webnovel

Kulitan

(A/N) - not an update. Commercial lang ganern! Isa kase ako sa mga hindi nakakatiis ng isang araw na walang kanin, katulad ni Shantell! Nag enjoy ako habang tinatype tong kalokohan na to. Hhahahahahhahahah

-----------------

(Shantell POV)

Panibagong araw nanaman, at ngayong araw mag-uumpisa ang schedule ko sa paghuhugas. So Princess Sarah ako ngayon at sa susunod pa na mga araw. Tss.

Nakita ko si Lucy na nakabihis, aalis ata kaya naman nilapitan ko ito.

"San punta mo?"

"Market" maikling sabi nito. Oo nga pala, after kasi ni Almira ay siya na sa pagluluto samantalang si Selena sa paglilinis ng dorm.

Speaking of her ay nagkaayos na kami. Nagsorry na siya sa akin which is okay at tsaka wala lang din naman yun sakin.

"Sasama ako!" Excited kong sabi na tinanguan niya naman.

"Hep hep hep hep! Walang aalis na hindi ako kasama!" Well that's Shia. Habang malapad na nakangiti.

Hindi rin ako mamomroblema dahil may monthly allowance namin kami. 500 Gold! Oh diba? May pera na ako! May pambili na ako ng bigas!!!!

Kasalukuyan kaming namimili ng mga stock namin sa dorm, I mean si Lucy pala dahil ako busy ako sa paghahanap ng bigas!

Napadpad ako dito sa bilihan ng mga seeds. Sobrang dami at iba't-ibang klase ng seeds at sa wakas! Nahanap ko na din ang hinahanap ko.

"bibilhin ko to. Magkano?" Tanong ko sa tindero. Nginitian muna ako nito bago sumagot.

"Isang pilak ang isang sako ng white seed binibini" Seryoso? 1 silver ang isang sako nito? Bat ang mura naman ata.

Tinignan ko ng maigi ang bigas, magkapareho lang naman sila sa bigas ng Pilipinas. Kumuha ako ng isang piraso at kinain ito. Nagulat pa ang tindero sa ginawa ko pero wala akong pake! Confirmed! Bigas nga to kaya binili ko na.

"Maraming salamat Binibini, maaari ko po bang malaman kung saan ko ipapadala ito? " sinabi ko na sa dorm ipapadala.

Ang sosyal no? May tagahatid ng mga pinamili mo. Umalis na ako doon at pinuntahan si Shia at Lucy sa kabilang tindahan. Mukhang patapos na din sila  kaya napagdesisyonan na naming bumalik sa dorm.

Nahagip ng mata ko si Damon na nasa veranda. Hinihimas himas nito ang isang sisiw na nakapatong sa hintuturo nito kaya lumapit ako dito upang tignan ito.

"Ano yan? " tanong ko sabay turo sa sisiw.

"Isa itong sanggol na Thunder Bird" sagot nito. Tama naalala ko na ang Thunder Bird ay malaki ang papel sa kaharian dahil sila ang nagsisilbing mensahero dito dahil sa taglay nitong bilis.

"Ang Thunder Bird ay nanggaling sa Thunder Palace, isa ito sa mga ikinabubuhay namin. Kami ang nagsusupply nito sa buong kaharian." Paliwanag ni Damon.

Ngayon ko lang napansin na kulay pilak ito na may puting shade sa pakpak tapos asul ang ulo nito. Ancute!

"Sana magkaroon din ako niyan!" Nagagalak kong sabi. Ngumisi si Damon at hinarap ako.

"Maaari kung mayroon kang 500,000,000 gold. Pwede ka na makabili nito" nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.

"Grabe! Ganyan kamahal yan? Sisiw lang naman yan eh! " iniwan ko siya doon na tumatawa tawa. Baliw! Sayang gusto ko pa naman sana nun pero naalala ko 500 gold lang ang mayroon ako hahaha.

Habang nagluluto si Lucy ay nakisabay na din ako, nagluto ako ng dalawang baso ng bigas. Oh God! I miss this.

