?!"

Kit: "Siyempre! Para hindi tayo manakawan ng gamit dito sa bahay. Tsaka ayaw ni Lola na may naiiwang bukas na pinto at bintana. Ako ang pagagalitan niya bukas kapag may makita siyang bukas na bintana o pinto."

Emily: "Pambihira ka, Kit! Akala pa naman namin kung may kinalaman sa kwento mo yung pagpapasara mo ng pinto at bintana!"

Isaac: "Kaya nga, Emily. Naloko tayo ni Kit sa ipinag-utos niya kanina."

Ilang sandali pa, bumalik na rin ang kuryente at ilaw sa buong bahay.

Laking tuwa ng mga magkakaibigan sa pagkakaroon ulit ng ilaw.

Ngunit, hindi nila napansin na nakatayo pala sa tabi ng hagdan si Lola Delia at nakasimangot silang pinagmamasdan ng matanda.

Lola Delia: "Grabe...ang tagal niyo namang antukin. Alam niyo ba kung anong oras na?"

Emily: "Lola Delia, kanina pa po ba kayo nakatayo dyan?"

Lola Delia: "Hindi, Iha. Kabababa ko lang dito sa hagdan. Pupunta sana ako kusina para kumuha ng maiinom na tubig. Tsaka bakit hindi pa kayo natutulog? Mag aalas diyes na ng gabi."

Nina: "Oo nga po. Mag-aalas diyes na po pala. Hindi po namin napansin."

Lola Delia: "O siya, matulog na kayo at nang makapagpahinga na tayo. Maaga pa kayong magigising bukas para magluto ng agahan."

Axel: "Opo. Mabuti pa nga."

Matapos sabihan ni Lola Delia ang mga magkakaibigan, bumalik sa kuwarto ng mga babae sa first floor ang mga babae at sa baba naman ng bahay ang mga lalaki.

Pumunta naman sa kusina si Lola Delia para uminom ng tubig at nang mapansin niyang sarado lahat ng mga pinto at bintana sa buong bahay ay bumalik na rin ito sa kanyang kuwarto.

Makaraan ang apat na oras matapos makatulog ng mahimbing ang lahat, biglang naalinpungatan si Emily at tinignan ang oras sa kanyang Android Phone.

Nakita niyang alas dos pa lang ng madaling araw at naisip niyang pumunta muna sa banyo.

Kaya tumayo muna siya sa kanyang higaan at bumaba ng hagdan papunta sa banyo.

Paglabas niya sa banyo at pabalik na rin sana siya sa kuwarto ng mga babae, napansin niya si Kit na sumisilip sa binata ng Sala.

Nagtaka si Emily kung bakit nadatnan niyang gising at sumisilip ito sa bintana ng Sala, kaya lumapit siya rito para tanungin si Kit.

Emily: "Kit? Anong ginaga-"

Kit: "SHHHH!"

Emily: ("Bakit ka sumisilip sa bintana?")

Kit: ("Halika. Sumilip ka din sa bintana.")

Lumapit sa bintana si Emily at pareho nilang sinilip ang labas ng bahay.

Nang makita ni Emily ang bagay na sinisilip ni Kit, magkahalong kilabot at pagkamangha ang kanyang naramdaman.

Emily: ("Ki-Kit.? A-Ano yung maputing bagay na hugis tao ang nakikita kong parang naglalakad sa kalye?")

Kit: ("Sa maniwala ka o hindi, iyan yung nakita kong multo noong bata ako.")

Emily: ("Ha.?! Iyan din ba yung multo sa kwento mo kanina.?!")

Kit: ("Oo.")

Kinilabutan si Emily nang malaman niyang nakikita mismo ng dalawa niyang mga mata ang multo sa kuwento si Kit.

Bagamat kinikilabutan, sumilip ulit si Emily sa bintana at napansin nito ang isang kakaibang bagay.

Emily: ("Ki-Kit.. Ba-Bakit lu-lumabas pa rin ang mu-multo kahit na ma-may ilaw?")

Kit: ("Hindi ko din alam. Pero pabayaan na lang natin at matulog na tayo. Nagsisimula na rin akong kilabutan.")

Emily: ("O-Oo.")

Habang sinisilip ng dalawa sa bintana ang kakaibang bagay na kanilang nakikita sa labas ng bahay, napansin nilang bigla itong nawala pagkadaan sa madilim na parte ng kalsada.

Pagkatapos masaksihan ang isang hindi maipaliwanag na bagay, kalmadong pumasok sa closet si Kit, ngunit sumunod naman sa kanya si Emily at isinara ang Closet.

Kit: "Emily, may higaan ka dun sa itaas. Ba't ka dito pumasok?"

Emily: "Ehhh....pwe-pwedeng dito muna ako?"

Kit: "Bakit nga?"

Emily (scared): "Eh...na-natatakot ako. Baka bigla yun sumulpot sa likod ko habang umaakyat ako ng hagdan."

Kit: "Sige, pero huwag kang magrereklamo kapag hindi ka nakatulog dahil sa lakas kong humilik.

Emily: "Oo. Hindi ako magrereklamo. Basta may kasama lang ako sa pagtulog."

Dahil takot si Emily na umakyat pabalik sa kanyang kuwarto, pinili na lang niyang makitulog sa loob ng closet kung saan natutulog si Kit.

Napansin naman niyang may kalakihan din ang Closet na tinutulugan ni Kit kung saan hindi pa naabot ng kanyang mga paa ang dingding ng naturang Closet.

Habang magkatabing nakahiga ang dalawa, may naalalang itanong si Emily kay Kit.

Emily: "Kit, bakit gusto mong matulog dito sa loob ng Closet?"

