SCARLET
"Anong nangyari sa mata mo?" nagtatakang tanong ni Ms. Megan sa akin na bigla itong bumungad sa pintuan.
Hindi ko rin alam, e.
Hindi ko nga talaga alam dahil sa kakaisip ko kagabi hanggang madaling-araw tungkol sa...
Haist.
Hinalikan ko raw siya pero wala naman ako matandaan.
As in, wala talaga.
Wala naman talaga, e.
Wala talaga ako maalala.
Bakit ba ako naglasing?
Gusto ko lang kasi mag-emote kaso nakagawa pa ako ng kabahalaghan kay Ms. Megan.
Pinagsisihan ko tuloy kung ano man nagawa ko kay Ms. Megan.
Nasukahan ko pa sasakyan niya at hinalikan ko raw lsiya.
Oh diba? Nakakahiya.
Kaya ngayon, gulat na gulat si Ms. Megan sa akin kung bakit ang itim ng eyebags ko.
"Hindi ako makatulog, e." natatawang peke na sabi ko.
Tinaasan ako ng kilay at pumasok siya, "Tungkol ba sa hinalikan mo ako kagabi?" tanong niya sa akin at umiwas ako ng tingin sa kanya.
Mas mabuting bumangon na ako at magsimulang magligpit kaysa sagutin tanong niya.
Hindi ko rin alam isasagot ko sa kanya kaya iniiwasan ko ang mga itatanong niya.
"A-anong oras tayo aalis?" iniba ko agad ang topic naming dalawa habang busy ako sa pag-aayos ng higaan ko.
"Binabago mo na naman usapan, Scarlet." napatigil ako sa pagliligpit ko at tumingin ako sa kanya.
Napalunok ako bigla at natawa, "Hindi, a. Ano kasi... nag-emote lang kagabi. Tama. Nag-emote ako." pagsisinungaling kong sabi, "At saka, wala talaga ako matandaan Ms. Megan na hinalikan kita." nagpromise sign dahil totoo naman ang aking sinabi.
"Here we go again. Can you just forget him? He's not worth it to remember." inis na sabi sa akin at nabigla ako sa kanyang paglapit sa akin.
Hinila niya ako at magkaharap kaming dalawa.
Namali ata ako ng excuse kay Ms. Megan para hindi niya na banggatin na hinalikan ko siya.
Mali. Mali. Napakamali.
"Teka, hindi ko pa po naliligpit higaan ko." pag-iiwas kong sabi sa kanya at nakita kong kumunot ang kanyang noo.
"Mas concern ka pa sa higaan mo kaysa sa pinag-uusapan natin. Mygoodness, Scarlet." napapailing at napasapo na lang sa ulo niya.
Natahamik ako dahil pakiramdam kong ang bigat na naman ng puso ko dahil gusto ni Ms. megan pag-usapan tungkol sa amin ni Francis. Pero ayoko talaga.
"Huwag po muna natin pag-usapan siya." umiwas ako ng tingin sa kanya dahil kita kong naiinis siya sa akin kaya yumuko na lang ako.
"Pero iniisip mo pa rin siya? Kakasabi mo lang kanina. Ikaw nagsabi no'n." inis na tanong niya sa akin.
Tumingin ulit ako sa kanya at ngumiti ako.
"Wala rin po akong choice kundi sabihin na lang na inisip ko yung ex ko. Kaysa isipin kung nahalikan ko ba kayo o hindi." nahihiyang sagot ko sa kanya.
"You are so stupid, Scarlet." sabi niya sa akin at nagtaka ako, "Wala naman akong pakialam kung nahalikan mo ako. Lasing ka kagabi kaya naiintindihan ko." dagdag niyang sabi.
Tumango ako bilang sang-ayon sa kanyang sinabi.
So... nagsayang ako ng ilang oras kakaisip dahil sa sobrang guilty na hinalikan ko siya, pero wala naman siyang pakialam?
Haist, Scarlet.
"Last thing, huwag mo na banggitin ex mo. Ayoko masira career mo sa walang kwenta mong ex." inis na sabi sa akin.
Tumango ulit ako pero may bumabagabag sa aking isipan.
