MEGAN
"ANO NAHANAP NIYO NA BA SI SCARLET?!"
"Hindi po nasagot. Panay ring lang phone niya."
"Ano ba nangyari sa kanya?"
Ngayon, nananahimik lang ako dito sa Costa Laév Restò na nakaupo habang wala pa si Scarlet. Wala pa rin siya hanggang ngayon kahit tapos na kami kumain.
Sinilip ko ang aking phone it's 3pm na pagkatapos nangyari sa amin ni Scarlet sa fire exit.
May nararamdaman akong guilt at the same time dahil napagsalitaan ko siya ng masakit. Ngunit ang lahat sinabi ko sa kanya ay katotohanan talaga.
Hindi ko gagawin sa aking artist na tulungan siya para umangat sa pamamagitan ng pakiusap lang. Napaka-unfair sa ibang member ng Queen of Hearts na alam kong gusto rin nila sumali sa isang survival show.
Isa rin itong opportunity nila na nagsisilbing stepping stone para sumikat sila. Hindi talaga ako ma-dadaan sa pakiusap.
Kung worth it lahat ng effort niya para magperform bilang artist ng EyeRed, ako ang magkukusang ibigay ang opportunity sa kanya.
I am willing to give everything para sumikat siya basta nakikita ko na deserving talaga siya.
Unlike kay Scarlet, she needs more effort para makita niya sa akin kung ano ba talaga siya as an artists.
I hope lahat ng sinabi ko sa kanya, tumatak sa kanyang isip. Sincere naman ako sa lahat ng sinabi ko sa kanya pero may guilty pa rin dahil nakasakit ako ng damdamin ng tao.
"May idea ba sa inyo kung saan siya pupunta, Zoe?" nakita kong nag-aalalang tanong ni Lea sa mga alaga niya.
"Hindi ko po alam. Ang pinakahuli ko pong naalala kakausapin niya raw si Ms. Megan." sabi ni Zoe at sabay na sabay talaga silang napatingin sa akin.
Nabigla ako.
Why they are looking me like that?
Ayoko sa lahat na sa akin ang atensyon.
Pakiramdam kong sobrang awkward talaga habang nakatingin sila sa akin.
Naghihintay sila ng sagot kung may idea ako sa pagkawala ni Scarlet.
"Ms. Megan, may idea po ba kayo?" tanong sa akin ni Lea.
"Yes! But first we need to start our meeting right now. May kailangan pa akong gawin after this." seryoso kong sabi sa kanila at ramdam kong nabawasan ang pag-alala ni Lea, "Nagkakaintindihan ba tayo?"
"Pero Ms. Megan baka may mangyari sa kanyang hindi maganda. Ako malalagot nito." pagdadahilan ni Lea sa akin na lalo akong naiirita baka siya pa ang dahilan pagiging stress ko sa kanya.
Sobrang tarantang-taranta itong manager ng Queen of Hearts.
Nakita ko nagsimula na silang umupo sa table at hinintay ko muna sila magready makinig sa sasabihin ko.
Pagkatapos, nagsimula na akong magsalita, "Meron kaming bagong survival variety show upcoming next month. I just wanted to look only one representative ng Queen of Hearts. May naisip ba kayo na deserving maging representative?" tanong ko sa mga member ng Queen of Hearts.
Nakikita kong nagsitinginan sila sa isa't isa na mukhang nagtuturuan na sila kung sino.
"Sabihin ko na?" tanong ni Thea sa ka-miyembro niya at tumango sila.
Tumungin sa akin ni Zoe, "Si Scarlet at Camille po ang naisip namin pero hindi po namin alam kung sino sa dalawa ang nararapat maging representative." seryosong sabi ni Zoe sa akin.
"I just wanted to say sorry in advance pero hindi makakasali si Scarlet sa show na 'yon." sabi ko sa kanila.
"What the F***!"
"No! It can't be!"
"Mygoodness, Scarlet!"
Pinapakinggan ko ngayon ang kanilang reaksyon pagkatapos kong sabihin 'yon. Ngayon, naghihintay ako para tumahimik sila.
"Ano pong dahilan kung bakit gano'n lamang nangyari sa kanya?" seryosong tanong sa akin ni Lea.
"She insists na siya na lang ang magiging representative kaya patuloy niya akong sinusundan at kinukulit sa elevator. Dahil sa pagiging makulit niya, tinanong ko kung ano ang dahilan kung bakit niya ako sinusundan pero still nagsinungaling siya sa akin gusto niya lang. Buti na lang napaamin ko siya at nalaman ko nga ang totoo na gusto niya talaga maging representative. Pero sabi ko 'wag niya akong sundan pero still sinusundan niya pa rin ako. Ayoko sa lahat nagpupumilit sa akin na mapasali sa isang show. It is not really a proper way para sumali siya." sabi ko sa kanila at nakita kong napapikit sila ng mariin, "Gusto ko magkaroon kayo ng desisyon as a group pero sadyang makasarili si Scarlet. Ayoko ng gano'n na artist at first time kong na-encounter na may ganitong artists. Ayokong-ayoko talaga mangyari 'yon." dagdag kong sa kanila.
