Izumi Pov
"Ina, ama kamusta po kayo? patawad po kung ngayon lang ako dumalaw. Maraming po kasi akong ginagawa at ngayon lang ako nag karoon ng libreng oras para dumalaw sa inyo" saad ko. Nandito na ako sa lugar kung saan inilibing ang aking magulang, malapit sa may bumdok. Muling bumalik sa aking ala ala ang mga panahong buhay pa sila ina.
Flashback
Ina, paano po kayo nag kakilala ni ama?" tanong ko sa kanya habang siya ay nag aayos ng aming mga damit.
" Paano nga ba?" tanong nya habang nag iisip tapos tumingin sya akin na parang nahihiya " Ganito kasi yun anak, dati para kaming mga aso at pusa kung mag away, walang araw na hindi kami nag tatalo kahit sa maliit na bagay lang. Mapang asar sya habang ako naman ay laging pikon" kwento nya.
"Ang sama po pala ni ama sa inyo noon" anas ko.
"Kung alam mo lang anak, sinabi ko sa sarili na hinding hindi ako mag kakagusto dahil sa ganung ugali nya. Ngunit lumipas ang panahon ng kinain ko ang mga sinabi ko..." yumuko sya habang napabuntong hininga pa at pag katapos tumingin ulit sa akin.
"dahil nag kagusto ako sa kanya," dagdag nya.
"Kayo ina ha! hahaha" tukso ko sa kanya. Nakita kong namula ang mga pisngi nya at saka sya yumuko.
"Pero, sinabi nyo po ba ito kay ama noon?" tanong ko. Tumingin ulit sya sa akin.
"Oo naman, sinabi ko sa kanya ang nararamdaman ko. Nung una hindi sya nakapag salita siguro dahil sa gulat tapos maya-maya bigla sya tumawa na ikinainis ko naman"
Flashback:
"Nemjin, m-may sasabihin sana ako sayo" nahihiya kong sabi.
" Anong sasabihin mo?" tanong nya.
"M-mahal kita nemjin!" nakapikit kong sigaw.Inimulat ko ang mga mata ko at saka sya tiningnan, nakita ko ang pag kagulat sa kanya at natigilan pa pero maya maya lang ay bigla syang tumawa na ikinanuot ng noo ko.
"Ibang klase ka talaga tsk tsk tsk"
"A-ano?"
"Pero, wag kang mag alala...dahil minamahal na rin kita minari" saad nya habang nakangiti. Napanganga ako sa mga sinabi.
"N-nemjin..."
"Noong una hindi ko matanggap dahil siguro lagi tayong nag babangayan. Ngunit hinayaan ko na lang dahil alam kong hindi ko na ito mapipigilan pa. Mahal na kita noon pa man minari...pero hindi mo siguro napapansin, pero napasaya mo ako dahil alam kong mahal na din ako ng pinakamamahal ko" matapos nyang sabihin yun ay walang sabi sabing yinakap nya ako ng mahigpit habang ako naman ay gulat pa din.
"N-nemjin..." dahil sa kagalakan na nararamdaman ko ay tumugon na din ako sa yakap nya ng mahigpit.
Lumipas ang maraming taon ay nag pasya na kaming mag pakasal at bumuo ng sarili naming pamilya. At pag katapos ng isang taon ay nag silang ako ng napakagandang sanggol na tinawag kong izumi.
End of flashback
"At doon kana nabuo anak" saad nya habang nakangiti.
"Napakasaya naman po ng inyong kwento ina, sana balang araw makatagpo din ako ng lalaking katulad ni ama"
"Mangyayari din yan sa tamang panahon anak"
"Hihintayin ko po ang araw na iyon ina!" masaya kong saad.
"Anak, mahal na mahal ka namin alam mo yan. Ang mga bilin, pangaral at pag mamahal namin ang tanging maipapamana namin sayo. Gusto ko maging masaya ka sa tamang paraan, kapag may nangyari sa amin wag kang mag isip na mag higanti o gumawa ng mali na ikakasira ng iyong buhay. Gusto kong ipag patuloy mo ang buhay mo na wala kami sa tabi mo, gusto kong maabot mo ang mga pinapangarap mo. Kaya anak, tatandaan mo lagi ang mga sinasabi namin dahil para sa yun sayo. Naintindihan mo?" nakangiti nyang tanong ko. Tumango ako sa kanya pag katapos ay yumakap ako sa kanya.