**flashback**
"What are yo-"
Hinawakan ko ang kanyang napakagandang mukha kahit ramdam kong pinipilit niyang ipiglas ang kamay ko sa kanyang mukha, ngunit hindi ako nagpatinag..
"Bakit..."
I can feel her breath. I can see her soft lips.
I want to kiss her. 'Yon lang nasa isip ko ngayon.
"Bakit ganyan ka sa akin?"
"Alam kong nag-aalala ka sa akin pero bakit nanatili ka pa rin na masungit sa akin?"
"Ginugulo mo isipan ko." mahinang sabi ko.
"Lalo na 'to." tinuro ko ang aking puso.
"Pinagsasabi mo? I am trying to give you some advice as CEO dahil sa pinagdadaanan mo."
"Please let me understand kung bakit ka ganyan sa akin."
"Ganito ako magtrato ng artist. 'Yon lang, Scarlet. You are not special para maging close tayo."
"What if I don't want you to treat me like that? Gusto ko maging special sa'yo para maging close tayo."
"What are you saying?! This is me, Scarlet. Hindi mo ko mababago."
"Hindi mo sure."
**end of flashback**
Biglang nagflashback ang nangyari kagabi. Sumakit tuloy ang aking sentido.
"Are you okay?" pag-aalalang tanong ni Ms. Megan sa akin.
Tumango lang ako at balak ko na ayusin ang aking higaan.
Ngunit pinigilan niya ako, gamit ang kanyang paghatak sa aking braso.
Nagtitigan ang mga mata namin.
Ang bilis na naman ng tibok ng ang aking puso at kinapa ko ang aking dibdib para kumalma.
"Are you really okay?" kita ko na naman ang kanyang pag-alala niya sa kanyang mga mata.
Gulung-gulo na ako.
Naisip ko pa na halikan si Ms. Megan kagabi..
Hindi ko maisip sa sarili ko na ganito ako mag-isip.
Alam kong pareho kaming babae ni Ms. Megan. At saka, babae ako.
Imposible. Napaka-imposible talaga na may gusto ako sa kanya.
At saka, bakit ako magkakagusto sa kanya?
Yes, I am her fan pero iba naman pagmamahal ko sa kanya.
Gusto ko siya makasama dahil napapasaya niya ang araw ko. Pero hindi naman in romantic way ang gusto kong ipakita.
Makulit ako sa kanya dahil gusto kong makasama siya kahit inis na inis siya sa akin.
Gusto ko rin makilala siya ng lubusan. Gusto kong makilala ang tunay na Ms. Megan.
Babae ako, pero napaka-imposible ako magkakagusto sa kanya.
Pero naguguluhan ako na hindi ko talaga maintindihan.
Kasi kagabi gusto ko siyang halikan.
Ang ibig sabihin lang no'n.....
Hindi! Hindi talaga pwede.
Mahal ko pa rin si Francis.
Inaamin ko naman na.. I am totally weird last night. Parang gusto ko na rin sumabog dahil nalilito ako kung bakit ginugulo ni Megan ang isipan ko.
Alam ko naman sa sarili ko na babae ako. Syempre ang mindset ko, dapat sa lalaki lang ako magkakagusto.
Pero dumating sa point kagabi na gusto ko siya halikan.
Medyo nahimasmasan na ako sa lagay na 'yon.
Nasa tamang pag-iisip naman ako that time.
Pero alam niyo yung feeling na gusto ko siya halikan kahit babae siya.
Kasi gusto kong gawin ko sa kanya.
Sa bawat pagtitig ko sa kanya, tumitibok ang puso ko. Na ngayon, nararamdaman ko ulit.
Gusto ko yung feeling na na nag-aalala siya sa akin katulad nito.
It makes me feel good. Ang sarap sa pakiramdam.
Inaamin ko naman.
Ang sarap sa pakiramdam na marinig ko yung mga sinasabi niya na puno ng pag-aalala sa akin.
"Hey!" nagising ang aking diwa sa pagtawag sa akin ni Ms. Megan.
Nagising ang aking diwa at umiwas na lang ako sa kanya. Pinagpatuloy ko na lang pag-ayos ng higaan ko.
"Pagkatapos mo d'yan, maligo ka na para makaalis na tayo agad." rinig kong sabi niya habang binabagalan ko ang pagligpit ng higaan.
