webnovel

She's The Wife

Melody Chavez is a married woman to Andro Chavez, their family getting more stronger because of their son. Until Andro cheated on his wife, at first it's just ok because he know that Melody loves him.When their son died from the accident everything messed up.Melody knew he cheated and worse is his mistress carrying his baby. Melody decided to leave her husband. She studied again because she's just 18 when she married her husband.She became a journalist, and the unexpected thing happened is they've meet again. Would the destiny let it happened?or it's just a coincidence yet planned?

Scarlet_Purple · Urbain
Pas assez d’évaluations
21 Chs

Kiss

Sa dalawang buwan kong pagta-trabaho sa ITN company masasabi kong mas hectic ang naging scheduled ko ngayon. Katulad ngayon, andito ako sa pinag-ganapan ng isang aksidente para kumalap ng impormasyon.

Isang pampasaherong bus ang nawalan ng preno at bumunggo sa isang puno ng balete. Dose patay higit bente katao sugatan.

Napahimas ako sa aking ulo, at napatingin sa bus. Maraming dugo sa may harap nito, lalo na sa parteng unahan ng mga bintana.

Naalis na yung mga patay pero yung ilang sugatan ay nandito pa rin.

Pinukaw ang atensyon ko ng babaeng naka-tulala lang sa may gilid. Umiiyak ito yun nga lang walang tunog. Kung baga dere-deretso lang ang mga luha nya.

Nang tumingin ako kay Zeke nakatutok ang camera nito sa babae.

"Melody tapos mo na ba?"

Napatingin ako kay Eloisa, sya ang reporter ngayon. Ang sabi kasi saka na lang ako mag report kapag kaya ko na. Kaya ang kadalasang naka-assign sakin maghanap ng impormasyon, o kaya'y pag-gawa ng mga news article.

Tumingin ulit ako sa nasulat ko bago ito binigay sakanya.

"Kaya mo ba yang kabisahin o kailangan ko pang isulat sa manila paper?"

Nginitian ako nito at umiling.

"Hindi na, kaya ko na 'to. Zeke tara!"

Napatingin ako kay Eloisa. She's only 24 years old. Pero medyo mas matagal na sya sa ITN kaya gamay na nga nya.

Napatingin ulit ako sa umiiyak na babae at nang hindi ako maka-tiis ay kumuha ako ng isang tubig na nasa bote para ibigay sakanya.

"Miss ayus ka lang ba?"Anya ko.

Ini-abot ko dito tubig. Nong una tinitigan nya lang ito, pero nang tumagal kinuha nya na rin.

"Salamat"

Pinunasan nya ang kanyang luha at pilit na ngumiti.

Siguro na-trauma sya sa pangyayare.

"Gusto mo bang ipa-assist na kita sa mga rescuers?"

Umiling ito at bumuntong hininga.

"Ang baby ko"

Napatingin ako sakanya ng magsimula na syang mag-salita.

"Isa sa namatay ang baby ko, hindi ko man lang sya naligtas"

Parang kinurot ako sa sinabi nya.

"Kung hindi mo kayang i-kwento'y pwede ka ng tumigil. I'm sorry to hear th—

"1 years old pa lang ang baby ko pero namatay na s—sya. Dapat hindi ko sya nabitawan. Kung sana hindi ko sya nabitawan buhay pa sya. Sana ako na lang ang namatay"

Hinaplos ko ang likod nito.

"Naiintindihan ko"

"Hindi...hindi mo naiintindihan"nang sabihin nya yun ay humagulhol na sya.

"Naiintindihan ko dahil namatayan din ako ng anak noon, tatlong taon lang ang anak ko nang mabunggo sya"

Parang napukaw naman sya sa sinabi ko at natigil sa paghagulhol, kaya nagpatuloy ako.

"Ang buhay ng isang tao kung nakatakdang matapos, matatapos. Maging malakas ka, dahil siguradong malulungkot ang baby mo. Be brave for you and for yourself, mukang bata ka pa naman"

Nakagat nya ang ibabang labi bago dahan-dahang tumango.

"19 ako nang mabuntis ng boyfriend ko, pero tinakbuhan nya ako. Nang dahil sa pagbubuntis ko natigil ako sa pag-college"

Bata pa nga, pero mas bata ako nong mabuntis. Mabuti na lang talaga hindi ako tinakbuhan ni Andro, kaya lang nagluko naman sa huli.

