webnovel

Chapter 39- Christmas Party

Isang araw, makalipas ang nangyaring pagrarally ng mga magulang at estudyante sa harap ng Seladona Junior Science High School, nahatulan ng "Guilty" nang Judge sa Korte, sa patung-patong ng mga kaso na isinampa ng mga pamilya ng biktima, laban kay Ramon at sa kanyang Boss na si Mr. Bugas, at parusang pang habang-buhay na pagkakakulong ang ipinataw sa kanila dahil na rin sa tatlong kaso ng "Murder" na kinasasangkutan ng dalawa.

Kaya nakahinga ng maluwag ang pamilya ng mga nabiktima nung dalawa, lalo na kay Emily, matapos ibalita sa text ng Founder na tuluyan nang nakulong si Ramon.

Matapos ang araw kung saan nakulong sina Ramon at ang Boss nito, naging abala ang mga estudyante sa pagdedecorate ng Eskwelahan dahil na rin sa paparating na ang araw ng Pasko.

Ngunit hindi pinapansin ni Emily si Kit sa tuwing lalapit ito para tulungan siyang magdecorate.

Ilang araw na rin mula noong ginawa ni Kit ang nagawa nitong pagkakamali ay patuloy pa rin siyang hindi pinapansin ni Emily.

Hanggang sa dumating ang araw ng kanilang Christmas party at hindi pa rin pinapansin ni Emily si Kit.

Masaya ang bawat estudyante sa Classroom dahil sa kanya-kanyang diskarte ng mga ito na mapasaya ang kanilang Christmas Party.

Abala naman sina Emily at Nina sa pagsasa-ayos at paglilista ng mga regalo sa kanilang log book mula sa kanilang ng mga kaklase, para masigurong may regalo ang lahat ng mga dadalo sa kanilang Christmas Party.

Tsaka nila inilalagay sa mesa na dapat kalagyan ng mga regalo.

Ngunit napansin ni Emily na hindi nya ito nakita ang kanyang pangalan sa mga regalo.

Bagamat, kumpleto ang attendance nang lahat ng kanyang mga kaklase, naghinala si Emily na may ginawa na namang kababalaghan si Kit, kung kaya't nawawala ang kanyang regalo.

Emily: "Nina, napansin ko, wala ang pangalan ko sa mga regalo."

Nina: "Ha? Wala ang pangalan mo?"

Emily: "May hinala akong si Kit ang nakabunot sa akin."

Nina: "Bakit naman? Dahil ba sa wala siyang dalang regalo?"

Emily: "Oo, Nina. Hinala ko, gumaganti siya dahil sa hindi ko pagpansin sa kanya ng ilang araw."

Nina: "Alam mo, nagtataka na ako sa inyong dalawa. Ilang araw mo siyang hindi pinapansin kapag lumalapit siya sayo para tulungan ka sa mga ginagawa mo, tapos kapag magtetext siya sa Android Phone mo, ang lagi mong reply: "Okay lang ako. Huwag ka nang magchat." Sabay block ulit sa number niya. Sabihin mo nga, Emily? Ano bang ginawa niya sayo at hindi mo siya pinapansin?"

Natigilan si Emily sa itinanong ni Nina dahil na rin sa naalala pa rin nito, ang biglang paghalik ni Kit ng walang pasabi at nag-aalala siyang baka malaman ni Nina na hinalikan siya ni Kit.

Kaya naiilang at palusot niyang sinagot ang tanong ni Nina."

Emily (denial tone): "Eh..Ano... Siyempre! Naiinis pa rin ako sa pasikreto niyang pagbabantay sa akin! Nakabuntot pa rin si Kit, kahit na ibinigay ko na yung number ko sa kanya at nagtetext ako sa kanya!"

Nina: "Sigurado ka?"

Emily: "Oo, Nina! Sigurado ako! At wala ng ibang dahilan!"

Nina: (Sa nakikita ko, hindi ganun ang dahilan mo, Emily. Pakiramdam ko, talagang may ginawa sayo si Kit. Matanong ko kaya siya mamaya.)

Hanggang sa dumating ang kanilang guro at agad sinabihan ang kanyang mga estudyante na simulan ang kanilang Christmas party.

Sir Joey: "Guys! Simulan na natin ang Party! Kaya anong hinihintay niyo, magpalaro na tayo?!"

Edward: "Sir, nakalagay po dito sa Program, mag-lead po muna tayo ng Prayer. Tapos Introduction ang susunod."

Sir Joey: "Sige, tahimik muna guys! Lead the Prayer muna."

