webnovel

Chapter 41- Ang bagong simula ni Lucile

Nagsimula na ang unang araw ng Christmas break ng mga estudyante at abala ang mga ito sa pagugol ng kanilang bakasyon sa pagtulong sa mga gawaing bahay, gaya na lang nina Emily at Nina.

Ngunit sa araw ding ito, ay ang unang araw ng pagsisimula ni Lucile sa kanyang bagong trabaho at kinakabahan siya habang naglalakad papunta sa lugar na kanyang papasukan.

Pagdating sa naturang lugar, namangha si Lucile nang makita ang isang napakataas na gusali at sa kanyang tantya, abot hanggang 50th floor ang naturang building.

Habang naglalakad at tinitingala pa rin ni Lucile ang gusali, hindi niya sinasadyang makabangga ang isang lalaking nakaitim na tuxedo at umiinom ng kape.

Lalaking naka-itim na tuxedo: "Oy! Sus! Aray ko!"

Dahil dito, hindi din sinasadya ni Lucile na matapunan ng mainit na kape ang naturang lalaki.

Lucile: "Pa-Pasensya na! Hindi ko sinasadya na mabangga kita!"

Lalaking naka-itim na tuxedo: "Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo! Tsaka, ano bang tinitignan mo sa itaas ha?! May bulalakaw ba?!"

Lucile: "Pa-Pasensya na talaga! Hindi ko talaga sinasadya!"

Sa inis ng lalaki, naglakad ito paalis sa harap ng building at nagpunta sa kung saan.

Hinala ni Lucile sa lalaki, umalis ito para magpalit ng damit dahil na rin sa hindi nito sinasadya na mabangga at matabig ang iniinom nitong kape.

Lucile: (Ano ba naman yan?! Hindi pa lang ako nakakasimula sa bago kong trabaho, may nagawa na akong mali. Sana man lang mapatawad ako ng lalaking iyon. Tsaka, cute pa naman siya. Teka! Focus muna sa trabaho, Lucile! Huwag sa lalaking iyon!)

Nang maisip ni Lucile na kailangan niya munang ituon ang kanyang sarili sa bago niyang trabaho, agad siyang naglakad papasok sa Building.

Pagpasok ni Lucile, agad niyang pinuntahan ang babaeng Front desk assisstant sa tabi ng elevator.

Lucile: "Good morning po, Ma'am."

Front Desk: "Good morning din po. Ano pong maipaglilingkod ko po sa inyo, Ma'am?"

Lucile: "Ay! Kahit huwag niyo na po ako tawaging Ma'am! Kasi baka maging kasama niyo rin po ako bilang kapwa empleyado!"

Front Desk: "Kapwa empleyado? Ahh....Okay. Siguro po, kayo po yung pinapareport for Secretarial Training, tama po ba?"

Lucile: "O-Opo! Ako nga po."

Front Desk: "Ah....Okay. Kayo po pala yung inaasahan ni Boss na darating para magreport sa trabaho. Kung maaari lang po, pakibigay lang po sa akin saglit yung kopya ng inyo pong Resume at itatawag ko po sa itaas."

Lucile: "Okay, po. Salamat" (Sandali? Sinabi ba niyang sa itaas?)

Front Desk: "Okay. Paki-hintay lang po saglit."

Ibinigay ni Lucile ang kanyang Resume sa Front Desk at tsaka nito tiningnan ang bawat pahina.

Matapos tignan, inabot ng Front Desk ang telepono, tsaka ito tumawag sa numero ng Boss at sinabi na dumating na si Lucile.

Agad din nitong binaba ang telepono, matapos maipaalam sa Boss na dumating si Lucile para magreport sa trabaho.

Front Desk: "Ms. Sanches, Pinapapunta na po kayo ni Boss sa 48th Floor. Pumunta na daw po kayo ngayon, tsaka kay Boss niyo na daw po ibigay ang inyo pong Resume."

Lucile: "Salamat po, Ma'am"

Front Desk: "Tsaka isang bagay pa po na pinapasabi ni Boss."

Lucile: "A-Ano po iyon?"

Front Desk: "Welcome sa Aguire Aegis Industries, Ms. Lucile Sanches."

Lucile: "Sa-Salamat po!"

Pagkatapos magpasalamat sa Front Desk, agad nagpunta at pumasok sa Elevator si Lucile, nang dumating ang isang nagmamadaling lalaki, papasok na elevator.

Pagpasok ng lalaki, agad ding umandar ang elevator, ngunit namukhaan nito si Lucile na siyang bumangga sa kanya kanina sa labas ng building.

Lalaking naka-Brown na Tuxedo (cold tone): "Teka! Ikaw yung aanga-angang babae kanina! Anong ginagawa mo dito?!"

Hindi natuwa si Lucile sa sinabi ng lalaki, kaya pinagsabihan niya ito.

Lucile: "Mawalang galang na Mister! Pero hindi ko sinasadya yung pagkakabangga ko sayo kanina! Tsaka, nandito ako dahil pinapareport ako sa trabaho!"

Lalaking naka-Brown na Tuxedo (smirk): "Pinapa-report? Ah...So ikaw pala yung bagong empleyado dito na may "Special Treatment?""

Lalong hindi nagustuhan ni Lucile ang sinabi ng lalaki matapos siyang sabihan nito na may "Special Treatment". Kaya sumabat agad si Lucile sa sinabi nito.

Lucile: "Oy! Wala akong "Special Treatment" na sinasabi mo! At pinapa-report ako dito sa trabahong Assistant Secretary dahil alam ko sa sarili ko na mayroon akong tinatawag na "Skills!" Kaya huwag mo akong minamaliit sa kung ano ang kaya kong gawin?!"

Lalaking naka-Brown na Tuxedo: "Talaga lang ha? Baka mamaya, biglang mawala yan sinasabi mong "Skills!" kapag natabunan ka na ng sangkatutak na trabaho?"

Lucile: "Hindi mo pa ako nakikitang magtrabaho, Mister! Kaya huwag ka munang magsalita ng tapos!"