"Pwede ka pang makapag-tapos. Mag-aral ka ng mabuti"anya ko bago tumayo.

"Sige na, pupuntahan ko lang ang mga kasama ko. Ako nga pala si Melody"

"Helena ang pangalan ko"

"Sya nga pala, pwede ka bang ma-interview ng kasama kong reporter?kung ayus lang sayo at kung kaya mo"

Tumango naman ito bilang pagsang-ayon.

Pumunta na ako sa mga kasamahan ko. Napansin kong kakatapos pa lang ni Eloisa sa kanyang news report kaya agad akong lumapit sakanya.

"Eloisa, may nakuha akong pwede mong ma-interview"

"Talaga?"

Tumango ako at tinuro dito si Helena.

Tinap ko muna ang balikat ni Zeke bago pumunta ng van at nag-dial sa phone.

I kinda miss him.

"Oh?"

Napangiti ako sa bungad nya sakin. Mukang pagod ang luko o pwedeng bagong gising.

"Busy?"

"Kinda"

Humalakhak ako at tumingin sa relo ko. Pasado alas singko na ng hapon.

"Nasa taping ka pa rin pa ba?"

"Wala na. Anong kailangan mo?bakit ka napatawag?"

Napahagalpak na lang ako ng tawa.

Nang magtrabaho ako sa ITN, palagi akong kinukulit ni Ethan hanggang sa naging close ko na sya at naging utusan bumili ng pagkain.

"Ano?tatawa ka na lang jan?"

"Gusto ko ng fries at tsaka mcfloat"

"Sinasabi ko na nga ba at may kailangan ka na naman saking babae ka!bakit ba naman kasi kinaibigan kita!"

Mas lalo akong natawa sa reaksyon nya.

"Hindi ko naman kasalanan, remember you want this"nakakaluko kong sabi sa kanya.

"Ano ibibili mo ba ako o hindi?saan ba ang shoot mo ngayon?sa labas ba o studio lang ng ITN?"

"Sige na!oo studio lang, may asawa ka naman bakit hindi yun ang utusan mo?"

Parang kumirot ang dibdib ko. Dalawang linggo na syang nasa Japan para sa business trip. Hanggang ngayon hindi pa din kami nakakapag-usap.

"Tahimik ka na jan?"

"Wala sige na, malapit na kami matapos dito. Papunta na kami jan"

"Ok"

Hindi pa man ako nakapag-bye pinatayan nya na ako ng tawag.

Kaya tulala na naman ako ngayon.

Actually I miss him so much.

Hindi pa kami ganong kaayus. Hanggang ngayon nanunuyo pa sya. Hanggang ngayon kasi natatakot pa rin ako sa pwedeng mangyare.

Love is a traitor, you cannot say when will you get hurt in love or when you'll get crashed. Until you're lost, and I'm afraid of getting lost again.

Pero sinusubukan ko naman.

"Let's go Melody!"

Napatingin ako sa nagsalita, si Eloisa.

Nang tumingin naman ako kay Zeke nakakunot ang noo nito. He actually hate Eloisa. Masyado raw kasi itong feeling close at kung umasta'y parang mas matanda pa samin, lalo na at hindi man lang ito marunong tumawag ng ate o kaya kuya, talagang pangalan lang kung pangalan. Well ayus lang naman yun sakin.

NANG makababa ako ng van na sinasakyan namin ay agad akong pumasok sa loob ng ITN building.

Agad ko namang nakita si Ethan na may kausap sa phone.

Nang makalapit ako dito, agad kong sinundot ang tagiliran nito.

Tiningnan nya naman ako ng masama bago ibaba ang phone nya.

"Pagkain ko?"

"Nandon sa dressing room"

"Sir Ethan"

Napatingin naman kami kay Eloisa na kadarating lang din, nasa likod nya si Zeke.

As usual hindi nya na naman ito pinansin kaya naman siniko ko sya.

"Binati ka ni Eloisa 'di mo man lang ba babatiin?"

Hindi pa rin sya umimik at nagsimula ng maglakad habang nakapa-mulsa.

He's wearing pink polo, and black pants. Bagay naman sa kanya ang suot nya ngayon. Muka syang matino.

"Pagpasensyahan mo na yun si Ethan Eloisa, ganon lang talaga yun pag wala sa mood"

"Ok lang Melody, I understand"

Nginitian ko ito at nagpa-alam na sakanya.