Agad tinawag ni Sir Joey ang isa sa kanyang estudyante tsaka sila nagdasal. Pagkatapos magdasal, agad sinumulan ni Sir Joey ang Party.

Sir Joey: "Okay! Simulan na natin ang palaro?! Anong una nating lalaruin nang makapag-videoke na ako?!"

Edward: "Sir, may Intro-!"

Sir Joey: "Wala ng intro-intro! Itapon mo na nga yan Program na iyan! At magpalaro na tayo!"

Edward (disappointed): (Grabe kayo, Sir. Ipinagawa niyo pa sa akin itong Program tapos hindi niyo rin lang pala susundin.)

Bagamat, nadismaya si Edward dahil sa hindi nagamit ang kayang ginawang Program para sa kanilang Christmas Party, nag-enjoy din naman ito sa kanilang palaro.

Naging masaya ang lahat ng estudyante dahil sa mga ihinandang palaro ng iba nilang kaklase.

Nanalo naman sa palaro tulad ng Newspaper dance sina Isaac at Nina, sa larong Stop Dance naman si Daniel, Bring Me naman sila Althea, Allan at Allen, sa larong longest line ang mga Grupo ni Ruby kasama sila Axel, Claire at Edward, at Direction Dance na si Emily.

Matapos ang palaro, nagbigay naman ng premyong 500 pesos sa Videoke ang kanilang Guro sa kung sino ang makakatalo sa kanya sa score na 100 at nagyabang ito sa buong klase.

Dahil na rin sa may pagka-sintonado ang karamihan at maling kanta ang kinakanta ng mga estudyante.

Sinubukan ng magkakaibigan na talunin ang score ng kanilang guro.

Abala naman si Kit sa pagkain ng kanyang Spaghetti sa kanyang plato at hindi pinapansin ang mga kumakanta.

Daniel: "Naks! Muntik na! Naka 98 na score si Emily."

Nina: "Hay....Sayang naman, Emily. Malapit mo nang matalo si Sir."

Emily: "Oo nga! Sayang!"

Sir Joey: "Hahaha! Better luck next time, Emily! Sayang talaga!"

Ruby: "Sige! Ako nga! Pasubok!"

Edward: "Galingan mo, Ruby! Talunin mo si Sir!"

Ivy: "Ruby, bigyan mo kami ng hustisya! 80 lang kasi ang nakuha ko kanina."

Ruby: "Oo! Akong bahala!"

Hinanap ni Ruby ang kantang "Rolling in the Deep" na isa sa kinakanta ng karamihang mga singer sa TV. Ngunit, nang patapos na ang kanta, tsaka lang pumiyok si Ruby.

Kung kaya't natawa ang lahat ng mga nakikinig, tsaka pa ito nakakuha ng 95 na score.

Ruby (irrirated): "Kakainis! Kasalanan ng piyok na yan!"

Sir Joey (arrogrant tone): "Hahahaha! Ang hihina niyo namang kumanta! Hahaha!"

Nina: "Grabe naman po kayo, Sir. Minamaliit niyo talaga kami."

Claire: "Oo nga po, Sir. Huwag naman po kayong ganyan!"

Edward: (Pero sa tutuusin, talagang ipagyayabang ni Sir ang kanyang Extra talent. Lalo na't magaling talaga siya kumanta.)

Daniel: (Siguro, hindi na tatawa at magyayabang yan kapag hindi lang nabitin ng points si Emily.)

Sir Joey (sarcastic tone): "So Guys? Wala na bang kakanta? Wala na bang makakatalo sa aking Score? Kulang kasi kayo sa Praktis! Hahahaha!"

Axel: (Grabe! Ang yabang din pala ni Sir, pagdating sa kantahan. Sana makahanap ka ng katapat!)

Hanggang sa mapansin ni Nina na tanging si Kit lang ang hindi pa kumakanta sa harap ng videoke at kanina pa ito tahimik na nanonood sa kanilang palaro.

Kaya iminungkahi nito na pakantahin si Kit.

Nina: "Sir! May secret weapon pa kami! May isa pang estudyante dito na hindi ko pa nakitang kumanta sa harap ng Videoke!"

Sir Joey: "Ha? Talaga? Sino naman yun?!"

Nina: "Sino pa ba? Eh di si Kit!"

Nagulat at biglang nabilaukan si Kit matapos nitong marinig si Nina sa kanyang mungkahi.

Agad naman siyang tinapik sa likod ng Kambal para hindi bumara sa kanyang lalamunan ang kanyang kinakain.

Allan: "Grabe ka naman! Nina! Pakakantahin mo talaga si Kit?! Halos mabilaukan siya sa sinabi mo!"

Allen: "Oo nga! Tsaka okay ka lang ba Kit?"