Pagkatapos sumabat ni Lucile, sakto namang huminto ang elevator sa Floor kung saan siya pupunta.

Pero nagulat si Lucile nang sabay silang lumabas ng lalaki mula sa elevator.

Lalaking naka-Brown na Tuxedo: "Nandito na pala na ako sa Floor ko! Good Luck na lang sa trabaho mo!"

Lucile: "Anong Floor mo?! Eh dito din ang Floor na pupuntahan ko!"

Lalaking naka-Brown na Tuxedo: "Teka! Sinusundan mo ba ako?!"

Lucile: "Hoy! Hindi kita sinusundan! Baka ikaw ang sumusunod sa akin dito!"

Lalaking naka-Brown na Tuxedo (annoyed): "Sa tatlong taong kong pagtratrabaho dito sa kumpanya, ako pa ang pagbibintangan mong sumusunod sayo?! Baka ikaw ang sumusunod sa akin?!"

Lucile: "Gaya ng sinabi ko, pinapunta ako dito ng inyong Boss para magreport sa ibibigay na trabaho!"

Maya't maya, habang nag-iikot, nadatnat ng Boss ng kumpanya na si Ansyong ang dalawa nasa hallway na nagbabangayan sa isa't isa.

Ansyong: "Aba? Mark! Nagkakilala na pala kayo ang bago mong Secretary? Di ko akalain na mausisa ka din pala sa bago nating Empleyado."

Nagulat ang lalaking naka-brown na tuxedo, na napag-alaman din nating si Mark, sa sinabi ni Ansyong.

Nagulat din si Lucile matapos marinig ang sinabi ni Ansyong na siya ang bagong Secretary ni Mark.

Mark: "A-Ano?! Etong babaeng lutang ang utak?! Ang bago kong Secretary?!"

Ansyong: "Oo. Siya nga. Tsaka nice to meet you, Miss Sanches. Welcome sa aming kumpanya."

Lucile: "Tha-Thank you po, Sir! Nice to meet you din po!"

Mark: "Kuya, Sandali! Hindi ako papayag na ang babaeng lutang ang utak na ito ang magiging Secretary ko!"

Ansyong (calm tone): "Mark, wala tayo sa bahay. Ayusin mo naman ang pananalita mo. Tsaka, ba't ganyan ang suot mo? Ang baduy mong tingnan."

Mark (unamused): "Eh kasalanan nang babaeng ito! Naglalakad ng hindi tumitingin sa daan at nabangga niya ako kanina! Kaya tumapon sa damit ko yung iniinom kong kape!"

Lucile: "Si-Sir Mark, hindi ko naman po sinasadya na mabangga kayo kanina. Pasensya na po talaga."

Mark: "Huwag mo akong matawag-tawag ng "Sir" ha?! Ni hindi mo nga ako matawag na "Sir" kanina sa loob ng elevator!"

Lucile: "Eh Sir, hindi ko naman po alam na kayo pala ang magiging Boss ko sa trabaho. Kaya pasensya na po talaga."

Mark: "Pasensya.... Pasensya ka na rin! Kasi "You're Fired!""

Lucile (shocked): "A-Ano po?!"

Sa sobrang inis ni Mark, napilitan itong patalsikin agad sa trabaho si Lucile.

Ngunit agad namang namagitan si Ansyong para ayusin ang maliit na alitan ng dalawa.

Ansyong: "Pasensya na Mark, pero hindi mo puwedeng agad patalsikin si Miss Sanches sa kanyang trabaho."

Mark: "Bakit hindi?!"

Ansyong: "Dahil nirekomenda siya ng Ate mo."

Mark: "Si Ate ang nagrekomenda sa kanya?!"

Ansyong: "Oo. At nirekomenda din siya ng pamangkin mo."

Mark (shocked): "A-Ano?! Pati din si Kit?!"

Nang marinig ni Lucile ang nabanggit na pangalan ni Kit, magalang na nagtanong si Lucile kila Ansyong at Mark.

Lucile: "Uhm..mawalang galang na po. Ki-Kilala niyo po ba si Kit?"

Ansyong: "Pamangkin namin si Kit."

Mark: "At paano mo naman nakilala si Kit? Babaeng lutang?!"

Ansyong: "Mark, wala tayo sa bahay. Kaya umayos ka."

Mark: "Oo na. Tsaka mabalik tayo sa tanong, paano mo nakilala si Kit?"

Lucile: "Kaibigan po siya ng kapatid ko sa Eskwelahan na pinapasukan nila."

Mark: "Kuya, kaibigan daw? Naniniwala ba kayo diyan?"

Ansyong: "Oo."

Mark: "Seryoso?! Naniniwala ka diyan?!"

Sa pagkakataong ito, nagkrus ang mga braso si Ansyong at tumitig na rin ito ng nakasimangot kay Mark.

Sinyales na hindi na ito natutuwa sa mga pagdududa ng kanyang kapatid.

Napansin naman ni Lucile na tila natukoy nito kung kanino namana ni Kit ang ganung uri ng reaksyon.

Lucile: (Aba? Halos parehas sila ng nakita kong reaksyon ni Kit kahapon. Mukhang nakilala ko na kung kanino niya namana ang ganong uri ng expression.)

Mark: "Se-Seryoso po ba kayo?!"

Ansyong: "Oo."

Mark: "Paano niyo po nasabi?!"

Ansyong: "Tumawag lang naman ang Ate mo at ang pamangkin mo sa akin. At binanggit ang pangalan ni Miss Sanches na naririto ngayon."

Mark: "Sandali? Ba't parang hindi ito naipaalam sa akin?! Dapat alam ko din ang tungkol sa "Special Treatment" na ginawa ninyo ni Ate!"

Ansyong: "Natural na hindi mo alam."

Mark: "Bakit naman?!"

Ansyong: "Siyempre! Hindi ka nakikinig sa loob ng opisina ko, kahapon at abala ka sa paglalaro ng Mobile Defi Pet mo, sa iyong Android phone!"

Sa unang pagkakataon, nakita ni Lucile kung paano magalit ang pinaka-Boss ng kumpanya ng bagong niyang trabaho, na pinapagalitan ang empleyado nito.