Dali-dali kong hinabol si Ethan.

"Saglit lang naman!"

"Bilisan mo may naghahanap sayo"

Napakunot ang noo. Nag-hahanap sakin?

"Anong naghahanap?sino namang hahanap sakin?"

"Basta, dami mo namang tanong"

Nang makapantay ako sakanya ay kumapit ako sa braso nito. Napa-pitlag naman sya pero hinayaan nya na lang ako.

"Bakit ba kasi ang bilis mong maglakad?hinihingal na ako!"

"Malapit na ang elevator, 'di ko naman sinabing habulin mo ako!"

Sa inis ko sakanya'y nahampas ko sya sa balikat nya at bumitaw ng pagkakahawak sakanya at naunang maglakad.

Ilang segundo lang ay naramdaman ko na ang pag-akbay nya sakin. Nang tingnan ko naman sya'y nakangisi na. Baliw talaga ang isang 'to kahit kailan.

May mga ilang nakakasalubong kami at ngini-ngitian na lang kami, sikat si Ethan kaya kilala na din ako dito. Mabuti na lang talaga at nagkaron ng interview kami dati sakanya nong kila boss Gino pa ako nagwo-work. Kaya alam nilang mag-kaibigan lang talaga kami ni Ethan. Well nong panahon na yun feeling close lang talaga sya, pero ngayon totoo na naman.

"Dahil binili kita ng pagkain, ililibre mo ako bukas!"sabi nya bago kami pumasok ng elevator.

"Wala ka bang taping bukas?ikaw pa naman ang lead man kaya imposibleng wala"

Pumindot sya sa button ng elevator kung saang floor ba kami.

"Wala nga, free kami bukas. Rest day kaya ililibre mo ako. Bakit may gagawin ka ba bukas?"

"Wala naman masyado, pero may ipapasa akong article bukas, after non wala na"

Ting

Nang bumukas ang elevator, pumunta na kami sa dressing room nya. Pero hindi ko pa man nabubuksan ang pinto pinigilan nya na ako.

"Mangako ka saking ililibre mo ako bukas"

"Oo na, tabi na jan nagugutom na ako!"

Tumabi naman sya at ngumisi.

"Enjoy"

I rolled my eyes and show my middle finger on him.

"Ito ka oh!"Anya ko bago buksan ang pinto.

Nang makapasok ako agad sumara ang pinto. Isinara ni Ethan?

"Melo"

Gulat akong napatingin sa pinanggalingan ng boses nito.

"Andro?"

Napakurap ako ilang beses at diniinan ang mga kuko sa mga palad para i-check kung nanaginip ba ako o nagha-halucination lang, pero hindi.

"Nakauwi ka na?"

"Mmhh"

Hindi ko napigilan ang sariling mapatakbo papunta sa kanya at niyakap sya.

I miss him so much!

"I miss you!"sabay pa kami kaya pareho na lang kaming natawa.

Humiwalay ako ng yakap sa kanya, at sa sobrang bugso ng emosyon ko'y di ko napigilan ang sarili ko.

Hinila ko sya sa leeg at binigyan ng mabilis na halik sa labi.

"Yun na yun?"Anya habang naka-simangot.

Tumango ako at niyakap ulit sya.

"Bakit ang tagal mo?"

Humigpit ang yakap nya sakin at ibinaon ang muka sa leeg ko.

He sniff my neck and give a peck on it.

"I'm so busy. Meetings, papers...yeah I'm so tired"

"You should take a rest, kadarating mo lang ba?"

"Mmhh, do you still have work?can I stay in your house?I want to get some sleep. Mas malapit ang bahay mo dito"

Well wala na naman akong gagawin ngayon kundi yung article lang na kailangan kong ipasa bukas. Pwede ko yung gawin sa bahay na lang.

"Sige mauna ka na lang muna sa bahay"

Humiwalay ako ng yakap sakanya at ibinalik sakanya ang spare ng susi sa bahay na kinuha nya sakin noon ng palihim. Ibinalik nya lang ulit ito nong umalis sya para sa business trip dahil baka raw maiwala nya don pag dinala nya pa.

"Take that"

Ngumiti sya sabay halik sa pisngi ko.

"Ok I'll wait for you"

Paatras syang naglakad at kinindatan muna ako bago tuluyang umalis.

