SCARLET
"Wala po akong choice kundi sabihin sa inyo 'to." nakita kong kumunot ang kanyang noo na naghihintay ito ng susunod kong sasabihin.
"Pwede naman po siguro na kayo po pumili ng isa pang member ng Queen of Hearts. Pagkatapos, maglalaban po kami. Kung sino po panalo, siya po ang magiging representative ng Queen of Hearts sa survival show."
Nakita kong nabigla siya sa aking sinabi at napangiti ako dahil pakiramdam kong one hundred for sure papayag talaga siya.
Alam kong sobrang fair na 'to kay Ms. Megan kaya sigurado akong papayag siya sa deal ko sa kanya.
"Deal?"
Bigla siyang ngumiti sa akin...
"No, Scarlet. Never!"
Ngunit nagbago ang emosyon ng mukha niya pagkatapos niyang sabihin 'yon.
Biglang tumunog ang elevator at napatingin ako. Andito na pala kami sa Ground Floor kaya hinayaan ko muma lumabas si Ms. Megan at sumunod ako sa kanyang likod.
Nagbuntong hininga na lang ako dahil hindi pa rin siya pumayag na maging representative ako ng Queen of Hearts.
Gusto ko pa rin siya pilitin ulit ngunit baka ma-bwiset na siya sa akin kaya tumahimik muna ako.
Habang nasa likod niya ako, pinagmamasdan ko ang kanyang cute na pwet.
Matambok ito pero tama lang kaysa naman ako mukhang malapit na maging likod ang aking pwet.
Kabog na kabog talaga si Ms. Megan. Pak na pak!
Ano ba 'tong pinag-iisip ko! Pati pwet ni Ms. Megan pinapantasya ko.
"Aray!" reklamo kong sabi at napa-atras ako habang hawak ko ang aking ilong.
Nabigla ako sa pagbunggo at natamaan talaga ang aking mukha sa isang malambot na bagay.
Nagulat talaga ako dahil sa likod pala ni Ms. Megan ako nabunggo.
Bakit ba siya tumigil?
"Tumingin ka sa dinadaanan mo." masungit na sabi niya sa akin.
Napakamot na lang ako sa aking ulo at nagpeace sign ako sa kanya.
Andito nga pala kami papalabas ng condo at napansin kong sinuot niya ang kanyang shades na black si Ms. Megan.
Patuloy kaming lumabas sa mismong building st naghintay kami sa waiting shed kung saan babaan ng mga sasakyan.
"Mauna ka na. May pupuntahan pa ako." sabi niya sa akin at umiling ako.
Hindi ko siya iiwan hangga't hindi ko nakukuha ang gusto kong mangyari. Hindi talaga.
Alam kong fan niya ako pero sinantabi ko muna ang pagiging mahiyain ko. Kinapalan ko talaga ang aking mukha para maging representative ng Queen of Hearts.
"What do you want?" inis niyang sabi sa akin habang tumitingin siya sa mga sasakyan.
Mukha ngang may hinihintay siya para sunduin siya dito.
Feeling ko 'yong lalaking sumundo sa kanya sa EyeRed noong isang araw.
Pero kahit na, kapag 'yong lalaki pa rin ang sumundo ngayon sa kanya, sasama pa rin ako.
Sasama talaga ako kahit saan mapunta si Ms. Megan. Sasamahan ko siya kahit umihi man siya. Sasamahan ko pa rin siya. Kahit sa pagligo niya, sasamahan ko pa rin siya.
Charot lang! Hindi naman masyadong makapal ang aking mukha para sumama sa kanya.
May hiya naman ako sa sarili ko.
At saka kung iisipin ko, baka lang ma-out-of-place ako sa magiging usapan nila.
Paano kung magkarelasyon pala sila, pagkatapos, lumandi sila sa driver seat sa loob.
Sasabihin ko talaga na wala silang respeto sa akin na iniwan na nga ako mag-isa ng ex-boyfriend ko, hindi ko naman alam kung bakit siya nawala ng parang bula.
Pagkatapos, ipapakita pa sa akin kung paano sila nagmamahalan.
Respeto naman sa akin.
So ayon nga, pagkatapos ko mag-emote dahil single na ako at on-going pa yung pagiging move-on ko kay Francis, subaybayan niyo ang aming storya. Charot lang ulit!
"Hey! What do you want ba?" inis na tanong sa akin at tinanggal niya ang shades niya.
Wow! Ang ganda naman ng pagtanggal ng shades niya.
Parang nagslow motion lahat noong tinanggal niya yung shades.
'Yong totoo, nagpapractice ba siya para sa commercial niya o sadyang nagpapacute lang sa mga taong dumadaan.
