webnovel

she loves her (gxg)

Isang babaeng nangangalang Megan Juxred na kilalang workaholic na tao. Sa sobrang dami niyang ginagawa sa trabaho na hindi na rin niya naaasikaso ang pagkakaroon ng kanyang lovelife. Sa palagay niya, maraming lalaki sa paligid niya kaya sinasantabi niya na lang ito. Paano kung naubos na ang mga lalaki na nasa paligid niya at natira na lang ang mga babae? Matatanggap niya bang magkakagusto siya sa kapwa niyang babae o handa siyang mag-isa habang buhay?! ABANGAN!

itsleava · LGBT+
Pas assez d’évaluations
49 Chs

Chapter 42

SCARLET

"He's here with me."

"Sino?" tanong ko agad.

"Si Francis. Gusto ka niyang makausap ngayon."

Parang nabagsakan ako ng malaking bato mula sa itaas sa sinabi ni Aubrey.

Napababa ako ng linya at napasapo na lang ako sa ulo ko.

Nandito na siya.

Ano na gagawin mo, Scarlet?

Tutunganga? Iiwas? Haharapin ko siya?

Tangin* naman.

Kung kailan pagod na ako maging malungkot sa pagkasira ng relasyon namin, dumadagdag pa siya isipan ko.

Naubos na siguro luha ko at wala nang natirang pagmamahal sa kanya. Hindi ko naman masisisi na siya ang nang-iwan dahil ramdam kong ako naman ang dulot nitong pagkasira ng relasyon namin.

Gusto ko siyang saktan pero wala naman akong karapatan dahil iniwan niya ako ng walang paalam.

Gano'n na rin ginawa ko sa kanya, hinayaang masira ang aming relasyon at nag-focus na lang ako sa pangarap ko.

Pero hindi ko maitatanggi na lahat ng pinagsamahan namin, totoo talagang minahal ko siya.

But I was too fall out of love with him.

Narealize ko naman sa sarili ko na pangarap talaga ang mahal ko kaysa sa kanya.

Tapos ngayon, makikita ko siya harap-harapan na hindi ko na kailangan hagilapin kung saan-saan.

Nandito na siya. Ano na gagawin ko?

Kaya ko ba? Bakit parang nanghihina ako ngayon?

"Scar, are you okay?"

Nagising ang aking diwa sa pamilyar na boses. Napatingin ako kung sino ito.

Si Megan na naman... Nandito na naman siya.

"Umuwi ka na." seryosong sabi ko sa kanya.

"Hindi. Hindi kita iiwan dito. Hindi ka okay." pamimilit niya.

"Nagtanong ka pa."

Wala ako sa mood para kausapin siya. Lalo na sa sitwasyon ko na makikita ko si Francis ngayon.

Hindi tama ang timing ni Megan para guluhin niya puso't isipan ko.

Awat muna, Megan.

Hindi ko alam kung sure akong naka-move-on na ako kay Francis.

Hindi ko talaga alam. 'Yon ang totoo.

Siguro malalaman ko kapag nagkita at nagkausap kami.

Pero sa pagkakaalam kong wala talaga akong pagmamahal sa kanya.

Nauna na akong umalis at iniwan ko siyang mag-isa sa kinaroroonan ko kanina.

"Wait, Scar."

Nakakainis. Ayaw niya ako lubayan.

Pumwesto ako sa ma-taong lugar para hindi na niya ako lapitan pero pakiramdam ko talaga sinusundan niya ako sa likuran ko.

Oh ghad! Mas makulit pa ata siya kaysa sa akin.

Sa sobrang inis ko at hindi ko rin matiis na i-expose si Megan sa mga tao, hinila ko talaga siya sa tahimik na lugar kung saan walang tao.

Hindi ko alam kung nasaan kami pero madalim dito at walang mga tao.

Mukhang nasa parking lot kami ngayon.

Pagkatapos, binitawan ko siya at huminga ako ng malalim para pakalmahin sarili ko.

"Megan, huwag na huwag mo na akong susundan. Kung hindi mo kayang ipaglaban nararamdaman mo, lubayan mo na ako. Hindi ka nakakatulong sa akin." inis kong sabi sa kanya.

"Scarlet naman..." malungkot niyang reaksyon niya sa sinabi.

Inaamin kong walang meaning itong sinasabi ko sa kanya pero sobrang wrong timing, e kaya sinabi ko ito sa kanya.

Huwag ngayon, please?

"Megan, tama na kung hindi mo kaya."

Sana huwag kang maniwala sa mga pinagsasabi ko. Sana.

I just want her to leave me for tonight.

Kita ko kung paano nagbago ang expression ng mukha niya. Mula sa malungkot hanggang nagbago ito sa walang emosyon.