Matapos siyang tulungan ng Kambal na mahimasmasan mula sa pagkakabilaok, uminom ito ng tubig at tumango kay Allen bilang pagsang-ayon na okay na ito.

Hanggang sa namumulang nagdahilan si Kit sa kanyang mga kaklase.

Kit: "Sintunado ako! Kaya huwag niyo akong isali dyan!"

Nina: "Sintunado? Hindi ka pa nga namin naririnig kumanta."

Axel: "Oo nga, Kit. Pagbigyan mo naman kaming marinig ang boses mo sa pagkanta."

Kit (blushing): "Ayoko! Huwag niyo akong isali diyan!"

Emily: (Hmm....Ba't parang nagblublush siya? Nahihiya ba siyang kumanta? Teka... Iprovoke ko kaya siyang kumanta.)

Nang mapansin ni Emily ang tila kahinaan ni Kit, sinubukan niya itong insultuhin para mapilitan itong kumanta.

Emily: "Nina, siguro nga, sintunado nga talaga siya."

Nina: "Paano mo naman nasabi, Emily?"

Emily: "Siyempre, lagi siyang tahimik. Minsan pa nga, halos hindi na rin siya magsalita. Tsaka hindi ugali ng mga singer ang manahimik sa kantahan, hindi ba? Hindi gaya ni Sir Joey. Proud pa siya sa kanyang boses kaya ipinagyayabang ni Sir kanina ang kanyang 100 na score."

Isaac: "So, sinasabi mo, Emily, na hindi din natin maasahan si Kit sa pagkanta para talunin si Sir?"

Emily: "Oo, Isaac. Ganun na nga."

Ruby: "Then, it's hopeless pa din kahit pakantahin pa natin si Boy tahimik."

Kit (annoyed): (Aba't...! Talagang...! Pinapalabas mo pang hindi ako marunong kumanta ha?!)

Napikon si Kit sa mga sinabing pang iinsulto ni Emily. Kaya bigla itong tumayo sa kanyang upuan at naiinis na pumunta sa harap ng Videoke.

Nagulat naman ang lahat sa naging reaksyon ni Kit at natutuwa naman si Emily sa kanyang pang-provoke kay Kit na kumanta.

Ngunit may napansing kakaiba si Emily sa title ng kanta na inilagay ni Kit.

Emily: "Hmm? "(Everything I do) I do it for you" by Bryan Adams?"

Nina: "Teka? Di ba mababa ang tono niyan?"

Emily: "Hindi ko alam. Hindi ko pa naman naririnig ang kantang iyan."

Daniel: "Oo. Parang mababa yan. Narinig kong kinakanta ng Tatay ko yan."

Isaac: "Kung mababa yan, paano makakakuha ng score na 100 si Kit sa ganyang klase ng kanta?"

Sir Joey: "Kahit mababa ang tono ng kanta, hindi niyo dapat siya minamaliit. Minsan may mga kanta sa Videoke na mababa ang tono ngunit 100 ang Score kapag nakanta ng maayos."

Emily: "Sir, sinasabi niyo po ba na posibleng maka-score ng 100 si Kit kahit hindi niya kantahin, ang kantang mataas ang tono, basta't makanta lang niya ito ng maayos?"

Sir Joey: "Oo, Emily. At kahihiyan yun sa inyong mga kumakanta ng kantang matataas ang tono. hahahaha!"

Emily: (Pambihira! Parang naisahan pa ako ni Kit. Pero pakinggan nga muna natin kung makakakuha nga siya ng score na 100.)

Maya't maya, kinanta ni Kit ang kantang kanyang pinili sa Videoke at gaya ng inaasahan ni Sir Joey, kinanta ni Kit ng maayos at malumanay ang naturang kanta.

Imbis na mag-alala ang mga kaibigan ni Emily sa pagkanta ni Kit, naantig pa ang mga ito dahil na rin sa bumagay sa kanta ang malumanay at malamig nitong boses.

Hindi na rin ipinagkaila ni Emily sa kanyang sarili na nagustuhan nito ang boses ni Kit.

Emily: "A-Ang ganda palang pakinggan ng boses ni Kit."

Allan: "Oo nga! Sarap sa Ears."

Allen: "Oo nga."

Nina (teasing): "Ayieee! Nagugustuhan mo na ba si Kit, Emily?"

Emily (blushing slightly): "Oy! Hindi ah! Gusto ko lang siyang kumanta! Pero hindi ibig sabihin nun na gusto ko na siya!"

Allen: "Oo nga!"

Nina: "Allen, huwag ka ngang nakiki-alam sa usapan ng iba!"