Kit: "Hindi ito Closet. Wardrobe itong tinutulugan ko."

Emily: "Ha? Magkaiba ba yun?"

Kit: "Oo."

Emily: "Mabalik tayo, bakit gusto mong matulog dito sa loob ng Wardrobe?"

Kit: "Gusto ko lang."

Emily: "Sigurado ka bang gusto mo lang? O may malalim pang dahilan?"

Kit: "Ba't bigla kang naging interisado na malaman ang dahilan?"

Emily: "Kit, huwag mo naman akong sagutin ng isa pang tanong. Tsaka wala naman sigurong masama kung aalamin ko."

Sandaling hindi kumibo si Kit matapos magtanong si Emily.

Tila napansin niyang nagkaroon ng konting interest si Emily na malaman ang tunay na dahilan kung bakit gusto niyang laging manatili sa loob ng Wardrobe.

Bagamat, medyo personal ang tanong ni Emily kay Kit, sinabi pa rin niya ang tunay na dahilan kung bakit mahilig siyang maglagi sa loob ng mga Wardrobe.

Kit: "Alam mo, Emily. Nakagawian ko na kasi."

Emily: "Nakagawian mo? Sa paanong paraan naman naging nakagawian mo ang paglalagi sa loob ng Closet?"

Kit: "Wardrobe."

Emily: "..Nang Wardrobe?"

Kit: "Noong bata ako, lagi kaming naglalaro ni Papa ng taguan sa loob ng bahay. Lagi din akong nahahanap ni Papa sa loob ng Wardrobe at sa tuwing nahahanap niya ako, sinasamahan niya ako sa loob hanggang sa makatulog ako. Dumating din ang punto sa buhay ko na ina-away ako ng mga Bully noong nasa Elementary pa ako. Umuwi ako ng bahay at wala akong masumbungan, kaya nagtago ako sa Wardrobe. Hanggang sa lagi ko nang ginagawa ang pagtatago sa loob ng Wardrobe kapag nalulungkot ako. Kada magtatago ako, lagi akong nahahanap ni Papa at kinakausap niya ako kung ano ang problema ko sa School, tsaka niya ako sasamahan hanggang sa gumaan ang loob ko. Pero mula noong nangyari ang insidenteng iyon kay Papa, pakiramdam ko, lagi na akong malungkot."

Matapos sabihin ni Kit ang kanyang tunay na dahilan kung bakit siya laging nagtatago sa loob ng Wardrobe, napagtanto ni Emily na lagi itong malungkot dahil nangungulila pa rin si Kit sa pagkawala ng kanyang Ama.

Emily: "Kit, nalulungkot ka dahil namimiss mo ang Papa mo, hindi ba?"

Kit: "..Oo..."

Emily: "Ako din. Namimiss ko na rin ang parents ko. Kaya nauunawaan kita."

Sandaling hindi kumibo sa isa't isa sina Kit at Emily dahil pareho silang nag-iisip nang sasabihin. Hanggang sa magsalita ulit si Emily.

Emily: "Kit, kung may paraan lang sana para ibalik ang mga mahal natin sa buhay. Siguro, hindi na tayo nalulungkot ngayon."

Kit: "Oo. Pero, anong magagawa natin? Wala na sila. Kaya ang magagawa na lang natin ay ang magpatuloy at maging masaya sa ang buhay."

Emily: "Wow..ang dali mong nasabi ang mga salitang iyan pero ikaw mismo, nalulungkot at nagkukulong pa rin dito sa Closet."

Kit: "Sabing Wardrobe. Hindi Closet."

Emily: "Oo na. Pero bakit napakalungkot mo pa rin?"

Kit: "Si Papa lang ang nakakaintindi sa akin. Wala ng iba."

Emily: "Paano kung may iba pang tao na nakakaintindi sayo?"

Kit: "Sino naman?"

Emily: "Uhm....A-Ako."

Biglang nanahimik si Kit nang marinig nito mula kay Emily na siya raw ang nakakaintindi sa kanya, maliban sa kanyang Ama.

Hanggang sa biglang humarap sa kaliwa si Emily at tinalikuran si Kit matapos niyang maisip ang nakakahiya niyang sinabi.

Emily (ashamed): (Te-Teka?! Nasisiraan na ba ako ng ulo?! Bakit ko sinabi kay Kit na ako ang isa pang tao na nakakaunawa sa kanya!)

Kit: "Emily."

Emily (confused): "Ba-Bakit?"

Muling lumingon at humarap si Emily kay Kit. Sa pagkakataong ito, lumapit ng husto si Kit kay Emily tsaka niya ito niyakap. Nagulat naman si Emily sa ginawa ni Kit.

Emily: "Ki-Kit? A-Anong sa tingin mo ang ginagawa mo?"

Kit: "Salamat, Emily. Gumaan na ang pakiramdam ko."

Emily: "U-uhmm...Ako din. Gumaan din pakiramdam ko." (Tsaka ang bango pala ni Kit. Amoy matamis na Strawberry at ang init din ng katawan niya. Para akong aantukin sa sobrang gaan ng loob ko kay Kit.)

Lalo pang hinigpitan ni Kit ang pagkakayakap kay Emily at di kalauna'y niyakap na rin niya si Kit ng hindi napapansin.

Hanggang sa hindi na nila namalayang sila ay nakatulog ng mahimbing sa loob ng Wardrobe habang magkayakap.

Bagamat magkatabi at magkayakap na natutulog ng mahimbing sina Kit at Emily, nawala sa isip nang dalawa ang magiging reaksyon ng kanilang mga kaibigan sa oras na makita silang magkasama na natulog sa loob ng Wardrobe, pagsapit ng umaga.