At ang kakaiba sa mga naganap, sa unang araw mismo ng kanyang trabaho pa niya ito nasaksihan. Hanggang sa nadamay na din siya sa galit nito.

Ansyong (irrirated): "Ngayon, imbis na nagdududa ka sa bago nating empleyado, kumilos ka na agad! Pumunta ka na sa opisina mo ngayon! Mag-aalas otso na! Hindi ka pa nakakapag-Check ng iyong attendance!"

Mark: "Ye-Yes, Sir!"

Kumaripas ng takbo si Mark papunta sa kanyang opisina, matapos siyang pagalitan ng kanyang kapatid.

Ansyong: "Ikaw?! Anong tinatayo-tayo mo diyan?! Regular ka nang empleyado dito! Kaya sundan mo na yung Boss mo!"

Lucile: "Uhm..Ye-Yes, po! Sige po, Sir! Tsaka saan po pala yung opisina ni Sir Mark?"

Tumitig ng nakasimangot si Ansyong kay Lucile. Kalauna'y naalala ni Ansyong na bagong empleyado pa lang si Lucile. Kaya humingi din ito ng pasensya.

Ansyong: "Hay....Pagpasensyahan mo na ako at sa kapatid ko kanina. Wala akong itensyon na pagalitan ka, sa unang araw mo sa trabaho. Lalo na rin si Mark. Pagpasensyahan mo na siya."

Lucile: "Okay lang po, Sir. Walang kaso po yun sa akin."

Ansyong: "Kung hinahanap mo yung opisina ni Mark, yun ay ang mismong Director's office. Si Mark kasi ang Director ng kumpanya."

Nagulat si Lucile ng malaman niyang ang lalaking halos kasing edad niya lang at ang kanyang nabangga kanina ay ang mismong Director ng kumpanyang kanyang pinapasukan.

Lucile: Si Sir Mark ang Director?! Eh halos magkasing edad lang kami?!"

Ansyong: "Oo, Lucile. Hindi talaga kayo nagkakalayo ng edad ni Mark. Pero wala pa rin sa hustong gulang ang kanyang isipan at madalas, siya pa ang gumagawa ng kalokohan dito sa kumpanya. Kaya minsan, nag-aalala ako na maging pabaya si Mark at hindi magawa ng tama ang kanyang responsibilidad dito sa kumpanya."

Lucile: "Kaya po ba, kumuha kayo ng Secretary, para sa kanya ay para bantayan siya sa kanyang trabaho?"

Ansyong: "Oo, Miss Sanches."

Lucile: "Sir kahit Lucile na lang po."

Ansyong: "Sige, Lucile. Pagbutihin mo ang iyong pagtratrabaho. Siguro, alam mo naman ang trabaho ng isang Secretary, hindi ba? O kailangan mo pa ng Orientation?"

Lucile: "Hindi na po kailangan, Sir."

Ansyong: "Kung ganun, good luck sa bago mong trabaho. Tsaka mahilig mang utos ni Mark, kaya matuto ka nang sanayin ang sarili mo sa kanya."

Lucile: "Opo. Salamat po!"

Ansyong: "Sige. May meeting pa ako. Ikaw nang bahala sa pasaway na Director."

Naglakad papunta sa elevator si Ansyong, tsaka ito pumasok sa loob nito.

Agad namang naglakad papunta sa Director's Office si Lucile at nadatnan nito si Mark na nakapatong ang kanyang sapatos sa kanyang mesa.

Mark: "Ang tagal mo naman! Ano bang pinag-usapan niyo ni Kuya ha?!"

Lucile: "Sir, tungkol sa trabaho ko lang po."

Mark: "Trabahong Secretary? Weh! Ang Swerte-!"

Maya't maya, may nag-video call sa Android phone ni Mark.

Nang sinagot ni Mark, nakita nito ang mukha ni Kit na nakasimangot sa Screen.

Mark: "Oh?! Kit?! Kamusta?! Kakaiba ito?! Nagvideo call ka ata?!"

Kit: ["Andyan na po ba si Ate Lucile?"]

Mark: "Lu-Lucile?! Sinong Lucile?!"

Kit: ["Miss Lucile Sanches."]

Sasagot sana si Lucile para marinig siya ni Kit, ngunit agad sumagot si Mark at pinagtatakpan na hindi pa dumadating si Lucile.

Mark: "Eh pasensya na, pamangkin! Wala pa yung sinasabi mong Lucile dito sa opisina. Baka nawala sa daan yung sinasabi mong tao."

Kit: ["Sigurado po ba kayo?"]

Mark: "Oo! Sigurado ako! Hindi pa siya dumadating!"

Kit: ["Tiyo Mark, may naiwan po pala akong regalo sa inyong kabinet. Pakikuha na lang."]

Sabay patay ni Kit sa Video call. Agad namang umalma si Lucile matapos sabihin ni Mark na hindi pa raw ito dumarating sa opisina.

Lucile: "Sir! Nandito na po ako, magmula pa kanina! Bakit niyo po kailangang sabihin kay Kit na hindi pa ako dumadating?!"

Mark (sarcastic tone): "Simple lang! Sinusubukan ko muna kung hanggang saan ka makakatagal sa pagtratrabaho dito sa aking opisina?"

Lucile: "Kung hanggang saan ang aking itatagal?! Parang sinasabi niyo na ayaw niyo akong pagtrabahuhin dito sa inyong kumpanya!"

Mark: "Hindi ba halata?"

Lucile: "Sir, Dahil lang ba ito sa natapon na kape sa inyong Black na Tuxedo?! Kaya gusto niyo akong tanggalin agad sa trabaho?!"

Mark: "Oo! Dahil dun, nakansela yung appointment ko at nahuli ako sa susunod kong meeting! Tsaka ayokong magmukhang akong tanga sa suot kong Brown na Tuxedo! At tsaka, excuse me lang ha?! Kukunin ko lang yung sinasabing regalo sa kabinet."

Tumabi sa daan si Lucile matapos sabihan ni Mark na kukunin nito ang kanyang regalo sa kabinet.