Allan: "Oo nga!"

Nina: "Hay..Naku! Isa pa to!"

Althea: "Ano? Sila na ba ni Emily, Nina?"

Nina: "Oo daw! Alt!"

Emily (denial tone): "Alt! Huwag kang maniwala kay Nina! Hindi yan totoo!"

Althea: "Talaga?! Sila na?! Uy guys!! Sila na daw ni Kit at Emi-!"

Emily (denial tone): "Huwag kayong maniwala! Hindi yan totoo!"

Axel: "Ano daw?"

Isaac: "Hindi ko gaanong narinig."

Edward: "Sabi may tutong daw sa Pasta ng Spaghetti.

Daniel: "Sabi ko na nga ba! Basta talaga magluto si Allen, laging may sunog sa Pasta!"

Ruby: "Ano?! Pasta sa ngipin?! Never since birth pa ako nagpapapasta ng ngipin!"

Hanggang sa tuluyan nang hindi nagkaintindihan ang mga magkakaibigan dahil sa lakas ng tugtog ng Videoke.

Ngunit nabaling ang atensyon ng mga magkakaibigan sa screen ng Videoke machine, matapos makita ang score na 100 ni Kit at hindi makapaniwala ang mga ito sa kanilang nakikita.

Emily (shocked): "A-Ano?! 100!"

Nina: "Wow! Totoo nga yung sinabi ni Sir Joey."

Daniel: "Kung ganun, gagayahin ko yung style ng pagkanta ni Kit. Para manalo ako sa singing contest ng Christmas Party ng Barangay namin!"

Sir Joey: "Wow! Perfect Score! Haha! Kita niyo yan?! Tama ang hinala kong makakakuha ng 100 si Kit! Kaya eto ang premyo mo!"

Iniabot ni Sir Joey ang papremyo nitong 500 pesos kay Kit. Ngunit, naging kakaiba ang ikinilos nito matapos kumanta kung saan mabilis nitong hinablot ang perang 500 tsaka ito naglakad sa upuan ni Emily sabay galit nitong inilatag ang pera sa harap ng mesa nito, gamit ang kanyang kanang kamay.

Nagulat naman sila Emily at ang kanyang mga kaibigan sa galit na reaksyon ni Kit.

Kit (irrirated): "Eto! Regalo ko na eto sayo sa pang papahiya mo sa akin sa maraming tao!"

Emily: "Ba't mo binibigay yan sa akin? Eh premyo mo naman yan?! Tsaka, anong masama sa pagkanta mo? Wala namang naging problema?!"

Kit (annoyed): "Wala nga! Pero ipinahiya niyo ako!"

Nina: "Kit, hindi ka naman namin pinilit na kumanta. Iminungkahi ko lang kay Sir Joey na hindi ka pa kumakanta! Tsaka kusa kang naglakad sa harap ng Videoke. Kaya huwag mo kaming sisihin sa pagkanta mo sa harap!"

Emily: "Oo nga naman, Kit! Tama si Nina! Kusa ka namang pumunta sa harap ng Videoke Machine! Kaya huwag mo kaming pinagbibintangan sa sinasabi mo!"

Tahimik na nakipagtitigan sa mata si Kit kay Emily, tsaka ito umalis at bumalik sa kanyang upuan.

Iniwan naman nito ang 500 pesos na papremyo, sa upuan ni Emily.

Ngunit hinayaan na lang ito ng mga magkakaibigan at itinuloy ang Christmas Party.

Nang magsimula ang Gift giving ceremony, may mga ilang estudyante na natuwa sa kanilang natanggap na regalo at ang iba naman ay nadismaya.

Excited naman ang lahat ng mga magkakaibigan habang inaanunsyo si Sir Joey ang kanilang pangalan sa mga regalo.

Sir Joey: "Isang maliit na regalo! To Nina! From Isaac."

Agad inabot kay Nina ang maliit na regalo, mula sa kanyang guro. Tsaka ito binuksan.

Nina: "Wow! Isaac! Thank you! Ang ganda ng Bracelet!"

Isaac: "Salamat din, Nina, sa T-Shirt. Gagamitin ko to sa simbang gabi."

Sunod namang tinawag ni Sir Joey ang pangalan sa hawak niyang regalo.

Sir Joey: "To Jackson, From Daniel. Tsaka, kakaiba ata to? Sobrang laki ng regalo. Parang unan ha?"

Daniel: (Matuwa ka sana dyan sa regalo ko, Jackson. Kasi hinanap ko pa yan sa Gym Supply and Merchandise.)

Jackson: "Uy! Punching bag! Haha! Salamat, Daniel!"