Pinagtitinginan siya talaga.
Napansin ko nga na maraming tumitingin sa kanya dahil nakashades siya at nakaporma siya.
Kala mo mayroon siyang shooting para magmodel.
Ako nga, nakasuot lang ako ng sweatshirt na pastel na yellow at naka-ripped jeans lang.
Parang gagala nga lang ako sa mall kapag ganitong attire ko.
"Scarlet! Don't stare at me!" iritang sabi sa akin ni Ms. Megan na kitang-kita sa mukha niya na bwisit na bwisit na siya sa akin.
Dahil parang linta ako na dikit ng dikit sa kanya kanina pa para sumama sa kanya.
Kung pumayag siya sa deal naming dalawa. Walang Scarlet na panay buntot sa kanya ngayon. Sobrang kapal na talaga ng mukha ko.
Imbes na pasayahin si Ms Megan parang naging baliktad lang ang nangyari sa amin
"Sino po magsusundo sa'yo?" nakangiting tanong ko sa kanya.
"Driver ko." matipid niyang sagot sa akin, "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, Scarlet." inis niyang sabi sa akin.
Ayos naman pala! Driver niya lang. Pwedeng pwede pa ako sumama sa kanya.
"Ano po ulit tanong niyo?" tanong ko sa kanya.
Nagpapanggap lang ako na hindi ko narinig ang kanyang tanong kanina.
Pero rinig ko 'yon ngunit dinedma ko lang.
"What do you want?" mariin niyang tanong sa akin.
"1st representative ng Queen of Hearts sa survival show." nahihiyang sabi ko sa kanya.
Natawa lang siya, "So? Kaya andito ka na parang batang nanghihingi ng candy dahil hindi ka binigyan, Am i right?" inis na tanong sa akin ni Ms. Megan.
Nakayuko lang ako sa kanya at naririnig ko ang mga bulungan ng mga taong dumadaan sa harapan namin.
"Dito pa sila nag-aaway, asawa."
"Mahiya naman sila."
"Nasa publikong lugar sila tapos pinapahiya itong kasama niya."
Pero binalewala ko lang 'yong mga sinasabi ng mga tao sa paligid namin.
Hindi dapat ako nagpapadala sa pagiging toxic ng ibang tao. Andito ako ngayon sa harapan ni Megan para bigyan niya akong chance para matupad pangarap ko.
Pero nanatili pa rin akong tahimik ngunit napatingin ako sa mukha ni Ms. Megan.
Napagtanto ko sa kanya na hindi siya tipong kaya mong lokohin at utuin. Nanatili pa rin talagang may prinsipyo pa rin siyang sinusunod sa kanyang sarili para sa EyeRed.
Napagtanto ko rin na baka mapahamak din siya kung pumayag siya sa deal na sinabi ko kanina.
"Silence means yes." malamig na sabi ni Megan, "You know what, Scarlet..."
Nanatili pa rin akong nakayuko sa kanya. Pumikit ako ng mariin.
Kutob kong sesermunin ako ni Ms. Megan ngayon
Pakiramdam ko hindi maganda ang kanyang sasabihin sa akin.
Ilang sandali lang hinila niya ako sa loob ng building na mukhang pupunta kami ng fire exit. Pagpasok namin, simarado niya ang pintuan.
Kita kong magsisimula siyang magsalita at tumingin ako sa kanya, "Hindi mo ko madadala sa panay buntot mo sa akin para pumayag ako maging representative ka ng Queen of Hearts." seryosong sabi niya sa akin, "At lalo nang hindi ko inaasahang upcoming artists ng EyeRed, nagmamakaawa sa akin para makasali lang sa survival show." inis niya sa akin at huminga siya ng malalim para kalamahin ang kanyang sarili.
"Pero, Miss Mega-" hindi natuloy ang pagdadahilan ko.
"Listen to me. Itatak mo 'to sa kokote mo." seryosong sabi niya sa akin.
"Ikaw lang nakakagawa nito sa akin, Scarlet. Hindi porket sinabi ko sayo na balak kong maging solo artists ka ng EyeRed, ay hihingi ka ng favor ngayon para mapadali ang proseso nang iyong pag-angat." sabi niya pagkatapos umiling siya sa akin.
"Nagkakamali ka."
Nakakahiya.
Akala ko nga gano'n lang kadali para pumayag siya pero naging kasalungat talaga 'yon na inaashan ko.
"I am so sorry to say to you, Scarlet. Disqualified ka bilang representative ng Queen of Hearts sa survival show."
Gusto ko magmura ngayon dahil nagsisisi ako ngayon kung bakit ko 'to ginawa.
Lalo lang lumala na humantong na talaga ako sa pagiging disqualified sa representative ng Queen of Hearts.