Pagbukas ni Mark sa kabinet, nagulat ito, pati na rin si Lucile, nang makita nilang nasa loob ng Kabinet si Kit at narinig ang lahat ng sinabi ng kanyang Tito.

Mark: "Hudas! Barabas! Hestas! Anong ginagawa mo dyan?!"

Lucile: "Kit?! Ka-Kanina ka pa ba diyan?!"

Kit: "Hi! Ate Lucile."

Lucile: "H-Hi! Din."

Mark: "Magkakilala kayo?!"

Lucile: "Sabing Opo, Sir! Sinabi ko na po kanina, hindi po ba?"

Mark: "Kilala mo ang babaeng ito, Kit?!"

Kit: "Kapatid po siya ni Emily."

Mark: "Sinong Emily?!"

Lucile: "Hindi niyo po ba narinig? Kapatid ko daw po. Mismong pamangkin niyo na po ang nagsabi."

Mark: "Hay.....Kung nandito si Kit. Ibig sabihin... Nay! Lumabas ka na dyan sa loob ng Refrigerator!"

Lucile: "Re-Refrigerator?!"

Biglang lumabas mula sa loob ng Refrigerator ni Mark ang isang matanda na kasing tangkad lang ni Kit, na nakasuot ng pink na jacket at may hawak na payong.

Nagulat naman si Lucile ng makita ang matanda mula sa loob ng Refrigerator.

Mark: "Nay! Ilang beses ko bang sasabihin na huwag kayong magtatago diyan sa loob ng Refrigerator?!"

Lola Delia: "WOOH! Sobrang lamig ng Ref mo! Para akong nasa Antartica! Hahaha!"

Mark: "Hay! Naku! Mamaya matuluyan na kayo niyan sa kakatago niyo sa loob ng Ref!"

Lola Delia: "Impossible yan! Nabaon nga ako ng buhay sa ilalim ng snow noong nasa Amerika pa ako, nabuhay pa nga ako! Sa Refrigerator pa kaya?! Hahaha!"

Mark: (Hay...Sakit sa ulo talaga ang ka-weirduhan ni Nanay. Ewan ko ba, kung bakit namana din ni Kit ang ka-weirduhan niya?) "So, anong pong ipinunta ninyo ni Kit dito?"

Lola Delia: "Siyempre! Para makita yung babaeng nirekomenda ng Ate mo at nang apo ko. Curious din ako eh."

Kit: "Lola. Siya po yun."

Itinuro ni Kit si Lucile na nakatayo malapit sa Mesa ng opisina ni Mark.

Napapakamot naman ng ulo si Mark dahil sa pagdating nina Kit at ang kanyang nanay.

Lola Delia: "Ooohh! Kay gandang bata! Postura pa lang, hindi na nagkamali ng napili ang nanay mo!"

Tumango lang si Kit sa sinabi ng kanyang Lola. Agad naman nagtanong si Mark kung bakit sobrang nauusisa ang mga ito kay Lucile.

Mark: "Nay! Ano bang mayroon sa babaeng yan?! Ba't lahat kayo na-iintriga sa kanya?!"

Lola Delia: "Simple lang aking bunsong anak. Napakatamad mo kasing magtrabaho! Kaya kinakailangan pa nang Kuya at Ate mo na hanapan ka ng magbabantay sayo!"

Mark (shocked): "A-Ano?!"

Lola Delia: "Bingi ka ba ha?! Yan ba ang nakukuha mo sa paglalaro ng Android phone?!"

Mark: "Nay! Hindi po sa ganon! Wala ba kayong tiwala na kaya kong patakbuhin itong kumpanya?!"

Maya't maya, naging seryoso ang mukha ng Lola sa itinanong ni Mark.

Tahimik lang naman na nakikinig sa tabi sina Lucile at Kit.

Lola Delia: "Mark, umaasa kami ng mga kapatid mo na magbabago ka. Pero sa nakikita namin, kailangan pa talaga ng taong magsusubaybay sayo."

Mark (ashamed): "Nay! Hindi na ako bata! At hindi ko kailangan ng susubaybay sa akin!"

Lola Delia: "Kung hindi ka na bata, eh ano ito?"

Ipinakita ng Lola ang mga litrato mula sa loob ng kanyang bag kay Mark. Nang makita ito ni Mark, napakamot ito ng ulo.

Lola Delia: "Ayan! Nakuhanan ka ng CCTV ng Mall na nagbubulakbol sa Arcade! Tapos eto namang isa, inilibre mo lahat ng mga lasenggo sa isang Bar! Tapos eto namang isa, dumalo ka sa isang Party! Tsaka eto namang isa.....OOOPS! Kit! Takpan mo yan ang mga mata mo! Painting ko pala ito na nakahubad noong kabataan ko! Hahaha!"

Lucile: (Grabe...Iba din ang matandang eto. Hindi niya namalayang, naisali sa dala niyang litrato, ang sarili niyang painting noong dalaga pa siya.)

Mark: "Okay! Oo na! Kayo na ang tama! Sorry sa mga nagawa kong mga kalokohan! Pero magtiwala naman po kayo sa akin. Kaya kong patakbuhin ang kumpanya pagdating ng araw."

Lola Delia: "Pagdating ng Araw? Kailan pa?! Kapag 6 feet below the ground na ang nanay mo?!"

Mark: "Hindi naman po sa ganun! Ang pinupunto ko, bigyan niyo lang ako ng oras."

Lola Delia: "Sige. Isang oras! Patunayan mo sarili mo."

Lalo pang napakamot ng husto sa ulo si Mark nang sabihan siya ng kanyang nanay na patunayan ang kanyang sarili, sa loob lamang ng isang oras.

Tila nauunawaan naman ni Lucile, kung bakit ayaw siyang maging Secretary ng kanyang Boss.

Hindi dahil sa ayaw siyang maging Secretary nito, kundi ayaw talaga ni Mark na magkaroon ng Secretary na nagmamatyag sa kanyang pagtratrabaho.

Kaya sinubukang mamagitan ni Lucile sa mag-ina.