"We respect your decision, Ms. Megan. I am really deeply sorry what she did to you." nagmamakaawang nags-sorry sa akin si Ms. Lea.
"I hope you'll discipline her, Lea." utos ko kay Lea at tumango ito.
Hinawakan niya ang aking kamay ng mahigpit, "Aray!" daing ko.
"Sorry, Ms. Megan." sabi sa akin ni Lea.
"Can I say something to you, Ms. Megan? I am Mia by the way." ngiti niya sa akin at hinayaan ko siyang magsimulang magsalita.
"Sa pagkaka-intindi ko po, alam kong may part na mali si Scarlet. Pero hindi naman po pwedeng disqualified na siya agad. Masyado na po O.A 'yon. Hindi po ba?" tanong ni Mia sa akin ng seryoso.
Napansin kong tinapik ni Thea yung braso ni Mia. Pakiramdam kong gusto niya pigilan si Mia at umiling ito.
"It's okay, Thea." sita ko kay Thea at ngumiti sa kanya.
"Hindi kayo pinili ng EyeRed para lang maging greedy kayong sumikat at matupad ang pangarap ng gano'n lang. Ayokong gawing mindset sa isipan ninyo na gagawa kayo ng isang bagay para lang sa kapakanan niyo lang." seryosong sabi ko kay Mia at napakunot-noo siya.
Parang hindi siya kontento sa aking sinabi.
"Can you give her a chance po na bumawi siya sa'yo?"nabigla ako sa tanong ni Mia sa akin.
Hindi naman ako masyadong mabait pero nanatili pa rin ang guilty ko sa kanya lalo na't hindi pa nila nakikita si Scarlet.
I know it's my fault.
Kaya pwede naman siguro pagbigyan siya ng pagkakataon ngunit hindi ko muna sasabihin ang totoong desisyon ko.
"Pag-iisipan ko, Mia." sabi ko at napasandal ako sa upuan ko, "Si Quinn na bahala para sabihin sa inyo mga karagdagang impormasyon." sabi ko sa kanila.
Tiningnan ko sila na mukhang na-dedepress sila sa desisyon ko.
Tiningnan ko rin ang aking relo kung anong oras. 4:30pm na pala.
Kailangan ko nang umalis baka abutan ako ng rush hour pabalik sa EyeRed.
Tumayo na ak-
"What if si Scarlet na lang maging representative, Ms Megan?" nabigla ako may nagtanong pa at napatingin ako kung sino 'yon.
Biglang tumingin sa akin si Chloe sa akin at dinedma ko ang kanyang tanong.
Ang rason kung bakit ay mahigit 3 years na siya naging trainee sa company na 'yon pero hindi pa rin siya nakakapagdebut.
Hindi rin siya pinalad sa survival show kaya kinuha ko na ang opurtunidad na kunin siya ng palihim.
Magaling siyang artists ngunit hindi pa rin nakakamit ang kanyang pangarap niya dahil hindi niya nakukuha yung stantard ng criteria ng company 'yon.
Ang standard criteria kasi doon ay kailangan may mga experiences ka sa pagmodel, ma-appeal sa camera at marami kang background na nasalihan na contests.
Ngunit dito sa EyeRed, wala akong kinukuhang kagandahan lang or may experience lang.
Kailangan ko lang ng talented artists na kahit wala kang experience, kapag nakikita kong talentado ka, kukunin kita at papasikatin kita.
Parang sa pag-ibig, kapag alam mong worth siya para sa'yo, gagawin ka ng paraan para makuha at mapansin ka niya.
Dahil ginawa ko ang lahat para makumbinsi siya, umalis siya doon dahil pinangakuan ko siya na isasali ko ito sa Queen of Hearts na girl group.
Ngayon, napagdesisyon kong ayokong sagutin ang gustong iparating sa akin ni Chloe. Hindi ako papayag dahil dugo't pawis siya nagpakahirap para lang makapagdebut siya.
Umiwas ako ng tingin at kinausap ko na lang si Lea, "I need to go back in EyeRed. Baka abutin ako ng rush hour. Marami akong aasikasuhin pa." sabi ko sa kanya.
"Maraming salamat po." sabi niya sa akin at nakipag-hand shake pa siya sa akin.