Dapat pala sumama na lang ako at hindi kulitin si Ms. Megan para humingi ng favor.
"Scarlet, please act like a real artist. Hindi ganyan ang mga artists ng EyeRed."
Sobrang mali. Mali talaga. Ang tanga ko talaga.
Bakit ba padalos-padalos ako magdesisyon?
Nakakahiya talaga sa kanya dahil andito ako sa harapan niya bilang fan niya na sobrang kapal ng mukha para lang mapapayag siya sa aking plano.
Sobrang tanga mo, Scar.
Masyado akong mapagmarunong na akala ko madali lang pumayag si Ms. Megan sa inisip kong plano.
Tama nga siya. Nagkamali ako.
Narinig kong kumalabog ang pinto ng dito sa loob ng fire exit na namalayan kong iniwan na pala ako ni Ms. Megan dito mag-isang nagsisisi.
***
Andito ako ngayon sa isang day care center malapit sa amin.
Gusto ko lang magpahangin dito sa playground tutal nagdesisyon akong hindi umattend sa meeting tungkol sa survival show na 'yan.
"Scarlet! Namiss kita." nagulat ako bigla akong niyakap ni Aubrey.
"Namiss na kita. Pasensya na dahil ngayon lang ako pumunta. Busy, e."
Si Aubrey nga pala ang aking matalik na kaibigan. Siya lang takbuhan ko kapag may problema ako. Sobrang solid niyang maging kaibigan dahil maasahan ko siya sa lahat ng bagay.
Ngayon, nagtatrabaho siya sa isang day care center bilang teacher sa mga bata.
Kahit ganito ang kanyang trabaho, alam kong masaya siya sa ginagawa.
"Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin?" tanong niya sa akin.
Pagkatapos, tinabihan ako sa isang bench, "May problema ba?" tanong niya na alam kong nag-aalala siya sa akin.
Umiling ako at pinakita ko ang aking ngiti para hindi siya mag-alala sa akin.
"Gusto ko lang magpahangin." pagsisinungaling kong sabi habang nakatingin ako sa mga batang naglalaro sa playground nila.
"Hindi kita pipilitin, Scar. By the way, gusto mo bang samahan mo 'kong bantayan 'tong mga bata ngayon?"
Alam ko naman na hindi ako pipilitin ni Aubrey na sabihin ko ang aking problema dahil alam niyang hindi pa ako ready sabihin sa kanya 'yon.
Yes, problema ko pa rin ang tungkol sa nangyari kanina sa amin ni Ms. Megan kanina sa fire exit.
Aaminin ko mali ako do'n pero alam ko naman pwede ulit ako mag-umpisa sa simula kahit alam kong mahirap.
Alam kong dapat ko paghirapan talaga 'yon para makamit ko ang aking pangarap.
Sa bawat iniisip ko ang aking pangarap ko, nanatili pa rin yung sakit na nararamdaman ko kay Francis. Hindi ko pa rin maalis-alis sa aking isipan na siya pa rin ang mahal ko.
Hindi rin ako makatulog ng maayos dahil palagi kong naiisip mga alala namin.
Hindi ko pa tanggap na iniwan niya lang ako basta-basta.
Hindi rin magiging madali ito sa akin dahil matagal na kaming naging magkarelasyon na umabot ng ilang taon. Pagtapos, iiwanan niya ako basta-basta.
Lalo na't wala siyang rason.
Siguro nga, masyado lang ako sabik na mapadali ang paraan para makamit ang pangarap ko kaya nga nagawa kong kulitin si Ms Megan.
Ang totoo n'yan, gusto kong ipagmalaki kay Francis na itong pangarap ko na parati 'kong pinagkakaabalahan ngayo'y gusto kong ipamukha sa kanya na sinayang niya ang relasyon namin at worth it ito kaysa sa kanya.
Kaya siguro sabik na sabik ako matupad ang aking pangarap dahil dito.
Gusto ko lang tumakas sa reyalidad na iniwan niya ako ng walang paalam pero hindi pala ganito kadali. Mahirap pala.
Mahirap pagsabayin na nagpupursigi ka sa pangarap mo habang ikaw na nanatili pa ring wasak ang puso mo sa kanya.
Sobrang hirap. Pero alam kong kakayanin ko 'to.
"Tulala ka naman, Scarlet! Tara na!"
Nagising ang diwa ko sa pag-aya ni Aubrey sa akin at tumango ako sa kanya.
"Heto na!"
Like it ? Add to library!
Don't forget to leave some votes and comment in my story.
if you have time, follow my social accounts below:
wattpad: @itsleava
twitter: @itsleava
This story is also available in Wattpad!