Mark: "Isang oras?! Nagbibiro po ba kayo?! Hindi ko po magagawang maging progresibo itong kumpanya sa isang oras lang!"

Lola Delia: "Eh sabi mo, kaya mong patatakbuhin itong kumpanya, basta't may oras ka lang. Kaya binibigyan kita ng isang oras!"

Lucile: "Ma-Madam, mawalang galang na po. Pero ang ibig pong sabihin ni Sir Mark po kanina ay bigyan niyo po siya ng panahon, para patunayan po sa inyo na kaya niya pong patakbuhin ang kumpanya."

Lola Delia: "Panahon?"

Lucile: "O-Opo."

Lola Delia: "Kapag dumating na ang Winter?"

Lucile: "Uhmm...Opo. Parang ganun na po."

Sa hindi inaasahan, biglang tumawa ang nanay ni Mark ng pagkalakas-lakas at naguguluhan naman si Lucile sa kanyang pagtawa. Maya't maya, nagsalita ang matanda.

Lola Delia: "Hahaha! Gusto ko ang ugali mo, iha! Nakapasa ka."

Lucile: "Nakapasa? Nakapasa po saan?"

Lola Delia: "Sa isang simpleng Situational Test. Para malaman ko kung tatanggapin kita sa kumpanya o hindi. Bagamat, nirekomenda ka ng dalawa kong anak at nang pamangkin ko, hindi ibig sabihin na agad na kitang tatanggapin sa kumpanya. Tsaka ako pa rin ang may kontrol sa kumpanyang ito, kahit na hindi na ako aktibo sa pagtratrabaho."

Lucile: "I-Ibig niyo pong sabihin, acting lang yung kanina na pag-aaway ninyo?"

Mark: "Hindi lang yung pag-aaway, pati na rin yung pagbangga mo sa akin kanina sa baba. Maliban lang sa Kabinet kung saan nagtago si Kit at si Nanay sa loob ng Ref?"

Lucile: "Pati sa kape?!"

Mark: "Oo, Miss Sanches. Magkukunwari sana akong hindi ko nakita ang daan. Pero naging pabor sa acting ko yung pagtingala mo sa building kanina. Kaya sinadya kong lumapit para mabangga mo ako."

Lucile: "Pa-Pati rin po ba si Sir Ansyong? Uma-acting din?!"

Mark: "Oo. Pero hindi siya marunong umacting, kaya napapasabi na lang siya ng mga literal na bagay, tungkol sa akin."

Lucile: (Kaya pala, humihingi siya ng pasensya kanina. Tsaka ibig sabihin ba nito, totoong mahilig mang-utos ni Sir Mark?)

Lola Delia: "Ngayon, mabalik tayo sa Acting test na ginawa namin kanina. Alam mo ba ang dahilan, iha? Kung bakit namin ito ginagawa?"

Lucile: "Wala po akong ideya, Madam. At hindi ko po alam."

Lola Delia: "Eto kasi ang paraan namin para suriin ang Skills sa mga papasok na mga bagong Empleyado at kung ano ang kanilang gagawin sa mga ganitong sitwasyon. Tulad na lang ng pagkakaroon ng Boss na masungit o kaya Boss na mahilig magparty, tulad ni Mark."

Mark: "Nay, lumalayo na po kayo sa dapat na ipinapaliwanag ninyo."

Lola Delia: "Totoo naman! Ang hilig mo nga magparty gabi-gabi! Kaya ka nahuhuli ng gising sa umaga! Minsan, late ka na sa iyong trabaho, kaya nagagalit na rin sayo ang Kuya mo!"

Mark: "Hay! Pambihira talaga." (Ibulgar talaga lahat ng ginagawa ko sa gabi, kay Miss Sanches! Parang sinisira pa ata ni Nanay ang imahe ko!)

Kit: "Tiyo, tumigil na kasi kayo sa pagpaparty."

Mark (annoyed): "Oo na! Titigil na nga. Hindi niyo naman kailangang ibulgar sa bago nating empleyado yung mga ginagawa ko. Okay?"

Napangiwe na lang si Lucile, matapos marinig na mahilig magparty gabi-gabi ang kanyang Boss at nag-aalala siyang baka itambak din lang sa kanya ang trabaho nito.

Gayun pa man, nagpatuloy sa pagsasalita ang matanda.

Lola Delia: "Anyway, kahit na may pagkapasaway yan si Mark. Kahit papaano, ginagawa pa rin niya ang kanyang tungkulin dito sa kumpanya. At naniniwala ako na dahil sa pagdating mo dito, Miss Sanches. Lalong mapapabuti ang pag-unlad ng aming kumpanya at pati na rin sa lahat ng mga empleyado dito. Kaya naman...."

Iniabot at ibinigay ng matanda ang isang susi kay Lucile. Nagtataka naman si Lucile sa kung para saan ang susing binigay sa kanya ng matanda..

Lucile: "Ma-Madam? Para saan po itong susi?"

Lola Delia: "Yan? Susi lang naman ng bahay mo at patunay iyan na empleyado ka na ng PULSE Clothing at Aguire Aegis Industries.

Hindi makapaniwala si Lucile matapos niyang malaman na Susi ng bahay ang kanyang hinahawakan.

Hindi naman maiwasang mapaluha ni Lucile matapos matupad ang isa sa kanyang mga pangarap.

Lucile: "Jusko! Susi ng Bahay?! Ma-May bahay na ako!"

Lola Delia: "Oo, iha. May bahay ka na. Regalo na yan sayo ng Aguire Aegis Industries. Basta't naging empleyado ka sa kumpanya, bahay mo na yan."

Lucile: "Sa-Salamat po! Maraming salamat po!"

Lola Delia: "Hay.....Nagiging emosyonal ka na, Iha. Nahahawaan na rin ako. Oh siya! Makaalis na muna, bago pa ako mahawaan ng drama nito. Ikaw nang bahala Mark at huwag kang pasaway!"

Mark: "Oo na. Alam ko. Ako ng bahala."

At naglakad paalis ng opisina ni Mark ang maglola. Pagka-alis ng dalawa, hinintay muna ni Mark na mahimasmasan si Lucile at pinaupo muna sa Sofa.