Naramdaman ko agad ang paglalamig niya sa akin.

Tinitigan niya ako na mukhang may gusto siyang sabihin sa akin.

Nasaktan ko na naman siya.

"May lakad pa ako." sabi ko at nagsimula na akong maglakad para iwan siya.

Sorry, Megan. Sorry talaga. Kailangan ko muna gawin ito.

Pasensya na.

***

MEGAN

Nandito ako ngayon sa lugar kung saan iniwan ako ni Scarlet mag-isa.

I was totally hurt noong sinabi niya na lubayan ko na siya kung hindi ko kayang ipaglaban nararamdaman ko.

Gusto ko man. Gustung-gusto kong ipaglaban siya pero hindi gano'n kadali.

Lalo na naninibago ako sa ganitong sitwasyon namin na nagkagusto pa ako sa isang katulad niyang babae.

Hindi ko inaasahan na magkakagusto ako sa kanya sa isang katulad niya pero wala na akong magagawa dahil ito talaga nararamdaman ko.

Kahit malapit lang ako sa kanya, okay na sa akin. Hindi na siguro kailangan magkaroon kami ng relasyon dahil napakalabo para sa amin na magkatuluyan.

Hanggang tingin na lang siguro ako. Tanggap ko naman kung ano sasabihin ni Scarlet sa akin.

Well, I'm Megan Juxred. CEO ng EyeRed mismo tapos mababalitaan nila na nagkagusto ako sa babae?

Kilala nila ako ng mga tao lalo na sa pagiging workaholic ko tapos mababalitaan nila nagkagusto ako sa mismong artist pa ng EyeRed?

Hindi pwede. Hindi talaga pwede mangyari.

Ayokong magkaroon ng issue sa EyeRed at 'yon ang aking iniiwasan.

Tanggap kong duwag ako. Tanggap kong hindi ko kaya ipaglaban nararamdaman ko para sa kanya.

Ayoko mag-iba tingin nila sa akin.

Kahit makirot sa puso, kailangan tiisin, e.

Kailangan kong tuparin pangarap ni Dad sa EyeRed. Lalo na sa pagmamahalin ni Quinn at Hexyl. Kahit ito na lang kaya kong gawin para maging masaya sila.

That's why I can't fight my feelings for Scarlet.

Nagising ang aking diwa na wala na sa paligid si Scarlet.

Bumuntong-hininga na lang ako at bumalik sa EyeRed para pumunta sa parking lot kahit ang bigat sa pakiramdam na gano'n pinakita ni Scarlet sa akin.

Nakarating din ako sa EyeRed at natanaw ko mula sa malyo si Scarlet na may kausap na lalaki.

Naiinis ako.

Pasugod na ako pero napahinto rin ako sa paglalakad sandali.

Kumirot na naman puso ko.

Dapat ba ako masanay na?

Wala naman ako karapatan ngayon para hatakin si Scarlet papalayo sa kausap niya. Kahit gustung-gusto ko siya palayuin sa mismong lalaking 'yon.

Tinitiis ko lang ang aking inis.

Nakiusap siya kanina sa akin ng seryoso kanina, kaya wala akong choice kundi sundin na lang siya.

Siyempre duwag ako.

Natawa na lang ako ng peke kahit dinudurog na ang aking puso.

Ito lang kaya kong gawin ngayon.

Nakatingin sa kanya malayuan habang may kausap siyang iba.

***

SCARLET

"Bakit nandito ka?" isa sa mga gusto kong sabihin kay Francis noong iniwan niya ako ng walang paalam.

"Scarlet, pwede bang magdinner muna tayo para maayos na ang lahat?" mahinahon niyang pakikiusap sa akin.

Natawa na lang dahil hindi ako makapaniwala na nagpakita siya sa akin para maayos na.

"Anong dapat ayusin ha? Kapag kumain ba ako, maayos ba ang lahat?" hamon kong tanong sa kanya at kita ko itong napa-face palm na lang.

"'Yong ating relasyon, Scar. Inaayos ko dahil ayokong sayangin relasyon natin."

Pinagtawanan ko siya, "Nahihibang ka ba? Sa dami-dami mong kailangan ayusin, relasyon pa natin. Take note, Francis. Iniwan mo ako at wala nang pagkakataon para ayusin ang dapat ayusin. May lamat na. Tama na." iritang sabi ko sa kanya habang maraming tao nakakapansin sa amin.

Buti na lang madalim dito para makilala ako ng mga tao.

Pero kitang-kita ko pa rin ang ekspresyon ni Francis ngayon. Mukhang nagmamakaawa sa akin na bigyan ko siya ng isang pagkakataon pa.

