webnovel

Shitsuren

This is a story is not just your ordinary love story, the story revolves on Raye and Cindy both female, but has a very strong feelings about each other.

Lexibelhime · LGBT+
Pas assez d’évaluations
17 Chs

Chapter TWO

Exams na, Mid terms na namin kaya halos kalahating araw lang kaming nasa school. Hindi rin kami masyadong tumatambay ngayon kasi exams aral aral muna, saka na ulit ang tambay pag tapos na ng exams. Mahirap na baka may maiwan kaming subject. Ang usapan namin dapat sabay sabay kami grumaduate, walang maiiwan...

Pagkatapos ng exam ko sa Chemistry dumeretso na ako sa bahay, ilang araw na din kasi akong puyat kaya kailangan ko munang matulog bago ako magaral ulit para sa last exams bukas di naman na ganun kailangan aralin yung exams bukas kasi Photography class at PE nalang ang natitira. Pag dating ko sa bahay, as usual ako lang magisa. Hindi naman kalakihan yung bahay namin, sakto lang. Hanggang tatlong floors yung bahay namin. Sa third floor ung kwarto ko, loft style kasi yung third floor kaya room ko lang at isang malaking space ang makikita mo. May bookshelf pag tumingin ka sa right side pagakyat mo sa stairs nasa left side naman yung kwarto ko, may sofa din na kasya apat na tao malapit sa bookshelf at may table din, katabi ng bookshelf yung pc ko. Hanggat maari kasi gusto ko kama lang at kabinet na lagayan ng mga damit ko ang laman ng kwarto ko para talagang relaxing. Siguro nagtataka kayo kung bakit ako lang magisa dito sa bahay. Actually may mga katulong akong kasama, pero nakabakasyon sila ngayon sa makalawa naman nandito na din sila. Parents ko naman nasa states may business kasi kami doon kaya dun na sila nakatira para maasikaso, kasama na nila yung older brother at older sister ko. Tatlo lang kaming magkakapatid at bihira na silang umuwi dito. Actually dapat kasama nila ako sa states, kaso mapilit ako eh gusto ko dito muna ako sa Pilipinas. Gusto ko dito grumaduate, pagkagraduate ko saka nalang ako pupunta ng states. Gusto din kasi ng parents ko na magaral ako ng Filmmaking/Directing. Hindi naman ako masyadong nalulungkot kasi every other day naman tumatawag parents ko, si kuya at ate din tumatawag from time to time.

Pagakyat ko sa kwarto deretso tulog na ako, dahil nga sa ilang gabi na din akong puyat. Nageedit kasi ako ng pictures/videos para sa barkada ko, graduation gift ko sa kanila. Nung tumawag kasi sina mama last night sabi nila after ng graduation, as in pagkatapos deretso na ako sa airport papuntang states, kaya kailangan matapos ko na to bago pa mag graduation although meron pa naman akong 1 and 1/2 year para tapusin yung project ko para sa kanila. Atleast maumpisahan ko na para konti nalang idadagdag ko diba. Sila na kasi talaga ang nakasama ko mula first year highschool tapos nung umalis na family ko sila nalang din nakakasama ko twing may occasion, sina Migs, Karen, Myles at Ram talagang masasabi mong barkada kami walang iwanan.