Sir Joey: "Okay! Sunod naman; To Allan, from Jackson. At kakaiba na namang regalo. Parang unan na naman, pero maliit."

Pagbukas ni Allan sa kanyang regalo, nagulat ito sa kanyang nakita.

Allan: "Pro-Protective Gear?! Sa-Saan ko naman gagamitin ang bagay na to?!"

Jackson: "Siyempre! Para sa mga kamao ko! Kaya isuot mo na nang masubukan ko kung kaya ka niyan protektahan mula sa suntok ko! Hahahahaha!"

Allan: "Ahh! Sayo na yan! Isaksak mo sa baga mo! Gorilya!"

Jackson (annoyed): "Hoy! Sinong "Gorilya", ha?! Bumalik ka nga dito!!"

Sabay takbo ni Allan at iniwan ang regalo nitong natanggap mula kay Jackson.

Nagalit at hinabol naman ni Jackson si Allan matapos siyang sabihan na "Gorilya".

Axel: "Grabe...Hanggang sa Christmas Party, naghahabulan pa rin ang dalawang yan."

Hanggang sa tinamad na si Sir Joey sa pag-aanunsyo ng mga pangalan sa mga regalo at pinalapit na lang ang mga estudyante sa mesa na may mga regalo.

Sir Joey: "Alam niyo guys, gusto ko nang umuwi ng maaga ngayon. Kaya naman, kunin niyo na ang mga regalo ninyo sa mesa at agad niyo nang buksan ng makauwi na tayong lahat!"

Edward: "Parang nagmamadali ata si Sir Joey. May lakad ba siya?"

Samantha: "Hindi. Pero balita ko sa mga estudyante sa ibang Section, Christmas Party ng mga Teachers sa bahay ng Founder, mamayang hapon. Kaya siguro nagmamadali si Sir na matapos ang Christmas Party natin dahil hindi pa ata siya nakapagluto ng Carbonara na ambag niya sa kanilang party."

Edward: "Ka-Kaya pala, binale-wala na lang niya yung ginawa kong Program."

Agad namang lumapit ang mga estudyante sa mesa at kinuha ang kanilang regalo.

Ivy: "Allen, marunong ka pa lang maghanap ng magandang damit. Nagustuhan ko tong T-Shirt na regalo mo."

Allen: "Salamat, Ivy. Buti nagustuhan mo. Tsaka Althea, okay itong pantalon na niregalo mo, mukhang Rubberize!"

Althea: "Anong Rubberize?! Stretchable yan! Hindi Rubberize! Gawin ba talagang sapatos ang pantalon?!"

Edward: "Speaking of sapatos, nag-abala ka pa, Ruby. Medyo mahal ata etong iniregalo mo."

Ruby: "Okay lang, Edward. Basta para sayo, walang problema sa akin."

Edward: "Ta-Talaga? Salamat ha."

Ruby: "Your welcome."

Axel (teasing): "Wow! Ang sweet naman ng dalawang eto!"

Nina: "Oo nga. Tsaka lumalabas na din ang tunay na ugali ni Ruby na mabait."

Ruby: "Ga-Ganun ba? Uhm....Ano namang natanggap mong regalo, Axel?"

Axel: "Eh ano... T-Shirt din."

Nina: "Ayos ha. Halos lahat kayo panay T-Shirt ang natanggap. Pati nga rin si Claire, T-Shirt din ang natanggap."

Claire: "Okay lang, Nina. Wala namang problema sa akin yung regalo ni Emily. Ang inaalala ko ngayon ay si Emily."

Nina: "Bakit naman, Claire?"

Claire: "Kasi wala siyang regalo at wala na ding regalo sa mesa."

Nina (shocked): "Ha?!"

Nabigla ang mga kaibigan ni Emily matapos nilang marinig ang sinabi ni Claire, tsaka nila tinignan ang mesa at nakita nga nilang, wala ng natirang regalo sa mesa.

Nang makita naman ng kanilang guro na wala ng regalo sa mesa, agad naman itong pinauwi ang mga estudyante.

Sir Joey: "Guys! Dahil wala ng regalo sa mesa, ibig sabihin natanggap niyo na lahat ng inyong mga regalo! Kaya maari na kayong umuwi!"

Nina: "Sir! Wala pong natanggap na regalo si Emily! Kaya dapat po-!"

Sir Joey: "Pasensya na, Nina! Nagmamadali ako. Kung may problema man kayo sa nakabunot kay Emily, sa kanya kayo makipag-usap. Tsaka si Kit pala ang nakabunot kay Emily, sa pagkakaalala ko. Kaya naman, sa kanya kayo makipag-usap at umuwi na kayong lahat! Magkita na lang tayo, Next Year!"