Ngayon alam ko na kung ano nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko na siya mahal.

Naka-move-on na ako.

Pero may mga katanungan sa isip ko na araw-araw laging sumasagi ito.

Kung bakit niya ako iniwan nang walang paalam.

"Bakit mo ko iniwan?" hamin kong tanong sa kanya at nagulat siya.

Kitang-kita kong kinakabahan siya.

"Excuse me."

Rinig kong sabi at biglang dumaan siya sa gitna namin habang nag-uusap kami ni Francis.

Napatingin naman ako kung sino.

Megan talaga! Kahit kailan...

Sa likod pa lang alam ko na kung sino. Alam kong sinasadya ni Megan na sirain ang moment namin ni Francis.

Napansin kong tinuro niya ang kanyang relo na ibig sabihin na gabi na. Kailangan ko nang umuwi.

"Scar, mahal na mahal pa rin kita." nagmamakaawang sabi niya at nagulat ako na lumuhod ito.

Napatingin ako sa paligid na pinagtitinginan na kami at napayuko ako para kunin ng aking face mask sa bag ko.

Pero nagulat ako na biglang humila na naman sa akin.

Bakit niya 'to ginagawa sa akin?

Lalo lang lumalalim nararamdaman ko sa kanya.

"Hindi natin kailangan mag-usap." strict niyang sabi sa akin, "I was trying to help you. That's all." habang hinahatak niya ako sa braso.

Ilang minuto lang binitawan niya na ako at nakarating na kami sa parking lot.

Expected kong bubuksan niya ako ng pinto pero dumeretso na siya sa driver seat.

Hindi ko alam kung saan ako uupo kaya sa passenger seat na lang ako umupo. Pabukas na ako ng pinto at naramdaman ko nakatingin siya sa akin kaya lumingon ako.

"Sa backseat ka umupo. Ayoko na may katabi." cold niyang sabi sabay upo sa driver seat niya.

Nakakadurog ng puso dahil ganito pinapakita na sa akin ni Megan. Bumabalik na siya dati. Dati na nakilala ko.

Parang ayokong bumalik siya sa dati. Ayokong ganito siya.

Kung sana hinayaan mong mahalin mo ako, hindi tayo magkakaganito.

Pareho lang tayo nasasaktan sa ginagawa natin.

Hayaan mo naman sarili mo na magmahalan tayo.

Pumasok na ako sasakyan niya at umupo sa backseat.

Tahimik lang atmosphere naming dalawa ni Megan. Hindi man lang siya magplay ng radio para mawala rin ang awkward naming dalawa.

Naisip ko na naman nangyari kanina.

Kung paano lumuhod si Francis sa harap ko at sinabing mahal pa rin niya ako.

Tinanong ko kung bakit niya ako iniwan pero sinabi niya lang na mahal na mahal niya ako.

Sagot lang kailangan kong ihingin sa kanya. Hindi ko kailangan marinig na mahal niya ako.

Nagulat nga ako na bigla siyang lumuhod sa akin na hindi ko akalaing naglakas siya ng loob para sabihin niyang mahal niya pa rin ako.

Natataranta talaga ako thst time. For sure pinagtitinginan na kami ng mga tao lalo na wala rin akong face mask that time.

Buti na lang hinila ako ni Megan para iligtas niya ako sa sitwasyon kanina.

Sa pagkakataon na paghila niya sa akin kanina, may kakaiba akong nararamdaman.

Parang gusto kong hawakan ang kamay ni Megan pero sadyang kailangan ko magising sa katotohanan na hindi talaga nangyari ang inaasahan ko.

Huwag ka nang umasa, Scar.

Naalala ko na dapat magpasalamat sa kanya ngayon sa ginawa niya para sa akin. Kung paano niya ako niligtas sa kahihiyan na ginawa ni Francis.

Kakapalan ko na.

"S-salamat pala kanina." nautal ko pang sabi sa kanya at tinuon ko ang atensyon sa pagtingin sa bintana.

"Sino siya?" walang-gana niyang tanong habang busy siya sa pagmamaneho.

"Ex ko." sabi ko at pinagmasdan ko siya kahit nakatalikod siya.

Tumigil siya saglit at tiningnan ko sa rear vision mirror niya na napakunot-noo ito.

"Okay." tipid niyang sabi sa akin at mismong nagulat ako sa sinabi niya.

Wala man lang follow-up question man lang? 'Okay.' lang? Gano'n lang?

Lulubayan mo na talaga ako? Hindi mo na ako papapansinin?

Lalo lang ako nairita. Letse talaga! Mali talaga sinabi ko kanina.

Dapat...