Nakarinig ako nag pagkalabog ng pinto at napalingon ako sa kwarto.
Wala na siya.
Lumuwag ang aking naramdaman at tumigil na rin ang bilis ng pagtibok ng puso ko.
Delikado 'tong nararamdaman ko dahil hindi pwede.
Hindi pwede lumalim ang nararamdaman ko sa kanya.
Dahil ayoko.
Pareho kaming babae ni Ms. Megan.
Hindi talaga pwede.
***
"Scarlet, kumain ka na. Hindi na masarap pagkain mo kung hahayaan mong lumamig 'yan."
Nagising ang aking diwa at tumingin ako kay Ms. Megan na kumakain sa aking harapan.
Andito nga pala kami sa isang mamahaling restaurant dito sa hotel na pinagstay namin ngayon. Gusto kasi ni Ms. Megan bago kami umalis nakakain na kami dahil marami siyang aasikasuhin sa Davao.
"Si Quinn pupunta na dito." nagulat ako sa kanyang sinabi.
"Si Quinn? Baka magulat 'yon sa ating dalawa dahil magkasama tayo."
"Edi, magulat siya." tipid niyang sabi sa akin.
So... wala talaga siyang pakialam na malaman ni Quinn na nandito ako kasama siya?
Baka mag-isip siya ng kung ano-ano tungkol sa akin. Lalo na baka ayaw ni Ms. Quinn na samahan ko si Ms. Megan.
Dahil una sa lahat, mukhang importante pupuntahan niya.
Pangalawa, sino ba naman ako para makasama si Ms. Megan?
Pangatlo, Fan niya lang ako.
Ayokong isipin ni Ms. Quinn na pinipilit ko yung sarili ko kay Ms. Megan para sumama sa kanya. Alam kong alam niya na Fan ako ni Megan.
"Mas okay siguro dito na lang ako." sabi ko sa kanya at narinig ko ang pagbagsak ng kutsara sa kanyang plato kaya napatingin ako.
"Bakit? Hahayaan mo na naman sarili mo na mag-emo ka mag-isa?" iritang tanong sa akin ni Ms. Megan, "Hindi kita hahayaang mag-isa." nabigla ako sa kanyang sinabi.
Nag-aalala talaga siya sa akin ngayon na akala mo magrerebelde ako para sa ex ko. Siguro, hindi ko naman gagawin 'yon.
Alam niyo naman point ko. Ayoko. lang. maging. sagabal. sa. trabaho. niya.
Kasi darating sa point na kailangan niya rin ako asikasuhin kasi kasama niya ako. Yung tipong may aalalahanin siyang tao pagkatapos ng kanyang trabaho kung nakakain na ba ako o hindi kaysa makapagpahinga na siya agad.
"Kaya ko naman po." pamimilit kong sabi pero inirapan niya lang ako.
Nagpatuloy na lang siya kumain ng kanyang pagkain kaya ako rin nagpatuloy na rin ako kumain.
Ilang minuto nakalipas, tapos na rin ako kumain at napatingin ako sa plato ni Ms. Megan na simot ito.
Medyo tahimik nga kami kumain kanina parang may tumambay na anghel sa pagitan namin kaya sobrang tahimik.
"Megan?"
Napatingin kami sa paligid kung sino tumawag ng pangalan ni Ms. Megan.
Si Quinn. Ang kanyang secretary.
Kita kong gulat siya na nandito ako kasama ni Ms. Megan na nakunot ang kanyang noo dahil nagtataka siya kung bakit kasama ko si Ms. Megan.
"Anong ginagawa niya dito?" tanong ni Ms. Quinn papalapit kay Ms. Megan.
"Umupo ka na, Quinn. Para masagot ko agad tanong mo." seryosong utos ni Ms. Megan sa kanya.
Sumunod naman si Ms. Quinn sa inutos ni Ms. Megan at tumingin ulit siya sa akin na kita kong hindi niya maintindihan kung bakit nandito ako.
Ako rin sa umpisa, hindi ko maintindihan si Ms. Megan pero noong sinabi niya ang dahilan na nag-aalala nga siya sa akin.
Medyo nagegets ko naman pero mas okay naman na sa hotel na lang ako.