Mark: "Grabe ang iyak mo ha? Siguro napakaimportante niyan sayo."

Lucile (surprised): "O-Opo, Sir. Sobra po."

Mark: "Pero pasensya na talaga sa actingan namin kanina ha? Ganun talaga kami mag-Screen ng mga bagong empleyado."

Lucile: "Okay lang po, nauunawaan ko po."

Mark: "So, dahil opisyal ka ng empleyado sa kumpanya, mahalagang malaman mo na mamayang 1 PM, magsisimula na ang iyong trabaho. Sa ngayon, pagbibigyan muna kitang magpahinga."

Lucile: "Salamat po, Sir."

Mark: "Dahil diyan, maglalaro na muna ako ng Mobile Defi Pet sa aking cellphone."

Lucile (shocked): "Ano?!"

Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Lucile matapos marinig na maglalaro muna ng online game ang kanyang Boss, imbes na asikasuhin ang mga nakatambak na report sa mesa nito.

Tila naisip ni Lucile na marahil ay totoo nga ang mga sabi-sabi na pabaya sa trabaho ang kanyang Boss.

Lucile: "Si-Sir! Hindi niyo po ba pipirmahan yung mga report na nakatambak sa mesa po ninyo?!"

Mark: "Hayaan mo na muna diyan. Mamayang 1 PM ka pa naman magsisimula magtrabaho, hindi ba?"

Lucile: "Opo. Kaya lang..... Paano po yung mga reports?"

Mark: "Kung naghihinayang ka sa mga papel na yan, eh di puwede mo nang simulan ang iyong trabaho ngayon. Basta ako, mamaya ko na lang aasikasuhin yan, after lunch."

Lucile: (Ayos. Totoo pala ang mga sinabi ni Madam kanina. Mukhang mapipilitan na akong magtrabaho, kahit hindi ko hintayin ang ala una ng hapon.)

Dahil sa paghihinayang ni Lucile na huwag aksayahin ang kanyang oras, pinili na lang niyang asikasuhin ang tambak na papel ng mga reports, mula sa iba't ibang departamento.

Nakita naman ni Mark na agad inaasikaso ni Lucile ang dapat sana'y kanyang trabaho, kaya inilabas nito ang Stamp pad at Stamp na may nakalagay na kanyang pangalan, mula sa drawer ng kanyang Office Desk at ibinigay kay Lucile.

Mark: "Gusto mo nang magsimula agad sa trabaho? Eto kunin mo, lagyan mo na lang ng stamp yung mga Signature. Tapos, yung mga nalagyan mo, pakilagay na lang sa kaliwang side ng aking upuan. Tsaka, kapag may tumawag sa telepono, ilista mo sa notebook na nasa Desk. Dahil sigurado ako, mga appointment ang mga yun."

Lucile: "Opo, Sir. Alam ko po ang gagawin."

Mark: "Mabuti kung ganun. Tsaka, mamayang 1 PM na lang ako magtratrabaho."

Lucile: (Parang ibinigay ni Sir Mark sa akin ang lahat ng kanyang trabaho. Hindi ko akalain na ganyan pala siya katamad. Director pa naman.)

Wala nang nagawa si Lucile kundi ang gawin ang kanyang trabaho ng maaga dahil na rin sa mas inaasikaso ng kanyang Boss ang paglalaro sa kanyang android phone kaysa sa sarili nitong trabaho.

Sandali munang nananghalian ang mga ito, pagdating ng Lunch at habang nanananghalian, may naalalang itanong si Lucile sa kanyang Boss.

Lucile: "Sir, maalala ko lang po. Tungkol sa ginawa niyo pong test kanina ni Madam."

Mark: "Bakit? Ano yun, Miss Sanches?"

Lucile: "Lucile na lang! Tsaka hindi naman po tayo nagkakalayo ng edad."

Mark: "Lucile, anong itatanong mo?"

Lucile: "Sir, gusto ko lang po malaman kung parte po ba ng Acting Test ninyo kanina ang pagtatago ni Madam sa loob ng Ref?"

Biglang napabuga ng kinakaing pananghalian si Mark, matapos itanong ni Lucile ang tungkol sa pagtatago ng kanyang nanay sa loob ng Ref.

Naguluhan naman si Lucile sa naging reaksyon ni Mark.

Lucile: "Sir? Okay lang po ba kayo?"

Mark: "Jusko! Bakit sa lahat ng pwede mong tanungin, yan pa ang naisip mong itanong?!"

Lucile: "Sir? Bakit po? May problema ba?"

Mark: "Eh....Sabihin na lang nating, weird din si nanay."

Lucile: "Weird? Ba't naman naging weird si Madam?"

Napabuntong hininga si Mark sa naging tanong ni Lucile. Kaya ipinaliwanag niya rito kung bakit natawag na "Weird" ang sarili nitong Ina.

Mark: "Kasi may mga bagay na ginagawa si Nanay na hindi mo aakalain. Tulad na lang ng pagtatago niya sa loob ng Ref. Sa totoo lang, hindi ko inasahan kanina na magtatago siya sa loob ng Ref. Pero hanga ako kay nanay dahil araw-araw, may mga kakaibang bagay siyang ipinapakita na lingid sa alam naming tatlo na magkakapatid. Ang hinala ko, ngayon lang inilabas ni Nanay yung mga kakaiba niyang talento, matapos pumanaw ni Tatay."

Lucile: "So, sinasabi niyo po na wala kayong ideya sa mga kakaiba at tinatagong mga talento ng inyong nanay, magmula noong mga bata pa kayo?"

Mark: "Oo, Lucile. At hinala ko, kay Kit niya itinuturo yung mga kakaibang mga talentong iyon dahil na rin sa lagi siyang iniiwan ng aking Ate sa pangangalaga ng nanay namin."

Lucile: "Speaking of Ate, sino po pala yung sinasabi niyo pong Ate?"

Mark: "Ha? Nirekomenda ka niya, pero hindi mo siya kilala?"

Lucile: "Ang tanging naalala ko, ay si Kit lang sa tingin kong nagrekomenda sa akin dito sa inyong kumpanya. Wala nang iba."