Tinanggal ko agad ang aking kamay at tumingin sa mga Queen of Hearts.
"I have to go." pagpapaalam ko sa kanya.
"Bye po."
"Ingat po."
Dinig ko ang kanilang pagpapaalam sa kanila pero wala silang energy.
Tuluyang unalis na ako sa restsurant na 'to.
***
"Ano, Meg? Sinabi mo kay Scarlet na disqualified siya dahil lang do'n?" gulat na gulat na sabi ni Quinn sa akin habang nakaupo kami sa sofa dito sa aking office.
Nagkwento ako lahat ng nangyari kanina kay Quinn at hindi na inasahang ganito rin irereact nila.
"Yes, may problema ba do'n?" walang gana kong tanong sa kanya habang humigop ako ng kape sa tasa ko.
"Oo. Napaka-O.A. mo talaga. Bawiin mo yung sinabi mo kay Scarlet." naiinis na sagot ni Quinn sa akin.
"Pag-iisipan ko pa." matipid kong tanong habang kinuha ko ang aking cellphone para tingnan kung sino nagtext.
"Bukas na bukas kakausapin ko si Scarlet. Hindi matutuwa ang mommy mo kung ganito ka magdesisyon. Masyadong hindi makatarungan." naiinis na sabi ni Quinn sa akin.
May gana pa 'tong mainis sa akin. E, mas lalo rin akong nainis sa kanya dahil dinamay pa niya sa usapan si Mom.
"Tss. Ano ba kasi nagawa ko?" inis kong tanong sa kanya.
"Wala kang kabaitan sa mga artists natin. Lagi mong iniisip yung kapakanan ng paniniwala mo kaysa sa iba. Kaya ka nagiging insensitive. Ayan tuloy kasalanan mong sabihan ng masasakit kay Scarlet." inis na sabi niya sa akin.
Masyado ba akong insensitive? Parang hindi naman.
"Anong na nangyari kay Scarlet?" tanong niya sa akin at napatigil ako sa pagsscroll ng cellphone ko..
Pero ilang sandali, nagpatuloy ako sa ginagawa ko, "She's doing fine." pagsisinungaling kong sabi sa kanya.
Hindi ko nga alam kung nahanap siya. Wala naman akong nasagap na news about her.
Kapag wala pa rin siya in 24 hours, alam kong sisihin nila ako. Lalo akong malalagot kay Mom at Quinn nito.
I hope she's safe.
"Bukas na bukas talaga kakausapin ko si Scarlet." inis na sabi sa akin ni Quinn.
Bigla akong nagulat sa nagpop-out na message notification sa akin phone.
From: QoH Manager (Lea)
Wala pa rin po si Scarlet mga 9pm na po. Pwede po natin i-report sa pulis na nawawala siya?
Bigla akong kinabahan sa text ni Lea. I can feel na hindi ako makahinga dahil na-stress ako sa text niya.
It is your fault, Megan.
Paulit-ulit nagsi-sink-in sa aking isipin ito. Ngayon, sinisisi ko talaga ang aking sarili ang dahilan kung bakit nawawala siya.
Kung hindi mo lang pinagana kasungitan mo sa kanya, hindi mangyayari 'to.
What are you going to about it, Megan?
Gusto ko man ipakita na natataranta ako ngayon pero hindi ko kayang ipakita kay Quinn na may nangyayaring hindi maganda kay Scarlet.
Hindi ko nga rin alam kung ano gagawin ko kahit ginugulo ako ng konsensya ko.
Itong konsensya ko nanatili pa rin niya ako kinakausap at inaabala sa ginagawa ko.
Kanina pa 'to nagbibigay ng stress sa akin. Nagsimula kong pinakalma ang aking sarili.
Kumalma?
Alam ko naman hindi magagawa ni Scarlet na mawawala siya ng parang bula sa amin lalo na't isang fan ko siya.
Alam kong naiintindihan niya ang point ko.
Pero naiintindihan mo ba ang point niya kung bakit nagawa niya 'yon sa'yo?
Tumahimik ka hindi ka nakakatulong sa problemang ito.
'Yan lang ba magagawa mo, Megan? Kumalma lang?
"Arggh!!! Leave me alone!" hindi ko napigilan ang sarili ko na sumigaw.
Napansin kong nagulat si Quinn sa akin ngunit wala akong pakialam sa kanya.
Bwisit na bwist ako sa konsensya ko.
Nagdabog ako at umalis ako sa office ko para mag-isip ng maayos.
Wala kang kwentang CEO.
Like it ? Add to library!
Don't forget to leave some votes and comment in my story.
if you have time, follow my social accounts below:
wattpad: @itsleava
twitter: @itsleava
This story is also available in Wattpad!