"Bukas ililibre mo ako"sabi ni Ethan pagkapasok na pagkapasok nya pa lang.

"Ok no worries"

Ngumisi sya ng malaki at naupo sa kanyang upuan.

"Ikaw lang ba dito?"

"Yep, pinaalis ko muna yung ibang staff at assistant ko. Dahil masyado akong mabait na kaibigan at naaawa ako sayo, pinagbigyan ko si Andro"

Napaisip ako.

Hanggang ngayon hindi pa rin naman sila close. Hindi ko nga sila nakikitang magka-usap, at kapag naman nakikita kami ni Andro na magkasama'y palaging masama ang tingin nya kay Ethan.

"Oh, yan na fries at mcfloat mo"

Ngumiti ako ng malaki at kinuha ang plastic na tinuro nya.

"Salamat Ethan, hulog ka ng pangit!"

"Ano?!"

Natawa ako sa reaksyon nito, pero imbes na sagutin, umupo na rin ako para simulang kumain.

"Alam mo ba kung ilang babae ang nababaliw sakin?milyon-milyon!"

"Sus pake ko naman don!"anya ko habang ngumunguya.

"Ang sama mo talaga sakin"

"Well you want this"

"Whatever"

GABI na ng makauwi ako sa bahay. Pagdating ko, nakasarado pa ang mga ilaw kaya phone ko muna ang ginamit kong flashlight at dumeretso ng kwarto. 8 na ako ng gabi nakauwi, ginawa ko pa kasi yung article para mamaya konti na lang ang tatapusin ko.

Hindi ba pumunta dito si Andro?

Nang maka-akyat ako ng kwarto'y saka ko lang binuksan ang ilaw at dito ko naaninagan ang isang bulto ng tao.

He's sleeping peacefully.

Inilapag ko ang phone at bag ko sa isang study table at marahang lumapit kay Andro.

Dahan-dahan akong umupo sa gilid ng kama para hindi sya magising.

Pinagmasdan ko ng maigi ang muka nya. Muka syang pagod na pagod at ngayon lang naka-kuha ng tulog.

Inilapit ko ang kamay ko sa may ulo nya para sana haplusin pero nagulat na lang ako ng bigla nya itong hawakan at mag-mulat.

"Hi"kinakabahan kong bati dito.

"Kadarating mo pa lang?"tanong nya

"Yes, sorry may tinatapos pa kasi akong article, kaya gabi na akong nakauwi"

"Did you eat?"

Umiling ako at binawi ang kamay ko dito.

"Hindi pa"

Tumango sya bago tumayo.

"Ok I'll cook for you"

Nanlaki ang mata ko. Hindi nga sya marunong magluto e.

"Hindi na Andro, ako na lang"

Yumuko sya para mapantayan ako at biglang hinalikan sa labi.

"Trust me"

Napakurap ako ng ilang beses, nag-aalangan kasi talaga ako. Baka masayang lang ulit.

"Sigurado ka ba?baka 'di mo pa kaya?"

Tumayo na sya ng tuwid at ngumiti.

"Nong nasa business trip ako, hindi lang trabaho ang ginawa ko don. Yung free time ko ginugol ko sa pag-aral ng pagluluto"

"Ganon ba?"

"Yes"

"Sige, make sure that your cook taste good. I'll take a shower first"

"No problem madam"

Natawa ako sa address nito sakin bago kumuha ng towel at maligo.

Nang matapos ako sa paliligo isang ternong pulang pajama ang sinuot ko.

Hinayaan ko lang ding nakaladlad ang buhok ko at 'di na ito sinuklay, pinunasan ko na lang.

Bago ako bumaba, kinuha ko muna ang phone ko para dalhin.

Nang makababa ako ng hagdan agad kong naamoy ang niluluto ni Andro.

Mabango ang niluluto nya.

"What are you cooking?"tanong ko nang marating ko ang kusina.

"I'm cooking menudo"

"Menudo?"

Mmhh...muka namang masarap ang luto nya. Beside of that he look so hot while cooking. Half naked lang kasi ito.

I took a snap on him. Kaya naman napatingin sya sakin. Ngumiti ako sakanya habang iwinawagayway ang phone ko na may picture nya.

"Kunan mo ulit ako"

"Sure!"

Agad naman syang nag-pose na parang babaeng nakahawak sa baywang ang kaliwang kamay habang ang kanan naman may hawak na sandok.