Sabay alis ng kanilang guro kasabay ng mga estudyanteng nagsilabasan mula sa kanilang Classroom, dala ang ilang mga tirang mga pagkain.

Dismayado naman si Emily matapos hindi matanggap ang kanyang regalo at hinala niya, sinadyang hindi ibigay o kaya hindi naghanda ng regalo si Kit.

Naisip ni Emily na marahil ay dahil ito sa hindi niya pagpansin kay Kit noong mga nakaraang araw at marahil din ay dahil sa pang-iinsulto niya rito para mapuwersa itong kumanta sa harap ng lahat. Kaya muli na naman niyang sinisi ang kanyang sarili.

Emily: "Nina, mukhang nagalit si Kit sa akin."

Nina: "Nagalit sayo?! Hindi nga siya naghanda ng regalo para sayo! Tapos siya pa ang may ganang magalit?!"

Emily: "Oo. Hindi nga siya naghanda ng regalo. Pero may atraso din ako kay Kit, kaya siguro pinili na lang niyang hindi magbigay ng regalo."

Althea: "Pero hindi naman tama na hindi ka niya bigyan ng regalo! Lahat kami, nakatanggap, ikaw lang ang wala?! Hindi naman patas yun!"

Isaac: "Puntahan kaya natin siya sa Roof Deck? Sigurado akong nandun yun sa loob ng kanyang kubo at natutulog."

Althea: "Oo nga noh? Tara puntahan natin!"

Pupuntahan sana ng mga magkakaibigan ang Roof Deck para tanungin si Kit, nang pinigilan sila ni Emily.

Emily: "Guys! Mas makakabuti kung ako na lang mag-isa ang pupunta kay Kit."

Nina: "Ano? Pupuntahan mo si Kit ng ikaw lang mag-isa?"

Emily: "Oo, Nina. Tsaka sigurado naman akong mas gusto ni Kit na makipag-usap sa akin ng kami lang. Kaya kung okay lang sa inyo, ako na ang bahala sa kanya."

Nina: "Kung sabagay, may punto ka sa sinabi mo."

Althea: "Kung ganon, uuwi na ba kami? O hihintayin ka pa namin sa labas ng Gate?"

Emily: "Mas mabuti kung umuwi na kayo, Alt. Mag-usap na lang tayo sa chat kung ano ang mapag-uusapan namin ni Kit."

Nina: "Eh di mauuna na rin akong umuwi sa bahay, Emily. Hintayin na lang kita dun ha?"

Emily: "Oo, Nina."

Tsaka umalis ang mga kaibigan ni Emily para umuwi sa kanilang mga bahay.

Agad namang pinuntahan ni Emily ang Roof deck ng kanilang School para kausapin si Kit.

Pagdating sa Roof Deck, pumunta si Emily sa Kubo nito at nadatnan si Kit na nakaupo sa pinto, habang umiinom ng softdrinks. Agad naman kinausap ni Emily si Kit.

Emily: "Kit, sabi ni Sir Joey, ikaw daw ang nakabunot sa akin. Totoo ba?"

Kit: "Ako nga."

Emily: "Nasaan ang regalo ko?!"

Kit: "Binigay ko na kanina."

Emily: "Yung alin? Yung 500 pesos?!"

Tumango si Kit sa sinabi ni Emily. Nagsisimula naman mainis si Emily matapos nitong sabibin na ang perang papremyo sa Videoke na 500 pesos kanina ay ang regalo ni Kit kay Emily.

Kalauna'y naisip ni Emily na iniinsulto rin siya ni Kit dahil sa pang iinsulto din niya kanina para pwersahing kumanta si Kit sa harap ng lahat. Kaya mahinahong kinausap ni Emily si Kit.

Emily (apologizing): "Kit, patawarin mo sana ako kung hindi kita pinapansin noong mga nakaraang araw. Tsaka kung isa din sa ikinakagalit mo yung pang iinsulto ko sayo kanina para mapuwersa kitang mapakanta, patawarin mo ulit sana ako."

Seryosong tinitigan ni Kit si Emily dahil sa paghingi nito ng tawad, tsaka ito nagsalita.

Kit: "Walang problema sa akin yung hindi mo pamamansin noong mga nakaraang araw. Pero, yung pakantahin ako sa harap ng maraming tao, hindi ako natutuwa."

Matapos sabihin ni Kit na hindi ito natutuwa sa kanyang pagkanta, napansin ni Emily ay tila galit nitong reaksyon sa tuwing maalala ang pagpapakanta sa kanya ni Emily.