Napansin ni Mark na tila wala pa rin ideya si Lucile sa kung sino ang isa pang tao na nagrekomenda sa kanya.

Pero hinala ni Mark, hindi napansin ni Lucile na nakilala na pala nito ang kanyang Ate.

Kaya naisip niyang ipaliwanag dito kung sino ang isa pang tao na nagrekomenda sa kanya.

Mark: "Lucile, hinala ko. Nakilala mo na noon ang aking Ate ng hindi mo lang napapansin."

Lucile: "Nakilala ko na ang inyong Ate mo ng hindi ko napapansin?"

Mark: "Oo. Para malinawan ka, may naalala ka bang babae na nagngangalang Amelia Zacarias?"

Nang mabanggit ni Mark ang pangalan ni Aling Amelia, nakumpirma ni Lucile na nakilala niya na ito noon.

Lucile: "Si Aling Amelia?! Oo! Una ko siyang nakilala sa Sementeryo noon! Teka? Ibig sabihin, siya ang nanay ni Kit?!"

Mark: "Tumpak! Nadale mo! Congratulations!"

Sabay palakpak ni Mark at natutuwa ng malaman ni Lucile na si Amelia ang nanay ni Kit, at isa sa nagrekomenda sa kanya na ipasok sa trabaho.

Mula sa kanyang nalaman, lalo pang naging hindi kapani-paniwala kay Lucile ng maisip at mapagdugtong-dugtong niya, na si Amelia ang sinasabing Ate ni Mark.

Lucile: "Ku-Kung ganun, siya po ang sinasabi niyo pong Ate na nagpasok po sa akin dito sa inyong kumpanya?!"

Mark: "Oo, Lucile. At hindi lang iyon, Siya din ang may-ari ng Clothing company na PULSE Clothing! Ang galing hindi ba?"

Wala nang nasabi pa si Lucile sa kanyang mga nalaman. Ngunit napaisip ito sa kanyang sarili na tila malaki na ang utang na loob nito kay Amelia.

Lucile: (Kung ganun, sa simula pa lang, gusto na akong tulungan ni Aling Amelia. Siguro mula noong nasaksihan niya ang pagpapahiya sa akin ni Ramon sa Shoe Shop, gusto niya na akong kunin at maging kanyang empleyado, para mapabuti ang buhay namin ni Emily. Siguro dahil sa sobrang pagtratrabaho, wala siyang oras na sabihin pa sa akin ng personal na gusto niya akong kunin sa kanyang kumpanya. Hanggang sa nataong nawalan kami ng trabaho sa Shoe Shop at tumawag si Kit sa kanya para tulungan akong magkaroon ng trabaho at iyon na siguro ang hinihintay niyang pagkakataon para ipasok sa kumpanya ng kanyang pamilya. Kung may pagkakataon sana ako para pasalamatan si Aling Amelia.)

Mark: "Ang lalim ng iniisip mo, Lucile. Hanggang kailan ka magtatagal diyan sa loob ng isipan mo?"

Lucile: "Huh? Uhm....Sorry po kung naging tahimik ako bigla."

Mark: "Oo nga pala. May naalala ako, pakitawagan mo nga yung CEO ng PULSE. Pakisabi gusto kong bumili ulit ng Itim na Tuxedo."

Lucile: "Opo, Sir." (Yung CEO ng PULSE pa ang gusto niyang tawagan para bumili ng itim na tuxedo. Iba rin talaga ang Boss kong ito.)

Sinunod ni Lucile ang iniutos ni Mark, kaya lumapit siya sa telepono at tinawagan ang numero ng PULSE. Ngunit nagulat siya ng marinig ang boses ng nasa kabilang linya.

Amelia: ["...Mark, ilang beses ko bang uulitin sayo na hindi ginagamit ang phone para paglaruan ang mga empleyado ko sa iyong Prank call!"]

Lucile: "He-Hello po! A-Ako po ang Secretary ni Sir Mark."

Sandaling hindi sumagot ang nasa kabilang linya at tila kinikilala nito ang boses ni Lucile.

Hanggang sa muli itong sumagot ng makilala nito ang kanyang boses.

Amelia: ["Oh? Are you Lucile?"]

Lucile: "O-Opo, Ma'am."

Amelia: ["Congratulations, Iha. Buti naman at natanggap ka diyan sa A.A.I. Tsaka pagpasensyahan mo na kung hindi kita kinuha sa aking kumpanya. Kasi Sales Lady lang naman ulit ang magiging trabaho mo dito at mas deserve mo diyan sa Office kaysa dito."]

Lucile: "Ma'am, salamat po. Pakiramdam ko, ang laki na ng utang na loob ko po sa inyo at sa inyong lahat."

Muli na namang napaiyak sa sobrang pasasalamat si Lucile dahil na rin sa mga natanggap niyang mga hindi inaasahang mga biyaya. Lalo na kay Amelia.

Amelia (worried): ["Iha? Umiiyak ka ata? May ginawa ba sayo si Mark?"]

Lucile (tears of joy): "Uhm...Wala po. At sorry po. Masaya lang po ako."

Amelia: ["Ah okay. I understand kung ano ang nararamdaman mo. Tsaka huwag mong isipin na may utang ng loob ka sa amin. Gusto lang naming makatulong sayo, Lucile. Ang maipapayo ko na lang, pagbutihin mo ang iyong pagtratrabaho diyan sa A.A.I."]

Lucile: "O-Opo. Pagbubutihin ko po."

Amelia: ["I'm glad na natanggap ka sa kumpanya ni Kuya. Anyway, pakisabi kay Mark, wala akong itim na tuxedo. Sigurado ako na iniutos niya yan sayo, Lucile."]

Lucile: "O-Opo. Tama po kayo."

Amelia: ["Well, bye for now, Lucile. And have a good day."]

Lucile: "Opo, Salamat po ulit. Ma'am Amelia."

Amelia: ["Okaaay."]

Sabay baba ni Amelia ng kanyang linya. Matapos makipag-usap sa telepono, tila gumaan ang loob ni Lucile matapos makapagpasalamat kay Amelia.