Nang tingnan ko ang picture nya ay natawa ako. Ang gwapo pa rin, muka syang nagpapa-cute lang.

"May gagawin ka ba bukas?"

Tumango ako habang zino-zoom ang picture nya.

"Ililibre ko bukas si Ethan, bayad dahil hinayaan ka nyang makita ako sa dressing room nya"

"Ahh"

Nabakas ko na parang dismeyado sya sa narinig nyang sagot ko kaya napatingin ako sakanya.

"Bakit?"

"Susunduin sana kita bukas para pumunta sa bahay natin. Andrea want to see you"

Napabuntong hininga ako, isang buwan ko na ngang hindi nakikita si Andrea dahil nong nalaman ni Betina na nagti-text sakin ang anak nya kinuha nya dito ang phone nito at hindi na muna pinasama kay Andro.

Nag text pa nga sya sakin at binantaan na layuan ko na raw si Andro dahil hindi ko raw sila masisira. 'Wag ko daw landiin si Andro.

Sobrang kapal talaga ng muka ng babaeng yun. Hiwalay na sila ni Andro, at sya na lang ang habol ng habol. Ako pa ang binantaan nyang lumayo, e ako ang asawa. Sya na nga ang naka-perwisyo ng pamilya sya pa ngayon ang may ganang magalit!

"Melody?"

Napa-pitlang ako sa biglang pagtawag sakin ni Andro.

"Bakit?"

"What are you thinking?are you ok?I said it's already done, we can eat now"

"Ahh, ok"

Hinila nya ako at pinaghila na rin ng bangko saka pina-upo.

"Relax ka lang muna, ipagse-serve ka ng gwapo mong asawa"

Parang kiniliti ang tiyan ko ng banggitin nya ang salitang asawa.

Kung titingnan parang ayus na kami, pero ang totoo nanunuyo pa rin sya. Gaya ng sabi ko natatakot pa ako.

Pinagmasdan ko ng mabuti si Andro habang naghahain.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at kinunan ko ulit sya ng picture.

"Kung kukunan mo ako, mag-sabi ka. Mamaya nyan pangit ang kuha mo"

"Bilis nagugutom na ako"

"Opo mam ito na nga po ang pagkain mo"

Inilapag nya sa may harap ko ang kanin at sa may gitna naman ang ulam. Pinagsandok nya na rin ako ng ulam at nilagay sa ibabaw ng kanin ko.

"Kain na"

Ngumiti ako bago kinuha ang kutsara na hinanda nya. Kumuha ako ng kanin at ulam.

Nang isubo ko ito'y nagulat ako sa lasa.

Masarap!hindi nga sya nagbibiro. Mukang pinaghandaan nya talaga 'to.

"How's the taste?"

"Masarap!"

Nanlaki ang mata nya at kumuha na rin ng sarili nyang pagkain.

"Really?"

"Oo nga"

NANG matapos kami sa pagkain nauna na akong umakyat ng kwarto.

Tinatapos ko na ang article para bukas ipapasa ko na lang.

"You're still working?"

"Yep"

Nagtitipa ako sa keyboard ng laptop ko.

"Hey stop"

"Bukas ko na 'to papasa Andro kaya kailangan ko muna 'tong tapusin. Tsaka don ka na nga sa kabilang kwarto, don ka matulog. Hindi porke nahahalikan mo ako'y pwede ka ng tumabi sakin"

"Mmhh really?"

"Yep"

"Stop doing that first"

"Nope"

"Magpahinga ka na muna"

"No—

Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng kunin nya sakin ang laptop ko at sinara 'to. Nang masara nya na'y saka ipinatong sa study table.

"Andro I need to finish that"

Hinila nya ako at nang maupo sya sa kama pina-upo nya ako sa mga hita nya.

"2 weeks Melody, I miss you so much"

Ibinaon nya ang muka nya sa leeg ko kaya napa-kislot ako ng dahil sa kiliti.

"I miss you"

He's starting to kiss my neck until he reach my ear. Dahil masyadong sensitive ang tainga ko napa-ungol ako.

His lips started to travel on my cheek, and when he rich my lips he bite it. I open my mouth and he enter his tongue.

Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko at parang nanunuyo ang laway.

"Kiss me back honey"

Honey...I miss that endearment...really.

I close my eyes and kiss him back.