"Mahal na mahal ko din kayong ina, lagi ko pong tatandaan lahat ng mga sinabi nyo. Wag nyo lang po akong iiwan, hindi ko po kakayanin" malungkot kong sabi.
"Oo anak, hindi ka namin iiwan" pag katapos ng kataga nyang iyon ay mahigpit nya akong yinakap.
End of flashback
Napangiti ako ng maalala ang masaya naming pag uusap na dalawa ni ina. Kaya tumingin ako sa puntod ni ina.
"Alam nyo ina hanggang ngayon malungkot pa din ako. Hindi pa rin ako masaya sa buhay ko. Hindi ko alam kung paano ko maaabot ang mga pangarap ko kung wala naman ang nag bibigay inspirasyon para gawin yun. Nahihirapan na po ako ina, maraming pag kakamali na ang aking ginawa sa aking buhay" madamdaming kong saad. Doon ko ulit naramdaman ang sakit at pag hihirap sa aking puso, naramdaman ko din ang biglaang pag tulo ng mga luha ko kaya naman napatawa ako ng mahina habang nakatingala sa kalangitan. At pag katapos ay pinunasan ko ang mga mata ko.Tumingin ulit ako sa libingan.
"Bakit kasi kailangan nyo pang mawala? bakit kailangan nyo pa akong iwan?" hindi ko na kinaya pa at humagulgol na ako ng iyak ay pag katapos ay pabagsak akong umupo sa lupa.
"H-hanggang n-ngayon hind-di ko pa din m-matanggap i-ina na wala na kayo... ang daya nyo! iniwan nyo agad ako!" sigaw ko habang umiiyak. Naipahampas hampas ko ang mga kamay ko sa lupa habang yumuyuko.
"Lady izumi!" narinig ko ang pag sigaw ng kawal na kasama ko, ngunit hindi ko sya pinansin.
"Sana pati na din ako nawala para hindi ako nahihirapan ng ganito! sana kasama ko na kayo..." tumigil na ako sa pag hampas hampas ko sa lupa at umiyak na lang habang nakayuko.
"Lady izumi, tama na" naramdaman ko ang pag lapit ng kawal sa akin kaya napatingin ako sa kanya.
"Iwanan mo muna..." sabi ko.
"Ngunit, lady izumi...kailangan na nating bumalik. Malapit ng lumubog ang araw, hahanapin na kayo ni heneral"
"Pakiusap, kahit sandali lang. Iwanan mo muna ako" pakiusap ko. Hindi na sya nakapag salita pa ng makita nya ang muling pag bagsak ng mga luha ko.
Wala na syang nagawa pa kaya napabuntong hininga na lang siya habang nag lalakad palayo. Ako naman ay yumuko ulit at umiyak.
Maya-maya ng maayos na aking pakiramdam tumigil na ako sa pag iyak at tumayo na. Pag katapos ay tumingin ulit ako mga puntod na aking magulang.
"Ina, ama kailangan ko na pong umalis. Patawad po kung naging ganito ako...pero lagi ko pong natatandaan ang lahat ng pangaral nyo maliban lang sa isa dahil ginawa ko na. Patawad po ina, ama..." sabi ko habang yumuko.
"Aalis na po ako ina, ama. Dadalawin ko ulit kayo sa susunod" matapos nun ay nag lakad na ako paalis papunta sa kawal nasa di malayuan.Nakatayo, habang nasa likod nya kabayo. Nang makalapit ako sa kanya agad nya akong nilapitan.
"Ayos ka na ba?" tanong nya.
"Siguro...tayo na. Umalis na tayo" tumango na lang siya, nauna akong umakyat sa kabayo habang inaalalayan nya ako at pag katapos ay sumunod na din sya. Inihampas ng mahina ng kanyang paa ang kabayo upang mag lakad na at pag katapos ay nilatigo nya ito ng medyo malakas at tumakbo na ng mabilis papalayo.
"Hanggang sa muli ina, ama..."
To be continued.