Mark: "Ano, Lucile? Okay na ba ang pakiramdam mo?"

Lucile: "Okay na po, Sir. Tsaka paano niyo po nalaman na si Ma'am Amelia ang iniisip ko?"

Mark: "Halata naman eh. Tsaka sa tuwing nababanggit ko yung salitang "Ate" nag-iiba ang naging reaksyon mo."

Lucile: "Ga-Ganon na po ba ako kadaling basahin?"

Mark: "Siguro. Kapag may kinalaman sa mga kakilala ko. Anyway, magsimula na tayong magtrabaho. Mag-aala una na."

Lucile: "Opo, Sir."

Matapos ang ilang mga pag-uusap, sinimulan na rin nina Lucile at Mark ang kanilang pagtratrabaho.

Habang nagtratrabaho, ginawa ni Lucile ang ilang ipinag-uutos ni Mark at nahalata nga nito na mahilig itong mang-utos.

Pero parte ito ng kanyang trabaho kaya sinunod ni Lucile ang lahat ng iniuutos nitong, pag-stamp sa mga report, paglilista ng mga appointments, pag reschedule ng mga meetings at pinipigilang maglaro ng android phone si Mark sa gitna ng kanilang pagtratrabaho.

Naging abala si Lucile sa araw na ito at dito rin niya naranasan ang matinding pressure sa pagtratrabaho sa isang kumpanya.

Pagdating ng alas singko ng hapon, oras na rin ito ng uwian at bago umuwi si Lucile, sandali muna siyang pinapunta sa Opisina ng C.E.O., kasama ang kanyang Boss na si Mark.

Pagdating sa C.E.O.'s office, nadatnan nilang nakaupo sa sarili nitong mesa si Ansyong at pinaupo sila sa kanyang Sofa.

Ansyong: "Lucile, kamusta ang pagtratrabaho mo dito sa kumpanya?"

Lucile: "Mabuti naman po, Sir."

Ansyong: "Mark, yung trabaho mo? Nagawa mo ba ng tama?"

Mark (arrogrant tone): "Oo naman! Nagawa ko ng tama!"

Ansyong: "Hay...Naku. Sabing wala tayo sa bahay. Anyway, balita ko Lucile, binigyan ka daw ni Mama ng susi?"

Lucile: "Opo, Sir. Eto po."

Sabay ipinakita ni Lucile ang susi ng sinasabi nitong bahay. Napakamot naman ng ulo si Ansyong ng makita ang naturang susi.

Ansyong (surprised): "Nagbibiro ba si Mama?!"

Mark: "Bakit Tol?! Tsaka lagpas alas singko na, kaya puwede na kitang tawaging "Tol".

Lucile: "Ba-Bakit po, Sir? Ma-May problema po ba sa susing ibinigay ni Madam?"

Ansyong: "Eh yun na nga ang problema eh. Susi ng dati naming bahay ang ibinigay niya sayo."

Lucile (shocked): "A-Ano po?! Dati niyong bahay?!"

Nagulat si Lucile ng malamang, susi ng dating bahay ng matanda ang ibinigay nito kay Lucile.

Kinakabahan naman si Lucile sa kung nasa tamang kundisyon pa ba ang naturang bahay.

Lucile: "Kung dati niyo pong bahay, eh di luma na po yun?"

Ansyong: "Hindi. Hindi naman sa luma. Sa katunayan nga, laging pinapaayos ni Mama ang dati niyang bahay. Pero bakit dun ka niya gustong patirahin?"

Mark: "Oo nga. Hindi ko maintindihan. Tsaka magiging kapitbahay mo pa si Nanay kapag dun ka tumira."

Lucile (curious): "A-Ano pong ibig niyong sabihin Sir Mark?"

Mark: "Well, literal na magkapitbahay. Kasi magkatabi lang yung bago niyang bahay na tinitirahan nila Ate at ni Pamangkin, at yung lumang Bahay."

Hindi lubos maintindihan ni Lucile kung bakit gusto ng matanda na maging kapitbahay sila nito. Hanggang sa may naisip na hinala si Lucile.

Lucile: (Pakiramdam ko, sinadya na maging magkapit-bahay kami ni Madam. Pero sa anong dahilan? Hindi kaya dahil kay Kit? Hinala ko talaga, noong una ko siyang makita, parang may pagtingin na siya kay Emily. Baka yun nga siguro ang dahilan.)

Ansyong: "Hay....Kung anuman ang dahilan ni Nanay, sana man lang nasa tama ang kanyang desisyon at hindi pa siya nag-uulyanin. Either way, congratulations sayo Lucile at welcome ulit sa kumpanya."

Lucile: "Salamat po, Sir."

Mark: "Tol! Puwedeng mauna na ako sa in-!"

Ansyong: "Mark! Hanggang diyan ka na lang! Alam kong gusto mo na naman magbulakbol! At pumunta sa kung saang mga Bar dyan! Kaya umuwi na tayo!"

Mark: "Malas naman oh. Lucile, kung gusto mo, ihatid ka na rin namin sa tinutuluyan mo."

Lucile: "Uhm...Sir, hindi na po kailangan. nakatira lang naman po ako sa malapit na nirerentahang bahay."

Mark: "Kung ganun, umalis na tayo. Matutulog pa ako ng maaga."

At umalis mula sa building sila Lucile, Mark at Ansyong. Pagdating sa baba, agad naglakad papunta sa parking lot ang magkapatid.

Si Lucile naman ay naglakad papunta sa malapit na tinutuluyang House for rent.

Habang naglalakad, masaya si Lucile dahil natupad na rin ang kanyang mga pangarap na makapagtrabaho sa isang kumpanya at ang magkaroon din ng sariling bahay.

Kaya agad niyang itinext ang magandang balita kay Emily na lilipat na sila sa bago nilang bahay, pagdating ng sabado.

Nang mabasa ni Emily ang text ng kanyang Ate, laking tuwa naman nito dahil sa wakas ay natupad na ang kanilang pangarap na magkaroon ng sariling tahanan.