Kaya nagtanong si Emily sa kung ano ang ikinagagalit ni Kit sa pagkanta.

Emily: "Kit, huwag ka sanang magagalit. Pero gusto kong malaman kung ano ang ikinagagalit mo sa pagkanta sa harap ng maraming tao? Magaling ka naman kumanta."

Tahimik na hindi sinagot at naiinis si Kit sa itinanong ni Emily.

Nag-aalala naman si Emily sa naging reaksyon ni Kit dahil na rin sa takot na baka bigla siyang saktan nito.

Hanggang sa nagsalita si Kit sa kung ano ang kanyang ikinagagalit.

Kit (disappointed): "Hindi ako galit sayo, Emily. Pero naiinis ako sa sarili ko dahil hindi na ako maririnig pa ni Papa na kumanta."

Emily (confused): "A-Anong ibig mong sabihin, Kit?"

Muling tumahimik si Kit habang iniisip ang kanyang mga sasabihin.

May pakiramdam naman si Emily na ang sinabi nito marahil ang pinaka-ugat ng kanyang inis sa pagkanta.

Kaya't nagka-interest si Emily na alamin ang itinatagong kwento sa pagiging galit ni Kit sa pagkanta, tsaka siya umupo sa tabi nito.

Nang mapansin ni Kit na umupo ito sa kanyang tabi, sinagot nito ang tanong ni Emily.

Kit: "Dalawang taon na ang nakakaraan, namatay si Papa sa isang aksidente."

Emily: "Da-Dalawang taon na ang nakakraan?! Sa isang aksidente?"

Kit: "Oo. Sa karambola ng mga sasakyan."

Nagulat at hindi rin makapaniwala si Emily sa sinabing dahilan ni Kit.

Naisip ni Emily na namatay pareho ang kanilang magulang sa iisang lugar at sa uri ng aksidente na kanilang ikinasawi, matapos niyang maalala na namatay din sa parehong pangyayari ang kaniyang mga magulang.

Kahalin-tulad din sa pagkamatay ng tatay ni Kit. Muling nagdagdag pa si Kit.

Kit: "Noong panahong iyon, kasali ako sa isang Singing Contest. Isinali niya ako dahil kaya ko daw manalo. Pinapraktis din niya sa akin yung paborito niyang kanta, yun ay ang kantang narinig mo kanina, Emily."

Tahimik lang na nakikinig si Emily sa kwento ni Kit at hinihintay na sabihin ang tunay na dahilan ng pagkainis ni Kit sa pagkanta.

Ngunit naisip din ni Emily na baka may koneksyon ang pangyayaring iyon sa kakaibang pag-uugali ni Kit.

Kaya nagpatuloy sa pakikinig si Emily hanggang sa ikwinento ni Kit ang dahilan ng kanyang kakaibang pag-uugali.

Kit: "Nang sa mga oras na iyon, umaasa ako na maririnig akong kumanta ni Papa. Kasi sabi niya hahabol daw siya at makikita ko siya sa likod ng mga audience. Pero nung ako na ang kakanta, hindi ko siya makita sa likod ng mga tao. Nataranta ako nang tumugtog ang background ng kanta, kaya sinusubukan kong humabol sa tono. Hanggang sa pinagtatawanan na ako ng lahat. Kaya umalis ako sa Stage at umuwi sa bahay na sobrang nahihiya."

Emily: "Kaya ba magmula noon, ayaw mo na sa maraming mga tao?"

Tumango si Kit sa tanong ni Emily at naunawaan ni Emily kung bakit ayaw nito sa maraming tao.

Kit: "Naiinis ako noon, dahil sa hindi dumating si Papa para supportahan ako sa Contest. Iniisip ko noong mga panahong iyon, ipinasubo niya ako at sinadya niya akong ipahiya sa lahat. Hanggang sa malaman ko na lang, wala na pala siya at nasali siya sa aksidenteng iyon. Kaya magmula noon, natakot na ako sa maraming tao. Natakot na rin akong mapahiya at pagtawanan ng lahat. Kaya kapag kinakausap ako, hindi ako sumasagot at lumalayo ako sa lahat."

Emily: (Kaya pala. Ganun pala ang nangyari. Natakot si Kit na makihalubilo sa lahat dahil natakot siyang mapahiya. Tsaka nagalit din siya sa biglang pagkawala ng kanyang tatay. Pero di gaya ko, naunawaan niyang wala na ang kanyang tatay. Pero may mga bagay pa rin na masakit pa rin kay Kit kapag may kinalaman sa pagkawala ng kanyang tatay. Tulad na lang ng pagkanta.)