Nagtataka si Lucy pero hinahayaan niya lang ako. Tss trip ko to okay? Kung ayaw niyo nito pwes ako gusto ko. Ilang araw na akong walang kain ng kanin no!

Nakapaghanda na kami para sa lunch. Seryoso nila akong tinitignan na parang sinasabi nilang seryoso ka? Kakainin mo yan?

"Hayy ano ba naman kayo! Kung gusto niyo kumuha kayo, hindi naman ako madamot eh" sabi ko pero.

"Ughh no thanks"

"Pass"

"Enjoy alone"

Tss bahala nga sila jan.

Inumpisahan ko ng kumain at God!! Para akong maluluha dahil sa wakas may kanin na din.

Napansin ko si Damon na pinagmamasdan ako. Kaya nilagyan ko siya ng isang kutsara ng kanin sa pinggan niya.

"Ayan isubo mo ng buo yan pero lagyan mo muna ng maliit na hiwa ng karne" sabi ko sa kanya. Napangiwi siya at napalunok dahil hindi niya alam kung susundin niya ba ako o hindi.

Pero maya maya pa ay dahan dahan niya itong kinain, noong una ay hindi pa maipinta ang mukha niya pero kalaunan ay napangiti na ito ng tuluyan kaya pati ako ay nakangiti na rin.

"Wow!!! This is good huh! " sabi nito habang mabilis na sinusubo ang kanin. Hindi ko nga namamalayan na siya na pala nakaubos ng sinandok ko na kanin. Tss pakipot pa eh.

After namin kumain ay niligpit ko na ang ipinagkainan namin at hinugasan ito. Naghuhumm ako habang nag huhugas. Pagkatapos kung maghugas ay dumeretso ako sa salas para maupo pero laking gulat ko dahil bumukas ang pinto ng dorm at pumasok dito si Damon.

Kasunod nito ang mga nagtatrabaho sa market.

"Ayan"

"Dito niyo ilagay yan"

"Aishh!! Wag niyo ibagsak! "

"Dahan dahan sa paglagay"

"Oh ayan makakaalis na kayo"

Ayan ang mga naririnig ko sa kanya habang pinagsasabihan ang mga nagtatrabaho sa market. The eff????

Mukhang naadik ata sa bigas tong kidlat na to kaya binili lahat ng bigas sa market. Napatawa na lamang ako dahil sa kabaliwan ni Damon.

Pagkagabi ay naisipan naming dito na magdinner sa dorm.

Nagluluto si Lucy at ako naman ay magsasaing.

"Is that really good?" Tanong nito.

"Try it later" sabi ko. Mukhang hindi siya sure pero tumango naman siya.

"Hi Shanty!! Pansin ko mas lalo kang gumanda ngayon huh, tapos mas lalong kumikinang yung buhok mo," naningkit ang mata kong tinignan siya. Si Damon.

"Kailangan mo?" Napakamot siya sa ulo niya at tinuro ang bigas.

"Hingi ako niyan" nginuso niya ang bigas.

"What is it again? Bagas, ah no bogas, gibas? " ang cute niya tignan habang hinuhulaan ito.

"It's bigas" kuminang ang mata niya pagkarinig niya ng sinabi ko.

"Marunong palang humingi ang magnanakaw?" Panunukso ko sa kanya.

"Huh? Magnanakaw saan?" Lingon lingon niya sa paligid kaya inikutan ko nalang ito ng mata.

"Bigas ang tawag dito kapag hindi pa ito naluluto, kapag naluto na kanin ang tawag dito. Kapag ito naman ay hindi naubos, kaningbaboy ang tawag dito hahahhahahahah" malakas akong napatawa sa sinabi ko. Alam kung hindi nila yun gets kaya nakatulala sila sa akin. Hahahhaha

Nagulat ako dahil habang kumakain kami ay nakikain na din sina Lucy, Shia, Almira at Lucas ng kanin. Tanging si Grim, Selena at Kael lang ang hindi. Pero nagulat ako dahil, kinulang pa yung sinaing ko! Grabe antatakaw naman pala nila lalo na tong kawatan na ito na umuubo ubo dahil nabilaukan ata. Hahahaha.