Dapat hindi ko na lang sinabi sa kanya 'yon.

Nakakainis ka, Scarlet. Isa kang malaking hakdog ngayong araw.

"Saan mo ko ihahatid?" nag-aalanganin kong tanong ko sa kanya at nagtagpo ang aming tingin sa rear vision mirror sa loob ng sasakyan niya.

"Condo mo." sabi niya.

Sabihin mong bawiin mo 'yon.

'Megan, huwag na huwag mo na akong susundan. Kung hindi mo kayang ipaglaban nararamdaman mo, lubayan mo na ako. Hindi ka nakakatulong sa akin.'

'Megan, tama na kung hindi mo kaya.'

Alright! Hindi ko inaasahang sinabi ko 'yon kanina. Siguro natataranta ako at gulung-gulo ako dahil makikita ko na si Francis.

Nasa utak ko lang no'ng oras si Francis.

Lahat nagflashblack lahat ng sa aming relasyon dati. Napagbuntungan ko ng inis si Megan pero...

Kung babawin ko man 'yon, ano naman mangyayari?

Hindi naman niya ako kayang ipaglaban.

Ano pa bang silbi para bawiin ko 'yon?

"Megan? Kahit ibaba mo na lang ako sa taxi bay. Nakakahiya na sa'yo." nahihiya kong sabi sa kanya ngunit pasok-labas lang sa tenga niya.

Mukhang nagbibingihan ito.

"Megan? Okay lang talaga sa akin." sabi ko sa kanya.

"Omayghad!" pagkagulat ko dahil napaliko ng direksyon si Megan at nakita kong pinarada niya sa tabi.

Pagkatapos, bumuntong-hininga ito.

"Sana nga okay rin 'to sa akin." sabi niya at nakita kong napafacepalm ito.

"Huh? What do you mean?"

"Scarlet, gusto kita. Gusto ko rin alagaan ang EyeRed. Pero hindi ko kayang pagsabayin dahil delikado sa future mo at sa future ko. Naiintindihan mo ba ako?"

"Alam ko naman. Nag-gets ko. Sadyang hindi mo talagang kayang ipaglaban pagmamahal mo sa akin."

"Yes you're right. Can we just act like nothing happened. Walang nangyari sa atin. Hindi mo alam na gusto mo ko at gusto kita. Nahihirapan ako sa sitwasyon natin?"

"Magpapanggap ako? Lolokohin ko sarili ko na hindi kita gusto? Hindi ba ako masasaktan sa lagay na 'yon? Akala mo madali lang 'to sa akin?"

Nag-iisip ba siya? Nahihirapan na nga ako sa ganitong set-up ang gusto niyang mangyari.

Mas mahirap na nag-iiwasan kami ngayon kaysa magpanggap kaming okay sa isa't isa.

Dahil lalo lang rin lumalim nararamdaman ko sa kanya kung gano'n.

"Ano ba gusto mo?" iritang tanong sa akin ni Megan at lumingon sa akin.

"Kung papalitan ang 'ano' bilang 'sino sa tanong mo', Ikaw lang naman gusto ko. Pero bakit gano'n? Ang unfair mo? Ang hirap ibigay gusto ko." seryosong sabi ko sa kanya.

"We really need to stop this, Scarlet. Mahalaga sa akin ang EyeRed. Hindi lahat ng bagay, makukuha mo."

"Alam ko. Pero gusto ko lang marinig galing sayo, mahalaga ba ako sa'yo?"

Napatigil siya saglit.

"Sorry. Maraming masisira kung ipagpapatuloy natin 'to. Sinabi mo rin naman na lulubayan na kita. Mas okay na mula sa bibig mo nanggaling 'yon kaysa sa akin. Tatanggapin ko."

Sa totoo lang binabawi ko 'yon. Walang ibig sabihin 'yon.

"Sagutin mo ang aking tanong." inis kong utos sa kanya.

"Hindi."

Bakit hindi? Ang sakit ha?

"By the way, ihahatid na kita sa condo mo Scarlet. Last na to pagkakasama natin. Bukas makakasama mo na manager mo. If you have any concerns, just ask my secretary." pag-iba ng topic niya.

"Back to normal na tayo." cold niyang sabi sa akin, "Tama na, Scar. Lalo lang tayo nagkakasakitan kung pinipilit natin 'to."

Wala na ba talagang pag-asa?

Sana panaginip lang 'to.

Para magising ako sa katotohanan na wala talaga akong nararamdaman sa kanya.

Like it ? Add to library!

Don't forget to leave some votes and comment in my story.

if you have time, follow my social accounts below:

wattpad: @itsleava

twitter: @itsleava

This story is also available in Wattpad!

itsleavacreators' thoughts