Matapos marinig ni Emily ang tunay na dahilan ng kung bakit kakaiba ang pag-uugali at ayaw kumanta ni Kit, naisip ni Emily na katulad lang niya si Kit.

Dahil sa nagtanim din siya ng galit at sinisisi ang biglaang pagkawala ng kanyang mga magulang. Kung kaya't ibinalik din ni Emily ang ilang sinabi ni Kit noon sa kanya.

Emily: "Kit, nauunawaan ko na kung bakit ka ganyan sa mga kaklase natin at pati na rin sa ibang tao. Pero huwag mong sisihin ang pagkawala ng tatay mo sa mga nangyayari sayo. Tsaka-!"

Kit: "Oy! Ako nagsabi niyan! Huwag mong gamitin laban sa akin!"

Emily: "...Sorry... Kung alam ko lang, eh di sana hindi na lang kita ininsulto kanina. At pasensya na rin sa mga nasabi ko."

Muli na namang tumahimik si Kit sa sinabi ni Emily at tinanggap nito ang paghingi nito ng tawad.

Hanggang sa muli na namang nagsalita si Kit.

Kit: "Alam mo, si Papa lang ang tanging tao na malapit sa akin. Siya lang ang palagi kong nakakasama at nakakausap noon sa bahay. Palagi kasing busy si Mama sa kanyang trabaho. Kaya ang sakit sa pakiramdam kapag na-aalala kong wala na pala siya. At ang tanging ala-alang maalala ko sa kanya ay yung paborito niyang kanta na ipinilit niyang pinapakanta sa akin. Pero ano pang silbi na kantahin ko pa ang paborito niyang kanta kung hindi na rin niya maririnig?"

Emily: "Eh di kantahin mo para sa lahat!"

Nagulat si Kit matapos sabihin nito na kantahin ang kanta para sa lahat. Ngunit nainis si Kit sa sinabi ni Emily.

Kit (unamused): "Kantahin ko sa lahat?! Bakit ko naman gagawin yun?! Tsaka pagtatawanan niyo lang ako!"

Emily (annoyed): "Pagtatawanan?! Tumawa ba kami noong narinig ka naming kumanta?! Hindi, di ba?!"

Kit: "Hindi. Pero..."

Emily (irrirated): "Pero natatakot ka?! Natatakot kang mapahiya sa pagkanta?! Pero hindi ka nahihiyang manakit ng mga pasaway dito sa School at mga Kriminal?!"

Kit: "Uhm....Siguro."

Emily: "Kung hindi mo kayang kumanta para sa lahat, eh di kumanta ka para sa akin!"

Kit (blushing): "Para...Sayo..?"

Biglang namula ang pisngi ni Kit matapos seryosong sabihin ni Emily na kumanta siya para rito.

Natauhan naman si Emily sa kanyang nasabi.

Emily (blushing): (Uhm....tama ba yung nasabi ko kay Kit na dapat kumanta siya para sa akin? Parang lumalabas na hinihikayat ko pa siyang maging BF ko sa aking nasabi. Sa-Sana balewalain niya lang yung nasabi ko.)

Tila naisip ni Kit na pinapalakas ni Emily ang kanyang loob, na tulad din ng kanyang panghihikayat kay Emily noon na huwag magpakamatay at naisip niyang bumabawi ito sa kanya.

Kaya sinubukang tanggapin ni Kit ang mungkahi si Emily.

Kit: "Emily, hindi mo ba sinasabi ang mga nasasabi mo ngayon dahil sa regalo?"

Emily: "Hayaan mo na ang regalo. Basta't marinig lang kitang kumanta, okay na ako."

Sandaling pinag-isipan ni Kit ang sinabi ni Emily hanggang sa may naisip itong ideya.

Kaya tumayo agad si Kit mula sa pagkakaupo at hinila si Emily, tsaka sila naglakad paalis sa Roof Deck.

Nagulat naman si Emily sa paghila ni Kit at nagtataka sa kung saan siya nito dadalhin.

Emily (shocked): "Ki-Kit?! A-Anong iniisip mo?! Saan ba tayo pupunta?!"

Kit: "Pasensya na kung biglaan, pero samahan mo muna ako sa Mall."

Emily: "Ha?! Sa Mall?! Anong gagawin natin sa Mall?!"

Kit: "Bibili tayo ng regalo mo."

Emily (shocked): "Re-Regalo?!"

Kit: "Basta! Sumama ka na lang!"

Hindi mawari sa isipan ni Emily kung bakit biglang naisip ni Kit na bumili ng regalo para sa kanya.

Gayun pa man, malalaman na lang ni Emily kay Kit kung ano ang bibilhin nitong regalo, pagdating nila sa Mall.