"Saka na lang natin pag-usapan, Megan. We should focus muna sa EyeRed." sabi ni Ms. Quinn.
Nakaluwag ang aking paghinga ngayon dahil ramdam ko kanina yung bad vibes ni Quinn kay Megan. Pero pinakalma lang ni Quinn ang kanyang sarili.
Medyo nakaramdam ako ng inis mula kay Quinn sa akin lalo na't kay Ms. Megan.
Siguro kailangan ko muna bumalik sa room. Wala naman akong magiging ambag kundi abala lang.
"Excuse me." pamamaalam ko muna sa kanilang dalawa at tumango si Quinn sa akin.
"Scarlet!"
Tuluyan na akong umalis kahit rinig ko ang pagtawag ni Ms. Megan sa akin.
===
MEGAN
"Bakit ba nandito siya?"
Kanina pa tanong ng tanong si Quinn sa akin kung bakit nandito si Scarlet habang naglalakad kami papunta sa room.
Tumigil ako sa aking paglakad at humarap sa kanya.
Sa sobrang kakulitan niya, napasuko na lang ako para sagutin na lang tanong niya.
Naiirita na kasi ako.
"Lasing siya kagabi kaya kailangan ko siya isama sa Davao. Ayokong mag-isa siya dito." pagdadahilan ko.
"Naririnig mo ba sinasabi mo, Meg?" iritang tanong ni Quinn sa akin
"Oo naman. Gumagana naman dalawa kong tenga." pamimilosopo kong sagot.
Nakita kong kumunot ang kanyang noo, "She's your artist, Meg. Pero hindi mo naman obligasyon na alagaan siya. May pamilya siya. May ka-member siya."
"May pinagdadaan yung tao. Alam kong Artist siya ng EyeRed pero obligasyon ko siyang alagaan."
Napailing na lang ito sa aking harapan.
"No. Megan. She's your fan and you are worried to her. Hindi ganyang pagtrato mo sa mga Artist. Kilala kita."
"Hindi, Quinn. Paano kung hinayaan ko siya maglasing kagabi? Edi, mapapahamak ko siya. Lalo na mapapahamak ang EyeRed. Wala ang kanyang magulang ngayon. Nasa bakasyon ang ka-miyembro niya. Walang magbabantay sa kanya. Kaya inako ko na lang."
"Pero Megan Juxred, hindi siya pwedeng sumama. Malalaman niya lahat tungkol sa inyo ni Kenji." mariin na sabi niya kahit naiinis na siya sa akin.
Kenji...
Ngayon ko ulit narinig ang kanyang pangalan.
Una ko pa lang narinig na may investor ako i-memeet sa Davao. Alam kong siya lang 'yon.
Kahit ngayon, nabalitaan ko na may clothing business siya doon.
Kaya napag-isipan ko kagabi, siya nga.
Si Kenji talaga.
Hindi man alam ni Quinn tungkol sa amin ni Kenji kung anong nangyari sa relasyon namin pero alam niyang ex ko 'yon.
"Sinabi niya sa akin na babalikan ka niya. Mas mabuti pang ipagstay mo na lang si Scarlet dito."
Siya ang aking first love at boyfriend ko.
"Hindi ko siya babalikan."
"Hindi ba't gusto ng Mom mo na magkaroon ka na ng boyfriend?"
Umiling ako.
"Not with him."
"Pupunta ako sa Davao para sa EyeRed. Hindi para sa kanya."
"Anong silbi ni Scarlet sa pagsama sayo do'n?"
Pero hindi ko pinagsisihan na balikan siya dahil iniwan niya ako.
Matagal na sinumpa ko sa sarili ko na hinding-hindi ako magpapakatanga sa kanya.
"Gusto ko ipamukha sa kanya na hindi mangyayari ang balak niya."
"Maybe she's here para tulungan niya ako."
"She's going with me later in Davao whether you like it or not, Quinn."
Siguro nga matutulungan ako ni Scarlet....
dahil wala siyang choice.
Like it ? Add to library!
Don't forget to leave some votes and comment in my story.
if you have time, follow my social accounts below:
wattpad: @itsleava
twitter: @itsleava
This story is also available in Wattpad!